You are on page 1of 14

BANGHAY- ARALIN SA KOMPOSISYON NG FILIPINO 4

PANUNURING PAMPANITIKAN
IKATLONG MARKAHAN- IKAWALONG LINGGO

I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Pagsulat ng Salin


Mga Kagamitan : Flash card, Tsart
Pangunahing Kasanayan : Nakasusulat ng isang salin matapos na
marebisa

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nababatid ang pangunahing batayang simulain sa pagsasalin

B. Nakapagsusuri ng isang salin

C. Nakapagbibigay ng sariling opinion tungkol sa estilo ng pagsasaling


ginawa ng iba.

D. Nabibigyang-pansin ang kawastuhang gramatikal sa pagsasalin.

E. Nakapagsasalin ng isang tiyak na teksto.

III. PROSESO NG PAGKAKATUTO

UNANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak : Pangkatang Gawain

a. Gagamit ang guro ng Flash Card (kung saan nakasulat doon


ang saling wika na kailangan, na ibibigay sa bawat pangkat).

172
b. Pagpapakita na ng guro ng Flash Card, mula rito ang bawat
pangkat ay pipili ng salitang angkop upang maisalin ang
salitang Ingles sa Filipino.

1. Hello - kumusta

2. Till we meet again – Hanggang sa muling pagkikita

3. Goodbye my love – Paalam, giliw/mahal ko

4. I love you – Iniibig kita/Minamahal kita

5. Forgive me – Patawarin mo ako

6. I’m leaving – Aalis ako

7. Fight! – Makibaka!

8. Good luck! – Swertihin ka sana!

c. Pagkakaroon ng talakayan sa patnubay na tanong.

1. Anong kasanayan ang maaaring makuha sa pangkatang


gawain?

2. Ang pagsasalin bang ginawa salita bawat salita?

3. Gumamit ba ng angkop na panumbas sa mga pahayag o


eksresyon?

B. Paglalahad

Mga Gawain :

1. Pagpapabasa ng isang halimbawa ng pagsasalin.

Palanca literary winners announced

The Don Carlos Palanca Memorial Awards, the country’s most


prestigious literay recognition, were announced at the Rigodon Ballroom
of the Manila Peninsula with Secretary Andrew Gonzales of the
Department of education, Culture and Sports and Awards Secretary
General Sylvia Palanca Quirino presenting the awards to 50 winners in
various categories.

173
For almost half a century now, the Palanca Awards have earned
the distinction of being country’s literary benchmark. Its roster of winners
include national artist for literature Franz Arcillana, Nick Joaquin and
N.V.M. Gonzales.

Mga nagwagi sa Palanca

Ang mga nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards, ang


itinuturing na pinakamataas na pagkilala na panliteratura sa buong bansa
ay inihayag sa rigodon Ballroom ng Manila Peninsula. Sina Kalihim
Andrew Gonzales ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports at ang
Awards secretary General na si Sylvia Palanca Quirino ang nagkaloob ng
karangalan sa 50 nagwagi sa iba’t ibang kategorya.

Sa loob ng halos kalahating bilang ng pangunahing moog-


panliteratura sa buong bansa. Ang Talaan ng mga nagsipagwagi ay
kinabibilangan ng mga national artists sa literature na sina Franz Arcillana,
Nick Joaquin at N.V.M. Gonzales.

C. Pangkatang Gawain : Pagbubuo ng reaksyon

Pangkat 1 : Pansinin mo ang ginawang salin. Ano ang inyong


masasabi?

Pangkat 2 : Malapit ba ang salin sa isinasalin? Patunayan.

Pangkat 3 : Naging matapat ba ang tagapagsalin sa kanyng ginawa?

Pangkat 4 : Aling bahagi ang hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?

