Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
de Maria Cristina patungong Malecon upang tuparin ang usapan nila ni Paulita Gomez, ang kaniyang kasintahan. Dala niya ang dalawang sulat ng dalaga na kapuwa hindi kainaman ang pagkakasulat subalit inaari niyang hiyas ang mga ito. Nakikinita-kinita na niya ang pagmamataas ng nobya kaya umaasa na siyang mapuputol na ang kanilang pag-iibigan. Sa kabila ng matinding pagpapahalaga sa karangalan kapalit ng pag-ibig at sa tungkulin kahit na magtiis, sumisiksik pa rin sa damdamin ang di-matingkalang lungkot habang ginugunita ang masasayang araw ng kanilang pamamasyal, pag-uusap ng mga walang kabuluhanng bagay subalit para sa kaniya, ang mga ito ay nagdudulot ng tamis. At higit sa lahat, ang mga pangarap niya para sa bayan ay alang-alang sa kasintahan. Malalim na buntunghininga ang hinugot niya sa dibdib para magluwag ang pagsisikip nito. Isinusumpa tuloy ang mga palabas, nakaraan at darating pa. binuo sa sariling ipatitikim kay Juanito ang kaniyang ngitngit sa unang pagkakataong magkaroon siya. Kulang na lamang ay banggain at awayin ang lahat ng makita at makasalubong. Ang mga tanawing dati ay nag-uudyok sa kaniyang humabi ng talinghagang ipinaloob sa mga tula ay wala na ngayong kulat at kahulugan. Napilitang pagpugayan ang dalawang Hesuwitang naging guro nang magtama ang kanilang mga mata. Nadaan si Isagani sa may bantayog ni Anda. Naulinigan niyang pinag-uusapan ang mahiwagang pagkakasakit ni Simoun. Ayaw raw nitong tumanggap ng dalaw kahit na ng mga alagad ng heneral. Naisip tuloy ng binata ang mga sundalong sugatan at may sakit na wala man lang makaisip na dumalaw. Talagang malaki ang nagagawa ng yaman, kapangyarihan at katanyagan ng tao. Ang tao nga naman! at malumbay na nagbuntunghininga si Isagani. Naisip niyang sa mga mayaman at makapangyarihan, lahat ay nais dumalaw. Samantalang sa mga kapos-palad na kawal sugatan, may sakit, may kapansanan, walang nakaisip dumalaw nang taos sa loob. Kalat na ang dilim, wala pa si Paulita. Unti-unti nang kumakaunti ang mga tao sa Malecon. Nagpupuntahan na ang mga ito sa Bagumbayan upang doon ipagpatuloy ang paglilibang. Ang mga daong sa dagat ay naiilawan na. nawawalan na siya ng pag-asang makausap ang nobya nang makauliig siya ng ingay ng sasakyang papalapit isang karuwaheng hila ng dalawang kabayong puti ang nabuo sa kaniyang paningin. Maliksing bumaba si Paulita na nag-ukol agad sa kaniya ng ngiting humihingi ng pakikipagkasundo. Mahimalang nabago ang kapaligiran ng binata. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sapagkat naglaho ang pagpupuyos ng kaniyang kaloobang kani-kanina lamang ay halos tumupok sa buo niyang pagkatao. Kapagkadakay nailayo siya ni Donya Victorina at tulad ng dati, masigasig itong nag-usisa sa kinaroroonan ng asawang nawawala o nagtatago. At tulad ng dati, nagkaila siya pagkat sa kanila nagpakupkop ang kulang-palad nitong asawa.
Sabihin mo sa kaniyang patay o buhay ay kailangang makita ko siya. Matagal ang sampung taong paghihintay para makapag-asawang muli ang isang tao, ang wika ng donya. Muntik nang masamid si Isagani. Diyatat may balak pang bumiktima ng isa pa ang matandang babae? At lalong daig pa niya ang nabikig nang tanungin siya tungkol kay Juanito. Wala siyang nagawa kundi ang umayon sa inaasahan ng donya. Pinuri niya ang kuba kahit na alam niyang ito ay kasinungalingan. Siyang-siya naman si Donya Victorina. Salamat sa kaibigan ng dalaga at nagkasarilinan sila ng kasintahan. Sa halip na ang dalaga ang pagpaliwanagin, siya ang nagpaliwang. Sa bandang huli, lumabas na siya pa ang may malaking pagkukulang sa dalaga. Talaga yatang ganoon ang labis na umiibig. Nauwi sa tawanan ang dapat sana ay masinsinang pag-uusap. Sa kanilang pagkakatuwa, naipagtapat sa katipan nang di-sinasadya ang lihim ni Don Tiburcio. Nangako ang dalagang hindi ito sasabihin sa tiyahin subalit binuo na rin sa isip na ipagtatapat ito sa matanda sa unang pagkakataong dumating sa kaniya. Nauwi ang usapin nila sa lalawigan ni Isagani. Inilarawan ng binata ang pook na iyon na hindi raw niya ipagpapalit sa alinmang bahagi ng lungsod. Doon daw siya nakadarama ng laya, sa piling ng kalikasan, sa walang hanggang gubat at kabundukan, sa di maabot-tanaw na karagatan. Subalit ngayon, magiging makulay lamang iyon kapag kapiling niya ang dalaga. Halata man ni Isagani ang kalamigan ni Paulita sa kaniyang ipinahahayag tungkol sa tinubuang bayan, buong damdamin pa rin siyang nagpatuloy. Noong hindi ka pa dumarating sa buhay ko, libangan na para sa akin ang maglibot sa kagubatan, matulog o mamahinga sa lilim ng puno, umupo sa isang malaking bato o magmuni-muni habang minamasid ang payapang dagat. Kung minsan naman, ang mariing paghampas ng kaniyang mga alon sa dalampasigan ang inihahanap ko ng kahulugan. Isang aliw ng buhay ko ang pakikinig sa malamyos na huni ng mga ibon, lalo na at pumapayapa sa aking kaluluwa. At sa tuwing mamasdan ko ang bukang-liwayway, lalong naghuhumindig sa aking damdamin ang pag-asa sa kalayaan at kaunlaran ng aking bayan. Hindi maglalaon, alam ko iyan ay magiging katuparan! Hindi mapilit ni Paulitang makiisa ang sarili sa damdamin ng katipan. Naisip niya ang hirap ng paglalakbay patungo sa lalawigang tinutukoy nito ang mga bundok at gubat na kailang lakbayin bago sila makarating sa pook na sinaabi ng kasintahan. Hindi pa man, kinikilig na siya sa mga linta at insektong kakaharapin kung sakali. Hindi siya sanay sap agod at paano niya masusunod ang kinagisnang kaaliwan ng buhay sa lungsod? Dahil ditto, panay na pasubali ang tugon niya sa binata. Sinikap ng binatang payapain ang nag-aalapaap na damdamin ng dalaga. Sinabing nalalapit na ang mga pagbabago tungo sa pag-unlad ng bayan. Parang ahas daw na gagapang sa mga bundok at gubat ang mga daang-bakal na magpapagaan sa paglalakbay. Lilitaw ang mga pagawaan at magkakaroon ng naglalakihang gusali, mabubuhay ang kalakalan at gagalaw ang mga daungan. Tulad ng maunlad na Inglatera, kikilos ang industriya, ang pagsaka at karunungan sa kalinga ng kalayaan at ng mga batas na walang kinikilingan.
na akong magtype