Вы находитесь на странице: 1из 7

This is the story of my twin classmates in Cavite State University. They are Mar tha and Maria.

Martha gave me the permission and opportunity to put their story into texts. This story was made in honor my late classmate, Maria. What you are about to read was told in Martha s point of view. Ano ka ba, pag ang letter V ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang lett er U at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter V - Maria MORITVM TE SALVTAMVS EST DEXTRVMI CVRITE AVE VERSVS CRISTVS VERVM DE TREVI VERMI EST REFLEXVM ARVM DRI TRIPVM DEXTRVMI LENTENVM AVE SATANI Eto lamang ang huling ala-ala ng kakambal kong si Maria bago siya namatay September 12, 2002 Tandang-tanda ko ang araw na ito. Ito ang sumunod na araw matapos bombahin ng mg a terorista ang twin tower sa US. Ito rin ang araw kung saan ko huling nakasama pauwi ng bahay ang kakambal kong si Maria. Mga bandang alas-kwatro y medja na ng hapon. Nakasakay kami ng kambal kong si Ma ria ng bus pauwing Cavite City ng may nakita siyang isang lumang wallet ng lalak i sa lapag ng inuupuan naming bus. Medyo luma na ang wallet na ito; kulay itim a t medyo laspag na. May isang litrato sa loob. Tama kami ng hinala, lalake nga an g may may-ari ng wallet. Medyo may kalumaan na ang litrato. Malutong na ang pape l at black and white or should I say brown and white pa ang kulay ng litrato. Bu kod sa litrato ay mayroon ding mga nakaipit na tarheta (calling card) , papel na may sulat, reseta ng doktor, mga tickets sa bus at P78. Wala naman talaga akong habol sa wallet maliban sa P78. Gusto ko sana ay paghati an naming magkapatid yung pera, pambili kahit man lamang ng burger. Ngunit iba s i Maria. Sa aming magkapatid masasabi ko talagang mabait siya ng higit kaysa sa akin. Gusto niyang isauli namin ang wallet sa mayari dahil baka mahalaga raw ito sa kanya dahil nga may resetang nakaipit sa loob. Noong mga oras na iyon gusto niyang ibigay na lamang sa driver ng bus ang wallet. Kaya naman agad-agad akong nag-isip ng paraan upang huwag na niyang magawa ang binabalak niyang pagsaoli ng wallet sa driver. Para! Kahit mga dalawang kanto pa ang layo ng bababaan namin ni Maria ay pinahinto ko na ang bus. Dahil sa hindi pa handa sa pagbaba ay nataranta si Maria dali-daling inayos ang mga bitbit niyang gamit at bumunot ng pamasahe namin sabay bayad sa driver. Eto pong bayad, dalawa galing Tanza. Matapos magbayad at masuklian ay bumaba na rin siya. Ano ka ba Martha, dalawang kanto pa ang layo ng bahay natin dito sa pinagparahan mo Biglang bumalik sa akin ang sisi. Medyo may kalayuan nga talaga ang pinagparahan

ko ng bus. Medyo naiinis na natatawa sa akin si Maria, galing kasi kami sa dorm noon at marami kaming dalang maruruming damit kaya naman may kahirapan nga tala ga ang maglakad ng malayo. Tricycle! Lumapit ang tricycle. Una akong sumakay at sumunod naman si Maria. Sa Novero po Ano ka ba Martha, kulang na ang pera natin pangtricycle Diba may napulot kang wallet?, Ehdi yung pera muna dun ang gamitin nating pambaya d sa tricycle. Palitan nalang natin paghumingi tayo ng pera kina mama. . . . . . . . . Dyan lang po sa may gate na blue. Binayaran rin ni Maria ang driver ng tricycle gamit ang pera mula sa napulot niy ang wallet. Ma , Pa , nandito na po kami! Walang sumasagot. Walang tao sa bahay. Dumeretso ako sa kusina. Si Maria naman a y dumeretso sa kwarto namin. May sulat na iniwan si mama sa mesa sa kusina. Wala pala sina mama at papa, nagp unta sa Laguna para asikasuhin ang titulo ng lupa namin doon. Medyo nagkakagulo na rin kasi ang mga pamilya ni mama doon sa Laguna tungkol sa lupa namin nuong m ga panahong iyon. Pumasok ako sa kwarto namin ni Maria. Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya at tinitingnan kung ano ang mga laman ng wallet na napulot niya kanina. Maria nasa Laguna raw sina mama at papa para ayusin ang titulo ng lupa natin doon Martha, halika rito, tingnan mo itong sulat na nakaipit sa wallet. Ano yan? Ewan ko, baka anting-anting Latin yata yan eh. Ewan Sinubukan kong basahin ang sulat ngunit talagang mahirap bigkasin. Biglang inaga w sa akin ni Maria ang sulat. Ano ka ba, pag ang letter V ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang lett er U at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter V Asus! At saan mo naman natutunang magbasa ng Latin? Basta alam ko yan Sige nga. MORITUM TE SALUTAMUS, EST DEXTRUMI CURITE, AVE VERSUS CRISTUS, VERUM DE TREVI, VE

