Вы находитесь на странице: 1из 30

My Pocky Girl

by: DarkLeague

Prologue
Pamilyar ba kayo sa pagkaing tinatawag na "POCKY" ? ito yung biscuit na parang stick na may part na coated ng chocolate, strawberry o di kaya'y milk flavor. Kung otaku ka, pamilyar ka dito kasi madalas, ito yung kinakain ng mga bidang karakter sa isang anime. i myself loves eating Pocky too... pero may kilala ako na, halos sa lahat ng sandaling makikita ko sya, yun ang kinakain nya Breakfast, lunch, miryenda at baka nga pati dinner at midnight snack yun ang kinakain nya e... weird diba? Pero kahit gaano pa sya ka-weird o anu pa man... she will always be...

My Pocky Girl...

~ My Pocky Girl by DarkLeague03

~ Part I ~
Dustines POV

Pilyo ka talagang bata ka! Get out of my class now!!! galit na galit at pulang pula yung mukha nung teacher kong Old Maid! Haha! Nakakatawa talagang pag-tripan yun! Tumayo na ako at nakipag-apir muna dun sa mga tropa kong tawa din ng tawa

loko ka talaga Castro! Haha! pahabol na kanchaw ni Tim, tropa ko Lumabas na ako ng classroom na nagpipigil ng tawa

Nagtataka siguro kayo kung anong kalokohan ang ginawa ko dun sa teacher namin no? Simple lang naman e, nagbibiru-biruan kasi kami kanina, mga bagay na nakakatawa ba? Hanggang sa ang usapan namin e napunta sa usapang may pagka berde at BOOM! Ang conservative at old maid na teacher namin ay nainis!

At syempre para lalong mainis to sakin, muli akong dumungaw at binuksan ang pinto sabay sabing, Maam, ayaw nyo ng BJ ? MASARAP YUN! at muling nagtawanan yung mga kaklase ko na parang wala ng bukas samantalang si Maam, mukhang bulking puputok sa galit!

DUSTINE CASTROOOO! GO TO THE PRINCIPALS OFFICE NOOOW!!!!

Dali dali kong isinara yung pinto at kumaripas ng takbo palayo sa aming classroom hahaha! Si Maam talaga o, di pa kasi ako tapos nagreact na! Buko Juice ang tinutukoy ko e haha! Iba kasi ang iniisip! para akong tanga na tatawa tawang mag-isa habang ang lahat ay nasa loob ng klase nila at subsob sa pag aaral Tama, yan ang trade mark ko dito sa school na ito, yan si Dustine Castro! Kilala bilang mapang trip na estudyante sa klase ng IV-2! Gulat kayo no? section 2 samantalang loko loko, wala e.. ganun talaga ang MATALINO, kahit na loko loko at least PUMAPASA ako! Haha at di rin maikakailang GWAPO. Well, sila ang nagsasabi nyan.

Madami nga daw ang nagkakagusto sa kin e, pero di ko sila pinaglalaanan ng panahon dahil may iba pang mas mahalaga sakin kesa sa kanila! Dahil nga sa madalas akong mapalabas ng mga teacher ko, syempre mawawalan ba naman ako ng tambayan at madalas gawin? meron syempre!

Tumungo muna ako sa canteen kung saan may vendo machine, sosyal kasi tong school namin. Kung anong laman ng vendo machine? Yung paborito ko lang naman..

Pocky na chocolate flavor. Yan ang lagi kong kasama tuwing mapapalabas ako, tapos tatambay ako sa rooftop at dun magpapakasarap kapiling ang aking Pocky. Di pa man ako nakakalapit, may natanaw agad akong nakatayo dun sa harap ng vendo ah Miss, bibili ka din ba ng Pocky? tanong ko nung makalapit ako. Malay ko ba naman kung nakatambay lang sya sa harap nun diba? oo sana kaso hindi ko alam kung paano gumagana ito e sa loob loob ko saang bundok kaya galing ang isang to? napangiti nalang ako dahil narin dun sa naisip ko simple lang naman, ganito o kumuha ako ng barya saka ko iniulog dun sa coin slot. Tapos pinindot ko yung buton sa tabi ng Pocky na gusto ko syempre chocolate tas nun inihulog na nya yung dalawang box ng Pocky na pinindot ko, kinuha ko na ito muna dun sa ilalim saka ko iniabot sa kanya yung isa eto o abot ko sa kanya

Kung pwede lang kuminang yung mga mata nya, nangyari na ta-talaga??? Sakin to??? yung ngiti nya abot tenga na at talagang hindi makapaniwala hindi hindi joke lang yun.. para to jan sa basurahan sa tabi mo e. o trashcan sayo nalang isho-shoot ko na sana dun sa basurahan nung kunin nya dun sa kamay ko ah..hehe.. to naman, nagtatanong lang ehwala ng bawian ha! Salamat! kung titingnan yung reaksyon nya. Para syang bata na nabigyan ng regalo na nanay nya

Ambabaw ng kaligayahan ng isang to

tss, sige walang anuman lumakad na ako palayo sa kanya habang sya naman sumisigaw pa ng thank you! tapos naririnig ko pa syang bumulong na ganun ka lang pala paganahin! Sa wakas lagi na rin

akong makakakain ng Pocky!!! at nagpatuloy sya sa pakikipag usap nya sa vendo weird na babae nun ah

Pero, ngayong andito ako sa rooftop at nakahigang kumakain ng Pocky sticks, natatawa akong isipin yung nangyari kanina ambabaw ng kaligayahan nung Pocky girl na yun! haha! Pagkinuwento ko kina Tim to mamaya paniguradong matatawa din yung mga yun habang nakatanaw ako sa asul na kalangitan, hindi ko mapigilang hindi mapangiti pag naaalala ko yung pangyayaring iyon

And also, I find that weird childish Pocky girl

Cute

*Lunch Break

o pare, kamusta ang pamamasyal sa labas? Nag enjoy ka ba? bungad sakin ni Troy barkada ko din syempre naman! Mas gusto ko pang making sa huni ng mga insekto kesa sa sinasabi ni Maam Old Maid e at nagtawanan na naman kami. Old Maid ang tawag namin dun sa teacher namin kasi hanggang nagyon wala pang asawa, ni boyfriend ata di nagkaroon yun e, kaya napaka sungit at laging di maipinta ang mukha! Haha!

Eto ako ngayon kasama ang mga tropa ko papuntang canteen para bumili ng lunch namin nakailang box ka naman ng Pocky ngayon Dustine? Baka pinakyaw mo na naman yung laman ng vendo? natatawang tanong ni Francis sira! Dalawa lang ang binili ko! Sobra naman kun gpapakyawin ko yung laman nung vendo! Pero speaking of Pocky, alam nyo bang may na meet akong babae na, ewan ko kung saang bundok galing! Haha! natatawa kong kwento sa kanila baka naman isa lang sa mga nagpapa-cute sayo yun? alam mo naman tayong mga gwapo andaming tigahanga pagmamalaking saad ni Troy haha! Oo nga, pero, panu mo nasabing galing ng bundok? John

oo nga pare, nakabahag ba? ipaliwanag mo nga yang sinasabi mo! dagdag ni Kevin haha loko, ganito kasi yun at isinalaysay ko nga sa kanila yung pangyayari kanina

kung ganon pala, sya ang girl version mo pre! Haha! Tim oo nga no? may kaagaw ka na sa vendo machine na yun! - Francis At nagpatuloy sila sa panganganchaw sakin

tss. Jan nga muna kayo! Mas mainam pang kausapin yung vendo machine kesa sa inyo e! lumakad na ako palayo sa kanila, kanin at ulam ang bibilhin nila kaya nakapila na sila dun, ako naman kuntento na sa Pocky sige pare! Goodluck sa vendo machine na yan! Baka iluwa nyan yung Pocky girl mo at magkita na naman kayo! sigaw ni Kevin at sabay sabay silang nagtawanan mga ungas! sigaw ko saka ko binilisan ang paglakad ko para makalayo na ako sa mga loko na yun

mga timang talaga kahit kalian napapailing ako habang sinasabi ang bagay na iyon sa isip ko pero

Akalain mong magdidilang anghel ang mga loko?

