Вы находитесь на странице: 1из 4

ALAMAT NG SAMPAGUITA

Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang


alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan,
bagaman ayon sa matatanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago
pa dumating dito sa atin ang mga Kastila.
Noo'y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay
baranggay na magkapit-bahay. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga
pinatuyong kawayan, na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang
nagpapalit ay ang mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng
datu sa Balintawak. Ngunit ang lahat ay gumagawa alinsunod sa utos ng kani-kanilang puno.
Ang datu ng Balintawak ay mayroon daw isang anak na dalaga na walang pangalawa sa
kagandahan, maging sa mukha at sa pag-uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang ina,
datapuwa't mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin; sila ang nag-aasikaso sa
kanyang mga pangangailangan. Maraming binatang nagingibig sa kanya, ngunit ang nakabihag
ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng datu ng Gagalangin na nangangalang
Delfin.
Nakapagtataka kung bakit gaong ang kanilang mga ama ay mahigpit na magkaaway ay
sila'y tinubuan ng pag-ibig sa isa't isa. Marangal ang pag-ibig ni Delfin kay Rosita -- walang
halong pag-iimbot, alang ano mang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hanggahan
natatabingan ng malagong halaman, si Delfin ay gumagawa ng isang lihim na lagusan kanyang
madaraanan. Kaya't kung gabing maliwanag ang buwan, malimit daw magpasayal sila ni Rosita,
kasama ang mga abay na dalaga. Sinasamyo nila ang malinis na simoy ng kabukiran at
pinanonood nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigan nilang iyon ay
lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang.
Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hanggahang bakod ay binubuwag at
pinapalitan ng mga taga-Balintawak. Nag-utos siya sa ilan niyang mga tauhan upang magmasid
sa ginagawang pagbabakod ng mga taga-Balintawak. Nang sila'y magbalik, tumanggap siya ng
balita na ang bagong bakod na itinatayo ay iniusod nang may limang talampakan sa dako ng
Gagalangin, at samakatuwid ay nakakakuha sa kanilang lupa. Agad siyang nagpautos sa datu ng
Balintawak.
"Sabihin ninyo," anya sa mga utusan," na ibalik ang bakod sa dating kintatayuan. Hindi
matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka't tunay na isang pagnanakaw."
Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at
sabihin sa kanya ang biling ng datu roon. "Sabihin niyo sa inyong datu," ang wika niya sa mga
sugo," naako'y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binbalik ko lamang sa dapat kalgyan ayon sa
natuklasan kong mga kasulatan ng aking mga nuno."
Ipinag-alab ng loob ng ama ni Delfin ang tinanggap niyang balita. Sagayung mga alitan, ang
karaniwang nagiging hangganan ay digmaan.
Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin
niya sa pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang
mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay digmain,
iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob ng hukbo ng
Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang mahiwagang
karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat napanagutan: siya
ang magiging heneral ng hukbo ng Gagalangin.
Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya'y kinabahan. Si Delfin ay
batang-bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samatalang ang kanyang ama ay
nahasa na sa maraming pakikilaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag-aalala.
Ibig sana niyang magkausap sila ni Delfin upang ito'y himuking iurong na ang digmaan at
mapayapang pakipag-usapan sa ama niya ang lahat. Datapuwa't wala na silang panahon upang
magkausap pa. Kinabukasan noo'y lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng isang
malaking hukbo.
Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming
nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat, at dahil sa masaganang dugong
nawala sa kanya, siya'y nabuwal na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga,
ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa tabi ng hanggahang bakod,
malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni
Rosita, kama ng mga abay nito, ay mapayapang namamasyal sa makapal na damuhan.
Hindi nabanggit ng mga matatandang nagkuwento ang sinapit na buhay ng dalawang
magsing-ibig, kung ano ang naging hanggan ng labanan. Ang sabi lamang nila ay ganito: nang
mabalitaan ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga'y nagkasakit sa matinding
dalamhati. Nagpatawag ng magagaling na mangagamot ang datung ama niya, ngunit sino man sa
kanila'y hindi nakapagpagaling sa kaawa-awang dalaga. Unti-unti itong pinanawan ng
lakas. Nang sapalagay ni Rosita ay hindi siya magtatagal, hiningi niya sa kanyang ama na ang
bangkay niya'y doon lamang ilibing sa tabi ng pinaglibingan kay Delfin. Masaklap
man sa kalooban ng datu, pinagbigyan niya ang kahilingan ng minamahal niyang anak.
Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at dumating na
ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo'y marami ng
tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa
isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang
buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng dalawang
nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing daw na parang marahang
bulong ng panggabing hanging humahalik sa mga dahon ng halaman. "Sumpa kita! ...Sumpa
kita!" ang winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, kung minsa't sila'y nagbabantay, ay wala
namang nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako, na
sinibulan ng dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan datapuwa't maputi,
maraming talulot at ang iwing bango'y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga
tao roon kung buwan ng Mayo, taun-taon.
Sa di-kawasa'y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang matuklasan
ang hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga salitang sinasambit. Hindi naman
sila gaanong naghirap. Nguni't ang kanilang pagtataka'y lalo pang nadagdagan nang makita
nilang ang dalwang puno ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang
bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay. Ngayo'y
nanariwa sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng dalawang kapos-palad - Si Delfin at si
Rosita. Samantala....
Ang kuwento'y nagkasalin-salin sa maraming bibig, at ang "Sumpa kita!" na inihahatid
ng panggabing simoy sa pandinig ng mga nagmamatyag ay naging "Sampaguita" , na siyang
iningalan na tuloy sa mahalimuyak na bulaklak ng halamang tumutubo sa libing ng magsing-
irog.

