You are on page 1of 14

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 4

PANUNURING PAMPANITIKAN
IKAAPAT NA MARKAHAN – IKALIMANG LINGGO

I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Pagbasa/Pagsusuri sa Nobelang


Tagalog sa Teoryang Humanismo
Halimbawang Akda : Titser (Kabanata I)
Ni Liwayway A. Arceo
Mga Kagamitan : Sipi ng Kabanata I, VHS teyp
Kasanayang Pampanitikan : Pagtukoy sa mga katangian, iba’tibang
damdamin at saloobin ng tao
Kasanayang Pampag-isip : Pagpapasya
Halagang Pangkatauhan :

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Naiisa-isa ang bahagi ng kabanata na nagpapakita ng mabuting


karakter ng tauhang gumaganap.

B. Mga Layuning Pampagtalakay

B.1. Pagsusuring Panglingwistika

Nakikilala ang mga tayutay na ginamit sa loob ng kabanata.

Nabibigyang-kahulugan ang mga piling pahiwatig, pahayag


na ginamit sa akda.

B.2. Pagsusuring Pangnilalaman

Napipili ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng


kaasalang dapat sundin ng isang tao.

B.3. Pagsusuring Pampanitikan

Nasusuri ang kabanata batay sa teoryang humanismo.

C. Natutukoy ang mga positibo at negatibong katangian ng mga tauhan.

252
D. Nakapagpaplano ng mga bagay na dapat gawin sa pagkakamit ng
adhikain batay sa binasang akda.

III. PROSESO NG PAGKATUTO


UNANG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

1. Pagganyak :

a. Pagpapakita ng mga larawan.

Marcelo H. del Pilar Lapu-Lapu

Tandang Sora Jose Rizal

Ninoy Aquino

Andres Bonifacio Abraham

b. Anong mga katangian ang tinataglay nilang lahat?

c. Paano sila nagkaroon ng malaking bahagi ng kagalingan ng


bayan?

2. Paglalahad

a. Pagsunud-sunurin ang mga salitang napapaloob sa inverted


pyramid ayon sa iyong pagpapahalaga.

Sarili

Pamilya

Kaibigan

Kapwa

Salapi

3. Pagpapabasa sa buod ng kabanata.

253
TITSER
(Kabanata I)
Ni Liwayway B. Arceo

Mula sa kinatatayuan ni Aling Rosa sa tabi ng bintana ay nakita niyang


papasok na sa tarangkahan si Amelita. Hindi naikubli ng nag-aagaw na dilim at
liwanag ang hapung-hapong anyo ni Amelita at ang hapis na mukhang
pinalamlam ng pagod. Nguni’t hindi rin nakubli sa paningin ng matanda ang wari
ay walang nadaramang pagod o hirap ang anak. Magaan din ang pag-angat at
pagbagsak ng mga paa nito. Tila may kasiyahang walang kahulilip ang imbay ng
kanang braso, at ang kaliwa ay may kipkip na aklat at makapal na kuwaderno.

Hindi man lamang kumibo si Aling Rosa nang humalik ng kamay si


Amelita, bagama’t hindi niya nailihim ang nagpupuyos niyang damdamin.
Natitiyak niyang napansin iyon ni Amelita: ilang saglit napatitig sa kaniya ang
anak bago unti-unting ibinaba ang tingin.

“’Ala ‘ata ang Tatang?” mahinang tanong ni Amelita.

“Ewan ko!” paasik na tugon ni Aling Rosa. Sinundan niya ng tingin si


Amelita nang pumasok ito sa sariling silid.

“Talagang pinakagaga sa lahat ng anak ko ang isang ‘to, oo! himutok ni


Aling Rosa. “Maaari namang kumuha kahit anong mabuti-buting karera. . .
nagpilit na maging titser lang! Ngayon. . . ano? Alila ng buong nayon!”

Bumabalik sa gunita ni Aling Rosa ang mga natupad na pangarap sa


pagpapalaki sa kaniyang mga anak nang pumasok sa salas si Mang Ambo.

