Вы находитесь на странице: 1из 9

Taclobo High School Dumaguete City Filipino 2 Unang Markahang Pagsusulit Panuto: Basahin at unawaing mabuti and texto

at mga pahayag. Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa patlang ng bawat bilang. Malaki ang bahaging ginagampanan ng sector ng pangangalakal sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa. Mataas na bahagdan ang naitutulong nito sa GNP at sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga manggagawa. Ang sektor ng pangangalakal ay binubuo ng kalakalang panloob at panlabas. Ang kalakalang panloob ay nauukol sa kalakalang pagtitingi at pangkalahatan ng ibat-ibang uri ng produkto. Ang kalakalang pangkalahatan ay tumutukoy sa pagbili ng bago at segundamanong produkto sa mga nagtitingi. Ang mga tindahan naming nagtitingi ay kumita lamang ng kulang sa tatlong libo bawat buwan. ____1. Ang binasang texto ay nasa uring A. Deskriptiv B. Narativ C. Informativ D. Argumentativ ____2. Ang tonong na naghahari sa texto ay A. nanlibak B. masaya C. nanghihinayang D. malungkot ____3. Ang mga salitang GNP, pangangalakal at sektor ay pawing A. formal na salita B. kolokyal C. di formal D. balbal ____4. Ang texto ay tumutukoy sa isyung A. hanapbuhay C. tulong ng sektor ng pangangalaga ng ekonomiya B. ekonomiya D. pag-unald ng bansa ____5. Ang mga salitang tsika, natiklo at ermat ay mga salitang A. formal B. salitang lansangan/balbal C. di formal D. wala Suriin ang pahayag kung itoy positibo o negatibo ____6. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. ____7. Hindi pa huli ang lahat para ipatupad ang Clean Air Act. ____8. Maraming sasakyan sa ating lansangan na dapat ma-phase out. ____9. Patuloy ang pagdagsa ng mga segundamanong sasakyan sa Pinas. ____10. Nakabubuti ang Clean Air Act para sa kalusugan ng mamamayan. ____11. Uri ng texto na nagpapakita ng mga propisyona SA umiiral na konsepto sa pagitan ng konsepto, may pagsang-ayon o pagsalungat. A. Argumentativ B. Expositori C. Narativ D. Informativ Basahin: Malaki ang naitutulong ng turismo sa ating ekonomiya. Ilan daang milyong dolyar ang pumapasok ngayon sa ating bansa dahil sa turismo. Nakikilala ang Pilipinas sa buong mundo bilang isang kaakit-akit na bansa. Naganyak ang maraming samahanng pandaigdig na magdaos ditto ng kanikanilang pagpupulong. Ngunit ito ay nagbabantang magbago dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan nang umusbong ang isang kaguluha. Nanamlay ang dating payapa at papaunlad na ekonomiya dahil untiunti itong pinapatay ng mga anay at salot salipunan. ____12. Ang nabasang texto ay nasa uring A. Expositori B. Narativ C. Argumentativ D. Informativ ____13. ANg tonong naghahari sa texto ay

