Вы находитесь на странице: 1из 2

Sining Pang-Agrikultura Kabutihang Naidudulot ng Paghahalaman 1. Nagbibigay ng sapat na pagkain 2. Nagbibigay gamut sa may mga sakit 3.

Nakadaragdag sa kita ng pamilya 4. Nakapagbibigay ng ehersisyo 5. Nakapagpapaganda sa kapaligiran 6. Nakapipigil ng polusyon sa hangin 7. Nakapipigil sa pag-aanas ng lupa 8. Nakapagbibigay ng makabuluhang pagpalipas ng araw 9. Nakapagbibigay ng kasiyahan sa sarili Salik sa Paghahalaman 1. Topograpiya ka ayusan ng lupa. Ito ay patag. 2. Uri ng lupa ay kailangang mataniman ng mga halamang tumutubo sa maputik, mabuhangin at mabuhaghag na lupa. 3. Sikat ng araw Sagana sa sikat ng araw. Dapat din tumanggap ng sikat ng araw sa maghapon ang napiling pook, sapagkat ang init ng araw ay kailangan sa paggawa ng pagkain ng lumalaking halaman 4. Maayos na daan upang madaling maisapamilihan ang mga punla at maging magaan ang paghahatid at pagbibili ng mga ito. 5. Pinagkukunan ng tubig malapit sa pinagmumulan ng tubig ang pook, sapagkat ang tubig ay isa sa mga salik sa paghahalaman. Ibat ibang Paraan ng Pagtatanim ng mga Halamang Puno, Prutas, Ornamental, Medisinal at Halamang Gulay 1. Kailangan ang halamang puno, prutas, ornamental, medicinal at halamang gulay ay itatanim sa paraang makabagong teknolohiya (BIG Bio Intensive Gardening) 2. Dapat magkaroon ng tamang pagitan o layo ang bawat hilera ng mga halaman. 3. Ang lupang taniman ay dapat ihandang mabuti bago pagtaniman. 4. Ang abono ay dapat ihalong mabuti sa lupa bago pagtaniman. 5. Ang pagtatanim ng ibat ibang halaman ay dapat nasa tamang panahon. Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pag-aalaga ng Halaman 1. Ang mga kasangkapan ay dapat na tama ang paggamit at hindi tamang iiwan ng nakataas ang matulis na bahagi. 2. Ang gamot o local na pansugpo sa peste at sakit ay dapat nakatago na hindi maabot ng maliliit na bata. 3. Dapat tama ang timpla/ halo ng lokal na gamot ayon sa tamang pamamaraan ng paghahalo ng gamot. 4. Maghugas ng kamay kapag natapunan ng gamot na lokal. 5. Magbomba ng gamot ng paayon sa ihip ng hangin. 6. Magsuot ng damit na mayroong mahabang manggas at pantalon. 7. Maligo matapos magbomba ng lokal na gamot/ pansugpo sa peste at sakit.

Paraan ng Wastong Paghahanda ng Lupang Taniman 1. Pumili ng magandang lugar 2. Pagbungkal ng lupa 3. Pinuhin ang lupa 4. Lagyan ng pataba 5. Pantayin ang lupa

Вам также может понравиться