Вы находитесь на странице: 1из 2

Uy. Kamusta ka na? Balita ko, may jowa ka na daw ah? Jowa? Ah. Sorry, girlfriend pala.

Seryoso ka nga pala sa kanya. O, buti? Nagka-girlfriend ka na. After uh... 3 years? Tama ba? Yun yung sabi mo sakin eh. Ah... 4 years. Oo. Oo, tama. 4 years. Kasi last year lang yun eh, no? Nung sinabi mo sa'kin na 3 years ka nang walang jowa. Ay sorry. Oo, girlfriend n ga pala. Girlfriend. Girlfriend. Oo, man. Last year yun. Bilis, no? Isang taon na nakalipas. Ha ha ha. Oo nga eh. Parang kelan lang... Hay. Oo, dude. Naaalala ko pa yun, siyempre. Mga 2 years ago? Oo. Magt-two years actu ally... In 12 days. Siyempre, alalang-alala ko 'yun. Sa may Leona's. Magiting Street. Around 6pm. Oo , man. Sobrang cute mo nun. Ha ha ha. Actually, ang magical nung feeling nun eh. Yung tipong akala ko sa pelikula lang nangyayari yung mga ganun. Oo, tangina grabe pare, medyo kinilig kaya ako nun. Actually, di lang pala medyo. Sobra kaya. Sobrang kilig ko nun. Yung tipong tang ina of all places kung saan bibili ako ng artwork, doon pa. Of all days na pwede akong pumunta dun, nung araw pa na yun kung kelan ka nandun. And of all pieces na naka-display, yung sayo pa yung napili ko. 'Tas tangina, no? Sinong mag-aakal ang mula dun sa pangyayaring yun, may kasunod pang magaganap? Ay sorry. Ang dami ko bang sinabi? Ha ha ha. O sya, balik tayo sa girlfriend mo... Kelan pa naging kayo? Ah. Nito lang pala. Mag-iisang buwan na pala. Di mo man lang ako binalitaan. Ahh oo nga naman. Ha ha ha. Sorry. Oo, man. Busy. Sobrang busy ko, eh. Ikaw din, eh. Ha ha ha. ... ... Hmm... Pero alam mo? Masaya ako para sayo. Sobra. Sobrang saya ko talaga para sayo. Kasi finally, nagawa mo nang panindigan yan this time. Kasi... Tangina... Ewan ko ba. Ha ha. 'Di, nevermind na lang. Ha ha ha. 'Di talaga. Ha ha. 'Wag na. Wala lang yun. Tapos na yun eh. Pero sige, eto. Alam mo? Putangina mo, eh. Paasa ka kasi. Naaalala mo yung una tayong nagkita? Oo, yung two years ago. Noon pa lang, may feeling na ako na magiging malaking ba hagi ka ng buhay ko, eh. Kaso di ko pinansin yun, man. Kasi mukhang malabo. Para ng di ka naman interesado sa akin nun, eh. At saka, may ibang bagay din akong in iintindi noon. Oo, noon pa lang pinakawalan na kita. Eh kaso tangina mo, eh. Big la kang dumating ulit nung mga panahong 'di ko talaga inaasahan. 'Tas ewan. Hay. ... Oo sige, tangina itututloy ko. Teka lang, ha.

Hay. ... ... Ayun. Ewan ko ba kung anong meron sa iyo. Sa akin. Sa atin nung mga panahong iyo n, at bigla na lang tayong nag-click. Naaalala mo yun? Nung nagtitigan lang tayo. Yung parang tumigil talaga yung pagikot ng mundo. Yun na siguro ang pinakamahabang sampung segundo ng buhay ko. Sob rang kinikilig kaya ako nun. Lalong-lalo na nung inilapat mo ang labi mo sa noo ko para magpaala--Ha?? Anong bakit ngayon ko lang 'to sinasabi sayo? Anong anong ibig kong sabihin ? Anong anong gusto kong palabasin? Wow ha. 'Di, sige. 'Wag na. Oo, man. Kaso bigla kang nawala, eh. Sorry? Ulul. Oo, masakit, eh. Minahal kaya kita. Sobrang minahal kita. Actually, hanggang nga yon mahal kit--- eka. Di ko na kayang ituloy 'tong usapang 'to. Wala naman nang patutunguhan, eh. Monologue Para kay Elleazar

Вам также может понравиться