D. Pagbabahaginan ng bawat pangkat.

E. Pagbubuo ng sintesis sa paggamit ng pamatnubay na tanong.

1. Madali ba ang pagsasaling wika?

2. Ano sa inyong palagay ang kahalagahan ng pagsasaling wika?

174
PAGTALAKAY SA ARALIN
IKALAWANG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak : Ipasasalin sa bawat pangkat ang tula.

“If I couldn’t say “I love you’


I should have said it many times
But I don’t want you to know
Because you do not seem to mind.

I tried myself to forget you


But my heart doesn’t seems to follow
The more I try to forget you
The more my heart says, “I love you”.

B. Pagbabahaginan ng bawat pangkat.

• Naririto ang ilang tiyak na hakbang na maaari mong maging gabay:

a. Basahin mo muna ang buong akda isasalin upang makuha mo


at maunawaan ang kabuuang diwa nito.

b. Isagawa na ang unang pagsasalin. Dapat mong isipin na ng isasalin


ay diwa at hindi ang mga salita.

c. Pagkatapos mong maisalin ang akda, itabi mo muna ang orihinal.


Basahin mo ang salin.

d. Muli mong basahin ang salin at alamin kung may salita kang dapat
palitan, pariralang dapat na alisin o idagdag upang mabuo ang
hinihinging diwa o kaya naman ay mga pangungusap na dapat
baguhin ang balangkas upang maging malinaw ang kahulugan nito.

e. Ipabasa mo nang malakas sa iba ang salin at obserbahan ang mga


bahagi ng salin na hindi mabasa nang maayos.

f. Rebisahin ang salin at saka muling ipabasa nang malakas sa iba


(hindi ang unang bumasa) hanggang sa maging maayos ng lahat
ang dapat ayusin.

C. Pagbibigay ng input ng guro sa tiyak na pamantayan upang


makapagsagawa ng isang makabuluhang salin.

175
D. Pagbibigay ng reaksyon ng mga mag-aaral sa input na
ipinakita ng guro.

E. Pagpapabasa ng isang tiyak na halimbawa ng salin.

THE LOVE OF VIRGIL AND CELY


Lazaro Espinoza

Virgil was only senenteen years old-still young but his mother
thought he was old enough, and so she courted a girl for him.

Strange? Perhaps in the city, but in the provinces, it is a common


thing. Mother usually choose the “heart’s choice’ of their children. The is
why so many unfortunate young people find themselves tied to mate they
hardly know, at lest in the beginning.

But virgil was in luck. His mother fell in love with a girl who was also
the silent choice of his heart. He made her a month before and she smiled
at him. E had smiled at her too but had lacked the couraged to speak to
her.

His mother took Virgil to the girl’s house one afternoon and
introduce him to the girl. After that she and the girl’s mother left them
together and went off to talk about some business of their own.

Virgil was still very young. Though good-looking and a bit


mischievous with the girls at times, he had never made love to any of
them. So now, he sat before the girl, staring out of the window and
desperately trying to think of something to say.

“A beautiful sunset, is it not?”, he finally said stiffy. The girl look at


him, smiled and nodded saying “yes” at the same time.

He smiled although there was really nothing to smile at in what


either the girl or he had said. Nevertheless he smiled again.

The girl did not move and kept on looking at hi. Evidently she
expected something more from him. But he had nothing else to tell her.

And so they sat, hardly moving, their mouth shut. Occasionally their
glances would meet and then both would look away.

“Excuse me”, Virgil burst out suddenly.

The girl stared at him a little surprised.

176
“Why?”, she asked.

“I…may I know your name? I didn’t hear clearly what my mother


said”.

“My name is Cely. Cely Toreno”.

“Cely, what a nice name!”, he said in an attempt at flattery.

“And yours?”.

“Whose? Mine? It is Virgil. Virgil carillo”.

“Virgil? Are you an American?”.

“An American”, he echoed. “How could that be?”.

The girl laughed and he was surprised. Why did she laughed? Was
there something funny in what he had said? Maybe. He laughed too.