Ang kaso mas weird ang sitwasyon kasi

hindi ka naman adik sa Pocky nyan? salubong na tanong ko nung makalapit ako sa kanya hehe.. hindi naman, konti lang tsaka paborito ko kasi e hehe kung makikita nyo lang sya, nakakatawa!

Meron syang yakap yakap na limang box ng Pocky! Tindi din nya no?

tss nag-shoot ako ng barya dun sa coin slot tsaka pinindot yung buton para sa chocolate flavored pocky

favorite mo din ang Pocky? inosenteng tanong nya habang ako naman ay nakaupo para kunin yung Pocky box oo plain na sagot ko halata nga, kanina lang bumili ka tapos ngayon eto ka na naman kain sya ng kain habang sinasabi yun tss, e ikaw nga hindi ka na yata umalis dito, tingnan mo nga yang mga hawak mo.. binuksan ko na yung box saka ako kumuha ng isang stick hehe, masarap kasi e para syang yung bata sa commercial ng Sumo? Haha, naalala ko lang kasi yung sinabi nya yun din yung line nung bata dun sige, alis na ko.. .at nga pala ingat sa sobrang matatamis Nakakasira ng ngipin yan tumalikod na ako at lumakad palayo hehe, thanks! Doctor Dentist! sigaw nya ay teka pala! napahinto ako sa paglakad at napalingon sa kanya ng patagilid habang may subo akong Pocky stick

heto iniabot nya sakin yung isang box ng Pocky kapalit nung ibinigay mo sakin kanina saka, salamat din sa paalala! At isa pa pala! para talaga syang batang kumilos try mo din tong flavor na to, pansin ko kasi puro chocolate flavor kinakain mo e strawberry flavor yung binibigay nya sakin

salamat kinuha ko iyon at lumakad na ulit

Sa hindi malamang dahilan napapangiti akoewan ko ba, ang weird pero natutuwa ako sa kanya

*sa canteen o pare ang tagal mo naman! John oo nga! Gutom na gutom na kaya kami kaka antay sayo! pagrereklamo pa ni Troy tss, edi pasensya! bigla bigla, napatahimik sila at tumitig sakin ng parang ewan o? bat ganyan itsura nyo? Anyare sa inyo? kakaubos ko lang nung chocolate flavored Pocky kaya binuksan ko naman yung Strawberry Titig na titig parin sila sakin at dun sa hawak kong Pocky gusto nyo? alok ko sa kanila

teka lang pare ha, gutom lang na o sadyang may kakaiba sa ngiti mo? usisa ni Kevin na nabitawan pa talaga ang hawak nyang kutsara oo nga! Saka, strawberry? Pare bago yan ah! Karaniwan chocolate ang binibili mo diba??? dagdag pa ni Francis Dun sa sinabi nila, ako naman ang natigilan nakangiti pala ako? napaisip ako

g-gutom lang yan Kevin! Saka lagi namang ganito ang ngiti ko ah, at kung bakit strawberry? W-wala gusto ko lang tikman yung ibang flavor saka ko pinagpatuloy yung pagkain ko aba, ayos din pala tong flavor na to kaso masyadong matamis sabi ko sa isip ko

gusto nyo ? alok ko ulit sa kanila kasi nakatingin parin sila sakin

T-Tim naniniwala na ako sa milagro Francis ako din pare let us pray! Troy at pinagdikit nila yung mga palad nila sabay pikit tss, mas weird pa kayo sakin eh, magsi-kain na nga lang kayo! Kung ayaw nyo wag nyo! sabay bawi ko nung inaalok ko sa kanila at ako nalang ang kumain nun h-hindi naman sa ganun pare pero, anong nangyari at nagkaganyan ka? Dati kapag humihingi kami sayo, kulang nalang tumakbo ka palayo wag lang kaming makahingi saad ni John tama yun! may nangyari bang maganda sayo at naging ganyang ang kilos mo??? usisa nilang lahat

W-WALA AH! Tss, kung ano anong pinag-iiisip nyo jan! kumain na nga lang kayo! Mamaya tapos na ang lunch break! iwas kong sagot sa kanila Ayokong ikwento sa kanila yung tagpo kanina, aasarin lang ako ng mga to!

Pero, come to think of it.

Bakit nga ba biglang naging ewan ang ugali ko ngayon?

Dahil kaya sa kanya? Napapansin kong may kakaiba sa pananahimik ni Tim naku, ang galing pa naman ng pakiramdam nyan! Parang ahas yan e, ang sensitive ng pang amoy alam agad kung may mali

~ Part II ~
Days, weeks, months have passed Hindi ko alam pero,

Unti unti, nadaragdagan yung tuwa ko sa kanya

Madalas kaming magkita sa harap ng vendo at hindi ko mapigilang mapa-ngiti kapag pinagmamasdan ko syang kumain ng Pocky

Kapag lunch break, kasama ko syang aakyat sa rooftop at doon

Tatalon kami.

De joke lang, dun lang kami tumatambay habang nagpapalipas ng oras ng break. Nagkakilala narin kami kahit sa maigsing panahon. Alam ko na na ang nanay nya ay babae at ang tatay nya ay lalaki, na nakatira sila sa isang bahay na may pinto, bintana, bubong, dingding, semento at may mga kagamitan ok, corny yung part na yun. Kilala narin sya nila Tim at madalas nila kaming asarin ng kung anu ano. Tinatawanan na lang namin sila. May mga bagay bagay na rin ako na alam tungkol sa kanya, halimbawa yung pangalan nya, ang pangalan nya ay Ayumi Driss. Astig ng pangalan nya noh? May lahi daw kasi silang Japanese, halata naman. Medyo singkit kasi sya at pabilog yung mukha nya, pati complexion nya, mas maputi sya sakin, though maputi din naman ako.

