Вы находитесь на странице: 1из 3

SEKSIYON 75. Karagdagang Pagpapairal ng mga Umiiral na Batas. Ang mga tadhana ng Batas Republika Blg.

as Republika Blg. 3844 alinsunod sa pagkakasusog, Atas ng


Pangulo Blg. 27 at 266 alinsunod sa pagkakasusog, Kautusang Tagapagpaganap Blg. 228 at 229, serye ng 1987; at iba pang mga batas na hindi sumasalungat sa
Batas na ito ay may karagdagang bisa.
SEKSIYON 76. Sugnay na Nagpapawalang-bisa. Ang Seksyon 35 ng Batas Republika Blg. 3844, Atas ng Pangulo Blg. 316, ang dalawang huling talata ng
Seksyon 12 ng Atas ng Pangulo Blg. 946, Atas ng Pangulo Blg. 1038 at lahat ng iba pang mga batas, atas, kautusang tagapagpaganap, mga tuntunin at
regulasyon, mga pahayag o bahagi nito na sumasalungat sa Batas na ito ay pinawawalang-bisa o sinusugan nang nararapat.
SEKSIYON 77. Sugnay na Naghihiwalay. Kung sa anumang kadahilanan, ang alinmang seksyon o tadhana ng Batas na ito ay ipinahayag na walang bisa,
walang iba pang seksyon, tadhana, o bahagi nito ang maapektuhan at ang naturan ay mananatiling ipinapatupad at may bisa.
SEKSIYON 78. Sugnay ng Pagkakabisa Ang batas na ito ay kagyat na magkakabisa pagkaraang mailathala sa dalawang (2) man lamang na
malaganap na pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon.

