Вы находитесь на странице: 1из 13

Kabanata II Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa paglipas ng panahon, hindi maikakaila ang patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nagkaka-interes sa alternatibong medisina. Ilang mga pag-aaral at eksperimentasyon ang pinaglaanan ng panahon upang mapatunayan ang pagiging epektibo ng mga ito. Isa sa mga nakapukaw ng atensyon ng ilan sa mga kilalang mananaliksik ay ang pag-aaral tungkol sa capsaicin na pinaniniwalaang makatutulong sa pagpapababa ng timbang at paghadlang sa mga sakit na may kaugnayan sa obesity. Ang mga sumusunod ay ang mga naging basehan ng pananaliksik na ito. Ayon kina Milind at iba pa (2012), ang berdeng sili ay isang thermogenic agent; na nagagawang pataasin ang produksyon ng init sa katawan. Pinahuhusay din ng pagkain ng berdeng sili ang paggamit ng oxygen. Ang obesity ay nagdudulot ng metabolic deregulation, hyperglycemia, hyperlipidemia, insulin resistant diabetes, at sakit sa matabang atay. Sa mga taong obese, ang pagkain na nagtataglay ng berdeng sili ay nakapagpapabawas ng bilang ng insulin na kailangan upang bumaba ang antas ng asukal sa dugo. Ito rin ay nakakapagpababa ng antas ng LDL (Low-Density-Lipoprotein) cholesterol, na nakakatulong sa pagbabawas ng timbang.

Sa kasalukuyang pagaaral nina S.S.Pawar, N.V Bharude, S.S.Sonone, R.S.Deshmukh, A.K.Raut at A.R.Umarkar (2011), ang capsaicin ay isa sa mga aktibong sangkap ng mga kilalalng inumin tulad ng Prometheus Springs Elixirs at Sweet16 na inilunsad noong 2011. Sinasabi na ang mga ito ay nakatutulong upang mapabilis ang paglabas ng endorphine na nakapagpapatunay na ang capsaicin ay isang mabisang topical analgesic. Nagagawang gamutin ng capsaicin ang rayuma, paninigas na kasu-kasuhan, bronchitis, chest colds at pananakit ng ulo. Nagagawa rin nitong gamutin ng panandalian ang arthritis, pananakit ng likod, pilay at pagkangalay dahil sa sobrang puwersa. Naipakita at napatunayan din na ang capsaicin ay isang mabisang pangpigil sa cholesterol na kaakibat ng sakit sa puso tulad ng arteriosclerosis. Binabawasan ng capsaicin ang ventricular tachycardia at ventricular

fibrillations. Pinagaganda din nito ang pagdaloy ng dugo ng tao patungong puso. Isa itong natural na pangharang sa calcium. Marahil ay iniisip ng tao na ang capsaicin ay hindi nakatutulong sa pagbigay lunas sa ulcer ngunit, ayon sa artikulong ito, ang capsaicin ay isa sa mga pampamanhid ng ulcerated tissue at nakatutulong rin ito sa pagpapatigil ng pagdurugo ng mga tissues sa loob ng tiyan. Maaaring may mga tao na hindi palagay sa pagkain ng maaanghang na putahe sapagkat kanilang iniisip na ito ay magiging dahilan upang lumala ang gastric ulcers ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na ang sili ay ang maaaring lunas sa kanilang sakit. Ang pagkain ng sili ay maaaring maging daan upang hindi magkaroon ng kahit na anong komplikasyon sa tiyan. Napatunayan din na ang capsaicin ay nakakapigil sa pagkakaroon ng stomach lining from aspirin induced ulcers. Gamit ang mga nagboluntaryong mamamayan, naisagawa ng mga mananaliksik ang isang eksperimento kung saan lumabas na nagtataglay ng gastro-protective effect on the mucous membrane of the stomach ang capsaicin. Mayroon ding kakayahan ang capsaicin na isaayos ang mga nasirang stomach tissue. Nagagawang pabilisin ng capsaicin ang pagdaloy ng dugo sa ibat ibang tissue kung saan ang pagtunaw ng pagkain na naroroon ay higit na bimibilis at pinalalakas nito ang digestive secretion galing sa laway, gastric at intestinal glands.