Saka ko naisipan na ayain sya sa isang dare

Ayumi, dare tayo! simula ko habang andito kami sa rooftop ha? Anong dare naman? kahit puno ang bibig nya, nagsasalita sya asan ang manners? tss, wag kang nagsasalita ng may laman ang bibig! pagsaway ko sa kanya, nag peace sign naman sya. Pambihira talaga to napapailing nalang ako simple lang naman simula ko mag iisip tayo ng mga laro na pwedeng gamitan ng Pocky tapos ang matatalo bibigyan ng consequence. Kahit anong gustong ipagawa nung mananalo pwede. Ano payag ka? saglit syang nanahimik at tila nag isip hmm ayos yun ah haha! Sige dare! Basta ang masasabi ko lang sayo, ihanda mo na ang allowance mo dahil yan ang ta-target-in ko! Hahaha! kung pwede lang syang mag apoy, nangyari na para talaga syang yung sa mg anime. Taas ng self-confidence. tsk, baka ikaw ang dapat maghanda! di mo ata kilala kung sinong kinakausap mo then I also smirked at her

Sa dinami dami ng mga challenge games namin, sa dinami dami ng mga games na naisip ko lahat yun tinalo nya ako oo! Tama kayo, tinalo nya ako sa lahat ng games namin malay ko ba namang ganun kagaling ang babaeng yun?! simula nun paubos na ng paubos yung allowance ko dahil lagi akong nauutusang ilibre sya. Di naman sila mahirap pero, a dare is a dare

o tol, mukha ka na namang constipated jan! Tim oo nga dre, ano? Kamusta allowance mo?- Troy ayun, KONTI na LANG sabay na dugtong nila John at Kevin. Kaya nagtawanan na naman sila tss, gayahin daw ba yung sa commercial ng McDo?!

tss, sige dumagdag pa kayo sa problema ko! Ugh! Kung bakit ba naman kasi ang galing ng babaeng yun e! kahit na sa pagsosolve ng mga logic problems na nakadrawing sa Pocky sticks, Pocky pick-up-sticks, kahit na sa paunahang pagbuo ng bahay gamit ang Pocky ang galing nya! Lagi nalang talagang simot yung pera ko! mahabang litanya ko. Napapakamot nalang ako ng batok pag naaalala ko yung mga kapalpakan ko.

haha! E ang cool pala nyang girl version mo e! Francis

oo nga, dati ikaw ang naglalaro sa mga tao ngayon ikaw na ang pinaglalaruan! Haha! John

At nagtawanan na naman sila salamat sa suporta nyo anlaking tulong! imbis kasi na tulungan ako, tumawa pa! haha, well, what more do you expect from her? Galing sya ng first section diba? Kaya malamang talagang magaling sya sa mga mind games and such Kevin sabagaypero, siguro naman merong laro na matatalo ko sya diba? I mean, walang taong perpekto at magaling sa lahat ng bagay?sa sinabi kong yon, naphinto silang lahat, nagkatinginan saka ngumiti ng nakakaloko actually pare meron napalunok ako nga wala sa oras bigla kasing naging seryoso yung boses ni Francis, isama mo pa yung mga itsura nila

a-ano naman? bayan! Nauutal pa ako?!!! kung hindi mo madaan sa santong dasalan Troy bat di mo daanin sa santong paspasan John Naguluhan naman ako dun sa mga sinabi nila

alam namin na hindi lang yung pagkaubos ng allowance mo ang pinoproblema mo knowing you, wala kang paki alam sa mga ginagastos mo simula ni Francis lingid sa kaalaman mo, minamatyagan ka namin sa pakikipag laro mo dagdag nya a-anu bang mga pinagsasasabi nyo?! Ta-talaga namang yung allowance ko lang yung iniisip ko ah.. wwala ng ibang rason bakit ba pakiramdam ko may alam sila na hindi ko alam?!

pati narin yung pagbabago ng ugali mo, alam namin na may nag-iba sayo ngayon si Tim naman ang nagsasalita kung dati ikaw ang promotor ng kalokohan, ngayon mas pinagtutuunan mo pa ng panisin yung pag-iisip at pagpaplano ng mg apwede nyong laruin napatulala ako. Talaga? Di ko rin pansin yun, may nagbago pala sakin? at alam namin kung sino ang dahilan ng pagbabago mo Muli silang nagtinginan tapos sabay sabay na lumapit sa mukha ko at binulungan ako

kung laro at laro din naman ang pag uusapan John

may alam kaming laro na tayong mga lalaki ang makakalamang Kevin Isa isa sila kung magsalita, parang dugtungan nga e a-ano nga?! Pag yan kalokohan malilintikan kayo sakin! banta ko sa kanila, pero parang nag aalangan ako sa isasagot nila

alam mo pare umakbay sakin si Kevin magbe-benefit ka sa plano naming to! sa kabilang balikat ko naman ipinatong ni Troy yung braso nya sakin tama, at dito may ,madidiskubre kang surpresa! dagdag nya

Pinaghahawi ko sila palayo sakin, kinikilabutan ako sa mga ikinikilos nila! ahhh! Sabihin nyo na nga lang yan! Dami nyong pa-suspense e! para naman kasi silang pabitin e!

ganito lang naman yan pare ngayon si Tim na ang mukhang sinaniban ng ewan at akala mo myembro ng kulto na nangbe-brain wash! Itim na kappa nalang ang kulang saka itin na kandila pasok na sila sa banga! Ano bang mga sumanib sa mga to??

Lumapit sya sakinmalapit na malapit napa atras naman ako ng di oras

a-ano ba kasi yun? s-sabihin nyo na nga ng m-matapos na to! bakit ganito ang kinikilos ng mga to?! nakidnap ba sila ng alien??? Ahhh! Pati utak ko parang ewan na din!

sa mga nakakaraang araw, lingo at buwan.. pansin namin yung pagbabago mo pagbabago ko? Ano ako? POKEMON?! Nag e-evolve?! pansin naming na sa bawat challenge na gagawin nyo, hindi yung premyo ang inaantay mo bakit napaka misteryoso ng dating ni Tim ngayon? b-bakit? Yung pagkapanalo ko lang naman ang habol ko ah! pagdadahilan ko well, half true

talaga? lumapit si Troy sakin yun nga lang ba o.. gusto mo lang masilayan ang mga ngiti ni pinutol ni Kevin yung sasabihn nya A..yumi they all said in chorus

Dugdug

Oh crap! Naririnig ko palang ang pangalan nya ganito na ako! Para nang nagwawala ang puso ko!

Napansin siguro nila yung pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko pakiramdam ko kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan

Tapos may mga alaala pang nagre-rewind sa utak ko

haha! Sabi ko naman kasi sayo ihanda mo ang allowance mo e! haha handan ka na ba sa game natin ngayon? Hihi haha! Better luck next time Dust! huh! Paghahandaan ko ang pagsubok na ibibigay mo sakin bukas!

salamat nag enjoy ako sa laro natin

All of those memories all of them are about her si Ayumi

Napayuko ako sa my sign of defeat they really know how to read my actions

h-hindi ko rin alam kung paano.. kela.. at bakit pero sa tuwing makikita ko syalalong lalo na yung mga ngiti nyadi ko mapigilang humanga nakakaramdam ako ng warmth na para bang lumiliwanag ang paligid nya bumabagal ang takbo ng oras pati narin ang pag galaw ng mga tao sa paligid ko at tanging sya lang ang nakikita ko. Marahil nagsimula sa din ito sa mga paghahamon ko ng laro sa kanya dahil narin sa mga nakakatuwang expressions nya. Noong una, natutuwa lang ako sa kanya kasi nga parang sya yun girl version ko tapos unti unti hindi ko napapansin, nahuhulog na pala ako sa kanya. Lagi akong nag-iisip ng mga bagong laro para kinabukasan magkasama ulit kami. Lagi akong excited na makita na makita sya kinabukasan. Alam ko ang sagwang pakinggan pero tinamaan na ata ako sa kanya ang kaso, takot ako sa mga pwedeng mangyari pag inamin ko sa kanya baka umiwas sya sakin nakayuko lang ako habang ikinekwento ko sa kanila lahat ng yan more likely, ang aking pag amin sa aking tunay na nararamdaman

~ Part III ~
Ayos na sana kasi tahimik lang silang nakikinig sa sinasabi ko kaso nung matapos ako