A. malungkot B. masaya C. panghihinayang D. nanlibak ____14. Ang pangahalip na atin sa unang pahayag sa texto ay cohesive devices na A. Anapora B. Metapora C. Katapora D. wala sa tatlo Tukuyin ang salitang may salungguhit. ____15. Nagsikap siya sabuhay kaya nakamit ni Ana ang tagumpay. A. Anapora B. Katapora C. Metapora D. wala sa tatlo ____16. Makatutulong daw ito sa pagpapalaganap ng pagkakaisa sa bansa. A. Katapora B. Metapora C. Anapora D. wala sa tatlo ____17. Maraming plano ang pangulo at isa sa mga ito ay magtayo ng paliparan. A. Anapora B. Metapora C. Katapora D. wala sa tatlo ____18. Sinabing ayusin niya ang buhay upang umasenso habambuhay. A. Anapora B. Katapora C. Metapora D. wala sa tatlo Basahin: Sa paglipas ng panahon , nagkaroon ng pagbabago sa tradisyunal na ekonomiya. Ang kaalamang pang-teknolohiya ay nagbubunga ng pagbabago, pag-unlad sa paglikha ng mga produkto. Hindi na naging pantay ang distrubusyon, nagkaroon nan g sobrang produkto (surplus) na napunla sa kamay ng iilan. Nagkaroon ng konseptong relasyon sa pag-aari, sa mga indibidwal. Kung noon subsistence farming ang katangian ngayon hindi na. Ang mga tao ay nagkaroon ng pananaw na kumita mula sa produktong nilikha. Ang lupa na salik sa produksyon ay pag-aari nan g iilan kayat nagbabayad ng upa ang mga ito sa mga walang lupang sakahan. ____19. Ang binasang texto ay nasa uring _________. A. Deskriptiv B. Informativ C. Argumentativ D. Persweysiv ____20 ang tonong naghahari sa texto ay A. nanhinayang B. malungkot C. masaya D. nanlibak ____21. Ang konseptong hatid ng binasang texto ay A. sakahan B. produksyon noon at ngayon C. teknolohiya D. wala ____22. Ang mga salitang subsistence, teknolohiya, at produkto ay A. kolokyal B. di formal C. formal D. Balbal ____23. Ang direktang palitan ng produkto ay A. subsistence B. reproduksyon C. barter D. ekonomiya ____24. Ang ibig sabihin ng kayod-kalabaw ay A. naghhirap B. umaasenso C. nag-aararo D. gawa nang gawa ____25. Ang kahulugan ng walang alalahanin ay A. di mapakali B. napalagay C. nag-iisip D. nag-aalala ____26. Di matarok ni Menandro and nagpapabalisa kay Florante. A. maabot B. makuha C. maramdaman D. mamasdan ____27. Kapag ganito ang senaryo parang nasa langit ang mga Pilipino. A. nag-ibayong saya B. malungkot C. lumilipad D. umunlad ____28. Modernong ekonomiya na nag binigyang diin n gating pinuno. A. makaluma B. usong-uso C. makabago D. teknolohiya ____29. Subsistence farming ang uri ng produksyon noon. A. nagtatanim C. pag-aararo B. pagtatanim para sa sariling konsumo D. pag-uupa ng lupang sasakahan ____30. Uri ng texto na naglalahad ng impormasyon ayon sa tiyak na panahon at lugar at petsa ng pangyayari. A. Informativ B. Deskriptiv C. Narativ D. Ekspositori ____31. Textong naglalahad ng mahahalagang impormasyong naghatid kabatiran para sa mambabasa. A. Informativ B. Narativ C. Ekspositori D. Deskriptiv ____32. Ang damdaming nangingibabaw sa texto ay