Bahagyang hinukot na ng panahon ang mga balikat ni Mang Ambo,


katuwas ng malalapad at tila higit na matatag na mga balikat ni Aling Rosa. May
ilang gatla na sa mga pisngi si Mang Ambo na hindi naging sagabal sa anyong
kapita-pitagan: nagbibigay-tingkad iyon sa payak nguni’t kagalang-galang na
anyo. Ang katalinuhang kumikislap sa mga mata ay pinatitingkad ng mga salit
na pilak sa buhok. At ang tinig na mahina at banayad, kaibayo ng matigas at
makapangyarihan at buung-buong tinig ni Aling Rosa.

“Oy,” salubong ni Mang Ambo sa kaniya, “dumating na ba’ng anak mo?”

“Oo, nar’yan na sa kuwarto niya!” matabang na tugon ni Aling Rosa.

“O, e ano’ng nangyari’t ganyan na naman ang mukha mo? Hindi raw ba
siya sasama?” Sa pagsasalita ni Mang Ambo ay hindi mapag-aalinlanganang
kilalang-kilala nito ang asawa.
“Ewan ko. . . hindi ko pa naman sinasabi!”

254
“Gan’on pala naman, e. . . ano’t parang bigung-bigo ka na?”

“Ku. . . e makita ko lang ang ayos ng anak mong ‘yan, pinagsisiklaban na


‘ko ng galit!”

“Bakit naman?”

“Naku, Ambo. . . ma’nong huwag ka nang magmaang-maangan! Hindi ba


ikaw nga itong laging nakapupunang nangangayat na sa pagtuturo ang anak
mong ‘yan? Pa’no laging pagod na pagod!”

Napatango si Mang Ambo. “Sa tingin ko’y nasisiyahan naman sa


pagtuturo ang batang ‘yan, a. . . baya’n mo na lang! Pumayag ka na rin lang na
‘yan ang pag-aralan niya. . .”

“Bakit nga hindi pa ‘ko papayag, e sa nakita kong kahit patayin ko’y ang
gusto rin niya ang susundin!” Gigil na gigil si Aling Rosa sa pagsasalita at
lumilitaw ang mga ugat sa leeg.

“Baya’n mo na . . . talagang ganyan ang bunso!”

“Bunso!” Hinagod ni Aling Rosa ang buhik na nakalag sa pagkakapusod


at padarag na ibinuhol uli ‘yon, at sinundan ng pagpalis sa ilang hiblang nalaglag
sa noo. “Kung hindi ko lang inaalalang masisira ang linya ng ating pamilya sa
pagkakaroon ng isang anak na hindi de titulo . . . kailan ako pumayag?”

Hindi kumibo si Mang Ambo. Hindi nito masasabing mali ang asawa.
Nakita nito ang katuwiran niya sa pagpipilit na makata[pos ang mga anak sa pag-
aaral at makakuha ng mga karerang tinitingala. Hindi sila mayaman, nguni’t
sadyang hinahangaan sila ng buong nayon sa ginawang pagpapaaral sa mga
anak.

Halos nahuhulaan na ni Aling Rosa kung ano ang nasa isipan ni Mang
Ambo. “Ayaw ka lang maniwala sa ‘kin no’ng una at ‘ika mo’y mahihirapan tayo
… o, ano’ng nangyari? Kung hindi natin iginapang si Norberto at naging
inhinyero . . . papatusin ba ni Marina? Siyempre pang isang masalapi ring tulad
niya ang kukunin ni Marina. O kaya, isang propesor din sa musika, paris niya.
Pero hindi, e. Naibigan niya si Norberto dahil may sariling dunong at titulo. At
nakatulong pa sa pagpapaaral sa mga sumunod sa kaniya. O, ano. . . hindi ba?”

Tumango si Mang Ambo. “Ang itinatanong ko lang naman e kung napag-


usapan na ninyo ni Amelita. Sasama raw ba siya o hindi?”

“Pinag-initan na nga ako ng ulo nang makita ko ang itsura ng anak mo!”
mariing sagot ni Aling Rosa.

255
“Bakit nga?”

“Parang nahuhulaan ko ang isasagot. Pihong sasabihin n’yan ay pagod


siya sa maghapong pagtuturo!”

