Вы находитесь на странице: 1из 2

ALAMAT NG LANSONES (Script) Abellana, Chenee Borgonia, Liza Therese Ibones, Michille Chris Maluya, Bea Bianca Mga

Tauhan: Magnanakaw Bea Mga tao : Mamamayan - Chinee Mamamayan 2 - Bea Mamamayan 3 Ada Liza Narrator Michille Tagpuan: Kakahuyan Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Magnanakaw: HA HA HA! Habulin nyo ako kung kaya niyo! (bitbit ang manok na ninakaw) Mamamayan 1: Hoy! (tumatakbot bitbit ang bolo) Ibalik mo sakin ang manok kong ninakaw mo! (nangigilaiti sa galit; nakataas ang dalang bolo) Walang hiya ka! Mamamayan : (lahat) Habulin!!! Mamamayan 2: Wag nating hayaan na makatakas ang hayop na yan! Magnanakaw: (sumigaw) Hinding- hindi nyo ako maaabutan! Hindi na nga ito naabutan. Sa bilis ng pagtakboy parang nawala ito ng parang bula. Galit at paghihinayang, bumalik ang mga mamamayan sa Barrio Luz. Sa kabilang banda, napagawi ito sa lansonesan ang magnanakaw at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Hindi nito alam na nakalalason ang prutas kaya siya ay namatay. Kinabukasan Mamamayan 2: (sa kabarangay) Bumalik tayo doon sa kakahuyan! Baka nagtatago lang yon doon. Mamamayan 1: Oo nga! Magbabayad talaga ang hayop nay un. Mamamayan 3: Tara na! Dinatnan ng mga mamamayan ang magnanakaw na patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan na ang lansones at wala ng nangahas na kumain nito. Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap.

Mamamayan Mamamayan Mamamayan Mamamayan

1: 2: 1: 2:

Ayan na naman ang Ada. Puntahan mo. Ayoko nga. Di bale na nga. Uwi na tayo. Sandali

Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Mamayan 3: Naku! Nakalalason ang bunga ng punong iyan! Mamayan 4: Huwag! Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. Babae (Ada): Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin. Mamamayan 2: Ayaw naming mamatay ng maaga. Takot pa rin ang mga tao.Pero inabutan sila ng babae ng lansones. Babae (Ada): Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo. (kinuha ng mga tao.) Mamayan 1: Maraming sala At nawala ang babae. Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wariy lalong nagpalinamnam sa lansones.

Вам также может понравиться