And so for a whole minute they stared at each other smiling ly. The
girl’s shyness was disappearing, but Virgil had not yet conquered his
timidity when the two mothers returned. Virgil looked at his mother and
saw that she was happy about something. And then Virgil and his mother
bade Cely and her mother goodbye, Virgil’s mother stating that they would
call again and Cely’s mother nodding in agreement.

Virgil and his mother visited Cely and her mother on the afternoon
of the next day. And again Virgil and Cely were left alone while the
mothers went into another room. The two young people were now less
restrained. Virgil told Cely about his childhood and Cely told Virgil about
hers and their afternoon together ended with tales about each other’s
childhood days, while in the other room the two women making
agreements looking to the future.

Every afternoon for two weeks Virgil and his mother called at the
girl’s home and beginning the third week, Virgil went alone. At the end of
the month, Virgil learned from his mother that he and Cely would soon bu
married.

“Why mother”, he said. “I have not asked her yet”.

“But I have”, she said.

177
Cely, too, learned from her mother that she and Virgil would soon
be joined in wedlock.

“But mother”, she cried. “He has not ask me yet”.

“But Virgil’s mother ask me”, said Cely’s mother.

And so Virgil and Cely found themselves engaged, hardly knowing


how it was happened. They had not yet told each other what was in their
hearts, and yet they were engaged. Yesterday, they were just friends, now
they soon be married.

In the afternoons, Virgil and Cely took long walks in the fields. She
would ask him for flowers and he would pick them for her. They were no
longer sa bashful together and felt as they had know each other for years.

Once Cely asked Virgil jokingly, “If I married somebody else, will
you feel sad?”.

“But that can never happen”, he answered.

“But suppose”, said the girl.

“Of course I woukld be unhappy, Cely”, he replied. He came near


and said, “Cely, once you were nothing to me. But now though we have
only known each other for a month, I truly love you”.

“Virgil’s words made Cely very happy. She too loved him.

The two mothers were also glad their children showed each other
affection. “They would make a good pair”, they said.

But one day, Virgil’s mother came to him, with worried look on her
face.

“Virgil”, she said “your marriage with Cely is off”.

“Why mother?”, he eclaimed, astonished. “Cely and I have not


quarreled”.

“No”, said the mother, “But we…”. She did not finish the sentence
but turned away.

Cely was told by her mother mother that there would be no


wedding.

178
“But mother”, she cried. “Virgil and I did not quarrel.

“No”, said her mother, “But we – Virgil’s mother and I – did”.

ANG PAG-IIBIGAN NINA VIRGIL AT CELY


(SALIN)

Labimpitong taong gulang pa lamang si Virgil. Napakabata pa ngunit para


sa kanyang ina, siya ay nasa hustong gulang na upang manligaw. Dahil dito, ang
kanyang ina ay nanligaw ng babae para sa kanya.

Nakapagtataka. Marahil magtataka ka nga kung ikaw ay isang laki sa


lungsod subalit sa mga lalawigan ay nangyayari pa rin ang ganoon. Ang mga ina
ang pumipili ng mapapang-asawa ng kanilang mga anak. Dahil dito, maraming
kabataan ang nagiging mag-asawa ng simula ay ni hindi magkakilala.

Subalit nagging mapalad si Virgil. Ang babaing napusuan ng kanyang ina


ay nagugustuhan din naman niya. Minsan silang nagkita at minsan na rin niya
itong ningitian. Tinugon naman ng dalaga ang ngiting iyon. Dangan nga lamang
at hindi siya nagkalakas ng loob na sabihin ang kanyang niloloob.

Isang hapon, sinamahan si Virgil ng kanyang ina sa bahay upang ipakilala


dito. Pinabayaan naman ng ina ng dalaga ang dalawa na magkasarilinan. Sila ng
ina ni Virgil ang nagkwentuhan.

