Вы находитесь на странице: 1из 3

Kung Magsimula ang Bukas na Akoy Wala

Kung ang bukas ay magsimula na akoy wala, at hindi ko na masulyapan, kung sisikat ang araw sa silangan. Kung ang bukas ay magsimula na akoy wala, At matutunghayan mga mata moy luhaan.

Di ko hinangad na ikay lumuha, na ngayoy iyong ginagawa. Habang sa isip moy ginugunita ang mga bagay na ating napag-usapan nawa.

Wagas na pagmamahal mo sa akin ay batid ko, at ganoon din naman ang pagmamahal ko sa iyo. kaya sa bawat oras na akoy iyong ginugunita, batid kong sa akiy ikay nangungulila.

Kung ang bukas ay magsimula na akoy wala, Naway iyong maunawaan, na may kerubing tumungo at tinawag ang aking ngalan. Ang aking kamay ay mahigpit niyang hinawakan.

Akoy kanyang binulungan Ang lugar sa kalangitan na sa iyoy nakalaan, ay handa na upang iyong kalagyan, kaya mga mahal mo sa buhay, kailangan mo nang iwanan.

Ngunit nang akoy tumungo sa pinto ng kalangitan, Tila akoy nasa akin lamang tahanan. Mula sa kanyang tronong mala-ginto, ang Panginoon ay sumulyap, naglaan sa akin ngiti at tumugon

Ito ang buhay na walang hanggan, buhay na sa inyoy ipinangako kot inilaan. Ngayoy wakas na ang buhay mo sa kalupaan, kaya ang bagong buhay sa paraisoy maaari mo nang simulan.

Ang aking pangakoy wala nang bukas, dahil ang ngayoy hanggang wakas. At dahil dito bawat araw ay tulad rin ng dati, Wala na ang pangungulila at pagsisisi.

Kaya kung ang bukas ay magsimulat akoy wala, huwag mong isipin na tayoy magkalayo. Sa bawat oras na sa akin ikay nangungulila, Alalahanin mong akoy na sayo lamang puso.

Вам также может понравиться