Вы находитесь на странице: 1из 4

KABANATA I Introduksyon

A. Kapaligirang Pangwika ng Pag-aaral

Ang konsepto ng pagtutuos ay maiuuri din para sa negosyong pang serbisyo subalit may roon din mga termino na maaaring magamit para sa negosyong pagbebenta na kung maaari ay mayroong mga skedyul at pagtutuos para sa record ng mga benta (Manuel, 2010).

Ang isang tao na bumibili at nagbebenta ng kalakal o paninda ay tinatawag na tagabenta. Bumili ka ng sapatos sa maramihan at nagtayo ka ng bagong tindahan. Kung hindi naman ay bumili ka ng kalakal na pagkain sa Pure Foods o San Miguel Corporation at nagtayo ka ng isang grosery. Ang tagabenta ay maaari maging mamamakyaw o maniningi. Ang mamamakyaw ay isang indibidwal na bumibili ng mga paninda sa maramihan upang ibenta din sa ibang mamamakyaw o maniningi. Ang maniningi ay isang indibidwal na bumibili ng paninda sa tagagawa ng produkto o sa mamamakyaw upang ipagbenta ng tingitingi sa mga mamimili (Manuel, 2010).

Ang negosyong pagbebenta ay gumagamit ng maraming porma ng negosyo at mga dokumento para matulungang malaman ang mga transaksyon na dapat maitala sa libro ng negosyo. Ang mga pinagmulang dokumento ay naglalaman ng mahahalagang inpormasyon tungkol sa pinagmulan at halaga ng transaksyon (Ballada,2009).

Pamamahalang pang negosyo ay dapat malaman kung anung klase ng sistema o kombinasyon ng sistema ang dapat gamitin para maabot ang gusto ng kompanya. Ang dalawang esensyal na sistema para mapangalagaan ang dami ng paninda ay ang perpetual inventory system at ang periodic inventory system (Needles, Jr.; Powers and Crosson, 2008).

Ang paningin ng riserts na ito ay nakatuon sa paraan ng pagkatuto ng esensyal na gampanin ng pagtutuos sa negosyong pagbebenta kaysa sa pagtatalakay ng sistema ng pagtutuos sa pagbebenta na kung saan mas komplikado.

B. Layunin ng Pag-aaral

Sa pangkalahatan, hinahangad ng pag-aaral na ito na maipaliwanag at maipaintindi ang kahalagahan pagtutuos sa negosyong pagbebenta na ginagamit ng mga negosyante o indibidwal bilang isang midyum para makakuha ng benta at tubo mula sa mga paninda na naka inbentaryo sa libro ng negosyo. Layunin ng pag-aaral na ito na matulungan ang mga estudyante na naglalayong kumuha ng kursong pagtutuos na madali nilang maintindihan ang lektura ng kursong ito.

C. Pagpapahayag ng Suliranin Sinisikap ding sagutin ng pag-aaral ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Ano ang papel ng pagtutuos sa pagbebenta? 2. Ano ang kahalagahan ng siglo ng mga paninda? 3. Paano naapektuhan ng pagsasaayos na tala ang operasyon ng pagbebenta?

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Mga estuyante ng pagtutuos. Ang mga estudyante ng pagtutuos ay makikinabang mula sa pag aaral na ito dahil magagamit nila ang kaalaman na nakapaloob sa pag-aaral na ito para maintindihan nila ang batayang papel ng pagtutuos sa negosyong pagbebenta bago sila pumasok sa kurikulum na ito.

Mga guro at propesor ng pagtutuos. Ang mga guro at propesor ng pagtutuos ay makikinabang mula sa pag-aaral na ito dahil magagamit nila ang mga ideya at kaalaman na nilalaman ng riserts na ito. Matutulunga sila ng pag aaral na ito sa pagpapahayag na mga bagong kaalaman sa mga bagong estudyante.

Mga mananaliksik sa hinaharap. Napakahalaga ng riserts na ito para sa mga mananaliksik sa hinaharap kung gumagawa din sila ng kagayang pag-aaral espesyal na kung merong malaking pangangailangan sa pagtutuos dahil maraming numero ng mga negosyo pa din ang nangangailangan ng pagtutuos sa panahon ngayon.

Mga Negosyante. Ideya at kaalaman ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga negosyante upang malaman nila ang pangunahing papel ng pagtutuos kapag naisipan nilang mag tayo ng sariling negosyo. Pinapadali nitong maintindihan ng mga negosyante ang tunay na kahalagahan ng pagtutuos.

E. Metodolohiya ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay gumamit ng pangalawang mapagkukunan ng inpormasyon katulad ng libro, journal at datos galing kompyuter. Ang metodolohiya ginawa ng mananaliksik ay ang pagkuha ng mga bibliyograpiya mula sa mga pangalawang mapagkukunan ng inpormasyon. Sumunod ay gumawa ng mga palatandaan na kung saan

ang mga sinulat ng manunulat ay nakapaloob, at ang buod na pinaikli ang pag-aaral. Makalipas makatapos ang mananaliksik sa mga naunang proseso, pinasa na ako kanyang draft o burador. At huling ipinasa ang huling burador sa propesor.

F. Depinisyon ng mga Termino Pagtutuos. Bilang malawak na pagpapakahulugan, ay proseso ng pagtukoy, pagsukat at pagdugtong sa mga inpormasyon galing sa ekonomiya upang payagan sa maalam na paghusga at desisyon mula sa mga gumagamit ng inpormasyon (Ballada, 2009). Pahayag sa Pananalapi. Nagawa na sa maraming beses patungkol sa kalagayan ng pananalapi, pagganap ng pananalapi at pagdaloy ng salapi sa negosyo kung saan ang inpormasyong ito ay kailangan ng mga gumagamit. Paninda. Kumakatawan sa dami ng bagay o produkto na binili ng merchandiser para muling ibenta sa mga mamimili. Imbentaryo ng Paninda. Ito ang pangunahing kadahilanan upang matukoy ang halaga ng benta. Tagapagbenta. Isang indibidwal na bumibili at nagbebenta ng mga gamit at produkto. Pagbebenta. Isang uri ng negosyo na kung saan ang pagbili at pagbenta ng isang produkto ay nagaganap. Kabuuang Benta. Ito ang kabuuang benta o kita ng isang kompanya. Pagbili. Maraming pagbili ng produkto ng merchandiser na kung saan ito ay maibebentang muli sa mga mamimili.

Вам также может понравиться