A. Layon B. tono ng texto C. binigyang-diin D. konsepto ____33. Ang produksyon ay nakaranas nan g pagbabago mul a sa sariling konsumo hanggang sa pamilihan. nakaranas nan g pagbabago mula sa sa riling konsumo hanggang sa pamilihan. nakaranas nan g pagbabago ang istruktura ng ekonomiya sa pagpasok ng ispesyalisasyon. Ang binigyang diin sa texto ay A. pag-unlad B. ispesyalisasyon C. pagbabagong sitwasyon D. ekonomiya ____34. Ang pagbabagong nangyari ay dulot ng A. pagpasok ng ispesyalisasyon C. pamilihan B. teknolohiya D. teknolohiya ____35. Nahaharap sa istwasyon ang mga pamilyang Pilipino noon kahit sa ngayon na kayod kalabw pa rin. Ang tonong naghahri ay A. masaya B. malungkot C. nagdamdam D. hinanakit ____36. Ang kabataang Pinoy ay salaaming kasisinagan ng hinaharap ng bansa kaya tawag sa kanila ay pag-asa ng bayan. Damdaming naghahari sa texto ay A. malungkot B. pananakot C. . kasiya-siya D. hinanakit Tukuyin kung ang sumusunod na salita ay kung anong pamantayan ng wika ____ 37. asungot, kesihoda A. balbal B. formal C. Kolokyal D. lalawiganin ____38. kabataan, pamahalann A. formal B. lalawiganin C. balbal D. di formal ____39. erpat, tekla A. di formal B. kolokyal C. lalawiganin D. balbal ____40. edukasyon, pamilya A. kolokyal B. formal C. balbal D. lalawiganin ____41. Ang katoto ni Florante ay si A. Adolfo B. Osmalik C. Menandro D. Briseo ____42. Ang sadya ng hari ng Krotona ay A. mamanhikan B. humingi ng tulong C. makiramay D. wala ____43. Ang nakapagpapalungkot kay Florante sa pagbabalik sa Albanya A. kay Laura B. pagkagalit kay Adolfo C. namatay si ina ____44. Ang nagpapabalisa kay Florante sa isip A. pag-ibig kay Laura B. pakidigma C. pagiging lider D. kalabang si Osmalik ____45. Si Maring Lencio sa Krotona ay bilang _________ ni Florante. A. kaibigan B. kalaban C. kapitbahay D. ninuno ____46. Pagkakataong muntik ng napatay ni Adolfo si Florante A. sa sabungan B. eskwelahan C. dula-dulaan D. wala ____47. Ang guro ni Florante sa Atenas ay A. Antenor B. Adolfo C. Aladin D. Osmalik ____48. Ang akdang Florante at Laura ay isang A. Kurado B. Maikling kwento C. Awit D. nobela

Good Luck

Dumaguete City Filipino 2 Ikaapat Markahang Pagsusulit Pangalan: ____________________________ Taon/Pangkat:______________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti and texto at mga pahayag. Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa patlang ng bawat bilang. Basahin: Maraming gawaing pangkabuhayan ang mga Pilipino. Nangunguna rito ang pagsasaka. Ang iba ay pagtotroso, pagmimina, at pang-aalaga ng hayop at panghahabi. Nangangalakal din sila hindi lang sa loob ng basa kundi pati na rin sa karatig na na bansa tulad ng Tsina, Hapon at Borneo. Ang pamamaraan ng bilihan ay tinatawag na Barter o palitan ng kalakal. Ang mga lugar ng kalakalan ay ang Mandarin. Dito nilalagak ng mga dayuhang mangangalakal ang kanilang paninda. Pamumuhay nila ito noon. ____1. Ang binasang texto ay nasa uring A.Deskriptiv B. Narativ C. Argumentativ D. Informativ ____2. Textong nagpapakita at nagbibigay kaalaman sa mga tiyak na pangyayari A. Informativ B. Deskriptiv C. Persweysiv D. Prosijural ____3. Textong naglalayong maglahad ng kaisipan upang mahikayat ng tao A. Deskriptiv B. Narativ C. Persweysiv D. Argumentativ ____4. Textong naglalayong maglahad ng imprmasyon tungkol sa pag-aanalisa ng isang tiyak na konsepto A. Ekspositori B. Argumentativ C. Narativ D. Deskriptiv ____5. Ang nabasang textong Sining at Palakasan ay nasa uring A. Deskriptiv B. Informativ C. Ekspositori D. Narativ Basahin: Masalimuot na gawain ang pakikinig sa musika. Hindi dapat making sa musika dahil sa pananabik o tindi ng damdamin o dahil sa pagnanasang mapasigla ang kaisipan. Hindi maisusulay ang isang musika ng isang kompositor kung hindi sa nais lamang nyang gisingin ang ulan. Imposibleng mapaghiwalay ang kaisipan at damdamin sa pakikinig ng musika sapagkat pinagsasama ito ng tao sa pagtugon sa kapaligiran. Sa tunay na buhay, kumikilos ang tao ayon sa dahilan. May damdamin siya sa mga bagay na kanyang nalalaman at nararanasan. Madaling masalin ng musika ang damdamin ng tao. Nagbibigay sa tao ng ibat-ibang damdamin ang bawat isa o bawat pagpapalit ng tunog. ____6. Anong kaisipan ang binibigyang diin sa texto? A. damdamin sa musika B. pakikinig sa musika C. masalimuot ang musika ____7. Alin ang salitang nagpapahayag ng pagtanggi? A. upang B. Hindi C. sapagkat D. dahil ____8. Masalimuot ang pakikinig sa musika. Ibig sabihin A. magulo B. mahinahon C. maayos D. masama ____9. Ang salitang nagpapahayag ng pagtanggap ay? A. kung B. dahil C. sapagkat D. dahil ____10. Di dapat makinig sa musika dahil sa pananabik o tindi ng damdamin . A. abusuhin ang musika C. pampalipas ng sama ng loob B. pakinggan ang musika ayon sa kabuuan nito D. pampaalis ng kalungkutan ____11. Imposibleng mapaghiwalay ang damdamin at kaisipan sa pakikinig ng musika.

