Вы находитесь на странице: 1из 5

MAGING HANDA SA PANAHON NG SAKUNA. PAANO MAGING HANDA KAPAG MAY BAGYO AT ULAN?

Mahigit isang taon na rin ang lumipas nang sinalanta ang syudad natin ng Bagyong Sendong. Ilan sa mga lugar na labis na naapektohan ay ang Brgy Hinaplanon, Orchids Subdivision at Bayug Island. Noon, ang mga lugar na ito ay punung-puno ng mga pamilya na masaya sa kanilang pamumuhay, mga batang naglalaro and nag-aaral at napliligiran mga taong mga ibat-ibang pangarap sa buhay. Pero sa isang iglap, ang lahat ng ito ay nawala dahil sa matiding bagyo at baha.

Masakit mang isipin pero marami sa atin ang nawalan ng buhay dahil na rin sa kakulangan ng paghahanda ng mga tao. Marahil ay hindi natin batid and kahalagahan ng pagiging handa sa panahon ng sakuna kaya naman, andto kami para mag bigay ng kaukulang impormasyon at paalala sa lahat kung ano ang dapat gawin sa panahon ng sakuna.

PANAHON na naman ng tag-ulan. At taun-taon ay dumadaan sa bansa ang malalakas na bagyo na nagdudulot ng malaking pinsala sa mga komunidad sa siyudad at probinsya. Kung kaya,minabuti ko na maglabas ng ilang impormasyon ukol sa kahalagahan ng pagiging handa sa anumang sakuna dulot ng bagyo ( typhoon/storm ), baha ( floodings ), landslide at iba pang kalamidad. Ang hazard o panganib ay mga pangyayaring likas o gawa ng tao na maaring magdulot ng pinsala sa buhay, ariarian, kabuhayan o pagkatigil ng panlipunan (social) at pang-ekonomiyang gawain ng isang komunidad. Ito ay maaaring magresulta sa isang disaster. Ang halimbawa ng mga hazard namadalas maranasan sa Pilipinas ay bagyo, lindol, baha, flashflood, landslide, pagputok ng bulkan, storm surge, tsunami, sunog, giyera at iba pa. Ang hazard ay maaring: nag-iisa - gaya ng sunog, magkasunod o dulot ng isa pang hazard - gaya ng lindol at tsunami, lindol at landslide o malakas na ulan at landslide, at kumbinasyon - gaya ng bagyo, malakas na ulan at landslide. . Mga Uri ng Hazards at Paghahanda Rito . *BAGYO . Ang bagyo o typhoon/storm ay malakas na hanging kumikilos ng paikot na madalas ay may kasamang malakas at matagal napag-ulan. Ito ay ay isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang hangin subalit malakas naman ang hangin sa eyewall nito. . Public Storm Warning Signal(PSWS). . Ang PSWS ay mga babalang ipinalalabas ng PAGASA upang malaman kung gaano kalakas ang paparating na bagyo, saan ang lokasyon nito sa oras na inilabas ang PSWS, saan ang tinatayang dadaanan nito, at ano ang mga paghahandang dapat o maaari pang maisagawa ng mga komunidad na maaapektuhan ng pagdaan ng bagyo. . *. PSW Signal Number 1 hanging may lakas mula 30-60 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 36 oras. . *. PSW Signal Number 2 hanging may lakas mula 61-100kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 24 oras. . *. PSW Signal Number 3 hanging may lakas mula 100-185 kph. Maaasahan ang pagdating sa loob ng 18 oras. . *. PSW Signal Number 4 napakalakas na hanging hihigit sa 185 kph at maaasahan sa loob ng 12 oras. . Mga dapat gawin BAGO dumating ang bagyo .

*. Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya; . *. Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira (katulad ng de-lata at biskwit), lalagyan ng tubig, first-aid kit o gamit at gamot na pang-unang lunas, at mga plastik na supot; . *. Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang malakas na ihip ng hangin (parasa mga kabahayan sa maralitang komunidad, tiyakin din na kakayanin ng haligi at dingding ang lakas ng hangin sapamamagitan ng pagtatali at/o pagpapako ng maayos sa mga ito); at . *. Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punongkahoy namalapit sa bahay. . Mga dapat gawin HABANG may bagyo . *. Ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ng bagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kapitbahay; . *. Siguraduhing may mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa; . *. Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik na supot ang mga ekstrang damit, mga delata, kandila, posporo, baterya, at iba pang mahahalagang gamit; . *. Mag-ingat sa mata ng bagyo. Ito ang biglang pagtigil ng hangin at ulan at kalmado ang paligid sa isang lugar. Hudyat ito na pagkaraan ng halos 2 oras ay babalik ang mas malakas na hangin at ulan; . *. Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo; at . *. Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nakasara ang tangke ng gas, at nakasusiang pinto. Huwag kalimutan ang mga gamit pang-emergency

