Вы находитесь на странице: 1из 4

PASASALAMAT

Nais kong pasalamatan, una ang mga mahal ko sa buhay, sa aking anak na si Krethzie na siyang nagsilbi kong inspirasyon upang ang munting aklat na ito ay maisulat. Pasasalamat din sa ating Punongbayan Atty. Jose F. Mendoza sa pagbibigay sa akin ng karapatang maisulat na muli ang mga alamat ng ibat ibang barangay sa bayan ng Atimonan. Gayundin sa Punong Barangay ng Angeles Kgg. Jerry D. Gasco Sr. na siyang sumuporta upang ang alamat na ito ng Barangay Angeles ay mabuo. Sa Departamento ng Lokal na Turismo sa bayan ng Atimonan sa pangunguna ni Gng. Cecilia de Torres, kay Sir Frankie , kay Bb. Manuelita Veranga ng Pambayang Silid-aklatan, sa EPS ng Filipino Gng. Nimfa V. de Veluz, EPS ng Araling Panlipunan G. Walter F. Galarosa, Pandistritong Superbisor G. Angel L. Regencia, sa Punongguro III G. Calixto S. Blazo, sa aking Ulungguro III Gng. Nemesia M. Anda, kay Gng. Jeanien E. Cervantes at Gng. Minerva C. Luna na aking mentor, sa Ulongguro ng Mababang Paaralan ng Angeles Gng. Luisa P. Ayapana , at sa lahat ng nagbigay ng suporta. Lalot higit sa Poong Lumikha. Maraming Salamat po.

May akda

Kinabukasan makalipas ang napakasamang panahon ay natuklasan ng taong bayan na nawala sa panggitnang dambana ng Simbahang Katoliko ang pintakasi ng Nuestra Seora de los Angeles. Nagkagulo ang buong bayan dahil sa paghahanap sa nawawalang imahen.

Hanggang matuklasan nila na ang nawawalang pintakasi ay nasa bulwagan ng kuweba na matatagpuan sa isang bundok na ang pangalay Aloco. Napakalaking kagalakan ang naramdaman ng taumbayan dahil sa pagkakatuklas sa nawawalang imahen.Iniuwi nila sa kabayanan ang imahe at dinala sa Tanggapan ng Kapitan ng Munisipal, inilagak at dooy buong kataimtimang inilawan at tinulusan ng mga kandila. Inalis nila ang imahe sa dati nitong kinalalagyan sa gitnang dambana ng Simbahang Katoliko. Laking pagtataka pa rin ang bumalot sa isipan ng mga taumbayan kung paanong napunta sa kuweba ng Aloco ang imahen.

Ang salaysay ng isang mangingisda, na nooy nasa laot ng dagat na nakakita rin sa mga paparating na sasakyang pandagat ng mga Moro, natuklasan ng taong bayan, kahit siya ay hindi rin niya makita ang pampang ng dagat sa Atimonan sapagkat napakadilim at parang napakaraming puno ng Dapi ang makikita sa kabayanan ng Atimonan.

Вам также может понравиться