“Ikaw naman, oo! Hindi mo pa pala nasasabi, e . . . gumagawa ka na ng


hula kung ano’ng isasagot. Tawagin mo nga! Aba, kung hindi siya makasasama
kay Osmundo, masabi na agad. Mahirap nang maghintay sa wala ‘yong tao!”

“Sus, bakit naiba ang salita mo ngayon? Dati’y ikaw ‘tong nagtatanggol sa
anak mo. Sa ‘kin ka pa nagagalit at ‘ika mo’y lagi ko na lang pinipilit ang anak
mo!”

“Alam mo, Oy . . . inaabot na rin ako ng kahihiyan kay Osmundo! Kung


pakiharapan mo’y parang may pag-asa ‘yong tao. E itong pag-uukulan ng
pagpapagod, e hindi natin matiyak ang kalooban!” Hindi malaman ni Mang
Ambo kung paano magpapaliwanag.

Bahagyang napawi ang pangungulimlim ng mukha ni Aling Rosa.


Tinawag ni Mang Ambo si Amelita. Nang lumabas ito mula sa silid ay nakasuot
na ng pambahay at hawak sa kanang kamay ang isang walang takip na fountain
pen.

“Aba, narito na pala kayo, Tatang!” sabay ang paghalik sa kamay ng


ama.

“May sasabihin daw ang Inang mo . . .” sa halip ay tugon ni Mang Ambo


at sinulyapan si Aling Rosa.

“Ano ‘yon, Inang?”

“Kinukumbida ka ni Osmundo . . . may benepisyo sa kapitolyo. Dadaan


daw dito ngayon. . .” Walang kagatul-gatol ang pagsasalita ni Aling Rosa.

“Ang dami kong trabaho ngayon, e . . .” matatag na tugon ni Amelita.


Nguni’t napatungo.

“Aba,” biglang tumigas ang tinig ni Aling Rosa, “nakasagot na ‘ko. Mag-
ayus-ayos ka na!”

“Pero, Inang . . .” Nangapos ang paghinga ni Amelita.

“Amelita!” Mariin ang pagkakabigkas ni Aling Rosa sa pangalan ng anak.


“Bukod-tangi ka sa lahat ng anak ko, ha? Walang-hiya ka! Ikaw pa’ng bunso. . .
ikaw pa’ng natutong sumuway sa lahat ng gusto ko!”

256
Tungung-tungo si Amelita.

“Hindi ba’t sa simula pa lang, ayoko niyang kinuha mong karera?? Ayoko,
dahil magiging alangan ka nga sa mg kapatid mo! Hindi ka nahihiya n’yan?
Ang Kuya Norberto mo’y inhinyero, ang hipag mo’y propesora. Ang Dikong Jose
mo, abogado . . . kaya’t ang napangasawa, abogada. Ang Ate Lourdes mo,
palibhasa’y parmasiyutika . . . madaling nakapag-asawa ng doktor. Ang Ditseng
Felisa mo, doktora . . . nakapag-asawa ng doktor din! May kaniya-kaniya nang
bahay, may kotse . . . e, ikaw?” at sinabayan ng surot sa mukha ni Amelita.

Hinawakan ni Mang Ambo sa braso si Aling Rosa at tinangkang


hadlangan siya sa naiisip pa niyang isagawa. Nguni’t mabilis niyang pinalis ang
kamay ng asawa.

“Baya’n mo nga ako!” at pagalit na hinarap si Mang Ambo. “Bakit, ito


ba’ng ginagawa ko e para sa sarili ko lang? Hindi ba para sa kaniya? Ayan . . .
hindi ako sinunod ng anak mong ‘yan, kaya’t siya lang ang hirap na hirap sa
trabaho! Siya ang halos walang kinikita dahil abunadong lagi sa klase.
Trabahong-alipin ang ginagawa!”

Nagtaas ang mukha si Amelita. “Nasisiyahan naman ako sa pagtuturo,


Inang!” Mahina, nguni’t matatag ang tinig.

“Sasabihin mo nga bang nasisiyahan? Talagang hindi ka


makapagreklamo dahil ikaw ang pumili ng karerang ‘yan. Pero may paraan
naman para makalayo ka sa ganyang buhay. . .” Isang makahulugang tingin ang
ipinukol ni Aling Rosa kay Mang Ambo. “Kung mapapangasawa mo si
Osmundo.”