Bata pa si Virgil. Magandang lalaki siya. Bagama’t may kapilyuhan sa mga


babae subalit wala pa itong karanasang umibig. Sa pagkakataong ito, hindi niya
matitigan ang dalaga at hindi rin malaman kung ano ang sasabihin dito.

“Ang ganda ng paglubog ng araw, hindi ba?” , ang kanyang sabi.

Tiningnan lamang siya ng dalaga., tumango ito kasabay ng isang ngiti at


saka nagwika ng “Oo nga”.

Napangiti rin siya kahit hindi naman dapat. Wala naman kasing dahlian
upang siya ay ngumiti. Samantala, hindi pa rin kumikilos ang dalaga. Tinitingnan
lamang nito ang kausap. Halatang may nais itong marinig mula sa binata. Subalit
wala naming masabi si Virgil. Nanantili silang nakaupo at manaka-nakang
nagsusulyapan. Wala kang maririnig na usapan.

“Excuse me”, ang biglang sabi ni Virgil.

Nagulat ang dalaga. Bigla itong napalingon sa kausap.

“Bakit?”, ang kanyang tanong.

179
“Ma…maaari ko bang malaman ang iyong panglan? Hindi ko masyadong
nalinawan mula kay Nanay”.

“Ako nga pala si Cely”, ang tugon ng dalaga. “Cely Toreno”.

“Cely, napakagandang pangalan”.

“Ikaw”.

“Ako?”. Virgil. Virgil Carillo”.

“Virgil? Amerikano ka ba?”

“Ako, Amerikano?”, ang ulit ng binata na parang nagtataka. “Pa’no


mangyayari ‘yon?”.

Biglang tumawa ang dalaga at nabigla naman ang binata. “Bakit siya
tumawa”, ang naisip nito. “May nakakatawa ba?” ang naisip pa rin niya. “Siguro
nga”, sabay tawa na rin.

Mula noon, may mga ngiti sa labing nagtitigan na ang dalawa. Hindi na
lubusang nahihiya ang dalaga subalit hindi pa man lubusang nakapagpapahayag
si Virgil ng kanyang saloobin ay dumatinmg na ang kanilang mga nanay. Nakita
ni Virgil na maligaya ang kanyang ina. Pagkalipas ng ilang saglit ay nagpaalam
na ang mag-inang Virgil sa mag-inang Cely. Nagsabi ang ina ni Virgil na muli
silang babalik samantalang labis naman ang pagpayag ng ina ni Cely.

Sa sumunod na hapon, muling bumisita sa bahay nina Cely ang mag-


inang Virgil. Muli ay nagkasarilinan na naman ang dalawa gayundin naman ang
kanilang mga ina. Nawala na ang hiya sa pagitan ng binata at dalaga.
Ikinuwento ni Virgil kay Cely ang kanyang kabataan at gayundin naman ang
dalaga. Lumipas ang hapong iyon sa pagpapalitan ng mga kwento tungkol sa
kani-kanilang mga karanasan noong sila ay mga bata pa. Sa mantala, sa
kabilang silid, ang dalawang babae ay patuloy sa pagpaplano para sa
kinabukasan ng kanilang mga anak.

Sa loob ng dalawang lingo, nagkikita sina Virgil at Cely tuwing hapon.


Subalit ng sumapit ang ikatlong lingo, nag-iisa na lamang si Virgil sa pagbisita
kay Cely. Pagsapit ng katapusan ng buwan, nalaman na lamang ni Virgil mula
sa kanyang ina ang tungkol sa nalalapit niyang kasal kay Cely.

“Pero bakit Nanay?”, ang kanyang tanogn. “Hindi pa ako nakapagtatapat


sa kanya”.

“Ginawa ko na”, ang sagot ng kanyang ina.

180
Nalaman din ni Cely mula sa kanyang ina ang tungkol sa nalalapit nilang
kasal ni Virgil.

“Pero Nanay”, ang tila naiiyak niyang sabi. “Hindi pa naman siya
nakapagtatapat sa akin”.