RMI EST REFLEXUM, ARUM DRI TRIPUM, DEXTRUMI LENTENUM, AVE SATANI Ang galing ah parang totoo, bahala ka nga sa buhay mo, kakain na ako Martha anong miryenda? Miryendahin mo ng mukha mo! Pumunta ako ng kusina, binuksan ang refrigerator at naghanap ng maaaring kainin. Samantalang, si Maria naman ay hindi na lumabas ng kwarto namin. Mga bandang al a-sais kwarenta y sinco na nang bumalik ako sa kwarto namin. O, akala ko ba magmimiryenda ka? Ayoko na. Bigla kasi akong nahilo pagtayo ko kanina kaya hindi nalang ako lumabas . Nagugutom ka ba? Hindi na, nalipasan na yata ako ng gutom Pagkasabing-pagkasabi ni Maria noon ay bigla siyang napaduwal. Kaya dali-dali si yang nagtungo sa banyo namin sa kwarto at sumuka sa lababo. Makalipas ang ilang minuto Mmm...arthaaa! Mmm arthaaa! Nanginginig na sigaw ni Maria. Parang may halong takot ang pagkakasigaw niya noo n sa pangalan ko. Nataranta ako sa ginawang pagsigaw ni Maria. Napabalikwas ako sa pagkakaupo at napatakbo papuntang banyo. Nakita ko siyang nakatungkod ang isang kamay sa lababo at ang isa ay hawak-hawak ang kanyang dibdib habang patuloy na nakatingin at umiiyak sa harap ng salamin. Baket? Anong nangyari? Maria napa-ano ka? Sunud-sunod kong tanong kay Maria. Hindi ko alam ang nangyari kay Maria sa loob ng banyo hanggang sa bigla na laman g akong natakot at kinabahan sa sumunod na nangyari Unti-unting napaluhod at umiyak si Maria. Patuloy ang kanyang panginginig. Mula sa paimpit na iyak ay unti-unti itong nagkatinig. Tinig ng hagulgol. Nakakaawa. Nakakakaba. Nakakatakot. Matibay si Maria. Matapang. Ngunit bumilis ang kaba ng dibdib ko ng makita ko an g nangyari sa kanya sa loob ng banyo. Alam kong may masamang nangyari sa kanya. Hindi basta-basta magkakaganito si Maria ng walang mabigat na dahilan. Kinabukasan Kring kring! Nag-ring ang telepono. Si mama, medyo matatagalan daw sila bago makauwi ng bahay dahil may aberya pa rin daw sa lupa. Kailangan daw maayos iyon bago umuwi sina lola (ang nanay ni mama) na nasa US sa 24 (ibig niyang sabihin, September 24, 20 02).

