Вы находитесь на странице: 1из 5

Paunang Pagtataya Bago mo lakbayin ang mundo ng kaalaman tungkol sa Ibong Adarna, hayaan mong tuklasin muna ang

iyong dating kaalaman tungkol sa akda. I. Tama o Mali. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung tama ang ipinapahayag ng pahayag sa bilang at ekis (x) naman kung mali.

1. Nabibilang ang Ibong Adarna sa tulang romansa o romance. 2. Ginamit ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang panitikan. 3. Hindi pinapaksa sa mga tulang romansa, kabilang ang Ibong Adarna, ang relihiyon. 4. Ang tagpuan sa tulang romansa ay karaniwang sa isang pangkaraniwang lugar sa Pilipinas. 5. Nagsisimula ang tulang romansa sa isang kahilingan sa Mahal na Birhen o sa isang santo. 6. Ang Ibong Adarna ay panitikang likha ni Jose Dela Cruz. 7. Masasalamin sa Ibong Adarna ang pagiging malikhain ng manunulat. 8. Masining na pagkukuwento ang paraan ng pagsasalaysay sa Ibong Adarna. 9. Inilalarawan ang kulturang Pilipino sa akda tulad ng pagmamahalan, pagtulong sa ngangangailangan, pagpapatawad at pagtawag sa Panginoon. 10. Ang awit at haiku ang dalawang anyo ng tulang romansa. 11. Mula sa salitang corido ng Mehiko ang salitang korido. 12. Ito ay hango sa Espanyol na occurido na nangangahulugang awit. 13. Ang Ibong Adarna ay binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod. 14. Isinulat ito upang basahin at hindi upang awitin. 15. Binibigkas ito nang mabagal. 16. Ang mga tauhan ay may taglay na katangiang tulad ng sa hayop. 17. May kakayahang gumawa ng kababalaghan ang mga tauhan. 18. Nakikipaglaban ang tauhan alang-alang sa pag-ibig.

19. Taglay nito ang karunungang nagtataglay ng aral sa buhay. 20. Maaaring mangyari sa tunay na buhay ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan.

II. Pagkilala. Panuto: Kilalanin ang tauhan sa bawat bilang sa tulong ng mga salitang naglalarawan/nagbibigay impormasyon sa kanila.

1. May malambing na tinig, hatinggabi kung dumating sa Piedras Platas na kanyang tirahan. 2. Bunsong anak ni Haring Fernando na labis niyang minamahal. 3. Panganay na anak na may tindig na pagkainam. 4. Haring hinahangaan ng kanyang nasasakupan. 5. Reyna na walang kasingganda sa kaharian ng Berbanya. 6. May ugaling malumanay na pangalawang anak nina Haring Fernando. 7. Unang inibig ni Don Juan. 8. Kapatid ni Donya Juana na iniligtas ni Don Juan sa kamay ng serpyente. 9. Prinsesang may mahika blankang taglay. 10. Haring di tumutupad sa kanyang pangako. 11. Isang matandang sugatan na tinulungan ni Don Juan.

________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________

III. Pagkilala sa Sarili. Panuto: Bilugan ang bilang na nagpapakita ng ginawang pagpapalaki sa iyo ng iyong mga magulang. 1. Pinangangaralan ako ng aking mga magulang sa silid kung saan walang ibang taong makaririnig. 2. Pinangangaralan ako ng aking mga magulang sa halip na gamitan ng kamay na bakal sa tuwing ako ay nagkakamali. 3. Ibinibili ako ng mga bagay na kakailanganin ko lamang. 4. Naglalaan ng oras sa akin at sa aking mga kapatid ang aking mga magulang, tulad ng pagtuturo ng assignment, pamamasyal, panonood ng sine, at iba pa. 5. Pinupuri ako ng aking mga magulang sa mga nagagawa kong tama at sa mga karangalang aking nakukuha. 6. Alam ng aking mga magulang kung kalian ako may problema kahit hindi ako magsalita. 7. Pantay ang pagtinging ibinibigay ng aking mga mgulang sa aming magkakapatid. 8. Itinatama nila ang aking pagkakamali. 9. Tinuruan nila akong magdasal kayat sabay -sabay kaming magdasal bago kumain, bago matulog at pagkagising. 10. Sabay-sabay kaming nagsisimba tuwing Linggo o araw ng pangilin. Batay sa kinalabasan ng iyong sagot, paano mo ngayon ilalarawan ang iyong mga magulang?

