Вы находитесь на странице: 1из 4

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang pagkakaroon ng sakit ay isang matinding suliranin na maaaring kaharapin ng isang pamilya. Sa panahon ngayon, marami ang naglipanang mga kumakalat na sakit. Kasama na rito ang epidemya ng tigdas na kasalukuyang kinakaharap ng ating bansa. Ang ilan pa rito ay ang mga sakit na madaling maipasa mula sa taong may sakit papunta sa ibang tao. Kagaya na lamang ng ubo at sipon, maraming tao ang maaaring mahawahan ng sakit na ito kapag hindi ito naagapan at nalunasang kaagad. Maaari ring magkaroon ng ganitong klaseng sakit ang isang tao kung mahina ang resistensya nito laban sa mga sakit. Ilan pa sa mga sakit ay ang dengue at malaria na maaari namang makuha mula sa mga lamok na may dala ng sakit na ito. Ngunit ang isa sa mga sakit na hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng lunas ay ang sakit na HIV AIDS. Ang sakit na HIV AIDS ay isang nakakahawang sakit na maaaring maisalin sa ibang tao. Ang paraan ng pagkakapasa at pagkakaroon ng sakit na ganito ay sa pamamagitan ng sekswal na pakikipagtalik sa ibat ibang tao. Kapag ang isang tao na nagdadala ng sakit na ito ay nakipagtalik sa isang tao na walang sakit na HIV AIDS, maaaring mahawahan ang tao na walang sakit na HIV AIDS sapagkat ang virus nito ay humahalo sa likido na lumalabas mula sa ari ng isang tao. Hindi maiiwasan ng ibang tao na makipagtalik sa ibat ibang tao dahil maaaring ito na ang naging buhay nila o kaya ay ito ang ginagawa nilang pampalipas oras kayat kung kani kanino na lamang sila

nakikipagtalik. Ngunit sa kasalukuyan, mayroon na ring mga kaso na naipapasa ang sakit na ito maging sa mga anak ng mga tao na nagkaroon ng sakit na HIV AIDS. Ang sanggol na marahil na dinadala ng isang ina sa kanyang sinapupunan ay maaari ring mahawahan ng sakit na ito kapag ang isa o ang parehong magulang nito ay nagkaroon ng sakit na HIV AIDS. Maaaring namamana ang sakit na ito ng ibang mga bata mula sa kanilang magulang ngunit maswerte sila kung hindi nila makukuha ang sakit na ito mula sa kanilang mga magulang. Dahil sa problemang ito, ang mananaliksik ay gumawa ng isang pag aaral tungkol sa mga sanggol na nagkaroon ng sakit na HIV AIDS dahil sa kanilang mga magulang na nagkaroon ng sakit na ito. Ang mananaliksik ay naglalayon na malaman ang mga maaaring sanhi kung paano naipapasa ang sakit na ito mula sa mga magulang papunta sa mga sanggol na iniluluwal. Nilalayon din ng mananaliksik na malaman ang maaaring maging epekto ng sakit na ito sa sanggol na nakakuha ng sakit na HIV AIDS. Ninanais din ng mananaliksik na makahanap ng maaaring maging alternatibong paraan para maiwasang magkaroon ng pansariling diskriminasyon sa oras na malaman ng isang bata na mayroon siyang sakit na HIV AIDS.

Layunin ng Pag aaral Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa Mga Sanggol na Ipinanganak na may Sakit na HIV AIDS (Human Immunodeficiency Virus Acquired Immunodeficiency Syndrome) at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu ano ang mga sanhi kung paano naipapasa ang sakit na HIV AIDS sa mga sanggol? 2. Anu ano ang mga maaaring maging epekto ng sakit na HIV AIDS sa mga sanggol? 3. Anu ano ang mga maaaring maging alternatibong paraan para maiwasang magkaroon ng pansariling diskriminasyon sa oras na malaman ng isang bata na may sakit siyang HIV AIDS?

Kahalagahan ng Pag aaral Ang mananaliksik ay buong pusong naniniwala na ang pag aaral na ito ay napakahalaga sapagkat ang problemang ito ay nababagay sa panahon ngayon na kung saan ay lumalaganap ang prostitusyon sa ating lipunan na siyang nagbubunga sa pagkalat ng sakit na HIV AIDS. Isa pa ay dahil sa mabibigyang linaw ang mga tao tungkol sa maaaring kahinatnan ng isang sanggol na mayroong sakit na HIV AIDS. Ang pananaliksik na ito ay malaki ang maitutulong sa mga mag aaral sapagkat magkakaroon sila ng kaalaman tungkol sa mga sanggol na nagkakaroon ng sakit na HIV AIDS. Gayundin, malaki rin ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa mga guro sapagkat maaaring maipalaganap ng mga guro ang ibat ibang impormasyon tungkol sa sakit na HIV AIDS. Karagdagan pa, maaari rin silang magsagawa ng adbokasiya tungkol sa mga dahilan at epekto ng sakit na ito sa mga tao sa lipunan. Makakatulong din ang pananaliksik na ito sa mga mananaliksik na nagnanais ding magsagawa ng isang pananaliksik na may kaugnayan sa pananaliksik na ito. Maaari silang makakuha ng ibat ibang kaalaman buhat sa pananaliksik na ito.

Saklaw at Limitasyon ng Pag aaral Mahalaga ang pag aaral na ito sapagkat naipaalam nito sa mga nakakabasa ang mga dapat tandaan. Ang pag aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga sanggol na ipinanganak na may sakit na HIV AIDS. Nililimitahan ng pag aaral na ito ang pagtuklas sa mga dahilan at epekto ng sakit na HIV AIDS.

Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang mas maging madali at ganap ang pagkaunawa ng mga mambabasa ay binigyang depinisyon ng mananaliksik ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel.

Adbokasiya - Isang paraan upang makapanghikayat o manghimok ng mga tao na labanan ang isang malubhang sakit. Lunas - Kasagutan sa isang sakit upang hindi na lumama pa ang sakit. Maaaring sa pamamagitan ng natural na panggagamot o kaya ay sa paggamit ng medisina at makabagong teknolohiya. Sanggol - Isang bata na kapapanganak pa lamang. Maaaring may edad na isang buwan hanggang dalawang taong gulang.

Вам также может понравиться