PARE PENGE NGANG TISSUE!- Troy huhuhu akin na nga yung damit mo! Sisingahan ko lang grabe pare, nakaka dala yung line mo- John isusulat ko yang kwento mo! Ipapadala k okay ate Charo! Kevin sisimulan ko na Kevs! Dear ate Charo ako po si Dustouch! di ko na sila pinatapos sa mga pinagsasasabi ni Francis, pinagpapalo ko yung mga ulo nila gamit nung kung anung nahablot ko Sabay sabay nilang hinimas yung mga ulo nila, tsk, maalog sana sinasabi ko na nga ba di nyo ako matutulungan e! tsk, kainis naman o! imbis na damayan ako sa problema ko, dumagdag pa!

tss chill lang pare ! pinapatawa ka lang namin! Masyado ka kasing seryoso jan e! sabi ni Troy habang patuloy paring hinihilot yung ulo nya

Nung kumalma na silang lahat, balik na naman sila sa mga seryosong mukha nila, mga bipolar talaga

ok seryoso na simula ni Tim ako na ang magsasalaysay ng naisip naming.

BRIGHT IDEAAAAA!!!

*TING!* /(*u*)\ - John

/(*u*)\ -Kevin /(*u*)\ -Troy /(*u*)\-Francis /(-_-)\-Tim sabay sabay silang nagsound effects at itinuro ng hintuturo nila sa mga sentido nila

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa ginawa nila, habang yung iba namang mga nakakita napangiwi at mukhang nawirdohan. Oo nasa canteen kami at ganyang ang mga pinaggagagawa ng mga yan! bat ba mga kulang kulang sa turnilyo sa utak ang mga kaibigan ko?!

ehem Tim ganito kasi yan pare, ako nalang ang magsaslita para wala ng pasakalye tss, kanina pa nga silapaligaw ligaw eh ...naaalala mo ba yung sa mga anime? Yung karaniwang ginagawa ng mga bida doon na pocky eating contest? dagli akong napa isip yung kakainin yung isang pocky stick pero nasa magkabilang dulo kayo? kung tama ako ng naiisip, ayon narin sa paliwanag nya ang alam ko ginawa din nila Usui at Misaki sa manga ng Maid-sama yun e

oo yun nga, NATUMBOK MO! sagot nung apat tigahanga din siguro sila ni LC mga LC Learners yun nga, yung dapat hanggang maubos, walang bibitaw kasi ang bumitaw TALO pagtutuloy ni Tim

*LIGHT BULB! Oo nga noh?

kaya bale ganito, ayon narin sa mga napapanuod natin, nagkaraniwang bumibitaw doon e yung mga babae kasi naiilang sila gamitin mo iyong pagkakataon na yun para manalo Tim pero kung magkakataon man na hindi kagaya ng ibang babae si Ayumi at hindi sya panghinaan ng loob o kaya e mailang dapat bago pa man yung laro nyo, pahinain mo na ang depensa nya makahulugang pahayag ni Tim Lahat ng sinabi ni Tim na iyon, pilit kong isinaksak sa utak ko saka ako nag isip ng pang first attack gaya narin ng naisip ni Tim kung magkataon man. At unti unti, may gumuhit na ngiti sa mga labi ko

pare! Sa wakas may matino din kayong naisip! Akalain mong may maganda din pala kayong plano? Haha! sa tuwa ko, napatayo ako at pinagyayakap ko sila isa isa

eew pare! Wag ka ngang yumakap! Kevin oo nga! Kadiri ka naman tol! May pagnanasa ka pala samin!!! Troy baka mamaya mapagkamalan pa akong bakla ng mga chikababes ko! Francis oo nga dun ka kay Ayuamppp! bago pa man maituloy ni John yung sasabihin nya, tinakpan ko na ang bibig nya shh! Oo na! natuwa lang talaga ako ng sobra! Haha! Mamayang uwian isasagawa ko na ang plano ! kung kanina sila ang mukhang tanga, ngayon ako naman o panu bay an, may utang ka samin na mga fairygod father mo! Tim sa lahat ng fairy kayo ang naniningil oo na, pero babayaran ko kayo pag naging matagumpay ang planong to! sure ball yan repa! sagot nung apat

Dahil sa suhestiyon nila lalong lalo na ni Tim, nabuhayan ako ng dugo. Haha! Humanda ka Ayumi this time ako naman ang mananalo at paniguradong mahal ang sisingilin ko

oh? San ka pupunta ? tanong nila naubos energy ko, magre-recharge lang ako! sigaw ko, balak kong bumili ng pocky para naman makakisip ako ng mas magandang plano, lalo na dun sa posibilidad na naisip ni Tim

Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa marating ko yung vendo

~ Part IV ~
At kung suswertihin ka nga naman nandito ang target ko.

Nung makalapit ako sa kanya, naramdaman nya siguro ang presensya ko kaya mula sa pagkakatalikod nya, napaharap sya sakin oy alikabok! Ano? May game ba tayo mamaya? masiglang salubong nya sakin Napangiwi naman ako ng bahagya kasi yung tinawag nya sakin, alikabok daw kasi DUSTine, mautak talaga. Pero agad din akong nakabawi dahil dun sa itinanong nya, pakiramdam ko mag aapoy ako sa excitement na nadarama ko Sa tingin ko napansin nya yung pagbabago ng aura ko at napangiwi sya, oo at paniguradong sa pagkakataong ito, ako na ang mananalo. Mariin kong pahayag huh! Talaga lang ha? Baka ikaw ang dapat maghanda? Baka nakakalimutan mo, wala ka pang naipapanalo, puro ka talo! huh, taas talaga ng sefl confidence nito e, dapat dito tinatakot I smirked at her hindi na mangyayari yon binibini tinitiyak ko sayo na mamaya, ako na ang mananalo habang sinasabi ko yun, unti unti akong lumalapit sa kanyapalapit ako ng palapit habang sya naman ay paatras ng paatras o-oy A-alikabok nauutal na sya, I know this will work

Sa kakaatras nya umabot na sya sa pader. Bingo! Target locked! Pansin ko yung kaba nya habang tinitingnan ko sya ng mata sa mata di sya makatingin ng diretso at namumula sya Haha! Tama to! dapat niyayanig din minsan ang babaeng to para may katakutan. At syempre para humina na din ang dipensya na Nung tuluyan na syang makadikit sa pader, idinantay ko yung kanang braso ko sa gilid nya, yung parang ikinukulong ko sya sa braso ko? Pero isang panig lang. napatingin sya sa gawing kanan nya saglit pero bumalik din ng tingin sakin Yung kaliwang kamay ko naman ginamit ko para hawiin yung ilang mga hibla ng buhok na kumalat sa mukha nya, inilagay ko yun sa likod ng tenga nya pero hinaplos ko yung buhok nya hanggang sa dulo. Sinusundan ng mga mata ko yung ginagawa ko sa buhok nya, pero alam kong nakatitig sya sakin. Kumuha ako ng ilang bungkos ng buhok nya tapos ay itinapat ko sa ilong ko, haha, playing flirt! Napasinghap sya sa ginawa ko, ramdam ko din yung pag bigat ng paghinga nya, para bang napako lang ang tingin nya sakin, gusto man nyang gumawalaw pero parang ayaw makisama ng isip nya. Pero hindi

pa dito natatapos ang lahat, kaya kung ako sayo. Ihahanda ko na ang sarili ko kasi mahal akong maningil haha, easy ka lang Ayu, may panghuling atake pa ako And now for my final attack, lumapit ako sa tenga nya at sinadya kong isayad ang mga labi ko sa balat nya see yah later, A-yu-mi marahan at talagang diniinan ko ang pagbigkas ng pangalan nya

Unti unti na akong lumayo sa kanya pero hindi ko tinanggal ang paningin ko sa mukha nya gustuhin ko mang tumawa, pinigil ko. Kasi yung itsura nya tulala at pulang pula! Hahaha! Grabe Ayumi! You never fail to surprise me!