Napaungol si Amelita.

Tinapunan ito ng tingin ni Aling Rosa. Namumutla ang mga labi nito.
Hindi mailihim ang pagkabigla.

“Bakit . . . hindi ba totoo ang sinasabi ko?” patuloy ni Aling Rosa. “Sa laki
ba naman ng kayamanan ni Osmundo . . . sa lawak ng mga lupain at sakahan,
kakailanganin mo pa ang magturo?”

Napansin ni Aling Rosa ang pagtigas ng kalamnan sa mukha ni Amelita.


Nangilid ang luha sa mga mata nito.

“Matagal nang nakikiusap sa ‘kin si Osmundo,” patuloy ni Aling Rosa, “at


palagay ko naman, napapanahon na para sumagot ka!” Nag-uutos ang tinig
niya.

257
“Pero, Inang . . .” Nangangatal ang tinig ni Amelita nang magsalita, “hindi
ko maaating sundin ang . . .”

“Alin ang hindi maaari?” agaw ni Aling Rosa. “Lahat ng gusto ko’y
nasuway mo na, Amelita. . . pero ang isang ito’y hindi mo maaaring baliin!”

“Inang,” higit nang matatag ang tinig ni Amelita, “kailangang malaman ni


Osmundo na ngayon na. . . na hindi maaari. . .”

Nagdilim ang mukha ni Aling Rosa. “Bakit hindi maaari? Bakit?” at


niyugyog niya ang dalawang balikat si Amelita hanggang mabitiwan nito ang
hawak na fountain pen.

Maging si Mang Ambo ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na damputin


ang nabitiwan ni Amelita.

Dugtungang pagbasa nang malakas ng ilang piling mag-aaral.

4. Pangkatang Gawain

1. Pangkat I at II : Pagbubuod ng kabanata (Sequence Organizer).

UNA IKALAWA IKATLO IKAAPAT IKALIMA

2. Pangkat III at I : Pagbabahagi ng mga karanasang may


kaugnayan sa karanasan ng pangunahing tauhan. (T
CHART).

Karanasan ni Amelita Kaugnay na Karanasan

3. Pangkat V at VI : Pag-uusap sa mga karanasang ibinahagi ng


bawat kasapi sa pangkat (Panel Discussion).

5. Pag-uulat ng bawat pangkat.

258
6. Pagbibigay ng feedback ng ibang mag-aaral.

7. Pagbubuo ng sintesis.

Cue Cards

Mahalaga paninindigan iyong


Ang upang karapatan
May maipaglaban ang
Sariling mo

IKALAWANG ARAW
PAGTALAKAY SA PAKSA

A. Panimulang Gawain

Pagganyak :

a. Pagsunud-sunurin ang mga larawan ayon pagkakapangyari sa


kabanata. (Picture Strip)

Picture 1 Picture 2 Picture 3 Picture 4 Picture 5

b. Sino sa inyo ang nagnanais na maging isang guro balang araw?

B. Pangkatang Gawain

1. Pagsusuring Panglingwistika : Pangkat I

a. Pagpapapili ng mga tayutay na ginamit ng may akda sa


kabanata.

b. Pagbibigay ng kahulugan sa mga ito at pagkakagamit sa


pangungusap.

MGA TAYUTAY KAHULUGAN PAGGAMIT SA

259
Na Ginamit sa Akda PNGUNGUSAP

2. Pagsusuring Pangnilalaman : Pangkat II

a. Pagpapapili ng mga ispesipikong pangyayari sa kabanata na


naglalantad ng tunay na katangian ng mga tauhan sa
pamamagitan ng kilos at salita sa loob ng kabanata.

b. Pagpapatunay ng kahalagahan at ng kabutihang dulot ng


ganitong katangian.

3. Pagsusuring Pampanitikan : Pangkat III

a. Pagtukoy sa mga katangian, iba’t ibang damdamin at


saloobin ng mga tauhan sa akda.

CHARACTER WEB O HABI NG TAUHAN

Katangia
Patunay n

Amelita
Patunay Aling Rosa
damdamin
Sinu-sino
ang mga
Tauhan?
Patunay
Saloobin

Osmundo
Mang Ambo

b. Aling bahagi ng kabanata ang nagpapatunay sa mga


katangian, damdamin at saloobin ng mga tauhan?