BAHA . Nangyayari ang baha o floodings sa pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na ang resulta ay pag-apaw nito sa kapatagan. Ito ay dulot ng labis na pag-ulan,biglaang pagbuhos ng ulan o thunderstorm, pagkaipon ng tubig dahil sa pagbabara ng mgadaluyan ng tubig, at tuluy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw. . FLASHFLOODS . Ang flashfloods ay rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato, kahoy, at iba pa. Mabilis ang pagdating nito at mabilis din ang paghupa. Maaaring sanhi ito ng pagkakalbo ng bundok (kagaya ng dahilan kung bakit naging mapaminsala ang bagyong Sendong sa lalawigan ng Cagayan De Oro) at pagmimina (kagaya ng dahilan kung bakit naging mapaminsala ang bagyong Ondoy sa lalawigan ng Rizal). . Mga dapat gawin BAGO ang pagbaha . *. Alamin ang warning system at signal sa inyong barangay o munisipyo. *. Obserbahan ang sitwasyon ng lugar at makinig sa ulat ng panahon mula sa PAGASA . *. Pakinggan ang opisyal na warning signal na ibibigay ng kagawad na sumasakop sa sona. *. Ihanda ang mga pangunahing kakailanganin sa paglikas tulad ng damit, kumot, pagkain, maiinom na tubig, gamot, posporo, kandila, flashlight, radyong de-baterya, banig, at iba pa. Maiging nakabalot ang mga ito sa plastik. *. Itago o ilagay sa plastik ang mga mahahalagang dokumento at papeles. *. Mag-imbak na ng malinis na inuming tubig. *. Siguraduhin na magkakasama ang lahat ng miyembro ng pamilya at ihanda ang bawat isa sa anumang mangyayari.

*. Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at ang pinakamalapit na daan patungorito. *. Maghintay sa warning signal naibibigay ng kagawad tungkol sapaghahanda sa paglikas at sa mismong paglikas. *. Makipag-ugnayan sa nakatalagang kagawad kung nais nang lumikas patungo sa kamag-anak sa ibang barangayupang maitala. *. Ang Barangay Disaster Coordinating Council (BDCC) ay dapat maghanda ng kanilang gamit tulad ng malalaking flashlight, radyong de-baterya,warning device (megaphone, pito, kalembang), mga matitibay na lubid, first aid kit, sasakyang may sapat na gasolina para sa mabilis na paglikas at pakikipag-ugnayan, mga gamit pang-komunikasyon tulad ng cellphone, mga kagamitan tulad ng martilyo, liyabe, wrench, pala, at iba pa. *. Kung sa pagtantya ay magtutuluy-tuloy pa ang pagtaas ng tubig ay lumikas nabago pa masira ang mga daan at mga tulay. *. Ilipat na ang mga alagang hayop sa mataas na lugar. *. Bago lumikas, patayin muna ang kuryente at ikandadong mabuti ang bahay. . Mga dapat gawin HABANG may baha . *. Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito. Huwag lumusong o tumawid sa mga tubig na hindi alam ang lalim, gaya ng ilog o sapa. *. Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha laluna kung malakas ang agos nito at hindi matantya ang lalim. *. Huwag payagang maglaro ang mga bata sa baha. Huwag languyan o tawirin ng bangka ang mga binahang ilog. *. Siguraduhing lutung-luto ang mga pagkain at iwasang marumihan ang mga tirang pagkain. *. Pakuluan ang tubig bago ito inumin. . Mga dapat gawin PAGHUPA ng baha . *. Gumamit ng flashlight kapag muling papasukin ang binahang bahay. *. Maging alerto sa mga bagay namaaaring pagsimulan ng sunog. *. Tiyaking malinis at hindi narumihan ng tubig-baha ang mga pagkain at inumin. Lutuin muna ng mabuti o pakuluan ito bago kainin o inumin. *. Iulat sa mga kinauukulan ang mga nasirang pasilidad gaya ngposte at kawad ng kuryente, tubo ng tubig, at iba pa. *. Siguraduhing nasiyasat ng mabuti ng isang marunong sa kuryente ang switch ng kuryenteng nabasa at lahat nggamit na de-kuryente bago gamiting muli ang mga ito.

Ito ay ilan lamang sa mga mahahalagang palatandaan kung ano ang dapat gawin kung may bagyo at ulan.

Ang pag-iisip ng mga maaari mong kailanganin pagdating ng kalamidad at paghanda para sa mga ito ay makatutulong sa mas madaling pagharap sa sitwasyon pagkaraan ng isang kalamidad. Ang kaalaman at kahandaan ay katumbas ng mas malaking posibilidad na ikaw ay makakaligtas at makakabangon mula sa kalamidad.

MSU-IIT COLLEGE OF NURSING EMERGENCY NURSING FLOOD BLOCK 460-A GROUP 2 A.Y 2013-2014

MEMBERS: Acas, Pia Jennica Marie Angod, Lady Aizahlyn Araune, Trixie Mariel Bahian, Roanne Bonono, Jenn Christian Ligunas, Karla Lisondra, Taisha Rose Macaraya, Danica Rose

Videographer: Ligunas, Karla Director: Angod, Lady Aizahlyn

Special Thanks to: -The Ligunas Family for allowing us to use their residence -Maam Arjane Corpuz-Pabalan for imparting her knowledge in Emergency Nursing

To God be the Glory

Вам также может понравиться