Вы находитесь на странице: 1из 2

Alamat ng Sampagita

Noon, lahat ng halaman ay may pinagmamalaking kayamanan tulad ng masarap ng bunga o bulaklak na marikit, mabngo at may
kakaibang ganda. Maliban sa isa.

Ang Sampagita ay parating naging tampulang ng katatawanan sa hardin. Parati siyang inaapi ng mga kasamang halaman.

Madalas na pagmamayabang ng Santan, "Ano ang iyong silbi? Salat ka na sa ganda, wala pang bulaklak na ipagmamalaki. Hindi
tulad ko na biniyayaan ng makukulay na bulaklak. Ako'y nakakawili."

Kutya naman ng Milegwas, "Oo nga, pangit ka na, wala pang bangong kahali-halina. Amuyin mo ko, ang sarap ng samyo, ang
tamis, ang bango. Mahalaga ako sa mga tao sapagkat ako ang parating inaalay sa kanilang mga Santo."

"Ako rin," gatong pa ni Rosas. "Di ba't sadyang ako'y napakaganda? Ang mga bulaklak ko, pula, puti man o dilaw, sikat na
panregalo sa mga dalaga. E ikaw para saan ka? Hindi ka dapat sa amin sumasama."

Tawanan ang mga magandang mga halaman. Araw-araw, ganito ang kanilang usapan. Isang araw, hindi na makapagtimpi ang
kawawang Sampagita. Nagtangis, nakiusap, nagmakaawa sa mabait na Bathala. "Panginoon, bakit naman ganoon? Ano nga ba ang
silbi ko? Ako'y abang halaman lamang."

Narinig ng Bathala ang wangis ng naaping Sampagita. Awang-awang nagwika, "Iha, tumigil ka na sa pag-iyak, bibiyayaan kita
bulaklak na kaiingitan nila." Dumakot siya ng mga bituin sa langit at saka ito dinurog. Bawat isa nito ay kanyang hinalikan bago
isinaboy sa humihikbing Sampagita.

Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. Ang kanyang mga bulaklak ay naging
paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa mga Santa.

Nahigitan ng Sampagita ang lahat ng nngungutyang halaman. Siya pa ang tinanghal na pambansang bulaklak ng bayang sinisinta.


















TAYUTAY
1. Simili o Pagtutulad (Simile) Ito ay simple at lantad na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay (tao sa hayop, tao sa
bagay, kalagayan sa bagay. atbp. Ginagamitan ito ng mga salitang pantulad tulad ng mga sumusunod:
tulad ng mistulang kamukha ng
tila parang tulad ng
anakiy gaya ng kawangis
mala
- Halimbawa: Mala-porselana ang kutis ng mga gumagamit ng sabon na ito. (porselana at kutis)
2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) Naghahambing ng dalawang magkaibang bagay sa tuwirang paraan paraan. Hindi na ito
gumagamit ng mga salitang pantulad.
- Halimbawa: Ang galit ay ang apoy na sumusunog sa aking puso. (galit at apoy)
5. Metonomiya o Pagpapalit-tawag (Metonymy) Gumagamit ito ng salita o mga salitang sa pagtawag o pagtukoy sa bagay o tao
na pinatutungkulan.
- Halimbawa: Nagdiwang ang Malacaang sanhi ng pagpapalaya ng mga Pilipinong bihag ng mga pirata sa Somalia.
(Malacaang Pangulo at kanyang mga opisyal)
6. Sinekdoke o Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) Bumabanggit ito ng isang bahagi upang sakupin o tukuyin ang kabuuan o ng
kabuuan upang tukuyin ang isang bahagi.
- Halimbawa: Handa kong ibigay ang puso ko upang makasal na tayo. (puso - buong katauhan)
GAMIT SA PAGLALARAWAN
7. Hayperbole o Pagmamalabis (Hyperbole) Ito ay lampas-lampasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao,
bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
- Halimbawa: Bumaha ng dugo at umulan ng pera noong panahon ng eleksyon.
8. Apostrope o Panawagan (Apostrophe) Ito ay isang madamdaming pakikipag-usap sa isang tauhan na malayo o patay na na tila
ba parang kaharap lamang. Maaari ring gamitin ito para sa mga konseptong abstrakto.
- Halimbawa: O, Pag-ibig na makapangyarihan, pag ikaw ay nasok sa puso ninuman. Hahamaking lahat masunod ka lamang.

Ironya o Balintunay Gumagamit ito ng pag-uyam sa pamamagitan ng mga salitang parang pumupuri o dumadakila. Subalit ang
tunay na layunin nito ay mangutya ayon sa himig o paraan ng pagkakasabi. Maaaring ang ironya ay sa isang pahayag o sa
kabuuan ng tula.
- Halimbawa: Pagkat bakit di kakain ang nagtanim?
Ang naglitson ng malutong patay-gutom.
Ang nagbihis sa makisig walang damit.

14. Pagtanggi (Litotes) Gumagamit ito ng salitang hindi o di upang magpahayag ng hindi pagsang-ayon sa sinasabi. Nagbibigay-
diin din ito sa makahulugang pagpanig sa katotohanan ng sinasabi.
- Halimbawa: Hindi ko sinasabing madamot, ayaw mo lang talagang mamigay ng nakuha mong biyaya.
GAMIT SA PAGSASALIN NG KATANGIAN
15. Personipikasyon o Padiwan-tao (Personification) Ito ay nagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay na abstrakto o mga walang
buhay. Gumagamit ito ng pandiwa.
- Halimbawa: Nagngitngit ang langit at naghagis ng matatalim na kidlat.
16. Paglilipat-wika (Transferred Epithets) Ito ay nagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay na abstrakto o mga walang buhay
subalit sa halip na pandiwa ay gumagamit ng pang-uri.
- Halimbawa: Mukhang hindi na magtatagal ang aking nakangiting sapatos.
Tanong Retorikal o Pasagusay Nagpapahayag ito ng katanungan na pumupukas ng isip at umaantig ng damdamin. Hindi ito
naghihintay ng katugunan.
- Halimbawa: Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa kanya?

Вам также может понравиться