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at mismong pagtalikod ko sa kanya biglang tumunog yung bell, tapos na ang lunch break. Per o hindi yun ang nasa isip ko, sa ngayon kasi, alam ko na na Victory is mine then I smiled my creepiest smile.

Kung saan ko man nakuha yung lakas ng loob ko kanina, THANK YOU! Kasi sa tingin ko, napahina ko ang depensa nya, higit sa inaasahan ko

Ayumis POV

Pinagmasdan ko lang siyang maglakad palayo. Nakaramdam ako ng panlalambot ng tuhodpati paghinga ko bumigat, napahawak ako sa puso ko tapos unti unti akong napaupo sa sahig te-tekaa-ano bangn-nangyayari sakin? hirap parin akong huminga at abnormal parin ang tibok ng puso ko. Ngayon nakasalampak na ako sa sahig habang nakatanaw parin sa gawi kung saan unti unting nawawala sa paningin ko si Dustine. Wala na sya pero bakit nandito parin yung weird feeling na naramdaman ko kanina? Yung mga mata nya, yung pagdidikit ng mga balat namin, at yung mga labi nya HINDIIIIIIIIIIII !!!!!! napasigaw ako ng di oras at napahawak sa ulo ko. Nagtatakbo ako papunta sa girls comfort room at doon nagwala. Alam kong pinagtitinginanan ako nung mga nakakita sakin kanina pero hindi ko na sila pinansin pa! mas pinoproblema ko yung pangyayari kanina BWISIT KA DUSTINE ALIKABOK KA! ANONG GINAWA MO SAKIN?!!! binasa ko yung mukha ko kasi pakiramdam ko ang init init nya at pulang pula pa! hindi hindi pinagsasampal at pinagsasabunutan ko yung sarili ko! Ugh! Naguguluhan na naman ako!

This past few days nakakaramdam na ako ng ganito pero, yung kanina mas malala yun! dati naman kapag hinahamon niya ako normal lang ang reaksyon ko, pero naman kasi

Yung aura nya kanina nakakapangilabot para syang mangangain ng tao tapos yung mata nya parang mata ng anime character na na-hypnotize at wala sa sarili!!!! Oh my gulay! HINDI!!! Ayumi! Compose yourself! di ka dapat magpaapekto sa mga sinabi nya kanina! tinapik tapik ko yung magkabilang pisnge ko tama! Baka paraan nya lang yun para pahinain at paguluhin ang isip ko! Oo tama! Yun nga! pagkukunbinsi ko sa sarili ko Matapos ang matagal na meditation, pumunta na ako sa classroom namin, at as expected late na ako Pinapasok naman ako dahil sa pagdadahilan na nagpunta pa ako ng clinic. Liar Ayumi !!! Pero sa kamalas malasan namanhabang nagkaklase kami WALA AKONG MAINTINDIHAN!!! Di mawala sa isip ko yung sinabi nyang ihanda ang sarili ko at di ko maiwasang kilabutan at magtayuan ang mga balahibo ko! Tsk, naco-corrupt na ng alikabok virus ang utak ko! Alikabok ang tawag ko sa kanya kasi ang pangalan nya Dustine

kung ako sayo, ihahanda ko na ang sarili ko kung ako sayo, ihahanda ko na ang sarili ko kung ako sayo, ihahanda ko na ang sarili ko kung ako sayo, ihahanda ko na ang sarili ko kung ako sayo, ihahanda ko na ang sarili ko kung ako sayo, ihahanda ko na ang sarili ko

Ayan na naman yang linyang yan e nagrerewind na naman sa utak ko! tama na pilit kong tinakpan yung tenga ko at ipinikit yung mga mata ko

see yah later, A-yu-mi see yah later, A-yu-mi see yah later, A-yu-mi

lubayan mo ang isip ko Alikabok bulong ko sa sarili ko

A-yu-mi A-yu-mi A-yu-mi

AYUMI! BWISIT KANG ALIKABOK KA TIGILAN MO ANG UTAK KOOOOOO!!!! napatayo ako at sumigaw ng pagkalakas lakas

*silence~

*blink blink* (O_O) uh-oh

Miss Dris, pwede bang sagutin mo itong problem sa board?! napatingin ako sa paligid ko tapos dun sa teacher ko

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!! nakakahiya!!!! y-yes sir! agad akong tumayo at pumunta sa board at sinagot yung problem, buti nalang madali lang s-sorry po sir

Nakayuko akong bumalik sa upuan ko habang walang humpay sa pagtawa yung mga classmate ko

nice one Ayumi! Hahaha!!! sigaw nung katabi ko sakin. Sinamaan ko lang sya ng tingin pero panay parin sya sa pagtawa

quiet class! And please pay attention Ayumi. Kung sino o ano man yang alikabok na tinutukoy mo, alisin mo muna sa isip mo, kay? mahinahong sabi ni Sir

ayieeeeehhh~! sino daw oh asar na sigaw nung mga kaklase ko

p-pasensya na po nakayuko na ako sa sobrang hiya

Okay, going back pagpapatuloy ni Sir ng lesson

Kasalanan mo to Dustine!!! Gagamitin kong inspirasyon to para matalo ko sya mamaya! Tama! Sisingilin ko din sya ng mahal! Mwahahaha!!!

*after class

Pagkatapos na pagkatapos ng klase kumaripas na ako ng takbo sa locker ko ang as expected may note

same time, same place, but a new game. Kita nalang tayo mamaya. - D Yun yung nakasulat sa note, pero sa bandang baba may nakasulat pa

P.S- mag-isip ka na din ng consequence mo, just in case na matalo mo ako, pero I assure you this time, Victory is mine

huh!? Talaga!? Victory is mine panggagaya ko sa note nya paniguradong pahihirapan kita sa parusa ko sayo! sabi ko sa sarili

Inayos ko na ang mga gamit ko at pati narin ang sarili ko kaya mo to Ayumi Dris! Tatalunin mo ulit sya! Its just the same as your old games! pagchi-cheer ko sa sarili ko

Tapos tumakbo na ako sa lugar ng aming challenge

Sa rooftop.

Nung marating ko iyon, inantay ko munang matanggal ang hingal ko, then I take a deep breath ang hold the door knob this is it tapos pinihit ko na iyon.