“Nagsabi na sa akin ang kanyang ina”, ang tugon ng ina ni Cely.

Bagama’t hindi pa nakapagtataoat sa isa’t isa tungkol sa nilalaman ng


kanilang mga puso, ang dalawa ay naging magkasintahan na. Hindi nila
malaman kung paano ito nangyari. Kahapon, sila ay magkaibigan lamang.
Ngayon, sila ay magiging mag-asawa na.

Sa maraming mga hapon, ang dalawa ay namamasyal sa bukid. Minsan,


ang dalaga ay humihingi ng mga bulaklak na agad naming ipinagkakaloob ng
binata. Hindi na sila nagkakahiyaan sa isa’t isa at para bang kaytagal na nilang
magkakilala.

Minsan ay nagbiro si Cely. “Kung magpakasal kaya ako sa iba,


masasaktan ka ba?”.

“Pero hindi mangyayari iyon. Ikakasal na tayo” , ang sagot ni Virgil.

“Kung sakali lang”, agaw ni Cely.

“Syempre, malulungkot ako”, ang sagot ng binata. Lumapit ito sa dalaga


at saka muling nagwika. “Cely, noon, balewala ka sa akin, subalit ngayon,
matapos ang isang buwang pagkikilala natin, mahal na mahal na kita”.

Ang mga narinig mula kay Virgil ay nagpataba ng puso ni Cely. Siya man
ay umiibig din sa binata.

Sa kabilang banda, tuwang-tuwa ang dalawang ina dahil sa


nagkakaunawaan na ang kanilang mga anak. “Bagay na bagay sila’, ang
kanilang sabi.

Isang araw, tila nag-aalalang lumapit kay Virgil ang kanyang ina.

“Virgil”, ang sabi nito. “Hindi na matutuloy ang inyong kasal ni Cely”.

“Pero bakit?”, ang bigla niyang tanong. “Hindi naman kami nagkakagalit ni
Cely”.

181
“Hindi”, ang sagot ng kanyang ina. “Subalit kami…” ang sabi sabay
talikod.

Nalaman din ni Cely na hindi na matutuloy ang kasalan.

F. Pagbibigay ng puna ng mga mag-aaral sa binasang pagsasalin.

1. Naisaalang-alang ba ang pamantayn sa pagsasaling-wika.

2. Anu-ano ang inyong napuna sa ginawang pagsasalin?

G. Pagsasanay (Pangkatang Gawain).

He was silent again. I could hear the low voices of my Mother and
Sister Aurelia downstairs. There was also the voice of my brother Leon,
and I thought that Father’s voice must have been like it when he was
young. He had laid the roll of tobacco on the window sill once more. I
watched the smoke waver faintly upward from the lighted end and
vanished slowly into the night outside.

The door opened and my brother Leon and Maria came in.

“Have you watered Labang?”, father spoke to me.

I told him him tha Labang was resting yet under the barn.

“It is time to watered him my son”, my father said.

I looked at Maria and she was lovely. She was tall. Besides my
brother Leon, she was tall and very still. Then I went out and in the
darkened hall the fragrance of her was like a morning when papayas are
in bloom.

H. Pagbabahaginan ng bawat pangkat sa kanilang ginawang


pagsasalin.

I. Pagbibigay ng feedback ng guro sa mga pagsasaling ginawa


ng bawat pangkat.

IKATLONG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak

182
Pangkatang Gawain : Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung
anong awiting Ingles ang kanilang paborito
buhat dito ay magsasagawa ng pagsasalin
ang bawat pangkat.

Pangkat I : Pag-awit ng orihinal na awit sa Ingles. Iisa-isahin ang


bawat linya ng awit at ipasasalin ito sa susunod na
pangkat.

Pangkat II : Paawitin ding isasalin ang linya ang inawit ng pangkat


I sa wikang Tagalog.

