Вы находитесь на странице: 1из 2

Kabanata 33: Ang huling matuwid

Scene:
(Inaayos ni simoun ang mga alhas at sandata, biglang kakatok si basilio)
Simoun: Pasok.
Basilio: Senyor Simoun, naging masama akong anak at walang budhing kapatid. Hindi ko pinansin ang
pagkamatay ng aking ina at ang pagpapahirap sa akin kapatid at pinarusahan na ako ng diyos.
Basilio: Kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam, nabigo sila at akoy nakulong kahit wala
akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Nakalaya ako dahil sa inyo. Ngayon, handa na ako, handa ko
nang ipagtanggol ang bayan.
Simoun: Ang katarungay nasa aking panig dahil ang aking layunin ay para sa mga naapi. Salamat, Basilio,
pinawi mong lahat ang aking agam-agam. (ipinakita ni simoun ang lampara)
Basilio: para saan naman po ang lamparang iyan?
Simoun: Hintayin mo. (may ilalabas na lalagyan si simoun na may nakasulat na nitro gliserina)
Basilio: Dinamita!
Simoun: oo ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak at mga kagagawang
walang katwiran. Ngayong gabi, makakarinig ng pagsabog ang pilipinas at mapaparuhan ang mga may
sala!
Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ito sa gitna ng handaan. Itoy magniningning,
ngunit pansamantala lang. pagkatapos ng 20 minuto, mawawala ang ilaw nito. Kapag inaayos ang mitsa,
sasabog ang bomba!
Basilio: Kung gayoy hindi na pala ninyo ako kailagan.
Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkaroon ng pagsabog, lalabas ang mga taong kinasundo ko. Ikaw ang
mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil naroon ang mga sandata. Mamatay ang
lahat ng mahihina!
Basilio: lahat? Bakit ang mga walang laban?
Simoun: Oo! Lahat! Kailangan magsimula muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi!
Isang bagong lipunan na hindi papaapi!
Basilio: At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?
Simoun: Pupurihin tayo ng daigdig! (Inabot ni Simoun ang baril kay Basilio)
Simoun: Hintayin nyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, iak-10 ng gabi
Basilio: Kung gayoy magkita na lamang tayo mamaya.

Вам также может понравиться