Вы находитесь на странице: 1из 2

Kung bakit hindi nagkakatotoo ang mga bagay na ginuhit

Sa isang nayon sa Yaen, nakatira ang isang babae na ang ngalan ay Mirajane. Si Mirajane ay isang batang
babae na labin tatlong gulang at nagiisa na lamang sa buhay. Namatay ang kanyang mga magulang sa
isang aksidente sa kanilang nayon. Wala syang mga kaibigan, o kahit kamag anak na buhay. Tuwing gabi
na lang sya umiiyak at nagsisisi kung bakit hindi na lang sya namatay.
Isang gabi, habang natutulog sya at nananaginip, may nakikita syang mga larawan ng isang babae na
may hawak na isang bagay. Nilalaro ng babae ang bagay sa hangin at sa tuwing kumukumpas ang
kanyang kamay ay may isang bagay na nagkakatotoo. Nagising si Mirajane bigla dahil hindi sya
makapaniwala sa kanyang napaniginipan. Simula ng gabing iyon ay paulit ulit na ang panaginip nya.
Dahil hindi nya malaman ang rason kung bakit ganoon ang napapaginipan, hinanap nya ang ginagamit ng
babae sa kanyang nayon dahil namangha siya sa kakayanan nito.Wala syang mahanap na kaparehas ng
gamit ng babae kaya siyay sumuko at umuwi sa kanyang tahanan. Nagulat na lang sya dahil may isang
babae na naglalaro ng bagay na mismong ginagamit ng babae sa kanyang panaginip.
Tinanong nya kung sino siya at sinabi ng babae, Ako ang babae sa iyong panaginip. Ang pangalan ko ay
Maguhit.
Si Mirajane ay nagulat at di makapaniwala sa sinabi ng babae. Lumapit si Maguhit kay Mirajane at
binigay ang bagay na ginagamit niya. Sinubukan nyang ikumpas sa hangin ng pabilog ang bagay na
binigay ng babae sa kanya at biglang may bilog na hugis ang bumagsak sa lupa at gumulong.
Ang tawag sa ginagawa mo ay Pagguhit. Kahit anong iguhit mo sa hangin ay magkakatotoo. At ang
tawag sa hawak mo ay pisla. Hindi nauubos ang pisla, basta ingatan mo lamang at pangalagaan. Ani ni
Maguhit kay Mirajane.
Manghang mangha si Mirajane sa kanyang narinig at agad agad nyang iginuhit sa hangin ang mga bagay
na wala siya.
Tapos biglang may sinabi si Maguhit, At tandaan mo lamang, gumuhit ka lamang ng mga bagay. Huwag
na wag mong iguguhit ang isang bagay na may buhay, sapagkat hindi ito kaya ng pisla. May karampatang
parusa kapag ginawa mo ang aking mga sinabi. At akoy magpapaalam na, sapagkaat tapos na ang aking
tungkulin. Tumango si Mirajane, nagpaalam na kay Maguhit at nagpasalamat.
Dali dali naman syang gumuhit sa hangin. Una niyang ginuhit ang isang magarang damit na mayayaman
ang nagsusuot. Tuwang tuwa sya sa damit na kanyang ginuhit. Nagisip isip sya tumingin tingin sa paligid.
Nakita nyang madaming sira sa kanyang tahanan kaya gumuhit sya na pwedeng ipalit sa mga bagay na
iyon. Araw araw na siyang gumuguhit ng ibat ibang klase ng bagay. Pati kanyang pagkain sa
umaga,tanghali at gabi ay iginuguhit na rin. Sobrang saya nya dahil mas napapadali ang kanyang mga
Gawain. Pagkatapos nyang gumuhit ay gumara ang kanyang tahanan. Nagpasalamat sya sa Diyos sa
lahat ng natanggap na biyaya at natulog ng mahimbing.
Pagkagising nya ay nakadama sya ng lungkot. Kahit ilang araw na ginuguhit nya ang kahit anong gusto
nya ay tila malungkot pa rin si Mirajane. Kinuha nya ang larawan ng kanyang mga magulang. Tinitigan
nya ito at nakaisip ng isang ideya. Sinimulang nyang iginuhit ang mukha ng kanyang nanay at ang
katawan nito. Pagkatapos nyang iguhit ang kanyang nanay, ang kanyang nanay ay hindi gumagalaw,
parang isang rebulto lamang at walang imik. At hindi niya naalala na bawal gumuhit ng isang bagay na
may buhay kaya biglang lumabas si Maguhit sa pisla at kinuha ang pisla sa kanyang kamay. Habang gulat
at walang imik si Mirajane sa ginawa ni Maguhit, muling niyang naalala ang mga hindi dapat gawin gamit
ang pisla.
Dahil sinuway mo ang aking mga utos, kukunin ko ang kapangyarihan ng pisla at mawawala ang lahat
ang bagay na iyong ginuhit. Ani ni Maguhit.
Dali daling lumutang sa hangin at nawala na parang mga bula ang mga bagay na kanyang ginuhit. Pati
ang kanyang nanay na tila isang rebulto, ay nawala. Hindi makagalaw si Mirajane dahil natakot siya at
nanghinayang. Nagsisi sya sa kanyang nagawa dahil nasa kamay na nya ay biglang nawala.
Tumanda si Mirajane at nagkaasawa. Sinubukan nyang ikinuwento ang kanyang naranasan noong bata
pa siya ngunit kahit isang parte ng kanyang kuwento ay hindi naniwala ang kanyang asawa. Nilabas ni
Mirajane ang pisla at sinubukang magguhit sa hangin. Walang bagay ang nagkatotoo, sapagkat wala na
ang kapangyarihan ng pisla. Natapos ang kanilang usapan doon. Simula noon ay gumuguhit na sya sa
papel na wala noong bata pa sya. Gumuguhit sya ng mga bagay pero walang nagkakatotoo. At iyon ang
rason kung bakit hindi na nagkakatotoo ang mga ginuguhit.

Вам также может понравиться