A. opinyon B. katotohanan C. paniniwala D. mithiin ____12. _______rin kung marunong tayong protektahan an gating sarili. A. Dapat B. kung maari C. mas mabuti D. mainam ____13. Huwag magpunta sa madilim/liblib na lugar ________________. A. kung maari B. mas mabuti C. mainam siguro D. dapat na ____14. _________ malaman na ingatan ang damdamin n gating mga magulang at kapamilya upang maiwasan ang gulo. A. marapat B. huwag C. higit na mainam D. siguro ____15. _________ paglingkuran ang mga matatanda at mga magulang habang silay nabubuhay pa. A. Siguro B. Mas maganda C. nakabubuting D. Nais ____16. __________kung pangangalagaan ng mga anak ang relasyon nila sa kanilang magulang. A. Higit na mainam B. Nararapat C. Siguro D. Mabuti ____17. Upang mapasaya ang kalooban ng ating mga magulabg at ayon sa aral ni Confucius, ___________ na pagbutihin panng lalo ang pag-aaral. A. mabuti kung B. higit na mainam C. kailangan D. dapat ____18. Hindi dapat husgahan ang kakayahan ng ibang tao. A. opinyon B. negatibo C. positibo D. mithiin ____19. Sadyang pinag-ukulan ni Cory ng panahon ang pag-iibayong pahalagahan ang karapatang pantao. A. positibo B. opinyon C. negatibo D. mithiin ____20. Naransan noon ng mga Pilipino ang kakaibang kahirapan at pang-aabuso sa regimeng Marcos. A. opinyon B. negatibo C. positibo D. mithiin ____21. Lubhang malaki ang maitutulong ng Nasyonalismo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa. A. opinyon B. negatibo C. positibo D. paniniwala ____22. Dapat nating ipakita ang malabis na pagmamahal natin sa ating bansa. A. opinyon B. positibo C. negatibo D. mithiin ____23. Tunay na sa proseso ng Nasyonalismo tayo ay maaring magtalo o di magkasundo. A. negatibo B. positibo C. opinyon D. mithiin ____24. Hanggat ninanais ni Confucius na kumilos ang tao ________ ng kanyang pananaw sa buhay. A. pareho B. magkasinggaling C. kagaya D. gaya ____25. Inaasam-asam ng ating pamahalaan na umasenso ang tao ________ ng mga tao sa Japan. A. tulad ng B. kapareho ni C. kawangis ni D. kasinggaling ____26. ___________ sipag sana ang mga Pilipino/ Asyano sa mg Koreano at Hapones sa larangan ng hanapbuhay. A. magkasing B. kagaya ng C. kawangis ni D. tulad ni ____27. Dahil sa labis na pagsusumikap ng mga Asyano ________ ginagawa ng mga taga-Europa ay unti-unti ng lumalago ang kabuhayan nila. A. pareho B. tulad ng C. magkasingtulad D. gaya ng ____28. Ang pagpiptagan sa mga nakatatanda at kapwa tao mahirap ka man o mayaman ay imunungkahi, at binigyang-halaga ni Confucius ____________ ng pagmamano sa mga nakatatanda. A. katulad ng B. kawangis ni C. pareho D. tulad ni ____29. Hindi maipagkaila na __________ uunlad lalo ang isang tao kung magsusumikap kaysa ibang taong paliguy-ligoy lang sa buhay. A. mas B. lalo C. pareho ni D. katulad ng ____30. __________ maipagkakaila na halos pare-pareho ang istilo at pananaw sa paghahanap buhay ng mga Asyano. A. ayaw B. hindi C. ngunit D. ayoko ____31. Matapos pag-ibayuhin ang Nasyonalismo sa bansa __________ dapat ipag-walang-bahala ito ng mga mamamayang Pilipino. A. hindi B. ayaw C. ngunit D. ayoko ____32. Di madugo ang ating rebolusyon noon sapagkat ________ dugong dumanak o nasawi sa

