Вы находитесь на странице: 1из 2

BATAYANG PANGUNGUSAP AT MGA BAHAGI NITO Ang batayang pangungusap ang pinakasimple at pinakamaikli ngunit pinakakumpleto ring uri

ng pangungusap. Dalawa ang pangunahing bahagi ng batayang pangungusap sa Filipino: ang panaguri at ang paksa. PANAGURI - Ito ang bahagi ng pangungusap na kumakatawan sa impor-masyong sinasabi o iniuugnay sa paksa. Sa wikang Filipino, karaniwan sa ordinaryong usapan ang pagsasabi muna ng panaguri kasunod ang paksa. Halimbawa: Sumasayaw si Alliah. (Karaniwang-ayos) Si Alliah ay sumasayaw. (Di-karaniwang-ayos)

Magagamit na panaguri ng pangungusap sa Filipino ang iba't-ibang bahagi ng pananalita kasama na ang mga nominal na pangngalan at panghalip, pang-uri, pandiwa, at pangabay. Halimbawa: 1. Mekaniko ang tatay ko. (pangngalan) 2. Siya ang nanay ko. (panghalip panao) 3. Iyan ang kotse niya. (panghalip pamatlig) 4. Payapa ang bayan. (pang-uri) 5. Kumakanta ang bata. (pandiwa) 6. Bukas ang alis ng panauhin. (pang-abay)

PAKSA - Ito ang pinag-uusapan o sentro o pokus ng usapansa pangungusap.

Laging pariralang nominal ang paksa ng pangungusap sa Filipino. Nangangahulugan ito na laging may nauunang pananda o marka (ang/ang mga. si/sina) ang paksa kung pangngalan. Ginagamit ang ang sa anumang bahagi ng pananalita na ginawang nominal maging ito ay pangngalan, pang-uri, pandiwa, o pang-abay. Halimbawa: 1. Nagtitinda ang nanay. (Pariralang pangngalan) 2. Kitang-kita ang pinakamaputi. (Pariralang pang-uri) 3. Pinarusahan ang mga tumututol. (Pariralang pandiwa) 4. Matagal pa ang bukas. (Pariralang pang-abay) 5. Nagalit siya. (Panghalip panao)

Вам также может понравиться