Sa pag-aaral na isinagawa nila Arora R., Gill N. S., Chauchan G., at Rana, A. C. (2011), napatunayan na ang capsaicin ay hindi lamang isang pampalasa ngunit isa rin itong mabisang panunaw ng calories. Ito ay tumutulong sa pagtanggal ng pananakit, kanser, obesity, sakit sa puso, at pagkalagas ng buhok. Napapababa rin ng capsaicin ang inflammatory heat at noxious chemical hyperalgesia, sakit mula sa rheumatoid arthriris o fibromyalgia. Gayon pa man, sinasabi rin na ang labis na pagkain nito ay maaring magdulot ng lesions of liver at gastric cancer. Ang capsaicin ay nakatutulong sa pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa paggamit ng enerhiya na mula sa mga taba. Ito ay sa kadahilanang labis na naaapektuhan ng capsaicin ang thermogenesis at lipid metalobism related protein na mayroong responsibilidad sa pagkontrol ng mga taba sa katawan upang maging isang kapaki-pakinabang na enerhiya.

Ang kanser ay isa sa mga sakit na maaaring makuha ng isang taong obese na nagagawang pigilan ng capsaicin. Sinasabing ito raw ay gumaganap bilang isang balakid sa pagkalat o paglipat ng breast cancer cells, pinapatay nito ang prostrate cancer cells,

pinapababa nito ang autophagy of HCT116 human colon cancer cells at pinipigilan ang growth of leukemic cells. Ito ay nagagawa ng capsaicin sa pamamagitan ng pagpapalakas sa cell cycle arrest, apoptosis, autophagy at cellular metabolic activation. Nakasaad rin sa resulta ng pagaaral na ginawa nila Arora, ang capsicin ay nakaaapekto lamang sa mga nakamamatay na cells at hindi sa mga maayos at malusog na cells. Sinasabi rin na ang metabolites of capsaicin ay inaatake ang DNA at mas lalong pinapabisa ang mutagenicity at ang transpormasyon ng mga nakamamatay na cells.

Sa artikulo din na "Bioscience, Biotechnology at Biochemistry" ni Roizman (2011), ipinakita na ang capsaicin ay may kakayahang makapagpababa ng timbang. Sa pag-aaral sa mga daga sa laboratoryo, parehong grupo ng mga dagang kumain ng capsaicin at grupo ng mga dagang sumunod sa calorie-restricted diet ay naiulat na bumaba ang timbang. Gayunpaman, bumilis ang metabolismo ng mga dagang kumain ng capsaicin. Samantala, ang mga daga na sumunod sa calorie-restricted diet ay tumaas ang timbang kinalaunan. Ang resultang ito ay nagpapahiwatig na ang pagkonsumo ng capsaicin ay mas epektibo sa pagpigil ng pagbuo ng taba sa katawan.

Ipinahayag naman ng mga mananaliksik na sina Ludy at Mattes (2011) sa kanilang artikulo na ang pagkain ng sili ay makatutulong upang patnubayan ang gana sa pagkain at pagbabawas ng mga calories, higit na sa mga indibidwal na hindi mahilig kumain ng sili o anumang pagkaing maanghang. Ang simpleng pagwawaligwig ng tinadtad na sili sa pagkain ay sapat na, higit na kung sasamahan ng ehersisyo at pagkonsumo ng malulusog na pagkain. Napag-alaman din na ang pagtikim sa mismong sili ay mas epektibo kaysa sa pagkonsumo ng capsaicin sa pakapsulang paraan. Iniulat din na ang sangkap ng sili na nagbibigay ng anghang nito ay maaaring makapagbawas ng kagutuman at makapagpataas ng paggamit ng enerhiya na magreresulta sa pagkabawas ng calories. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang gramo o kalahating kutsarita ng sili upang masukat ang epekto nito. Ang ginamit nila ay ordinaryong pinatuyong ground cayenne red pepper. Ang cayenne ay isang sili na kabilang sa mga pinakakaraniwang ginagamit na pampalasa sa mundo. Ang pagkain nito ay nakapagpapataas ng

temperatura ng katawan at nakapagpapabawas ng mga calories sa pamamagitan ng paggamit ng enerhiya sa natural na pamamaraan. Ang egular na pagkonsumo ng sili ay naiulat din na nakapagpapababa ng kagutuman para sa matataba, maaalat, at matatamis na pagkain.

Ang capsaicin noon pa man ay natuklasan na mayroong kakayahan sa pagpapababa ng timbang at bilang analhesiko ayon kanila Escogido, Mondragon, at Tzompantzi (2011). Natuklasan na ito ay nakapagpapabawas ng adipose tissue sa pamamagitan ng pagpapasigla ng enerhiya at metabolismo ng lipid. Ang pagkakatuklas dito ay nakatulong sa pananaliksik tungkol sa mekanismo at epekto ng capsaicin bilang gamot sa labis na katabaan.