lansangan. A. ayaw B. wala C. dili D. hindi ____33. Radikal ngunit _______ madugo ang rebolusyon natin noon. A. wala B. ayaw C. hindi D. ayoko ____34. Noong araw naging ugali na ng mga Pilipino ang umasa sa tulong na nagbubuhat pa sa ibang bansa ngunit may pagkakataong __________ na. A. hindi B. wala C. ayaw D. dapat ____35. Ang kabataan ang Pag-asa ng Bayan Ang pahayag ay may kaakibat na A. responsibilidad din sa mga magulang sa anak. B. tungkulin ng kabataan na dapat gawin C. may tiwala sa sarili at disiplina nito D. lahat ng nabanggit ____36. Panahon na upang patunayan ninyo na hindi na kayo pangarap lamang ngunit isang katuparan. Ibig sabihin ay.... A. isagawa/ isakilos ang nararapat na tungkulin B. pabayaan ang responsibilidad C. magpaakay lamang sa mga magulang D. wala sa nabanggit ____37. Ang bakas ng pagkakasakop ng Kastila sa bansa ay naiwan sa sining at kalinangan ng mga Pilipino. Ibig sabihin ay.... A. makabuluhan ang pagmamahal sa sining/ kultura B. may positibong dulot din ang pananakop noon. C. magagaling sa pagsasayaw at pagpinta D. natutong maglilok ____38. Sa kasalukuyan, pinaigting pang lalo ang programang palakasan. A. pinag-iibayo ang palakasan C. minaobra B. pinalaganap D. pinagsisihan ____40. Mahalaga ang musika sa mga Asyano. itoy nangangahulugang A. mahilig din sa awit ang pinoy C. masuwerte sa sugal B. pampasigla ng kaalaman D. pampukaw ng interes ____41. Ang dahilan ng paglipas ni Flerida kay laura sa kamay ni Adolfo A. gahasain ito B. nadapa C. binugbog D. hinablot ____42. Ang panambitan lagi ni Florante kay Laura ay nangangahulugang A. laging laman ng isip C. inaasam B. naalis sa isip D. minaliit ____43. Ang unang hakbang na nagawa nina Flerida at Aladain bago namuno ay A. nagpabinyag B. namasyal C. nagpakasal D. nagliwaliw ____44. Minahal ng labis ni Adolofo si Laura kung kayat naging sakim siya kay A. hari ng Albanya B. Florante C. mga kawal D. Menandro ____45. Ang naging damdamin ng mga tao sa pagbabalik ni Florante ay A. maalalahanin B. masaya C. pagkaawa D. hinanakit ____46. Ang naging wakas ng awit na akda ni Francisco Baltazar A. madamdamin B. malungkot C. masaya D. mahabagin ____47. Ang itinuring na katotong tapat kay Florante ay si A. Menandro B. Aladin C. Menalipo D. Ali-Adab ____48. Ang naging aral sa buod ng Florante at Laura ay di hadlang ang A. pagkakaibigan sa paggawa ng mabuti B. relihiyon kung gagawa ka ng mabuti C. kakayahang dulot ng relihiyon D. pagkatao sa relihiyon