Dustines POV Kanina habang nagkaklase kami, di ako makapagfocus sa lesson kasi di mawala sa isip ko yung itsura ni Ayumi, tapos nun bigla nalang akong mapapangiti Nililingon nga ko nila Tim kasi para daw akong baliw na tulala tas biglang ngingiti. Di ko nalang sila pinansin. Walang makakasira sa mood ko ngayon! At dahil sa sineswerte kami, yung last subject namin hindi nakapunta kasi daw may pinapagawa daw sa kanya. Kaya Malaya kaming gawin ang anumang gusto namin basta wag lang kaming mag iingay at magpakalat kalat sa labas. Pero dahil likas sa mga tropa ko ang pagiging pasayaw e, ayun, labasan sila ng labasan. Pero ako mas pinili kong manahimik sa upuan ko at abala sa mga iniisip ko oy tol! Ayaw mo talagang lumabas? tanong nila sige kayo nalang, may kailangan pa aong gawin e sagot ko naman Nakita kong nagibit balikat lang sila tapos ay umalis na

Nung makalayo sila, nakaramdam ako ng kapayapaan pero yung kapayapaan na yon, pati utak ko dinamay!

tsk! Ngayon naman wala akong maisip na parusa! Ugh! ginulo ko yung buhok ko tapos at dumukdok sa desk ko nilulugaw na naman ang utak ko

tsk tsk tsk, sabi ko na nga ba constipated ka na naman e napa angat ako ng ulo ko at tiningnan kung sino yung nagsalita

Si Tim. Humila sya ng bangko at umupo sa harap ko kasama sya nila Kevin kanina ah Tiningnan ko lang sya saglit tapos dumukdok ako ulit sa desk ko

hahaha! Easy lang tol mailalabas mo din yan pabirong pahayag nya tss, wala akong panahong makipagbiruan sayo ngayon Tim at hindi ako constipated! mariing pahayag ko

oy Tim, na paano yang si Castro? tanong nung isang kaklase ko. Nanatili akong nakadukdok at pilit na pinagagana ang utak ko ano ba naman, ayaw gumana ng utak ko! wala, constipated lang. casual na sagot ni Tim loko ka talaga! napaangat ako ng ulo at babatukan ko sana sya tsk, badtrip naman oh! pfft! Oy wag mo ditong ilabas yan ha! natatawang sabi ng kaklase ko

Sinamaan ko lang sya ng tingin pero mukhang wala lang dahil natatawa parin sya

barbero ka talaga Tim, bat di ka makipag kwentuhan sa pagong?! singhal ko sa kanya haha, to naman di na mabiro kinalma nya muna yung sarili nya bago muling nagpatuloy ano ba kasing iniisip mo at mukha kang pinakain ng ampalayat suka? haha sira talaga tong isang towalang pag asa Pero dahil sa wala na rin naman akong maisip, ikukwento ko na rin sa kanya yung bumabagabag sa isip ko tss, nag iisip lang naman ako ng parusa para sa laro namin mamaya problemadong sagot ko at muling dumudok ulit kung bakit naman kasi ngayon pa ako nawalan ng ideya

haha! Wala talagang silbi yang utak mong maliit! abat?! nanglait pa talaga?!

Iniangat ko yung ulo ko at hinarap ko sya bakit may naiisip ka ba?! panghahamon ko sa kanya

Ngumisi sya syempre naman, ako pa! hmm, come to think of it, pagdating sa mga pagpa-plano dito magalin gsi Tim e, kaya kadalasan sya ang tigaisip namin ng mga kalokohang gagawin at ano naman ang naiiisip mo, ha Timothy? hehe, babawi rin ako syempre sa pambibwisit nya sakin kanina. Ayaw nya kasing tinatawag sya ng buong pangalan nya. Masyado daw mabait pakinggan para sa isang tukmol na gaya nya.

halika lumapit ka dahil sa wala na akong choice at mukhang maganda ang plano nya, lumapit ako sa kanya at iniharap sa kanya ang tenga ko kaso

*BOINKS! ARAAAY! LOKO KA TALAGA!!! napahawak ako sa ulo ko, kaw ba naman ang kotongan e! sinabi na kasing wag akong tatawagin sa buo kong pangalan! a-aaah aist, pag to nagkabukol bubugbugin kita Timo-- edi hindi ko sasabihin yung naiiisip ko yan ang isa pa sa mga talent nya, mam-black mail, tss, no choice na naman ako Hinimas himas ko nalang yung ulo ko at di na nagreklamo pa ok eto seryoso na tapus nun binulong na nya sakin yung naisip nya

*LIGHT BULB!

Agad akong kumuha ng ballpen at papel, saka ako gumawa ng note same time, same place, but a new game. Kita nalang tayo mamaya. - D

P.S- mag-isip ka na din ng consequence mo, just in case na matalo mo ako, pero I assure you this time, Victory is mine

Matapos kong isulat yun tinapik ko sa balikat si Tim salamat pare tumango lang sya

oy president! Cr lang ako! paalam ko dun sa class president namin

haha! Milagro ata! Di ka na nga nagpapaalam dati e class pres.

Oo nga noh?

wala sa sarili yan, di na kasi sya constipated, kailangan ng magbawas, hahaha! di ko na pinansin si Tim at nagtatakbo na ako sa locker room

Hinanap ko yung locker nya, saka ko isinuot sa loob yung note ko

kailangan ko nalangmaghintay ng uwian, pagkatapos nun, oras na para magkaalaman yan ang nasa isip ko tapos umalis na rin ako

~Part V~ Epilogue

Third Persons POV Uwian na at gaya ng nakatakda, ngayon ang oras ng kanilang pagtutuos. Si Dustine ay matiyagang naghihintay sa rooftop, doon na nya inantay ang oras ng uwian matapos nyang iwan ang kanyang mensahe sa locker ni Ayumi. May kalakihan ang nasabing rooftop, mayroon din itong bakod na lagpas sa taas ng mga estudyante upang magsilbing harang at maiwasan ang aksidente. Ngunit ng mga oras na iyon ay walang niisa man na umakyat sa kinaroroonan ni Dustine, marahil ay may ibang inaasikaso ang mga mag aaral, at nagging pabor naman it okay Dustine dahil walng ibang makakagambala sa kanila. Nakatanaw lang si Dustine sa kabuuan ng paaralan, doon ay tanaw nya ang mga nagkalat na estudyante sa school grounds, marahan ding humahaplos sa kanyang mukha ang mahinang ihip ng hangin na syang nakadagdag sa kapayapaan ng lugar. Di kalayuan sa kanyang kinatatayuan ay ang pinto na syang nagsisilbing lagusan upang marating ang rooftop. Nang marinig nyang may pumihit sa pinto, isa lang ang pumasok sa isip nya, andito na sya. Agad syang humarap sa direksyon ng pinto at dooy nakita nya ang kanyang iniintay. Si Ayumi. Nagkatitigan ang dalawa ngunit agad din namang nag iwas ng tingin si Ayumi, saglit na napaisip