Ok na si Maria. Parang walang masamang nangyari kahapon. Mga ilang ulit ko na ri ng pinagtangkaang tanungin siya tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari sa ka nya sa banyo, ngunit palagi niya itong iniiwasan. Minsan pa nga, palihis ang mga pagsagot niya sa aking mga tanong upang maiba ang usapan. Dumaan ang Sabado, Linggo at sa wakas Lunes na naman. Pasukan na naman. Biglang nilagnat si Maria. Medyo nahihilo raw siya. Ako na lamang daw ang pumasok at ipa gpaalam ko raw siya sa aming mga instructors. Sabihin mo sa kanila baka bukas nalang ako pumasok, masama pa kasi ang pakiramdam ko. Martes, September 17, 2002, 7:12 ng umaga. Too-toot, too-toot! One message received. Si Maria. Nwa2la ung ID me. Ndi u b ndla? Nope. Ala skin ung ID u. Bka nsa bag ng mrumi mong dmit. Ppsok n b u? Walang na akong narecived na text mula kay Maria nung araw na yun. Hanggang mga bandang alas sais ng gabi, ako na ang nagtext kay Maria. Oi, wat hapend 2 u? Msma p b pkiramdam u? Kla me ppsok n u knina? Wala pa ring reply. Siguro wala nang load si Maria. Dumaan ang Miyerkules at Huwebes. Uwian na naman. Apat na araw lang ang pasok na min nuon. Inimpake ko na ang mga marurumi kong damit at umuwi na sa Cavite City. Pagdating ko sa bahay Maria! Maria! Walang sumasagot. Binukasan ko ang pinto. Ang baho ng bahay. Amoy bulok na laman . Ang baho! Maria .Maria!

Lumabas si Maria ng banyo. Katatapos lang magsipilyo ng ngipin. Maria ano yung mabaho. Amoy patay na daga. Dyan yun sa kapitbahay. Namatay kasi yung aso nila. Nasagasaan. At matapos masaga saan ay nagawa pang makabalik ng kulungan at duon na namatay. Eh bakit hindi inilibing? Wala ang may ari. Hindi pa umuuwi ilang araw na. Hindi rin naman mailibing ng iba ng kapit-bahay dahil naka-lock ang gate. O, naka-lock pala ang gate, bakit nakalabas pa rin yung aso?

Malay ko. Naku isara mo nga yang bintana para hindi pumasok dito ang amoy. Nakakasuka. Isinara nga ni Maria ang bintana. Maya-maya pa ay naghapunan na ako. Ayaw sumaba y ni Maria sa akin dahil nawalan daw siya ng gana. Isa pa nagsipilyo na raw siya ng ngipin. Kaya mag-isa nalang akong kumain. Nang matutulog na ako ay tumabi nalang ako kay Maria. Double-deck kasi ang kama namin. Ako sa itaas at si Maria ang sa ibaba. Ayoko sa itaas. Tapat na tapat sa bintana ang mukha ko. Tiyak na langhap na langhap ko ang amoy ng namatay na aso sa kabila. Nang nahiga ako, amoy parin ang baho ng patay na aso. Dumikit na yata sa kama na min ang amoy kaya nag spray ako ng air freshener. Bat hindi ko naisip yan? Oo nga, ilang araw ka nang nagtitiis ng amoy dito, hindi mo man lamang naisipang mag-spray ng air freshener. Kinabukasan Unang nagising sa akin si Maria. Paglabas ko ng bahay nakita ko siyang nanunuod ng T.V. Alas diyes na pala. Martha kumain ka na. Nandyan yung tinapay sa mesa. Yung palaman natatakpan ng pla to. Normal ang araw na iyon at ang mga sumunod na araw. Linggo ng hapon, inaayos ko na ang mga damit ko na dadalhin ko papuntang dorm. B alak kong umuwi na sa dorm at duon na lamang matulog kahit ala-una pa ng Lunes a ng pasok namin ni Maria. Ikaw hindi ka ba sasama? Hindi na. Hindi pa ako naglalaba ng mga gamit ko nuong nakaraan. Marurumi pa ang uniform ko. Mamaya pa ako maglalaba. O sya paano? Uwi na ako sa dorm? Sige. Lunes, magtatanghali na. Hindi pa rin bumabalik ng dorm si Maria. Sinubukan ko m ag missed call. Sorry, your balance is not enough to make this call. Please reload your phone imm ediately. Wala na akong load pang missed call. Kaya itinext ko nalamang si Maria. Oi, nsan n u? Nsa bhay p me. Hndi me nkapaglaba ng dmit khapon dhil ala ng tubig. Ngaun plang m e ngla2ba. Natapos ang araw. Medyo nakakapagod. Ang lalayo kasi ng mga building namin. Pagd ating sa dorm,nagpahing na ako. Mahaba ang tulog ko noong araw na iyon. Marahi n

ga ay dahil sa pagod. Miyerkoles, September 25, 2002, 9: 23 A.M. Ngayon ang araw ng paguwi nila lola mula sa U.S. siguradong may pasalubong kamin g stateside. Eto rin ang araw na nagpagimbal sa akin. Alas nueve beintetres ng umaga. Nagising ako sa isang text. Isang number ang nag register sa cellphone ko nang binuksan ko, si Mama pala. ANG KPATID M PTAY N. UMUWI K AGAD. MAMA