Binigyang pagpapakatotohanan sa pag-aaral na isinagawa nila Han at iba pa (2010) na ang dietary capsaicin ay maaaring makapagpabawas ng glucose intolerance na dulot ng obesity sa vivo, at ang kapaki-pakinabang na epekto ng capsaicin ay may kaugnayan sa pagpapahina ng lakas ng mga inflammatory phenotypes sa adipose tissue at liver, na kung saan ay mga mahahalagang peripheral tissues para sa insulin response. Naidawit na ang dietary capsaicin ay nakapagpapababa ng timbang ng katawan at taba, na kung saan ay madalas na binibigyang pagpapakahulugan bilang sanhi ng mga epekto sa metabolismo na humahantong sa pagpapahusay ng metabolismo ng enerhiya at

thermogenesis. Kamakailang mga pag-aaral ang nagmumungkahi na ang inflamed adipose tissue sa obesity ay nagpapasimula sa pagbubuo ng mga karamdaman sa metabolismo na may kaugnay sa obesity katulad na lamang ng insulin resistance at mga sakit sa atay, na nagpapahiwatig na ang pagbawas sa pamamaga ng tissue ay maaaring maging kapakipakinabang sa mga obesity related metabolic syndromes. Ang nakaraang pag-aaral nila ukol sa in vitro ay nagpakita ng posibleng epekto ng capsaicin sa adipose tissue inflammatory responses; gayunpaman, ang mga pangontra o nakagagaling na epekto sa mga obesityinduced metabolic diseases ay hindi pa ganap na naitaguyod sa in vivo. Ang pinakamahalagang katuklasan sa pag-aaral na ito ay ang dietary capsaicin ay nakapagbabawas sa kapansanan ng glucose tolerance dulot ng obesity. Iba pang mga parameters gaya ng plasma levels of fasting glucose, free fatty acids, insulin, leptin, adiponectin, at ng expression levels ng insulin responsive genes gaya ng glucose transporter-4 at insulin receptor substrate-1 ay sumusuporta rin sa pagbabawas ng glucose intolerance sa pamamagitan ng dietary capsaicin sa mga

dagang obese. Ipinapahiwatig ng mga katuklasang ito na hinahadlangan ng dietary capsaicin ang pagkakaroon ng obesity-induced glucose intolerance, at marahil na rin pati ang insulin resistance. Bilang konklusyon, sinusugpo ng dietary capsaicin ang mga obesity-induced vicious inflammatory responses sa pamamagitan ng pagpapababa ng antas ng TNF, IL-6, at MCP-1, at pinapahusay ang adiponectin levels sa adipose tissue at atay, na mahalaganag mga peripheral tissues para sa insulin response. Ang mga kapaki-pakinabang na epekto ng capsaicin laban sa obesity-induced glucose intolerance at hepatic steatosis ay may kaugnayan sa dalawahang aksyon nito sa PPAR/PPAR at TRPV-1 expression/activation. Iminumungkahi ng kanilang mga natuklasan na ang capsaicin ay isang kapaki-pakinabang na dietary phytochemical para sa pagpapabuti ng hindi lamang sa obesity-induced inflammation ngunit pati na rin sa mga karamdaman sa metabolismo na may kaugnayan sa obesity gaya ng insulin resistance at mga sakit sa atay.

Nakasaad naman sa artikulo nina Yang at kanyang mga kasamahan (2010) na Chili Peppers May Come With Blood Pressure Benefits, ang matagal na panahong pagkonsumo ng dietary capsaicin, na isa sa mga likas na sangkap ng sili, ay nakakapagpababa ng presyon ng dugo sa mga dagang may alta-presyon. Ang mga epektong ito ay depende sa talamak na aktibasyon ng transient receptor potential vanilloid 1 (TRPV1) channel na matatagpuan sa lining ng mga ugat. Ang aktibasyon ng channel na ito ay nagdudulot ng pagtaas ng dami ng nitric oxide, isang gaseous molecule, na kilala sa pagprotekta nito sa mga ugat laban sa pamamaga at maling regulasyon. Ayon sa kanila, ang mga natuklasan sa mga daga ay dapat patunayan sa mga tao sa pamamagitan ng epidemiological analysis at ilan sa mga tanda nito ay ang sumusunod: Ang paglaganap ng alta-presyon ay umaabot ng 20% sa Hilagang Silangang Tsina, kumpara sa 1014% sa Timog Kanlurang Tsina, kabilang na ang Sichuan, Guozhuo, Yunnan, Hunan, at Chonqing. Sinasabi ni Zhu na mahilig ang mga tao sa Timog Kanlurang Tsina na kumain ng mga maaanghang at maraming sili, tulad ng spicy hot pot na pinakakilala sa kanilang bayan ng Chonqing.