Pangkat III : Paawitin ding isasalin ang linyang inawit ng pangkat II


sa rehiyonal na dayalekto (hal. Ilokano,
Kapampangan atbp.).

Pangkat IV : Irarap ang kanilang reaksyon sa isinagawang


pagsasalin ng bawat pangkat.

B. Pagbibigay ng input sa katuturan ng pagsasaling-wika.

Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat ng


pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng
isinasaad ng tekstong isinasalin.

Sa pagsasalin, lalo na ang tekstong Ingles sa Filipino


ay dapat pumili ng mga salita at pariralang simple at abot
ng pang-unawa ng mga babasa ng teksto.

C. Pagbabalik-aral sa mga pamantayan ng pagsasaling-wika.

D. Pagpapasulat ng salin sa bawat mag-aaral.

BAHALA NA

One of America’s gifts to us is efficiency, the scientific coordination


of planning and action, the philosophy of correct and timely execution.
Though long schooled in our Oriental disrespect for Time and
encouraged, though unwittingly, to expect the Will that causes the palay to
grow to also do our work for us, we realize at last that Time is an element
to reckon with, that life here and now, being spread thinly over a limited
period of years, must be economized and put to some profitable use.

183
Our special significance is this realization in the economic life of
our people. The bureaucratic system has impressed upon most of us that
we must observe punctuality or lose out; that out pay envelop comes to
many of us during stated periods of the month and not before or after,
although we may spend its content in advance; and that our efficiency of
times detrmine our income.

Mang Doro goes to the cockpit this morning, caressing his talisain
gamecock, in his pocket several pesos representing his week’s wages
and few additional pesos borrowed from Aling Iska, the salt seller.
Suppose he loses the money as he invariably does and returns home in
the evening with his dead talisain dangling from his hand, where would
the family’s meals came from? And the debts just incurred, how would
they be paid? Bahala na! How would Aling Iska feel about it if she does
not get back the money she earned from selling salt? Bahala na!
Everything is left to bahala na: our inability to plow our fields in time, our
colds and fevers, the leak in our nipa huts, the camotes in the backyard,
our poultry and hogs, the rise and fal of prices, the future of our
children….

E. Pagpapabasa sa ilang pagsasaling-wikang nagawa.

IKAAPAT NA ARAW
PAGWAWASTO O PAG-EEDIT

A. Pansariling pagwawasto : Ipasusuri ang ginawang


pagsasalin batay sa sumusunod na tseklist.

a. Matapos basahin ang ginawang salin, nakasunod ka ba sa


pamantayan ng pagsasaling-wika?

b. May mga parirala, salita, pangungusap bang dapat palitan?

c. Wasto ba ang baybay, bantas, istruktura at gramatika ng


komposisyon?

B. Pagpapasulat na muli ng salin at isama ang pagbabagong ginawa.

C. Dalawang pagwawasto.

Humanap ng kapareha at magpalitan ng ginawang pagsasalin. Iwasto


ito muli batay sa tseklist na ibinigay ng guro.

184
D. Pagwawasto ng guro sa isinulat na balita batay sa tseklist.

IKALIMANG ARAW
MULING PAGSULAT

Mga Gawain

A. Pagbibigay ng input ng guro sa muling sulatin.

1. Paglalahad ng mga tagubilin sa pagsulat

a. Huwag susulat ng palimbag

b. Sumulat ng malinaw at maayos

c. Gumamit ng malaking letra at wastong bantas kung kailangan

2. Pagwawasto sa ilang halimbawa kamalian sa sulatin sa pisara.

B. Muling pagpapasulat sa iniwastong pagsasalin.

C. Pagpapabasa ng ilang sulating isinulat.

D. Pagbibigay-puna sa pagsasaling-wika na narinig.

E. Pagbubuo ng sintesis (Pagtatanong ng Guro).

• Bakit mahalaga ang pagsasaling-wika sa panitikan at sa


ating pang-araw-araw na buhay?

185