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi nararamdaman ng kataw an ko. Hindi ako umiiyak ngunit nakatulala. Naligo ako. Nagayos ng sarili. Nagay os ng gamit at umuwi na. Hindi man lamang sumagi sa isip ko kung nanloloko ba an g taong iyon, o si kung mama ba talaga iyon. Ni hindi ko rin man lamang naisip n a magreply sa number na iyon. Basta ang alam ko lang kailangan kong umuwi. Habang papalapit na ang sinasakyan kong tricycle sa bahay, napansin as ang ilan sa mga gamit namin sa bahay. Bukas ang gate at maraming ko agad si mama. Nakita ko siyang umiiyak at may binabasang papel. an ko, isa pala itong autopsy result. Pina-autopsy nila ang bangkay Ma anong nangyari? Nasaan ka ba? Hindi ka ba umuwi sa bahay? Umuwi po. Bakit ano po ba ang nangyari kay Maria? Inabot sa akin ni mama ang autopsy result. Nagulat ako at nanlamig. Ayon sa resu lt labing tatlong-araw nang patay si Maria. Natagpuan siyang patay sa ilalim ng kama. Naaagnas na. Nanginig ako. Nanlamig. Sino ang nakasama ko sa bahay nuong umuwi ako noong Huwe bes? Sino ang nakatabi ko sa pagtulog? Sino ang nagrereply sa mga texts ko kay M aria? Natatakot ako, kinakabahan. Lalo pa ng makita ko ang kapitbahay namin. Psst Tagpi! Labas dito! Si Tagpi. Ang asong sinabi ni Mariang nasagasaan at namatay sa kulungan. kong nakalab tao. Hinanap Nang tiningn ni Maria.

Hanggang ngayon ay malaking palaisipan parin sa akin ang nangyari kay Maria. Mal aki ba ang kahulugan ng sulat na napulot namin sa bus? Sinubukan kong hanapin an g kahulugan ng salitang Lating iyon at ayon sa napag-alaman ko, ganito ang kahul ugan noon: Ang salitang MORITVM (moritum) ay nangangahulugan ng kamatayan, ang SALVTMVS (sa lutamus) ang nangangahulugang to salute or to give honor, TREVI means life, ang AVE VERSVS CRISTVS (ave versus cristus) means hail the anti-christ, ang REFLEXVM (reflexum) ay nangangahulugang reflection, ang DEXTRVMI LENTENVM (dextrumi lent enum) means there will be a wake (lamay) after thirteen days at ang AVE SATANI ( ave satani) ay nangangahulugang hail Satan. Sa madaling salita, ito ay spell. Ayon sa aking nabasa, ito ay ginagamit ng mga tao upang magpakamatay. Ginagamit rin nila ang spell na ito upang ihain o ihando g ang sarili nila sa demonyo upang magkaroon ng masaganang ani ang kanilang maii wang pamilya. Sa loob ng labing tatlong araw ay makikita mo ang taong nagbasa ni to ngunit ang totoo pala ay ito ay isang repleksyon lamang niya. Matatagpuan nal

amang ang katawan niya thirteen days after reading the spell. Ngunit isa sa ipinagtataka ko ay bakit hindi naman nangyari sa akin iyong nangya ri sa kapatid ko? Nasagot rin ang tanong kong iyan. Ayon sa librong The Latin Mys tery ni Johannes Burnt, mahalaga raw ang paraan ng pagbabasa. Marahil isa sa nagl igtas sa akin ay ang kamangmangan ko sa pagbabasa ng wikang Latin. Ikaw ba? Paano mo binasa 'yung Latin? Hmm... ganito na lang, kung sakaling hindi na kayo makabasa ng mga posts ko dito sa blog ko makalipas ng labing-tatlong ar aw, alam ninyo na ang ibig-sabihin nun. Wala akong internet.