c) Ang pagpapalit ng sinumang maylupa ng kanyang lupang pansakahan sa anumang gamit na hindi pang-agrikultura na may hangarin iwasan ang pag-iral
ng Batas na ito sa kanyang mga ari-arian at upang mabawi sa kanyang mga kasamang magsasaka ang lupang kanilang sinasaka.
d) Sinadyang pagpigil o paghadlang ng sinumang tao, asosasyon o entity sa pagpapatupad ng CARP.
e) Ang pagbili, paglilipat, paghahatid o pagbabago ng katangian ng mga lupain sa labas ng sentrong urban at hangganan ng mga lungsod kabuuan nito o
bahagi man pagkaraang magkabisa ang Batas na ito.
f) Ang pagbibili, paglilipat o paghahatid ng isang benepisyaryo ng karapatan sa paggamit o anumang iba pang karapatang usuprak sa lupa na natamo sa
pamamagitan ng bisa ng pagiging benepisyaryo, upang makaiwas sa mga tadhana ng Batas na ito.
SEKSIYON 74. Mga Parusa. Sinumang tao na sadya o kusang lumabag sa mga tadhana ng Batas na ito ay parurusahan ng pagkabilanggo ng hindi bababa sa
isang (1) buwan subalit hindi hihigit sa tatlong (3) taon o pagmumulta ng hindi bababa sa isang libong piso (P1,000.00) at hindi hihigit ng labinlimang libong
piso (P15,000.00) o kapwa sa mabuting pagpapasiya ng hukuman.
Kung ang nagkasala ay isang korporasyon o asosasyon, ang may pananagutang pinuno ang mananagot.
a) Ang mga kontrata sa pamumuwisan, pamamahala, pagtatanim o paglilingkod na sumasaklaw sa mga pribadong mga lupain ay maaring magpatuloy
alinsunod sa kanilang orihinal na mga tadhana at kondisyon hanggang sa matapos nito kahit ang mga nabanggit na lupain ay nailipat sa mga kwalipikadong
benepisyaryo.
b) Ang mga sangla at iba pang mga paghahabol na nakatala sa Patalaan ng mga Kasulatan ay pananagutan ng pamahalaan hanggang sa halagang katumbas
ng kabayaran sa may lupa gaya ng itinakda sa Batas na ito.
SEKSIYON 73. Mga Ipinagbabawal na Gawain at Pagpapabaya. Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal:
a) Ang pagmamay-ari o paghawak, para sa layuning pag-iwas sa mga tadhana ng Batas na ito, ng mga lupaing pansakahan na labis sa kabuuang retensyon
limit o kaloob na ceilings ng sinumang tao, likas o huridikal, maliban doon sa saklaw ng samasamang pagmamay-ari ng mga magsasaka-benepisyaryo.
b) Sapilitang pagpasok o ilegal na paghawak ng mga taong di kwalipikadong mga benepisyaryo alinsunod sa Batas na ito upang samantalahin ang mga
karapatan at pakinabang ng Programa sa Repormang Pansakahan.
SEKSIYON 71. Mga Sangla sa Bangko. Ang mga bangko at iba pang institusyon sa pananalapi ay pinahihintulutan ng batas na hawakan ang sangla o interes sa
panagot sa mga lupang pansakahan na siyang panagot sa mga utang at iba pang mga obligasyon ng nanghihiram, maaaring matamo ang titulo ng isinanglang ari-
arian, anuman ang sukat, na sasailalim sa mga umiiral na batas sa sapilitang paglilipat ng mga ari-ariang nailit at pagtatamo gayong itinakda sa Seksyon 16 ng Batas na
ito.
SEKSIYON 72. Mga Kontrata sa Pamumuwisan, Pamamahala, Pagtatanim o Paglilingkod, Mga Pagsasangla at Iba pang Paghahabol. Ang mga lupaing saklaw ng
Batas na ito na may kontrata sa pamumuwisan, pamamahala, pagtatanim o paglilingkod, at katulad nito ay maaring ipamahagi gaya ng sumusunod:
SEKSIYON 67. Libreng Pagpapatala ng mga Patente at Titulo. Ang lahat ng mga Tagatala ng mga Kasulatan ay inaatasan sa pamamagitan nito na itala na walang
babayarang mga butaw at iba pang singilin ang mga patente, mga titulo at mga dokumentong kinakailangan sa pagsasakatuparan sa CARP.
SEKSIYON 68. Laya ng mga Ahensiya ng Pamahalaan sa Di Dapat na Paghadlang. Ang mga nakabababang hukuman ay hindi dapat mag-isyu ng ano mang utos sa
pagpigil, pagbabawal o mandamus laban sa Kagawaran ng Repormang Pansakahan, DAR, Kagawaran ng Pagsasaka (DA), Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na
Kayamanan (DENR), at Kagawaran ng Katarungan (DOJ) sa kanilang pagpapatupad ng programa.
SEKSIYON 69. Tulong ng Iba pang mga Sangay ng Pamahalaan. Sa pagganap sa mga tungkulin nito, ang PARC ay pinahihintulutan, sa pamamagitan nito na
humingi ng tulong at suporta sa iba pang mga sangay, kawanihan at tanggapan, ng pamahalaan kasama ang mga korporasyon-ari o kontrolado ng pamahalaan.
SEKSIYON 70. Pamamahagi ng mga Lupaing Pribadong Pang-agrikultura. Ang pagbibili o pamamahagi ng lupaing pansakahan na nananatili sa may-ari ng lupa
bilang bunga ng Seksyon 6 nito ay may bisa hanggang ang kabuuang ari-arian na maaaring ariin ng pinaglipatan nito kasama na ang lupang natamo na hindi hihigit sa
ari-ariang ceilings na itinatakda sa Batas na ito.
Ang anumang pagbibili o pamamahagi ng mga lupaing pansakahan pagkaraan magkabisa ang Batas na ito na napatunayang salungat sa mga tadhana nito ay walang
bisa.
Ang pinaglipatan ng lupang pansakahan ay magkakaloob ng nararapat na apidabit sa Patalaan ng mga Kasulatan at ang BARC na nagpapatunay na ang kanyang
kabuuang lupang ari-arian ay bunga ng nasabing pagtatamo ay hindi hihigit sa lupang ari-ariang ceiling. Hindi itatala ng Patalaan ng mga Kasulatan ang paglilipat ng
anumang lupang pansakahan na hindi naghaharap ng pinanumpaang pahayag na ito kasama na ang katibayan na tinanggap ang sipi nito sa BARC.

