Alin ba ang mas mahalaga, Wikang Filipino o Lingua Franca
Lakandiwa: Akoy isang lakandiwang nagbuhat pa sa Buhang
Sa paaralang Buhang NHS na aking tinatangi At ngayoy buong galing na sa inyoy bumabati At umaasang nawa paksay mapaglimi Upang programay maging katangi-tangi.
Paksang aking ilalatag pakiwariy mahalaga Dahil pagtatalunan ng ating mga makata Kung anong wika ba ang magiging Wikang Panlahat Filipino ba na Wikang Pambansa at kilala pa O Lingua Franca na sa pagkabatay nasa labi na.
Kayat itong lakandiwa sa inyo nag-aanyaya Ng dalawang mambibigkas Na mahusay at kilala Upang pagtalunan paksang aking itinalaga Ang hiling ko lamang ay palakpakan silang dalawa Panig na ihaharap ay suriin at magpasya.
Wikang Filipino: Akoy isang batang kay Mauel Quezon nagpupuri Naniniwalng Wikang Filipino ang minimithi Lahat ng hangarin ng mga damdaming sumisidhi
Lingua Franca: Ang inyong lingkod ngayon Ay nag mula pa sa malayo Sa Balagtasang ito, magiliw akong sumasamo Gamit na wikang nagmula sa kinagisnang ninuno Aking iopaglalaban, upang isasapuso
Lakandiwa: Atin ng natunghayan ang dalawang maglalaban Na nanggaling pa sa bayang kanilang kinabibilangan Ang isay nanggaling pa sa pulo ng kabisayaan Ang magandang dalagay sa katagalugan naman.
Wikang Filipino: Sa atin Wikang Filipino ako ay nagpupugay Wikang ginagamit sa Luzon, Visayas at Mindanao Kayat kilalang lahat ginagamit araw-araw Kahit saan ka magpunta siyay magsisilbing tanglaw
Wikang Filipinoy marapat na maging Wikang Panglahat Itoy pamana ni Pngulong Quezon para sa lahat Samantalang Lingua Franca sa pagkakaisay salat Sa malalayong probinsya lamang itoy nararapat
Lingua Franca: Dahan-dahan sa pagsasalita katunggaling ganda Sapagkat nasasaktan mo ang mga taong maralita Sariling wikay di tumutukoy sa Wikang Pambansa Kundi sa wikang nakagisnan at laging nasa baba
Lingua Franca ay nararapat na di kalimutan Itoy salamin ng bawat lalawigan Sa likod nitoy mga paniniwala ng ting kababayan Sa Lingua Franca tuwid na landas ang magiging daan
Wikang Filipino: Nagkamali ka sa iyong paniniwala katunggali ko Ang sariling wika natin ay Wikang Filipino Suriin ng Wikang Pambansa pa ang nagbuo nito Upang magkaintindihan lahat ng Filipino
Lingua Franca ay hindi ko naman minamaliit Itot atin na mula nang tayoy isa pang paslit Ngunit iilang tao ang ditoy gumagamit Di tulad ng Wikang Filipino gamit kahit nakapikit
Filipino ay marapat na maging wikang panlahat Sa kalakalan, sa paaralan at maging sa simbahan Kahit sa pagbabalita hindi moba nakikita? Kapag Wikang Filipino ang gamit hindi ka matutunganga
Tuwid na landas handog ng Wikang Filipinp Gamit ng guro ang kanilang wikang panturo Sa simbahan upang wastong aral ay matuto Sa pamahalaan upang batas ay mabuo
Lingua Franca: Paano magiging panlahat ang Wikang Filipino? Kung ang mga tao ay, gumagamit ng mga dayalekto Lumibot ka sa ting pitong libot isang daang pulo Mapapatunayan mong sinasabi koy totoo
Sa paaralan, guro ngay nagturo ng Wikang Filipino Ngunit sinasalin pa rin sa mga dayalekto Sa paggawa ng batas, di ba ingles katuto ko? Di mo masasalin ang konstitusyon sa Filipino
Sa simbahan gamit ng pari ay mga dayalekto Dahil kung hindi, ang mga taoy tutunganga rito Kaya Lingua Franca wikang panlahat ng mga tao Daan sa matuwid na landas ng mga Pilipino.
Lakandiwa: Sadyang ating bayay puno ng salin lahi Saan mang sulok may nagkakaisat may Gamit na unang natutuhan sa labi namutawi Itoy pinahahalagahan at hindi iwinawaksi
Ang Lingua Francay sumusimbolo sa mayaman nating lahi Lahing Filipinoy laging angat sa anumang Lipi Kaya mga dayalektoy hayaang mamutawi sa labi Ating salinlahi dapat ay ating ipagbubunyi
Bagamat ganun man ating bayay nangangailangan Isang wikang pambansa ng magiging ating sandigan Wika tungo sa pagkakaintindihan At pambansang pagkakakilanlan kahit saan ka man
Wikang Filipino ay siyang ating wikang pambansa Nararapat tangkilikin at dapat ay idambana Itoy nagbubuklod sa mga dayalekto sa bansa Upang tayoy magkaisa sa pusot diwa
Ngayong inyong napakinggan ang dalawang makata Malalaman niyo na ang hatol ng lingkod niyong aba Ang kanilang piniling wika kapwa ay mahalaga Maging Filipino man ang gamit o lingua franca Itoy gamit sa kaunlaran ng ating bayang sinisinta.