Вам также может понравиться

  • Sulat Sa Birhen
    Sulat Sa Birhen
    Документ2 страницы
    Sulat Sa Birhen
    Kilrone Etulle
    100% (1)
  • Sulat Sa Birhen
    Sulat Sa Birhen
    Документ2 страницы
    Sulat Sa Birhen
    Kilrone Etulle
    100% (1)
  • Mik MikPaMore TORMENTED UNIVERSITY
    Mik MikPaMore TORMENTED UNIVERSITY
    Документ131 страница
    Mik MikPaMore TORMENTED UNIVERSITY
    JEWELLJOYZ PARCOPAEZ
    Оценок пока нет
  • Lihim NG Tatlong Buwan
    Lihim NG Tatlong Buwan
    Документ6 страниц
    Lihim NG Tatlong Buwan
    Carmen T. Tamac
    Оценок пока нет
  • Project Loki (Volume 1 Completed and 2 On-Going)
    Project Loki (Volume 1 Completed and 2 On-Going)
    Документ473 страницы
    Project Loki (Volume 1 Completed and 2 On-Going)
    cam Uyanguren
    Оценок пока нет
  • Project Loki:)
    Project Loki:)
    Документ314 страниц
    Project Loki:)
    Shyrlle Gabiaso
    Оценок пока нет
  • Kwentong Lihim NG Tatlong Buwan
    Kwentong Lihim NG Tatlong Buwan
    Документ5 страниц
    Kwentong Lihim NG Tatlong Buwan
    Gloren Marcos
    0% (1)
  • Ang Lihim Ni MARITES
    Ang Lihim Ni MARITES
    Документ3 страницы
    Ang Lihim Ni MARITES
    Mary Jane D. Lugod
    Оценок пока нет
  • Aralin II - Pagbibigay-Alam Sa Kinauukulan Tungkol Sa
    Aralin II - Pagbibigay-Alam Sa Kinauukulan Tungkol Sa
    Документ9 страниц
    Aralin II - Pagbibigay-Alam Sa Kinauukulan Tungkol Sa
    fernando
    Оценок пока нет
  • Memo 14
    Memo 14
    Документ16 страниц
    Memo 14
    alexander reignford
    Оценок пока нет
  • Araw NG Mga Patay
    Araw NG Mga Patay
    Документ3 страницы
    Araw NG Mga Patay
    analyn bonzo
    Оценок пока нет
  • YML Kung Kasalanan Man SPG (Fin)
    YML Kung Kasalanan Man SPG (Fin)
    Документ7 страниц
    YML Kung Kasalanan Man SPG (Fin)
    Padul Sebido Daryl
    Оценок пока нет
  • HILAKBOT
    HILAKBOT
    Документ4 страницы
    HILAKBOT
    Mikee Guevarra
    Оценок пока нет
  • But As
    But As
    Документ19 страниц
    But As
    Em-em E. Engallado
    Оценок пока нет
  • Activity 6
    Activity 6
    Документ3 страницы
    Activity 6
    Mharwen jay Beltran
    Оценок пока нет
  • Naglalakad Ako Ngayon Sa Gitna NG Kalsada
    Naglalakad Ako Ngayon Sa Gitna NG Kalsada
    Документ2 страницы
    Naglalakad Ako Ngayon Sa Gitna NG Kalsada
    Mark Joseph Baroma
    Оценок пока нет
  • Dula NG Mga Bangkay
    Dula NG Mga Bangkay
    Документ5 страниц
    Dula NG Mga Bangkay
    ledchane14
    Оценок пока нет
  • A Miracle
    A Miracle
    Документ159 страниц
    A Miracle
    Dana Erica D. Carandang
    Оценок пока нет
  • KLARA1
    KLARA1
    Документ6 страниц
    KLARA1
    Ani Pearl Panganiban
    Оценок пока нет
  • Mga Batang P. O. (Police Officer) - 4
    Mga Batang P. O. (Police Officer) - 4
    Документ20 страниц
    Mga Batang P. O. (Police Officer) - 4
    Wattpad Wattpad
    Оценок пока нет
  • BUOD
    BUOD
    Документ3 страницы
    BUOD
    harpy
    Оценок пока нет
  • The Mafia Boss - Wife
    The Mafia Boss - Wife
    Документ169 страниц
    The Mafia Boss - Wife
    Alyssa Bustaliño
    Оценок пока нет
  • Ang Nakaraaan Sa Ilog
    Ang Nakaraaan Sa Ilog
    Документ5 страниц
    Ang Nakaraaan Sa Ilog
    Adviento20