Samantala, binigyang pansin naman nila Yun at mga kasamahan (2010) ang labis na katabaan bilang isang pangunahing pampublikong suliraning pangkalusugan sa buong mundo na may kaugnay sa pagkakaroon ng diyabetis, mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, at iba pang mga problema sa kalusugan. Sa kanilang isinagawang pag-aaral sa laboratoryo, ipinakita na ang capsaicin ay maaaring makatulong sa paglaban ng labis na katabaan sa pamamagitan ng pagpapababa ng calorie sa katawan, pagkabawas ng fat tissue, at pagpapababa ng antas ng taba sa dugo. Upang mapatunayan ito, sila ay nagsagawa ng isang eksperimentasyon kung saan pinakain nila ang mga daga ng high-fat diet na mayroong capsaicin. Ang mga dagang ito ay nagkaroon ng walong porsiyento bawas sa kanilang timbang at nakitaan rin ng pagbabago sa mga antas ng hindi bababa sa 20 key proteins na matatagpuan sa taba. Sinira ng mga binagong nabuong protina ang mga taba.

Ang pag-aaral nina Zhu at iba pa (2010) ay nagbigay ng mga ebidensyang nakabatay sa eksperimentasyon ukol sa mga magagandang naidudulot ng dietary capsaicin sa pagpapababa ng altapresyon. May kaugnayan ang mga benepisyong ito sa direktang pamapasiglang aksyon ng capsaicin sa mga daanan ng endothelial TRPV1, na siyang pinatunayan ng mga datos ng sa vitro at sa vivo na nakalap mula sa TRPV1 mice at TRPV1 transgenic mice. Ipinakita na ang pag-aaktiba ng TRPV1 ay nakapagpapataas ng phosphorylation ng PKA at eNOS sa ECs at ng konsentrasyon ng plasma NO, nakapagpapabuti ng pagpapaluwag ng mesenteric arteries na nakabatay sa endothelium, at nakapagpapababa ng presyon sa ugat ng genetically hypertensive na daga. Kung kaya, ang aktibasyon ng endothelial TRPV1 ay maituturing bilang isang posibleng paraan upang mapangasiwaan ang altapresyon.

Naaapektuhan ng capsaicin ang mga tungkuling cardiovascular sa pamamagitan ng pagpapasigla ng pagpapakawala ng CGRP at substance P galing sa perivascular sensory nerve endings (Li et al., 2003). Maaring magpilit ng mga direktang epekto ang capsaicin sa vasculature, relaxing coronary, mesenteric, hepatic, basilar, at meningeal arteries ng mga baboy at daga (Bratz et al., 2008; Lo et al., 2003). Gayunpaman, naiulat na ang aktibasyon ng TRPV1 ay maaring magresulta ng vasoconstriction ng mesenteric (Scotland et al., 2004), coronary (Szolcsanyi et al., 2001), at skeletal muscle arteries (Kark et al., 2008) sa mga hayop na nagngangatngat at katulad ng mga aso. Higit pa rito, ang pagluluwag ng mga parang baboy na coronary arteries ng mga tao buhat ng capsaicin ay maiuugnay sa isang mekanismong independenteng sa CGRP (Gupta et al., 2007). Bilang karagdagan, ang neonatal denervation

ng mga ugat pandama ay hindi nakapagbabago sa inilalabas na NO na natamo ng capsaicin, na nagsasaad na ang perivascular never fibers ay marahil na hindi lumalahok sa relaksasyon na naidudulot ng capsaicin (Rocha at Bendhack, 2009). Ipinapakita ng kasalukuyang pag-aaral na ang mga relaksasyong naidudulot ng CGRP ng mga mesenteric arteries ng mga daga ay hindi apektado sa pagsugpo ng NO synthase. Sa kabilang dako, capsaicin-induced endothelium-dependent vasorelaxation ay nakabatay o nakadepende sa NO. Gayunpaman, hindi maaring ikaila ang posibilidad na ang pang-matagalang administrasyon ng TRPV1 agonists ay maaring makaapekto sa sensory neurons sa vivo upang makapag-ambag sa naobserbahang epekto ng hypotensive sa pamamagitan ng bahagyang pagkilos sa CGRP ay.