si Dustine sa ikinilos ng katunggali ngunit agad din namang napangiti mukhang naiilang sya dahil sa kanina iyon ang naiisip nya. bago tayo magsimula, ipapaliwanag ko muna ang parusa mo kapag natalo kia simula ni Dustine o gusto mong ikaw ang mauna? tanong nya Napatingin naman sa kanya si Ayumi at tila nag-isip sige ako muna! sagot ni Ayumi simple lang naman e, dahil may event tayo ngayong February, ililibre mo ako sa mga booth na gusto ko saglit na natigilan si Dustine dahil sa narinig akalain mo nga naman, magkaugnay pa ang naisip naming consequence? yan ang nasa isip niya kaya ihanda mo ulit ang wallet mo, pati narin ang sarili mo inaasahan na ni Dustine na may mai-involve na pera, pero ayos lang iyon sa kanya, ngunit ang huling sinabi ni Ayumi ang nakapagpabilis ng tibok ng puso nya cause you will be, my Valentine Slave tapos gumuhit ang isang ngiting kakikitaan ng determinasyon sa mga labi ng dalaga. Dahil doon, bago pa man makita ni Ayumi ang kanyang reaksyon ay yumuko na sya Valentine slave pala ha isang mapaglarong ngiti ang ipinakita nya sa muling pag-angat ng kanyang ulo at pagsalubong sa tingin ng katunggali ako naman.. simula nya Sa biglang pagyuko ni Dustine at pagguhit ng mga ngiting hindi mawari, nakaramdam ng kaba si Ayumi bakit parang hindi sya natinag dun sa sinabi ko? Ano kayang pinaplano nito? At, ano kaya ang challenge ngayon??? Naku naman!!! sa isip nyay ibig na nyang magwala simple lang din naman ang gagawin mo pag natalo kita, at partida walang perang involve medyo nakahinga sya ng maluwag sandali dahil hindi nya kailangang gumastos, pero agad ding napalitan ng kaba dahil sa idinugtong ng kalaban gaya nga ng sabi ko sayo kanina, ihanda mo ang sarili mo pakiramdam nya binuhusan sya ng malamig na tubig dahil sarili nya ang nakataya doon lagot, wrong move ata ako napapaisip na naman si Ayumi wag kang mag alala dahil wala naman akong gagawing masama sayo

Youll just be my Valentine date kaswal na saad ni Dustine Tuluyan ng nakahinga ng maluwag si Ayumi aaah.. Valentine date lang pala e... teka, Valentine- ANO?!!! napasigaw sya ng di oras

oy easy ka lang! andali dali lang ng gagawin mo kung makasigaw ka naman napatakip ng tenga si Dustine sa lakas ng sigaw ni Ayumi pe-pero teka s-sigurado ka??? may halong pagdududa nyang tanong kasy Dustine mukha ba akong nagbibiro? bakas sa mukha ni Dustine na seryoso sya sa kanyang pahayag te-teka p-pwede bang-- wala ng atrasan to, the game is set and so is the consequences.. agad na putol ni Dustine sa sasabihin sana ni Ayumi dahil tila nababasa nya ang balak nito kainis!no choice na ako! maktol nya sa isip nya tss, fine! Its a deal! Muling napangiti si Dustine haha, sure win... lihim na pagbubunyi nya sa kanyang isipan good, now let me explain the mechanics of the game... kin uha nya ang isang sarado pang box ng Pocky ...the title is Pocky Eating Contest... Nabuhayan ng dugo si Ayumi dahil sa narinig eating contest??? Aba! Sure win ako don! pagbubunyi nya sa kanyang isip at napangiti ng hindi nya sinasadya pero syempre lalagyan natin ng twist... dagdag ni Dustine haha, not as you think my dear... ito ang nasa isip nya ng makitang napangiti si Ayumi ng mabanggit ang pangalan ng laro Napakunot naman ng noo si Ayumi twist??? Anung twist? Pretzel twist?! Kaloka ha! ang ti nutukoy ko na twist ay ganito... simula ni Dustine ng mabatid na naguguluhan si Ayumi ...kung sa normal na eating contest pabilisan o padamihan ng makakain, sa laro natin hindi. Dahil dito, isang pocky stick lang ang gagamitin natin. Sa magkabilang dulo, doon tayo magsisimula, ang objective ng laro ay maubos ang pocky stick ng hindi bumibitaw ang sino man sa mga player. Dahil ang bumitaw ay siyang talo. Paliwanag ni Dustine. isang pocky stick, dalawang players, magkabilang dulo, walang bibitaw hanggang sa maubos... teka...hanggang sa ma...u..bos... (O////O) HA?!!! muli na naman syang napasigaw te-teka, parang pabor sayo tong game na to ah! Unfair naman yata! angal nya like Ive said earlier, wala nang atrasan to at isa pa, kung simulat simula palang umangal ka na at ikaw ang gumawa ng game ok lang, ang kaso hindi ka kumontra diba? So it only means, na kahit anong game ang maisip ko ok lang. mahabang paliwanag ni Dustine p-pero... k-kasi... a-ano... hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan si Ayumi huhu! Lupa! Lamunin mo na ako!!! pagpoprotesta nya sa kanyang isipan first kiss ko kasi yun pag nagkataon!!! (>///<)

no buts Miss Dris, lets just settle this once and for all. Malay mo matalo ako sayo, you can do whatever you want to do with me, diba? panghihimok nitong saad bad decision Ayumi! Baka! Baka Ayumi! lihim nang nagwawala si Ayumi sa kanyang isipan, nakakaramdam na rin sya ng kaba at pinagpapawisan na sya ng malamig [baka=stupid] Binuksan na ni Dustine ang box ngunit hindi iyon batid ni Ayumi dahil kasalukuyan syang nag iisip ng mga bagay bagay. Sa pag iisip, di na nya napansin ang paglapit ni Dustine, kasalukuyan syang nakayuko ng makita nya ang mga binti na nasa harap nya. Si Dustine na may hawak na pocky stick. Napaatras sya at balak sanang magsalita nang isubo sa kanya ni Dustine ang isang dulo ng stick at ganun din ang ginawa nya sa kabila. Dahil dito nakaramdam sya ng pagbilis ng pagtibok ng puso, hirap sa paghinga at pag-init ng pisngi. Nag-iiwas sya ng tingin ngunit di maiwasang hindi mapatingin si Ayumi sa mukha ni Dustine. Gwapo ito, matangos ang ilong, may kapungayan ang mga mata na tila nangungusap at naghihipnotismo sa oras na titigan mo, ang mga pisngi nitong namumula-mula kapag nasisikatan ng araw at ang pinakanakapukaw na kanyang atensyon, ang mga labi nito. Mga labing tila ban ang aakit sa kanyang mga mata, saka nya muling naalala ang pagdampi nito sa kanyang tenga, di nya maiwasang makaramdam ng kakaiba, na tila ba bago sa kanyang sistema. Dustine, ano bang ginawa mo at nagkakaganito ang sistema ko pag malapit ka...? nawawala ako sa katinuan, lalo na ngayon. Ano bang meron ka? yan ang tangin tumatakbo sa kanyang isipan Batid ni Dustine ang di normal na paghinga ni Ayumi, ganun narin ang hindi nito tuwirang pagtingin sa kanya. Pansin nya na tila may iniisip ito ngunit hindi nya mawari kung ano. Kaya an gginawa nya, tinitigan nya muna ito. Pinagmasdan at ina-nalisa nya ang bawat parte ng maamo nitong mukha. ano nga bang nagustuhan ko sayo? yan ang tanong na bumabagabag sa kanya kung tutuusin wala namang espesyal sayo. Oo maganda ka at may maamo kang mukha at nakakatuwang pag-uugali. Walang kakaiba sayo pero bakit lagi kang hinahanap ng mga mata ko? unti unti nyang inunawa ang mga maaaring dahilan. Ngunit gaya nga ng sinasabi ng iba, hindi mo malalaman kung bakit, paano at kalian mo magugustuhan ang isang tao. Tila ba isang misteryo. Sadyang pag-ibig ay mahiwaga. Sa patuloy nyang pagtitig ditoy napadako ang kanyang mga mata sa labi ni Ayumi. At sa di malamang dahilan ay tila nahahalina sya dito. Tila ba may nagsasabi sa kanya na ilapat ang kanyang labi sa labi ni Ayumi. Bahagya na ring lumalambot ang tinapay na parte ng stick kaya kailangan na nya itong kagatin. Nang maramdamang sinisimulan ng kumagat ni Dustine, naalarma si Ayumi. ahhh!!! Hala hala! Nagsisimula na sya!!! tarantang sigaw nya sa isipan nya Nang maramdaman nyang lumalambot na rin ang parteng kagat kagat nya, kinailangan na rin nya itong putulin.