4. Pangkat IV : Discussion Web

260
PAKSA : Dapat bang makialam ang magulang sa pagpili ng
kurso o propesyon ng kanilang anak?

Oo Hindi

PAKSA

C. Pag-uulat ng bawat pangkat.

D. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig.

E. Pagbubuo ng sintesis (CARAVAN).

• Anu-anong kaisipan ang napapaloob sa ating tinalakay na


kabanata?

Pantulong na Pantulong na Pantulong na


Kaisipan Kaisipan Kaisipan

IV. EBALWASYON
IKATLONG ARAW
PAGPAPAHALAGA SA AKDANG TINALAKAY

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak

a. Pagpapanood ng isang tagpo sa pelikulang “Mano Po”.

b. Pag-uugnay nito sa akda/kabanatang tinalakay (Titser).

B. Pangkatang Gawain

1. Pagpapakita ng Pakikisangkot : Pangkat I

261
a. Pipitas sa puno ang mga mag-aaral ng mga prutas na may
nakasulat na katangian ng mga tauhan sa akda. Uuriin ito kung
ito’y POSITIBO o NEGATIBOng katangian ayon sa kanilang
obserbasyon.

b. Ilalagay sa basket ang positibo at sa kahon ang negatibong


katangian. Ipaliliwanag ng mga-aaral ang mga maaaring ibunga
nito.

2. Pagpapakita ng Paghahambing : Pangkat II

Paghahambing ng binasang nobela sa ibang akda batay sa aral,


paksa, tauhan at kaisipan.

Titser Ibang Akda

Aral
Paksa
Tauhan
Kaisipan

3. Pagpapakita ng Pagtataya : Pangkat III

a. Anong hamon ang pumukaw sa inyong kamalayan sa ginawang


paninindigan ng tauhan. Sumasang-ayon ba kayo?
Pangatwiranan ang sagot.

b. Ano ang naging bisa nito sa inyong sarili at damdamin?

4. Pangkat IV : Pagtatalo “Mare at Pare Debate”

PAKSA : Sang-ayon ba kayo sa ginawang paninindigan ni Amelita?

C. Pag-uulat ng bawat pangkat.

D. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig.

E. Pagbubuo ng sintesis : Linear Map


Pantulong

Pangunahing Pantulong
Pangungusap

Pantulong

262
V. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN
PAGLIKHA
IKAAPAT NA ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak : Word Web

ADHIKAIN

a. Paano ipinakita ni Amelita ang kanyang paninindigan upang


makamit ang adhikain sa buhay?

b. Kayo, ano ang adhikain ninyo sa buhay? Paano ninyo ito


makakamit?

STEP CHART
ADHIKAIN
6
5
4
3
2
1

B. Pagbibigay ng guro ng espisipikong paksa na gagamitan ng mag-


aaral sa pagpaplano “Mga Adhikain sa Buhay”.

C. Pagpapabuo ng guro ng plano sa mga mag-aaral batay sa


sumusunod na pamantayan :

a. Pokus sa panghinaharap

b. Plano sa sarili at bayan

263
c. Hakbangin upang matupad ang adhikain

d. Lagyan ng panimula at wakas

e. Bubuin ng 3-4 na talata

D. Pagbasa ng ilang panimula.

E. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing-bahay.

VI. PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT


IKALIMANG ARAW

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak : Pagpapakita ng larawan.

2. Pagpapabasa ng planong binuo ng mga mag-aaral sa sarili.

3. Pagbibigay ng reaksyon ng mga nakinig.

4. Pagbibigay ng guro ng karagdagang feedback.

5. Karagdagang gawain :

a. Papangkatin ang klase

b. Pabubuuin ng plano ang bawat pangkat tungkol sa mga ss.

1. Araw ng Pagtatapos

2. Junior – Senior Prom

3. Outing

4. Graduation Ball

c. Ibabahagi ng bawat pangkat ang nabuo.

d. Pagbibigay ng reaksyon/feedback ng mga nakinig.

e. Pagbibigay ng feedback at huling input ng guro.

264
265