May mga pananaliksik ding nakatuon sa iba pang epekto ng capsaicin sa kalusugan ng tao. Isa na rito ay ang pag-aaral na isinagawa ni Daniels (2009). Ayon sa kanya, ang capsaicin ay ginagamit din sa tradisyunal na panggagamot upang mapagaling ang rayuma. Ito rin ay naiuugnay bilang pampatay sa mga pancreatic cancer cells ukol sa mga pag-araal. Ito rin ay nakakabawas ng taba kapag ito ay inilahok sa pagkain. Subalit, kahit ito ay nakakabawas ng taba, ang mga tao ay dapat mag-ingat dahil sa ito ay mapanganib sapagkat nagdudulot ito ng stomach cancer na nakita sa ibang parte ng Mexico at India.

Pinatunayan naman sa artikulo nina Mahmmoud (2008), na ang sili ay maaaring makagawa ng higit pa kaysa sa makapagpainit. Ang aktibong kemikal sa sili ay may kakayahang makapagpasigla sa thermogenesis, ang proseso kung saan ang mga cells ay may kakayahang gawing init ang enerhiya. Ang capsaicin ay may kakayahang pasiglahin ang isang receptor na matatagpuan sa sensory neurons, upang lumilikha ng mainit na pakiramdam at mga kasunod na reaksyon nito tulad ng pamumula at pagpapawis. Ito ay ang unang natural na timplada na kilala sa pagtulong sa proseso ng thermogenesis. Ang paggamit din ng capsaicin ay maaaring magpabilis sa metabolismo at magpataas sa temperatura ng katawan. Ito rin ay maaaring gamitin sa paggawa ng mas makapangyarihan timplada na maaaring magkaroon ng klinikal na gamit tulad ng paggamot sa hypothermia.

Natuklasan naman nina Falchi at ng kanyang mga kasama (2008) na ang capsaicin ay nagpapasigla ng pagpapakilos ng lipid sa mga dagang pinakain ng mantika. Ang pagdaragdag ng capsaicin ay nabatid na nagdudulot ng pagtigil sa pagtaas ng timbang at pagdami ng taba sa katawan. Sa kanilang eksperimento kung saan binigyan ang isang pangkat ng mga daga ng capsaicin sa kanilang diyeta, nagpakita ito ng makabuluhang resulta ng pagbaba ng timbang kumpara sa dalawang pang pangkat na walang capsaicin. Ang pagbaba ng kanilang timbang ay ang mga sumusunod: -10.4% noong ikaapat na araw; -15% noong ikaanim na araw; -21% noong ikasampung araw; at -25% noong ika-labintatlong araw.

Ipinakita naman sa artikulong Capsaicin, a spicy component of hot peppers, modulates adipokine gene expression and protein release from obese-mouse adipose tissues and isolated adipocytes, and suppresses the inflammatory responses of adipose tissue macrophages nina Kang at iba pa (2007) na ang capsaicin, isang natural na phytochemical na panlaban sa pamamaga, ay kayang pabutihin o ayusin ang maling regulasyon ng produksyon ng adipokine at macrophage behavior sa adipose tissues ng mga obese. Ang maling regulasyon sa paglabas ng adipokine, na nagiging resulta ng pamamaga dulot ng obesity, ay isang karaniwang denominador na nag-uugnay ng obesity sa pathogenesis ng insulin resistance at atherosclerosis. Kabilang sa mga adipokines, kanilang inasinta ang IL-6, MCP-1, at adiponectin, na kung saan ito ay sangkot sa mga obesity-related pathologies tulad ng type II diabetes at atherosclerosis. Isang kawili-wiling resulta na pinababa ng capsaicin ang antas ng adiponectin na inilabas mula sa obese fat tissues at fat cells. Ang dalawang aksyon na ito ng capsaicin ay maaring kanais-nais para sa pagpapabuti o pag-aayos ng maling regulasyon ng paglabas ng adipokine sa pamamagitan ng pagkontrol ng balansa sa pagitan ng mga inilalabas ng proinflammatory at anti-inflammatory adipokines sa insulin resistance o atherosclerosis. Kanilang higit na inimbistigahan kung ang capsaicin ay maari ring gamitin sa pagsugpo ng obesity-induced inflammatory responses. Naipakita na nababago o naiiba ng intreperitonial injection ng capsaicin (6 mg/kg, BW) ang metabolismo ng enerhiya ng lipid at ang pagsusuplementa ng dietary capsaicin (0.014%) ay nakapagpapababa ng timbang ng perirenal adipose tissue at antas ng serum triglyveride sa mga dagang obese. Ipinakita ng kanilang datos na ang inteperitoneal injection ng capsaicin (2 mg/kg, BW) ay nagresulta ng makabuluhang pagbaba sa expression level ng MCP-1, IL-6, at COX-2 genes sa adipose tissue ng mga

dagang obese, ngunit tumaas ang expression level ng adiponectin gene. Bukod pa rito, nagkaroon ng makabuluhang pagbaba ng macrophage infiltration sa adipose tissue ng mga dagang obese. Ipinapakita ng mga resultang ito na ang kapaki-pakinabang na dalawahang aksyon ng capsaicin.

