Sa pagmamahal ng Diyos Sino ang makahihigit meron ka bang nababatid
Bugtong na anak hindi Niya ipinagkait Nanaog sa mundo, nagdusa dumanas ng libong sakit
Koro: oohhh... purihin Ka sa dakilang pagmamahal Mo kahit bayaran Ka hindi sapat ito upang ibalik ang dugong itinigis ng Iyong Anak para sa akin
Dakilang Diyos kay buti Mo sa isang tulad ko masuwayin sa nais Mo di man pansin dakilang pagmamahal Mo tinangap parin ako pinatawad sa mga kasalanan ko
Ulitin Koro
Salamat po Panginoon Dahil sa pagibig Mo buhay ko ay nagbago
Tanging Ikaw lamang papupurihan ko purihan ang ngalan Mo o Ama dakila ang pagmamahal Mo