Taclobo High School

Dumaguete City TALAHANAYAN NG ISPISIFIKASYON Filipino 2 Unang Markahang Pagsusulit

KOMPETENSI
Nakababasa at natutukoy ang tiyak na uri ng ng texto at tono nito

BAHAGDAN (%)

BILANG

LOKASYON

16.67

1, 3, 13, 16 17, 5, 36

Nakasusuri at nakikilala ang pamantayan ng wika, tiyak na bahagi ng pananalita

12.5

2, 4, 21, 24, 25, 38

Nasusuri at natutukoy ang tiyak na ipakahulugan ng pahayag, salita at ang kaisipang nais ihatid sa mambabasa Nakikilala ang halagang pangkatauhan, emosyong ipinahiwatig sa pahayag, ang binigyang diin sa texto

14.58

7 12, 20

12.5

15, 18, 22, 23 26, 28

Nakikilala ang kahulugan ng sinalungguhitang salita parirala at idyomatikong salita/ parirala Natutukoy ang tiyak na kahulugan ng mga uri ng texto at ang paliwanag nito Nakikilala ang pahayag na positibo, negatibo at opinyon lamang.

10.42 8.33

5 4

6, 14, 21, 22 30, 31, 32, 34

12.5

35, 37, 39 , 40, 42

Nakasasagot ng wasto sa mga katanungan hinggil sa awit na Florante at Laura

12.5

43 - 48

Taclobo High School Dumaguete City TALAHANAYAN NG ISPISIFIKASYON Filipino 2 Ikalawang Markahang Pagsusulit

KOMPETENSI

BAHAGDAN (%)

BILANG

LOKASYON

Nakikilala ang mga tiyak na pahayag na nagsasaad ng pahiwatig. Natutukoy ang tiyak na salita o parirala na naglalarawan Nakikilala at natutukoy ang tiyak na ipakahulugan ng pamagat at uri nito Nakikilala ang pahayag kung itoy sanhi o bunga batay sa salaysay na nakapaloob sa texto. Nakapupuno sa patlang ng bawat bilang ng mga salitang angkop sa pagbuo ng mga pahayag na nagpapaliwanag at pangatwiran kaugnay sa texto. Nakikilala ang mga pahayag kung itoy opinyon o paniniwala batay sa nilalaman ng texto. Natutukoy ang tiyak na salita na nabuo mula sa inilahad na larawang diwa na nakikita sa texto. Nakikilala ang tiyak na pariralang nagsilbing kaganapang aktor at tagatanggap sa loob ng bawat pahayag. Natutukoy ang tiyak na sagot ayon sa hinihingi ng bawat pahayag na nakapaloob sa akdang Florante at Laura

14.58

17

10. 42

1-5

12.5

6 - 11

8.33

12 - 15

8.33

16 - 19 27 33

14.58

10.42

34 - 38

8.33

39 - 42

12.5

43 - 48

Taclobo High School Dumaguete City TALAHANAYAN NG ISPISIFIKASYON Filipino 2 Unang Markahang Pagsusulit

KOMPETENSI
Natutukoy ang tono ng texto ayon at sa pamamagitan ng tiyak na bahagi at uri ng texto.

BAHAGDAN (%)

BILANG

LOKASYON

10.42

15 6 11

Natutukoy at naibibigay ang kaisipang nais ihatid ng manunulat sa mambabasa. Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salita o parirala na nagpapakilala ng alternatibong solusyon Natutukoy ang mga pahayag na positibo, negatibo at opinyon lamang. Nakakapuno ng angkop na salitang ginamit sa mga pahayag na may pagtutulad Nagagamit at napupuno ng angkop na panangging salita sa pagbuo ng kasalungat na pahayag. Nakikilala at natutukoy ang tiyak na ipakahulugan ng mga pahayag. Nasasagot ang tiyak na katanungan sa mga tanong hinggil sa awit na Florante at Laura

12.5

12.5

12 17 18 23 24 30 31 36 37 42 43 48

12.5

14.58

12.5

12.5

12.5

Submitted by: L. M. Serquia

Вам также может понравиться