Ang pagkain ng sili, ayon kay Whitney (2007), ay nakakapag-pababa din ng taba sa dugo dahil sa ang sili ay bunga ng halaman na pinagkukunan ng capsaicin na napatunayang may kakayahang lumaban sa mga fat cells o odipocytes at pumigil sa pag-laki nito. Ayon din sa kanya, ang capsaicin ay higit na matatagpuan sa mga pagkaing Thai at Indian. Ang tamang dami ng capsaicin sa isang araw ay walo hanggang dalawamput-limang micromoles lamang.

Sa pahayag naman nila Diepvens, Westerterp, at Plantenga (2007) sa kanilang artikulo na Obesity and Thermogenesis Related to the Consumption of Caffeine, Ephedrine, Capsaicin, and Green Tea, sinasabi na ang pag-aaral tungkol sa pag-iinikyson at pagpapainom ng capsaicin sa mga hayop bilang panggamot ay nagpapasigla ng aktibidad ng sympathetic nervous system. Sa gayon, ang pagbibigay ng capsaicin ay nagpapabor sa pagtaas ng lipid mobilization at nagpapabawas sa adipose tissue. Sa pag-aaral naman sa mga tao, ang pulang sili ay nagpakita ng kabawasan sa pagkain at pagtaas ng postprandial EE at lipid oxidation. Ang mga taong kalahok sa dalawang linggong pag-aaral nito, kung saan ang capsaicin ay isinama sa green tea at chicken essence, ay nakitaan ng kabawasan ng taba sa katawan. Binabawasan din ng capsaicin ang energy intake, ang timbang ng adipose tissue at serum triacilglycerol sa pamamagitan ng pagpapagana ng metabolism ng enerhiya. Pinipigilan rin nito ang pagkalat ng mga nakamamatay na cells, at higit sa lahat, pinararami nito ang apoptosis. Ang apoptosis ay ang may responsibilidad sa pagsira ng mga hindi kaayayang cells. Sa pamamagitan ng pagdami ng apoptosis, nababawasan ang pagdami ng 3T3-L1, preadipocutes at adipocytes. Ang adipose tissue ay binubuo ng adipocytes na nag-iimbak ng triacilglycerol na ginagamit upang magbigay ng enerhiya sa katawan. Ang sobrang pagdami ng adipose tissue ay maaaring magbunga ng type 2 diabetes. Nagawang pataasin ng capsaicin ang apoptosis sa pamamagitan ng pagsira sa mitochondria membrane potential, activation of capsace-3, Bax, at Bak, cleavage of PARP at down-regulation of Bcl-2. Kung kaya naman ay napakahalaga ng capsaicin upang maiwasan ang diabetes. (Hsu at Yen, 2007).

Ang obesity, para kanila Ahuja, Robertson, Geraghty at Ball (2006), ay resulta ng labis na pagpasok ng enerhiya sa katawan ng tao ngunit kakaunti lamang ang enerhiya na nagagamit. Ang sakit na ito ay isa sa mga nakapagpapadagdag ng panganib upang magkaroon ng sakit tulad ng diabetes, cardiovascular diseases, hyperinsulinemia, at insulin resistance. Nakasaad sa kanilang artikulo na pinamagatang Effects of Chili Consum ptionon Postprandial Glucose, Insulin and Energy Metabolism, na ang paggamit o pagdaragdag ng sili sa isang putahe ay makababawas ng cumulative ad libitum energy at macronutrient intake ng mga babae at lalaki. Ito ay makatotohanan sapagkat pinatataas ng capsaicin ang carbohydrate oxidation sa mga lalaki, fat oxidation sa babae at pinatataas rin nito ang bilang ng enerhiyang nagagamit ng katawan. Dumarami rin ang konsentrasyon ng plasma epinephrine at nor epinephrine matapos kumain ng kaunting sili. Higit na magiging epektibo ang resulta ng obserbasyon kung ito ay ginagawa sa pangaraw-araw.

