Вы находитесь на странице: 1из 3

KABANATA V BUOD NA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga natuklasan at konklusyon mula sa mga inihaing

resulta ng isinagawang survey at ang rekomendasyon ay mula naman sa kabuuang pagaaral ng mga mananaliksik. NATUKLASAN (BSCS) Sa 45 na respondente na tinanong ng mga mananaliksik na kung saan ito ay ang mga mag aaral ng mag-aaral ng STI College Caloocan na kasalukuyang nasa ika apat na taon at kumukuha ng programang BSCS. Natuklasan ng mga mananalisik na Sa unang talahanayan ay tungkol sa kung saan ang pokus ng programang BSCS. Sa 45 na respondente na pinasagot sa talatanungan na ginawa ng mga mananaliksik na mayroon magkaibang tugon na kung saan mayroon 25 o 71.43% na bahagdan ang sumagot na sa larangan ng programming ang pokus ng programang BSCS at may 4 o 11.43% na bahagdan ang sumagot para sa software. Sa pangalawang talahanayan naman ay tungkol sa kung ano ang kayang gawin ng isang mag-aaral na nakapagtapos ng programang BSCS na kung saan mayroong 20 o 57.14% na bahagdan ang tumugon na computerized system ang kayang gawin ng isang mag-aaral na nakapagtapos ng BSCS, samantalang 6 o 17.14 na bahagdan ang tumugon para sa kompyuter games.

Sa pangatlong talahanayan ay tungkol sa kung saang asignatura nahihirapan ang isang mag-aaral ng BSCS na kung saan mayroong 32 o 91.43% na bahagdan ang tumugon na sa Major subject sila nahihirapan, samantalang may 3 o 8.57% na bahagdan ang sumagot ng iba pang kasagutan. Sa pang-apat na talahanayan ang tungkol sa alin asignatura nahihirapan ang mga magaaral ng BSCS na kung saan mayroong 32 o 91.43% na bahagdan ang tumugon na sa minor subject sila mas nadadalian, samantalang may 3 o 8.57% ang sumagot sa iba pang kasagutan. Sa pang-limang talahanayan ay tungkol sa anong assignatura magkaparehas ang mga mag-aaral ng BSCS at BSIT na kung saan mayroong 32 o 91.43% na bahagdan ang tumugon na sa minor subject magkaparehas ang BSCS at BSIT, samantalang may 3 o 8.57% na bahagdan ang sumagot sa iba pang kasagutan. Sa pang-anim na talahanayan ay tungkol sa anong asignatura magkaiba ang mga magaaral ng BSCS at BSIT na kung saan mayroong 32 o 91.43% na bahagdan ang tumugon na sa major subject magkaiba ang BSCS at BSIT, samantalang may 3 o 8.57% na bahagdan ang sumagot sa iba pang kasagutan. Sa pang-pitong talahanayan ay tungkol sa anong taon magkaparehas ang tinuturo sa mga mag-aaral ng BSCS at BSIT na kung saan mayroong 22 o 62.86% na bahagdan ang tumugon na sa unang taon magkaparehas ang pinag-aaralan ng BSCS at BSIT, samantalang may 13 o 37.14% na bahagdan ang tumugon na sa pangalawang taon. Sa pang-walong talahanayan ay tungkol sa kung anong taon magkaiba na ang tinuturo sa mga mag-aaral ng BSCS at BSIT na kung saan mayroong 34 o 97.14% na bahagdan ang

tumugon na sa pangatlong taon magkaiba na ang pinag-aaralan ng BSCS at BSIT, samantalang may 1 o 2.86% na bahagdan ang tumugon na sa pang-apat na taon. Sa pang-siyam na talahanayan ay tungkol sa ano ang kadalasang nakukuhang trabaho ng isang mag-aaral na nakapagtapos ng programang BSCS an kung saan mayroong 22 o 62.86% na bahagdan ang tumugon na programmer ang kadalasang nakukuhang trabaho ng isang mag-aaral na nakapagtapos ng programang BSCS, samantalang may 3 o 8.57% na bahagdan ang tumugon para sa system analysts. Sa ika-sampung talahanayan ay tungkol sa lahat ba ng mga mag-aaral ng nakapagtapos ng BSCS ay magaganda ang nakukuhang trabaho na kung saan mayroong 35 o 100% na bahagdan ang tumugon na maganda ang nakukuhang trabaho ng mga estudyanteng nakakapagtapos ng programang BSCS.

Вам также может понравиться