    Оценок пока нет
  • Montello High - School of Gangsters (Awesomely ...
    Montello High - School of Gangsters (Awesomely ...
    Документ654 страницы
    Montello High - School of Gangsters (Awesomely ...
    Erika Jayne Pasiolan Pahila
    100% (7)
  • Prologue
    Prologue
    Документ234 страницы
    Prologue
    Vilma Fabillar Padilla
    Оценок пока нет
  • Orca Share Media1705807638351 7154675800766635380
    Orca Share Media1705807638351 7154675800766635380
    Документ361 страница
    Orca Share Media1705807638351 7154675800766635380
    Merzanitas Santiago
    Оценок пока нет
  • Guro Ko Na 1st Time Ko
    Guro Ko Na 1st Time Ko
    Документ3 страницы
    Guro Ko Na 1st Time Ko
    Anthony Gio L. Andaya
    Оценок пока нет
  • Guro Ko Na 1st Time Ko
    Guro Ko Na 1st Time Ko
    Документ4 страницы
    Guro Ko Na 1st Time Ko
    hurtofrevenge24
    Оценок пока нет
  • Kabagyan at Ang Bagong Paraiso
    Kabagyan at Ang Bagong Paraiso
    Документ15 страниц
    Kabagyan at Ang Bagong Paraiso
    ATANES, JAN VINCENT
    Оценок пока нет
  • Kulam
    Kulam
    Документ7 страниц
    Kulam
    Humada Rukiya
    Оценок пока нет
  • DAMSEL SERIES 02 - Truly, Madly, Deeply
    DAMSEL SERIES 02 - Truly, Madly, Deeply
    Документ86 страниц
    DAMSEL SERIES 02 - Truly, Madly, Deeply
    Angela
    Оценок пока нет
  • Trilogy 2
    Trilogy 2
    Документ6 страниц
    Trilogy 2
    daniela英俊
    Оценок пока нет
  • Maikling Kwento
    Maikling Kwento
    Документ6 страниц
    Maikling Kwento
    Sophia Bilaya
    Оценок пока нет
  • Dare Game
    Dare Game
    Документ8 страниц
    Dare Game
    Biz Reyes
    Оценок пока нет
  • Waiting For Rain
    Waiting For Rain
    Документ10 страниц
    Waiting For Rain
    Kristina Alcala
    0% (1)
  • Unbelievably in Love
    Unbelievably in Love
    От Everand
    Unbelievably in Love
    Оценок пока нет
  • Deklamasyon Akalaing Buhay Pa Siya
    Deklamasyon Akalaing Buhay Pa Siya
    Документ2 страницы
    Deklamasyon Akalaing Buhay Pa Siya
    aqou too
    Оценок пока нет
  • (SPG) Hes A Beautiful Mess
    (SPG) Hes A Beautiful Mess
    Документ119 страниц
    (SPG) Hes A Beautiful Mess
    Queene Mendoza
    Оценок пока нет
  • 5 6107263385458444582
    5 6107263385458444582
    Документ55 страниц
    5 6107263385458444582
    nyong22
    Оценок пока нет
  • Torpelin
    Torpelin
    Документ10 страниц
    Torpelin
    Marwin Joseph Guzman Catindig
    Оценок пока нет
  • Between Good and Evil
    Between Good and Evil
    Документ17 страниц
    Between Good and Evil
    Joeshela Saldua
    Оценок пока нет
  • Demon Yo
    Demon Yo
    Документ2 страницы
    Demon Yo
    Jun Isaac M. Bulquerin
    100% (1)
  • Again and Better: Fallen Again
    Again and Better: Fallen Again
    От Everand
    Again and Better: Fallen Again
    Рейтинг: 5 из 5 звезд
    5/5 (8)
  • V Dwxivqlpjk 8
    V Dwxivqlpjk 8
    Документ3 страницы
    V Dwxivqlpjk 8
    CARLO JOSE BACTOL
    Оценок пока нет
  • Ang Naglayas
    Ang Naglayas
    Документ3 страницы
    Ang Naglayas
    Dinahrae Vallente
    Оценок пока нет
  • Soju's Bed Time Story by Kuya Soju
    Soju's Bed Time Story by Kuya Soju
    Документ76 страниц
    Soju's Bed Time Story by Kuya Soju