Siniyasat naman nila Ahuja at Ball (2006) ang mga epekto ng mga regular na pagkonsumo ng sili sa vitro serum lipoprotein oxidation at total antioxidant status (TAS) sa mga malulusog at nasa wastong gulang na kalalakihan at kababaihan. Dalawamput pitong kalahok (labintatlong lalaki at labing-apat na babae) ang pinakain ng pinaghalong tinadtad na sariwang sili' (30 g/d; 55% cayenne chilli) at walang sili (bland) diet, sa loob ng apat na linggo bawat isa. Ang paggamit ng iba pang mga pampalasa, tulad ng kanela, luya, bawang at mustasa, ay limitado sa mga minimum na dami. Pagkatapos ng panahon sa bawat pagdidiyeta, ang mga serum samples ay sinuri para sa mga lipids, lipoproteins, TAS at Cu-induced lipoprotein oxidation. Ang lag time (bago ang pagsisimula ng oksihenasyon) at rate of oxidation (dalisdis ng propagation phase) ay kinalkula. Walang pagkakaiba ang serum lipid, lipoproteins at TAS sa dulo ng bawat pagdidiyeta. Sa buong pangkat, ang rate of oxidation ay naiulat na mas mababa (mean difference -0.23 absorbance x10(-3)/min; P=0.04) matapos ang chilli diet , kumpara sa mga bland diet. Sa mga kababaihan, ang lag time ay mas mataas (mean difference 9.61 min; P<0.001) matapos ang chilli diet, kumpara sa mga bland diet. Bilang konklusyon, ang regular na pagkonsumo ng sili sa loob ng apat na linggo ay nagpapataas sa paglaban ng mga serum lipoproteins sa oksihenasyon.

Ipinakita ng klinikal na pananaliksik nila Diepvens at iba pa (2006) na ang pagkain ng agahan na mayroong capsaicin ay nagsanhi ng pagtaas (23%) ng paggugol ng enerhiya na hinihimok ng diyeta matapos kumain ng mga lalaking Hapones. Ang pagtaas na ito ay dulot ng -adrenergic na pampasigla yamang ang -adrenergic blockade ang pumawi sa pagtaas na ito. Sa 13 Haponesang ginamit sa pananaliksik, ang pagdadagdag ng sili sa kanilang pinageksperimentuhang pagkain ay nagpataas ng paggugol ng postprandial na enerhiya at pati na rin ang lipid oxidation. Ang sili na kinain ay napag-alamang nagpapababa ng pagkagutom at pagkain bago ang ad libitum na pagkain. Kapag nag-aalok ng isang isocaloric na pampagana, na naglalaman ng sarsa na mayroon o walang pulang paminta, isang makabuluhang pagbaba sa paggamit ng enerhiya ang napuna matapos makain ang pulang paminta na sarsa. Bukod pa rito, nagkaroon din ng makabuluhang negatibong ugnayan sa pagitan ng paggamit ng enerhiya at ng pagbabago sa mababang frequency / mataas na frequency na heart interval ratio. Ang kaugnayang ito ay sumasang-ayon sa mga datos na nakuha sa mga hayop na nagpapahiwatig na ang capsaicin ay maaaring magpataas ng sympatho-adrenal system.

Sa pagsisiyasat ng mga posibleng pinabuting pagpapanatili ng timbang pagkatapos ng 6.6% pagbaba ng timbang sa 91 na medyo sobra sa timbang na subjects na ginamitan ng capsaicin ay nagsiwalat ng medyo mas napapanatiling fat oxidation, na iba sa mga pag-aaral ng hayop. Gayunpaman, ito ay hindi nagpapahiwatig ng mas mahusay na pagpapanatili ng timbang, marahil dahil sa kakulangan ng buong pagsunod ng mga subjects. Ito ang mga subjects na iniulat na kumonsumo lamang ng kalahati ng iniresetang dosis. Samakatuwid, nagkaroon ng ilang epekto, ngunit ito ay hindi sapat na malakas upang makapagbigay ng pagpapanatili sa timbang pagkatapos ng pagbaba sa timbang. Ang pang-matagalang paggamit ng capsaicin ay maaaring limitado dahil sa malakas na sangsang nito. Ang isang posibleng solusyon para dito ay maaaring gamitin ang \ CH-19 Sweet. Ang CH-19 Sweet ay ang bunga ng non-pungent cultivar ng paminta. Sa pag-aaral ng katawan ng tao, pinataas ng CH-19 Sweet ang pagkonsumo ng oxygen at temperatura ng katawan. Ang mga epektong ito ay maaaring sanhi ng capsiate, na may istraktura katulad sa capsaicin ngunit walang sangsang.

