Вы находитесь на странице: 1из 5

PANITIKAN SA PANAHON NG

HIMAGSIKAN
Lunes, Marso 18, 2013
PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN
KALIGIRANG KASAYSAYAN:

Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong
pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga
Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong
paring sina Gomez, Burgos at Zamora at patayin sa
pamamagitan ng garote nang walang matibay na
katibayan ng pagkakasala. Itoy naganap noong ika-17 ng
Pebrero, 1872. Naragdagan pa ito nang makapasok dito
ang diwang liberalismo sa pamamagitan ng pagkakabukas
ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, at ang
pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider na tulad ni
Gob. Carlos Maria dela Torre.
PAKSA NG PANITIKAN:

1.Humihingi ng pagbabago o reporma sa pamamalakad ng
simbahan at pamahalaan.

2.Diwang makabayan.

3.Pag-asam o pagnanais ng kalayaan
ANG KILUSANG PROPAGANDA:

Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang
uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar,
Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce,
Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi
ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang
layunin ng kilusang ito.
LAYUNI N NG KI LUSANG PROPAGANDA
1.Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga
Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
2.Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3.Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino
sa Kortes ng Espanya.
4.Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko.
5.Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag,
pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag
ng kanilang mga karaingan.
ANG MGA PROPAGANDISTA:
1. JOSE RIZAL gumamit ng dalawang sagisag-
panulat= Laong-laan (Amor Patrio); Dimasalang ( Masonry),
itinatag-LA LIGA FILIPINA
2. MARCELO H. DEL PILAR- gumamit ng
ibat ibang sagisag-panulat tulad ng PLARIDEL;
PUPDOH;PIPING DILAT; at
DOLORES MANAPAT
3. GRACIANO LOPEZ-JAENA - kinilalang
manunulat at mananalumpati sa Gintong Panahon ng
Panitikan at Pananalumpati. Itinatag niya ang kauna-
unahang magasin, ang LA SOLIDARIDAD na naging opisyal
na bibig ng Asociation Hispano Filipina
4. Antonio Luna - isang parmasyotikong dinakip at
ipinatapon ng mga Kastila sa Espanya. Sumanib sa kilusang
PROPAGANDA. Ang paksa ng kanyang mga isinusulat ay
nauukol sa mga kaugaliang Pilipino, at
ang ibay tumutuligsa sa pamamalakad ng mga Kastila.
Ginamit niyang sagisag-panulat ay TAGA-ILOG.
5. Mariano Ponce - naging tagapamahalang patnugot,
mananalambuhay at mananaliksik ng Kilusang Propaganda.
Mga sagisag-panulat na ginamit- TIKBALANG;
KALIPULAKO at NANING. Tungkol sa
kahalagahan ng edukasyon ang
karaniwang paksa ng kanyang mga sanaysay. Inilahad din
niya ang pang-aapi ng mga banyaga at ang karaingan ng
bayan.
6. Pedro Paterno - isang iskolar, dramaturgo,
mananaliksik at nobelista sa Kilusang Propaganda. Sumapi
sa Kapatiran ng mga Mason at sa Asociation Hispano-
Filipino. Unang manunulat na nakalaya sa sensura sa
panitikan sa mga huling araw ng pananakop ng Kastila.
7. Jose Ma. PAnganiban - itinago ang tunay na
pangalan sa ilalim ng sagisag na JOMAPA. Kilala
sa pagkakaroon ng MEMORIA
FOTOGRAFICA.
8. Pascual Poblete - Kabilang siya sa dalawang
panahon ng Panitikang Pilipino:Kastila at Amerikano.
Mamamahayag, makata, mandudula, nobelista at
mananalaysay. Itinatag niya at pinamatnugutan ang
pahayagang EL RESUMEN. Sa panahon ng Amerikano,
itinatag niya ang pahayagang EL GRITO DEL PUEBLO at
ANG TINIG NG BAYAN. Siya ang kauna-unahang
Pilipino na nagsalin sa Pilipino ng Noli
Me Tangere ni Jose Rizal. Kinilalang Ama ng
Pahayagang Tagalog.
Ipinaskil ni justine aubry Galan sa 3:01 AM
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest
1 komento:
1.
Patricia Monique Ortega BombocHulyo 27, 2013 ng 8:25 AM
may sagisag-panulat po ba si Graciano Lopez Jaena?
Tumugon
Mag-load ng higit pa...
Home
Mag-subscribe sa: I-post ang Mga Komento (Atom)
Archive sa Blog
2013 (1)
o March (1)
PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN
Tungkol sa Akin

justine aubry Galan
Tingnan ang aking kumpletong profile

Ethereal na template. Mga larawan ng template ni imacon. Pinagana ng Blogger.

Вам также может понравиться