d) Bahagi ng mga halagang ukol sa Pilipinas mula sa lahat ng pinagkukunan ng opisyal na kaloob na tulong ng ibang bansa at pananalaping konsesyonal mula sa
lahat ng bansa, na gagamitin para sa tiyak na layunin ng pagtustos sa mga pautang sa produksyon, inprastrakyur, at iba pang tulong paglilingkod na kinakailangan ng
Batas na ito;
e) Iba pang pondo ng pamahalaan na hindi pa nailalaan.
Lahat ng inilaang pondo sa pagpapatupad ng mga tadhana ng Batas na ito ay dapat ipalagay na patuluyang paglalaan sa panahon ng pagpapatupad nito.
SEKSIYON 64. Tagapamagitan sa Pananalapi para sa CARP. Ang Bangko sa Lupa ng Pilipinas ay magiging tagapamagitan sa pananalapi para sa CARP, at titiyakin na
ang mga layuning katarungang panlipunan ng CARP ay magtatamasa ng pagtatangi sa mga prayoriti nito.
KABANATA XV
Pangkalahatang Mga Tadhana
SEKSIYON 65. Pagbabago ng mga Lupain. Pagkaraan ng limang (5) taon mula ipagkaloob ito, kung ang lupa ay hindi na ikabubuhay at hindi na naaangkop sa mga
layuning pang-agrikultura, o ang lugar ay naging urban na at ang lupain ay magkakaroon ng higit na halagang pangkabuhayan para sa mga layuning panirahan
pangkalakal o pang-industriya, ang DAR, sa kahilingan ng benepisyaryo o ng maylupa, na may nararapat na patalastas sa mga apektadong pangkat, at sasailalim sa
mga umiiral na mga batas, ay maaaring pahintulutan ang muling pag-uuri o pagbabago ng lupa at ang pamamahagi nito: Sa Pasubali, Na nabayaran ng lahat ng
benepisyaryo ang kanyang obligasyon.
SEKSIYON 66. Pagkalibre sa mga Buwis at Bayarin sa Paglilipat ng Lupain. Ang mga transaksyon na saklaw ng Batas na ito tungkol sa paglilipat ng pagmamay-ari,
maging ito man ay likas o huridikal na mga tao, ay libre sa buwis na nagmula sa tubo sa puhunan. Ang mga transaksyong ito ay libre din sa pagbabayad ng
pagpapatala, at sa lahat ng iba pang mga buwis at bayarin para sa paglipat nito: Sa Pasubali, Na lahat ng di nabayarang amelyar, na walang multa o interes, ay
babawasin mula sa kabayaran na karapatan ng may-ari.
KABANATA XIV
Pananalapi
SEKSIYON 63. Pagkukunan ng Pondo Ang pangunang halagang kinakailangan sa pagpapatupad ang Batas na ito sa loob ng sampung (10) taon pagkaraang
mapagtibay ito ay tutustusan mula sa Pondo sa Repormang Pansakahan na itinalaga sa Seksyon 20 at 21 ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 229.
Sa pamamagitan nito ay pinahihintulutan ang karagdagang halaga na ilalaan at kung kinakailangan ay idaragdag sa Pondo ng Repormang Pansakahan upang ganap na
maipatupad ang mga tadhana ng Batas na ito.
Ang pagkukunan ng pondo o laang-gugulin ay kabibilangan ng mga sumusunod:
a) Pinagbilhan ng Assets Privatization Trust;
b) Pinagbilhan mula sa ari-ariang nabawi at sa kayamanang nakuha sa masamang paraan sa pamamagitan ng Pampanguluhang Komisyon sa Mabuting
Pamamahala (PCGG);
c) Pinagbilhan mula sa ari-arian ng Pamahalaan sa ibang bansa;
SEKSIYON 62. Tanging Pagpapahalaga sa Hukuman. Lahat ng mga Hukuman sa Pilipinas, kapwa ng naglilitis at sa paghahabol, ay dapat magkaloob ng tanging pagpapahalaga sa lahat ng mga
kasong magmumula sa o may kaugnayan sa pagpapatupad ng mga tadhana ng Batas na ito.
Lahat ng kasong nakabimbin sa hukuman na nagmula sa o may kaugnayan sa pagpapatupad ng Batas na ito ay patuloy na didinggin, lilitisin at pagpapasyahan hanggang sa matapos, sa kabila ng
pagwawakas ng sampung taong binanggit sa Seksiyon 5 nito.

Вам также может понравиться