Isang Asawa, 2 Babae At Ang Mangkukulam
A Morality Tale from the Visayas

MINSAN, may isang lalaki na may asawa na hindi maganda. Dumating ang panahon, ayaw na
niyang makita kaya lumayas siya at nag-asawa ng ibang babaing mas maganda. Naghinagpis ang
kanyang unang asawa, at umiyak araw-araw. Isang araw, lumuluha ang babae habang umiigib ng
tubig sa balon ( pozo, well ). Dumating ang isang matandang babae.

Bakit ka umiiyak? tanong ng matandang babae na, ang totuo, ay mangkukulam (bruja, witch).
Iniwan ako ng asawa ko, hikbi ng unang asawa, at nag-asawa ng iba!

Bakit?

Kasi hindi raw ako maganda! bulalas ng unang asawa na tuluyan nang napahagulhol. Naawa
ang mangkukulam at hinipo nang sandali ang mukha ng umiiyak na babae. Hindi na ako
makatagal dito! hikbi ng unang asawa. Bitbit ang inigib na tubig, umuwi na ang unang asawa.
Napansin niya habang naglalakad sa daan na tinititigan siya ng mga tao. Pati ang mga kaibigan
niya ay napapa-tunganga, at parang hindi siya nakilala. Hindi kumibo ang unang asawa dahil
akala niya pinapanuod ang pag-iyak niya. Yumuko na lamang ang babae at humangos pauwi
habang patuloy ang pagluha, awang-awa sa sarili.

Pagdating sa bahay, napasulyap ang unang asawa sa salamin. Bigla siyang natigilan. Hindi niya
nakilala ang babaing nakita sa salamin! Napaka-ganda ng mukha niya, pinaka-maganda sa buong
kabayanan!

Mabilis kumalat ang balita sa buong kabayanan na may napaka-gandang babae na nakatirang
mag-isa sa bahay ng unang asawa. Dumagsa ang mga tao duon upang masulyapan paulit-ulit ang
magandang dilag. Pati ang lumayas na asawang lalaki ay nakasagap sa balita. Nagtataka,
bumalik siya sa dating tirahan upang makita ang magandang babae.

Palinga-linga ang lalaki, hinahanap ang kanyang unang asawa na, hindi niya alam, ay hindi na
niya makikita kailan man. Ang kanyang nakaharap ay ang napaka-gandang babae. Napayuko na
lamang ang lalaki at nagpahayag ng pag-ibig. Ang magandang babae, na talagang ang lihim na
unang asawa, ay ayaw maniwala sa nanliligaw na lalaki. Isang dahilan ay may kinakasama na
siyang babae.

Sa wakas, hinayag ng lihim na unang asawa, Kung iiwan mo agad ang kinakasama mong babae,
at mabilis kang lumipat dito, tatanggapin kitang asawa ko.

Walang abog-abog na iniwan ng lalaki ang pang-2 asawa at tumira uli sa dating bahay, kasama
ang hindi niya alam na una niyang asawa. Ang napag-iwanang pang-2 asawa naman ay galit na
galit nang mabalitaang nagtanan ang lalaki sa napaka-gandang babae. Lalo siyang nagsiklab
nang kumalat ang bulong-bulong na ang magandang babae ay talagang ang unang asawa na pina-
ganda lamang ng isang mangkukulam. Masugid na inusisa itong balita ng pang-2 asawa
hanggang natuklas niya ang buong pangyayari. Pinasiya niyang ganuong din ang gawin upang
mapa-ganda rin siya ng mangkukulam. Mula nuon, araw-araw siyang nagtungo sa balon at
umiyak hanggang, isang araw, isang matandang babae ang lumapit sa kanya.

Bakit ka umiiyak, ale? tanong ng matandang babae na, sa katunayan, ay ang mangkukulam na
dating dumalaw duon.

Iniwan ako ng asawa ko, hikbi ng pang-2 asawa, at sumama sa magandang babae!

Marahang hinipo ng mangkukulam ang mukha ng pang-2 babae at sinabi, Huwag ka nang
umiyak at umuwi ka na. Malapit na ang katapusan ng paghihirap mo!

Sagsag umuwi ang pang-2 asawa upang maghanda sa akala niyang pagbalik ng kanyang lalaki.
Subalit sa daan pa lamang, napansin niyang lahat ng nakasalubong niya ay tumatakbo sa takot
pagkakita sa kanya. Pagdating sa bahay, agad humarap sa salamin ang pang-2 asawa at napatili.
Ang pangit-pangit niya! Buong mukha ang haba ng ilong niya. Luwa at kasing lapad ng
mangkok ang mga mata niya. At parang dahon ng saging ang mga tenga niya.

Dahil sa pagka-pangit-pangit ng pang-2 asawa, walang payag na lumapit sa kanya. Nawalan ng
luob ang babae at hindi na kumain mula nuon, at namatay pagkaraan lamang ng ilang araw.

ANG PINAGKUNAN
The Two Wives and the Witch, in the Visayan Folk-Tales, by Berton L. Maxfield, W. H.
Millington, published in the FullBooks.com website, http://www.fullbooks.com/Philippine-Folk-
Tales1.html, and on the Project Gutenberg website, http://www.gutenberg.org
http://www.elaput.org/almat26.htm

Вам также может понравиться