Вы находитесь на странице: 1из 2

Noong unang panahon sa isang kaharian ay may naninirahan na grupo ng mga

duwende. Masaya, maayos at masagana ang kanilang pamumuhay sa kanilang kaharian.


Pinamamahalaan ito ni Haring Gaston at Reyna Lising at silay may natatanging anak, si
Prinsipe Kanis.

Si Prinsipe Kanis ay alagang-alaga at mahal na mahal ng kanyang mga magulang
kung kayat hindi ito pinalalabas ng kanilang kaharian sa pangambang may mangyaring
masama rito. Mahal kong anak, hindi ka maaring lumabas sa ating kaharian sapagkat
maaring maraming mangyari sa iyo doon at huwag na huwag kang pupunta sa lagusan
patungo sa mundo ngmga tao dahil ang mundong iyon ay mapanganib. wika ng
kanyang butihing amat ina. Kung kayat isang araw ay napaisip ang Prinsipe sa itsura at
sa panganib na sinasabing kanyang mga magulang. Kinagabihan ay nagtungo siya sa
lagusan patungo sa kabilang mundo, ang mundo ng mga tao. Lumabas siyang walang
kasama at sinuway niya ang mga magulang. Sa kanyang paglabas ay nakakita siya ng
mga higanteng bagay at sa unang pagkakataon ay nakakita siya ng tao. Nakita niya si
Maria na nagwawalis ng kanilang bakuran. Napakaganda ng dilag na ito ngunit
napakalaki niya kumpara sa akin. Sambit ng Prinsipe at siyay tunay na nabighani kay
Maria. Simula noon ay lagi na siyang lumalabas ng kaharian upang makita lamang ang
dalaga.

Isang araw ay kinausap siya ng kanyang mgamagulang, Anak, nasa wastong
gulang ka na at nais na namin na ikay maghanap ng iyong magiging kabiyak. Mayroon
na po akong napupusuang babae.wika ng Prinsipe. Tinanong ng kanyang ina kung sino
ito ngunit ang sabi ng Prinsipe ay, Sa takdang panahon ko na lamang ho sa inyo
sasabihin ni Ama kung sino siya. sagot ng Prinsipe sa ina.

Sa bawat paglabas ng Prinsipe sa kanilang kaharian ay nagbabalatkayo ito bilang
isang tao. Sinuyo niya si Maria at ito ay kanyang napasagot. Lagi siyang nakikipagkita sa
dalaga at masaya siya pag sila ay magkasama. Ibinalita niya ito sa kanyang mga
magulang ngunit nagalit ang mga ito at sinabing hindi nila ito kauri, iginiit ng Prinsipe na
ito ay kanyang sobrang mahal at ito ang kanyang nais makasama sa habang buhay.

Hiniling ng Prinsipe na siyay gawing tunay na tao, labag man sa kalooban ng
kanyang mga magulang ay pumayag ang mga ito. Pinainom ang Prinsipe ng isang
mahiwagang inumin at siya ay naging isang ganap na tao. Ibinigay ni Reyna Lising ang
kanyang korona kay Prinsipe Kanis,Ibigay mo ito sa iyong minamahal na babae, ito ay
napakahalaga sa akin at sanay inyo ding pahalagahan. Niyakap at hinagkan ng Prinsipe
ang kanyang mga magulang at nagpaalam na upang magpunta na sa babaeng kanyang
iniibig.

Agad niyang pinuntahan si Maria upang ayain itong magpakasal, ibinigay niya ang
korona ng kanyang ina kay Maria ngunit sa liit nito ay hindi ito nagkasya, kung kayat
inilagay na lamang ng Prinsipe ito sa daliri ni Maria.Ano ito? tanong ni Maria. Napaisip
ang Prinsipe kung ano ba ang maaring itawag dito, Ito ay isang singsing at ito ay tanda
ng pagmamahal at pagpapahalaga ko sa iyo.Inalinsunod ng Prinsipe ang pangalan nito
sa kanyangina, si Reyna Lising.

Вам также может понравиться