Вы находитесь на странице: 1из 2

Alamat ng Tamang Pagtapon ng Basura

Ting! Ting! Ting! Maingay na batingaw ng trak ng basura ay paparating na sigaw ng isang kapitbahay. Sunud-sunod na ingay na batingaw ng trak ng basura ang dumarating tuwing araw ng miyerkules at biyernes sa kalye ng Narra sa lungsod ng Marikina. Maayos na sana ang ganitong patakaran ngunit kung minsan hindi parin maiiwasan ang mga ilang problema sa pagtatapon ng mga basura. Tuwing maghahakot ang mga basurero ay nagmamadali ang lahat, sa pagmamadali ng isang kapitbahay ay naitulak siya ng isa pang nagmamadali rin, dahil baka maiwanan na ng trak ng basura ang kanyang basura. Dahil doon nadulas siya at tumilapon ang hawak-hawak niyang supot ng mga basura. Agad na kumalat ang mga ito at sadyang napakarami, sari-saring klase ng basura, may malansang laman loob ng isda, basagbasag na piraso ng bote ng alak, mga gamit ng pasador, lata ng sardinas at iba pang patapong bagay. Hindi lang doon natatapos ang kamalasang iyon, dahil ang mismong basurero ay minalas din na sugatan ang kanyang daliri sa basag na pirasong bote sa basura. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay may nakasaksi at lubusang naawa sa lahat ng nangyari ng dahil lamang sa pagtatapon lamang ng basura. Siya ay si Lita isang mag-aaral na nakatira sa lungsod ng Marikina na sinasabing isa sa malinis na lungsod sa Maynila. Ngunit pagkatapos ng nangyari bigla siyang napaisip na bakit kailangan mangyari ang lahat ng iyon dahil lang sa basura. Para sa kanyan kasi ang lahat ng problema ay may solusyon, kung ito lamang ay mas pagtutuunan ng pansin. Inumpisahan niya ito sa kanyang sarili, araw ng linggo minabuti niyang maglinis siya ng kanilang bahay at doon niya napagtanto na napakarami palang bagay na patapon na sa kanilang bahay kaya inilabas niya ang lahat ng ito. May nabubulok at di- nabubulok, bago paman niya ilagay sa plastik ay biglang niyang naisip ang nangyari sa araw na

nagtapon ng basura ang kanilang kapitbahay at sinabi niya sa sarili na ayaw niya na itong maulit pa at kalian man ayaw niyang mangyari ito sa kanya. Kaya pinagbukod-bukod niya ang nabubulok at di-nabubulok. Upang maging mas magaan ang pagtatapon at maging maayos hindi iyong mas lalo pang kumalat ang kalat. Pagdating ng kinabukasan hindi siya nag-atubili na imungkahi ito sa kanilang mga kapitbahay at ipaliwanag. Dumating na ang araw ng muling pagtatapon ng basura sa lugar nila mangilan-ngilan lang ang sumunod ang iba talaga ay walang pakialam. Kung sino pa ang may mas maraming basura ay sila pa ang hindi sumunod. Dahil doon na walan ng gana ang mga basurero kuhain ang ibang basurang hindi nakaayos. Sa pagkakataong iyon nakita at natauhan ang mga hindi sumang-ayon na kapitbahay. Nagulat sila na bakit ang isang mag-aaral ay naisip ang ganoong bagay samantalang silang mas nakatatanda ay wala na ngang paraan ay nakuha pang sumuway. Kung sumunod lamang sila hindi sana sila natambakan ng mga mababaho at sarisaring basura sa kanilang bahay. Simula noon ay unti-unti ng nagbago ang mga tao sa pagtatapon nila ng kanilang basura naging maayos at malinis na di-tulad ng dati. ito ba ay nabubulok o di-nabubulok. Lita tama nga ang iyong sinabi at ngayon ay natutuhan na naming lahat ang tamang pagtatapon ng basura na kahit anumang bagay dito sa mundo na patapon ay kailangan parin ng wastong pamamaraan ng pagtatapon. Magmula noon ay nagkaroon na ng tamang pagtatapon ng basura sa lungsod ng Marikina. Tulabing Leah P. katunayan nilalagyan pa ito ng tali at may kulay na sumisimbolo sa uri ng basura kung

Вам также может понравиться