Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ang Punongkahoy At Ang Iyong Ministeryo
Ang Punongkahoy At Ang Iyong Ministeryo
Ang Punongkahoy At Ang Iyong Ministeryo
Ebook35 pages25 minutes

Ang Punongkahoy At Ang Iyong Ministeryo

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Marami sa atin ang hindi nakakaunawa kung paano ang kuwento ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama sa Bibliya ay mayroong kaugnayan sa atin. Iniisip natin na iyon ay isang sawing kaganapan na nakaapekto kina Adan at Eba at na tayo ay nakaligtas mula rito. Tunay ka na nga bang nakaligtas mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama?
Sa tuwirang aklat na ito, mapagtatanto mo na ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama ay umiiral pa rin hanggang sa ngayon. Matutuklasan mo rin na nagpapakita pa rin ito ng parehong tukso sa atin tulad ng ginawa nito kay Adan at Eba. Matutuklasan mo rin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyong makapaglayag sa buhay at ministeryo gamit ang kaalaman na nakuha mo sa aklat na ito.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986362
Ang Punongkahoy At Ang Iyong Ministeryo
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ang Punongkahoy At Ang Iyong Ministeryo

Related ebooks

Reviews for Ang Punongkahoy At Ang Iyong Ministeryo

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ang Punongkahoy At Ang Iyong Ministeryo - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang Punongkahoy ng Pagkaalam ng Mabuti at Masama

    At pinatubo ng PANGINOONG Dios sa lupa ang lahat ng punong kahoy na nakalulugod sa paningin, at mabuting kainin; gayon din ang punong kahoy ng buhay sa gitna ng halamanan, at ANG PUNONG KAHOY NG PAGKAKILALA NG MABUTI AT MASAMA.

    Genesis 2:9

    Hindi nauunawaan ng karamihang Kristiyano ang lugar ng punongkahoy ng pagkaalam ng mabuti at masama sa ating mga buhay. Madalas nating iniisip na isa iyong sinaunang punongkahoy na umiral noong panahon nina Adan at Eba. Naniniwala tayong na ang punongkahoy na ito ay may nakalalasong bunga, na kapag kinain ay makakapatay sa kumain.

    Sa kasamaang palad, si Adan at si Eba ay kumain mula sa punongkahoy na ito at sila ay namatay. Kapag binabasa natin ang kwentong ito, iniisip natin sa ating mga sarili, Nakakalungkot para kay Adan at Eba na nakain nila ang nakalalasong bunga na ito, at salamat dahil hindi tayo kailanman matutukso ng naturang punongkahoy.

    Sa aba natin, dahil ang totoo’y kailangan nating harapin ang punongkahoy na ito at ang mga bunga nito. Ang kailangan mong mapagtanto ay umiiral pa rin ngayon ang punongkahoy ng pagkaalam ng mabuti at masama. Inihaharap nito sa atin ang kaparehong tukso, tulad ng ginawa nito kay Adan at Eba. Ipinakikita nito ang kanyang sarili bilang panghalili sa Diyos.

    Kapag nakakain ka ng bunga mula sa punongkahoy na ito, malalaman mo kung ano ang tama at ano ang mali. Malalaman mo ang mga bagay na mabuti at mga bagay na masama. Kapag taglay mo na ang kaalamang ito (ng kung ano ang tama at kung ano ang mali) hindi mo na talaga kailangan pang sabihan ng Diyos kung ano ang dapat mong gawin. Maaari ka nang maglayag sa buhay at ministeryo gamit ang kaalamang iyong natamo.

    Hindi malinaw para sa mababaw mag-isip kung ano ang mga maaaring maging nakawawasak na epekto ng pagkaalam sa mabuti at masama. Ang totoo, hindi ito kaalaman tungkol sa kasamaan, kundi kaalaman tungkol sa mabuti at masama. May iisang ginagawa ang punongkahoy na ito sa iyo, at iyon ang pinakamasamang maaaring mangyari! Inihihiwalay ka nito mula sa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1