______________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________. Ilahad ang naging damdamin sa resulta ng gawain sa paglalarawan sa mga magulang. ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ Kung ang nakuha mong iskor ay 25 31, binabati kita. Napakahusay, malaki ang iyong kaalaman sa akda. Ganoon pa man, hinihikayat pa rin kitang tuklasin pa ang akda na lalo pang magpapalawak sa iyong kaalaman. Kung 19 24, mahusay ka. Ang iyong kaalaman sa akda ay makatutulong sa pagtuklas pa sa maaari mo pang malaman tungkol sa akda. Kung 18 pababa, huwag kang malungkot sapagkat para sa iyo pa rin ang modyul na ito. Tutulungan ka nito na madagdagan ang iyong kaalaman sa paksa .

Batayan sa Pagwawasto

I.

Tama o Mali 1. / 2. / 3. X 4. X 5. / 6. X 7. / 8. X 9. / 10. X 11. / 12. X 13. / 14. / 15. X 16. X 17. / 18. / 19. / 20. x

II. Pagkilala 1. Ibong Adarna 2. Don Juan 3. Don Pedro 4. Haring Fernando 5. Doa Valeriana 6. Don Diego 7. Doa Juana 8. Doa Leonora 9. Doa Maria 10. Haring Salermo 11. Ermitanyo

Panghuling Pagtataya A. Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot sa mga sumusunod: 1. Sino ang unang inutusan upang hanapin ang gamot ng hari? a. Don Pedro b. Don Diego c. Don Juan d. Ibong Adarna 2. Bakit hindi alintana ni Don Pedro ang pagtahak sa kabundukan? a. Sapagkat nais niyang kalugdan siya ng ama b. Upang mahigitan si Don Juan c. Upang makuha ang lunas sa ama d. Sapagkat gusto na niyang matapos ang kanyang responsibilidad sa ama 3. Ilarawan ang tirahan ng Ibong Adarna. a. Nakasisilaw ang mga sanga c. Nakakalbo ang mga dahon b. Kulay ginto ang ugat d. Kumikinang ang mga dahon 4. Tawag sa punong tirahan ng Ibong Adarna. a. Piedras platas c. Tabor b. Berbanya d. Reyno delos Cristales 5. Ang lahat nay di napansin ng prinsipeng nagupiling sa pagtulog na mahimbing patay wari ang kahambing. Ang may salungguhit ay halimbawa ng tayutay na _____________________. a. Simili b. metapora c. personipikasyon d. pagmamalabis B. Isulat ang T sa patlang bago ang bilang kung wasto ang pahayag at M kung hindi wasto ang pahayag. _____ 1. Ang anak na panganay ang inutusan sa pagkuha ng lunas sa sakit ng ama. _____ 2. Hindi sumunod si don Pedro sa utos ng ama sa pagkuha ng kanyang gamot. _____ 3. Mahigit na tatlong buwang binagtas ni Don Pedro ang kaparangan patungong bundok Tabor. _____ 4. Ang pagkaganda-gandang puno ay hindi dinadapuan ng mga ibon kayat ipinagtaka iyon ni Don Pedro. _____ 5. Pagkatapos ng sampung kanta, nagbawas ang Adarna, napatakan si Don Juan at siyay naging bato. C. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan/pahayag na may kaugnayan sa pagtatanghal ng Readers Theatre: 1. Ano ang Readers Theatre? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 2. Paano ito isinasagawa?

3. Sa iyong palagay, bakit kailangang maisagawa ito ng mga mag-aaral na katulad mo? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 4. Magtanghal ng Readers Theatre tungkol sa mga saknong ng Ibong Adarna na nagpapahayag ng kulturang Pilipino. Ivideo ito, irekord at ipasa sa guro.

Batayan sa Pagwawasto
A. 1. A 2. c 3. d 4. a 5. a B. 1. t 2. m 3. t 4. t 5. m

Вам также может понравиться