Napag-alaman din sa pag-aaral na isinagawa nina Smeets at Lejeune (2005) na higit na malaki ang naibabawas sa energy intake ng paghahalo ng capsaicin sa inumin kumpara sa pagpasok sa katawan ng capsaicin sa pamamamagitan ng kapsula. Sa mga kalagayan kung saan ang capsaicin ay tinunaw sa inumin, ang pagbawas sa energy intake ay may kaugnayan

sa kapansin-pansing kaanghangan ng capsaicin at pati na rin ang antas ng pagkabusog ay tumaas. Kapag naman ang capsaicin ay ipinasok sa katawan sa paraang pa-kapsula, ang mga kaugnayan na napansin noong una ay hindi makabuluhan.

Sa eksperimentasyong isinagawa naman nina Yoshoika, Matsuo, Lim, Tremblay, at Suzuki (2000), kung saan mayroong dalawang pangkat ng mga daga; isang pangkat na may capsaicin ang pagkain at ang isa ay wala (control group), nagpakita ito ng makabuluhang epekto sa pagbaba ng timbang sa katawan. Ang epekto ng pagpapakain ng capsaicin kasabay ng high fat diet sa pagkaipon ng taba sa tiyan ay naiulat na ang timbang ng perirenal adipose tissue ay nabawasan noong itinaas ang dami ng capsaicin sa kanilang diyeta. Sinasabi ang pagbaba ng timbang ng taba sa tiyan ay hindi dahil sa pagbaba ng gastrointestinal absorption kundi dahil sa pagtaas ng metabolismo ng enerhiya.

Gayundin, ang capsaicin na siyang pangunahing materyal na nakapagbibigay din ng anghang sa sili, ay napag-alaman sa pag-aaral ng ilang mga hayop at tao na nakapagaanyayang tumunaw ng pagkain, nagpapataas ng energy intake at ng ganang kumain (Lejeune, Kovacs, & Westerterp-Plantenga, 2003; Lim, Suh, & Lee, 1999; Lim et al., 1997; Srinivasan, 2005; Westerterp-Plantenga, Smeets, & Lejeune, 2005; Yoshioka et al., 1995; Yoshioka, StPierre, Suzuki, & Tremblay, 1998; Yoshioka et al., 1999). Maraming kumikilala sa magandang epekto sa kalusugan ng sili na may posibillidad na maging pampapayat sa kanluraning lugar kung saan lumalaganap na ang labis na katabaan. Upang matantiya ang kahalagahan ng sili sa pagpuksa ng labis na katabaan, kinakailangang imbestigahan ang nutrisyonal at sensory properties ng capsaicin sa totoong mga pagkain. Ang mga resulta mula sa pag-aaral ng mga tao ay nagpapatotoo na ang capsaicin ay humahadlang sa mga pabugso-bugsong nararamdaman. (Lawless, Rozin, & Shenker, 1985; Prescott et al., 1993; Prescott & Stevenson, 1995; Simons, OMahony, & Carstens, 2002). Ngunit ang isinaad na epekto sa panlasa ay nagiiba-iba batay sa general concensus. Ang capsaicin ay nagpapababa ng matamis na panlasa (Simons et al., 2002). Bukod pa rito natuklasan nina Prescott and Stevenson (1995) na ang anghang ng Capsaicin ay bumabago sa tagal ng paglasa ng matamis na siyang nakadepende sa konsentrasyon. Sa mga pagkakataong binigay na nakahalo ang Capsaicin na mayroong katamtaman at mataas na antas ng kaanghangan. Ang iritasyon sa bibig ng Capsaicin ay napag-alaman ding humahadlang sa olfactory sensations (Lawless et al., 1985), subalit hindi pa malinaw kung paano

naiimpluwensiyahan ng Capsaicin ang ibang kumplikadong mga lasa (Lawless et al., 1985; Prescott & Stevenson, 1995).

Kapansin-pansing marami ang mga nakalap na kaugnay na literatura at pag-aaral ng mga mananaliksik tungkol sa capsaicin na malaki ang naitulong upang mapatunayan at maisagawa ang pag-aaral na ito. Ito ay patunay lamang na ang paksa ng pananaliksik na ito ay makatotohanan, makabuluhan at tinatangkilik ng karamihan sa mga mananaliksik.

Вам также может понравиться