    Arabella
    Оценок пока нет
  • Magdaraya FINALS-PT
    Magdaraya FINALS-PT
    Документ4 страницы
    Magdaraya FINALS-PT
    angel kate Taladtad
    Оценок пока нет
  • Pagtanaw Sa Nakaraan
    Pagtanaw Sa Nakaraan
    Документ7 страниц
    Pagtanaw Sa Nakaraan
    Vincent Ramos Raras
    Оценок пока нет
  • Room Mates
    Room Mates
    Документ210 страниц
    Room Mates
    Pamela Besonia Bensurto
    Оценок пока нет
  • Vampire Academy
    Vampire Academy
    Документ190 страниц
    Vampire Academy
    jajavinz
    Оценок пока нет
  • Translation Short Stories
    Translation Short Stories
    Документ12 страниц
    Translation Short Stories
    Kath Velasco Castro
    0% (1)
  • Sadistic Pleasure
    Sadistic Pleasure
    Документ141 страница
    Sadistic Pleasure
    Ken Cuesta
    Оценок пока нет
  • --
    --
    Документ653 страницы
    --
    Adie Pariñas
    Оценок пока нет
  • Maging Sino Ka Man
    Maging Sino Ka Man
    От Everand
    Maging Sino Ka Man
    Оценок пока нет
  • KABAGYAN
    KABAGYAN
    Документ19 страниц
    KABAGYAN
    Geomari du Gonzales
    Оценок пока нет
  • Nagparaya by Pilosopotasya
    Nagparaya by Pilosopotasya
    Документ221 страница
    Nagparaya by Pilosopotasya
    Alyssa Jovelle Victoria
    Оценок пока нет
  • Memories: Memories
    Memories: Memories
    От Everand
    Memories: Memories
    Рейтинг: 5 из 5 звезд
    5/5 (7)
  • It Was You All Along
    It Was You All Along
    От Everand
    It Was You All Along
    Оценок пока нет
  • Chasing my Dreams
    Chasing my Dreams
    От Everand
    Chasing my Dreams
    Оценок пока нет
  • Liwanag at Dugo: The Fedeos
    Liwanag at Dugo: The Fedeos
    От Everand
    Liwanag at Dugo: The Fedeos
    Рейтинг: 5 из 5 звезд
    5/5 (2)
  • Assignment #3
    Assignment #3
    Документ2 страницы
    Assignment #3
    Robert Nero
    100% (2)
  • Diwata - Chords and Lyrics
    Diwata - Chords and Lyrics
    Документ2 страницы
    Diwata - Chords and Lyrics
    Robert Nero
    Оценок пока нет
  • GR4FIL
    GR4FIL
    Документ5 страниц
    GR4FIL
    Robert Nero
    Оценок пока нет
  • DIWATA - Chordssssssssssss
    DIWATA - Chordssssssssssss
    Документ2 страницы
    DIWATA - Chordssssssssssss
    Robert Nero
    Оценок пока нет
  • Sabayang Bigkas
    Sabayang Bigkas
    Документ2 страницы
    Sabayang Bigkas
    Robert Nero
    100% (1)
  • Sabayang Bigkas
    Sabayang Bigkas
    Документ2 страницы
    Sabayang Bigkas
    Robert Nero
    100% (1)
  • Regional Memorandum 4940 Jkgdqgdhqhdfashdfasdfasddfhj
    Regional Memorandum 4940 Jkgdqgdhqhdfashdfasdfasddfhj
    Документ6 страниц
    Regional Memorandum 4940 Jkgdqgdhqhdfashdfasdfasddfhj
    Pedro Nepomuceno
    Оценок пока нет
  • MSEP Budget of Work
    MSEP Budget of Work
    Документ2 страницы
    MSEP Budget of Work
    Robert Nero
    Оценок пока нет
  • Pelc Sining Pang-Agrikultura
    Pelc Sining Pang-Agrikultura
    Документ5 страниц
    Pelc Sining Pang-Agrikultura
    Robert Nero
    Оценок пока нет
  • Salik
    Salik
    Документ1 страница
    Salik
    Robert Nero
    Оценок пока нет
  • Epp Handouts Agriculture
    Epp Handouts Agriculture
    Документ2 страницы
    Epp Handouts Agriculture
    Robert Nero
    Оценок пока нет