Marahan. Unti unti. Maingat. Yan ang naging galaw nila.Kapag mararamdamang malambot na ang tinapay na parte ay sisimulan nila itong kagatin. Sa unti unting paglapit at pagliit ng distansya ng kanilang mukha, lalong nakadama ng kakaibang kaba ang dalawa. Pareho na nilang dama ang mainit na hiningang nanggagaling sa isat isa. Pakiramdam nila tumitigil ang oras sa paligid nila, pareho sila ng nadarama. Dahil narin sa pagkalunod sa matinding kaba, unti unting nakaramdam ng panlalambot ng tuhod si Ayumi. Hanggang sa dumating sila sa puntong paubos na ang stick na naghihiwalay sa kanilang mga labi. Ilang sentimentro nalang ang pagitan nila, konting konti nalang. Dahil sa maliit na pagitan nila, ramdam ni Dustine kung ano ang mga balak gawin ni Ayumi. At nang maramdaman nyang unti-unting bumibitiw ito, di na nya hinayaan pang tuluyang makalayo si Ayumi. Tuluyan na nyang sinakop ang natitirang stick at...

Inilapat ang mga labi nya sa labi ni Ayumi. Napasinghap si Ayumi. Lalong lumala ang tibok ng kanyang puso. Tuluyang pinanawan sya ng lakas para makatayo ngunit hindi sya hinayaang bumagsak ni Dustine. Naramdaman nyang inialalay ni Dustine ang mga braso niya sa kanyang bewang at isinandal ng maigi sa pinto. Dahil sa magkakahalong emosyon, gulat, pagkalito, kaba at kung ano-ano pa. Tuluyan nang nawala sa sarili si Ayumi. Nagpatangay nalang sya sa nangyayari. Naramdaman ni Dustine na ipinalupot ni Ayumi ang kanyang mga braso sa leeg nya. Saglit na ikinabigla nya ito at napadilat ng konti, ngunit ng naglaon ay hindi na niya pinansin pa. Muli nyang ipinikit ang mga mata saka iginalaw ang mga labi nya sa labi ni Ayumi. Marahan, masuyo at may paggalang. Yan ang nararapat na pagsasalarawan ng kanilang halik. Noong unay hindi nila alam kung paano igagalaw ang mga labi sa isat isa ngunit sa huliy tila sayaw na nakuha nila ang mga galaw. Hindi nila alam kung gaano katagal ang halik, dahil na rin sa pakiramdam nila ay bumagal ang takbo ng oras. Unti unting kumalas sa pagkakakapit si Ayumi sa leeg ni Dustine hanggang sa tuluyan ng bumagsak sa magkabilang gilid ni Ayumi ang kanyang mga brasong tila walang lakas para kanyang maitaas. Habang si Dustine naman ay nanatiling naka alalay sa kanya. Kasabay ng pagkalas nila sa isat isa, napayuko nalang si Ayumi, patuloy na hindi normal ang kanyang paghinga. Ngunit sa isang banda, tila ba natuwa sya sa nangyari, di nya alam kung dahil sa halohalong emosyon na nadarama nya kaya hindi makapag isip ng maayos ang kanyang utak.

Pinag masdan lang ni Dustine ang nakatungong si Ayumi, patuloy nya parin itong inaalalayan dahil alam nyang tila nawalan ito ng lakas upang tumayo.

paano ba yan, talo ka... Unang namutawi sa labi ni Dustine ...bumitiw sa kanina dagdag nya a...deal... is a... deal wala sa sariling tugon ni Ayumi wala parin sya sa wisyo alalang pag iisip ni Dustine

Nanatili sila sa ganung posisyon ng muling magsalita si Dustine let me tell you something Ayumi... simula nya ngunit nanatiling walang imik ang kausap. Inalalayan nya itong makatayong maigi ngunit ng subukan nya itong pakawalan ay tila babaksak lamang ito.

Nangyakapin siya ni Dustine, nakaramdam ng kapayapaan si Ayumi, bakit...pakiramdam ko ligtas ako sa mga bisig nya...? ang sarap sa pakiramdam... ito ang laman ng isip nya

please Ayu, listen to me carefully... nagsusumamong pahayag ni Dustine. Marahang tumango si Ayumi bilang tugon di ka man kakaiba, kung tutuusin ay isa ka sa mga pangkaraniwang tao na nakilala ko pero, may bagay na meron ka na wala sa iba. Lagi, simula nung magka-dare tayo, lagi kong kinasasabikan ang kinabukasan kasi makikita na naman kita. Nung una natutuwa lang ako sayo kasi sabi nila, ikaw ang girl version ko sa pagiging adik sa pocky at sa palagay ko, totoo naman yon pero liban don, yung tuwa ko, unti unti...parang pokemon... nag-e-evolve... Bahagyang napangiti si Ayumi sa narinig na pagsasalaysal ni Dustine

now let me get straight to th point... huminga sya ng malalim tapos ay humiwalay sa pagkakayakap kay Ayumi, tinitigan nya ito ng diretso sa mata, ganun din si Ayumi sa kanya Ayumi Driss... gusto kita sinsero nyang pahayag kay Ayumi. Dito na nagsimulang tumulo ang luha ni Ayumi uy... wag ka namang umi-- bago pa man matapos ni Dustine ang sasabihiy tinakpan na ni Ayumi ang labi ni Dustine ng kanyang hintuturo shh...masaya lang ako... salaysay ni Ayumi ...kasi kahit na nalilito pa ako at naguguluhan, ngayon alam ko na kung bakit...cause the feelings mutual Dustine at... at...? nabitin si Dustine sa huling sasabihin ni Ayumi kaya nais nyang malaman kung ano ang idudugtong nito

ikaw ang first kiss ko... mahina ngunit sapat na para marinig ni Dustine ang sinabi ni Ayumi. Dahil sa pakiramdam ng pag init ng kanyang pisngi at tila pamumula ng kanyang mukhay yumukong muli si Ayumi. Mahinang tumawa si Dustine at muling niyakap si Ayumi you know what? I love it when you blush... I find it cute and...

Youre my first kiss too so dont be ashame... naroon parin ang ngiting tila hindi na mabubura sa labi ni Dustine

Marahan nyang hinaplos ang buhok ni Ayumi at hinalikan ito sa kanyang ulo

I love you, My Pocky Girl...

~ The End ~

Aaand... CUT! Ok! Good take everyone! Pack up na! A/N:


Hi! Akoy lubos na natutuwat sinubaybayan mo ang kwentong ito. Ang one shot na putol putol at para naring on going story pero, salamat sa tiyaga at sanay nagustuhan mo ito. Naway naaliw kita sa sasandaling kwentong iyong sinubaybayan. Sa totoo lang ay marami pa akong balak na storya ngunit ang aking problemay hindi mawala ang aking katamaran kaya hindi ko sya masimulan pero, umasa kang makakahanap din ako ng gamot para dito sa aking karamdaman! Kaya hanggang sa susunod na kwentong ating pagsasauhan, paalam! DarkLeague

Direct DL

Вам также может понравиться