SA ISANG MALAYONG BAYAN SA NORTE AY MAY ISANG NAPAKAGANDANG DALAGA NA
LIWAYWAY ANG PANGALAN. ANG KAGANDAHAN NI LIWAYWAY AY NAKARATING HANGGANG SA MALALAYONG BAYAN. HINDI NAGING KATAKA-TAKA KUNG BAKIT NAPAKARAMI NG KANYANG NAGING MGA MANLILIGAW. MULA SA HILAGA AY ISANG GRUPO NG MGA MANGANGASO ANG NAGAWI SA LUGAR NINA LIWAYWAY. SA KASAMAANG PALAD, SI TANGGOL, ISA SA MGA ITO ANG INATAKE NG BABOY-RAMO. ANG BINATA AY DINALA SA AMA NI LIWAYWAY PARA MABIGYAN NG PANG- UNANG LUNAS. IYON ANG NAGING DAAN NG PAGLAKALAPIT NILA. UMIBIG SINA LIWAYWAY AT TANGGOL SA ISA'Y ISA SA MAIKLING PANAHON NG PAGKIKILALA. NANG GUMALING SI TANGGOL AY NAGPAALAM KAY LIWAYWAY AT SA MGA MAGULANG NIYA. ANANG BINATA AY SUSUNDIN ANG AMA'T INA UPANG PORMAL NA HINGIN ANG KAMAY NG DALAGA. PUNO NG PANGARAP SI LIWAYWAY NANG IHATID NG TANAW SI TANGGOL. SUBALIT DAGLING NAGLAHO ANG PA-ASA NI LIWAYWAY NA BABALIK SI TANGGOL TULAD NG PANGAKO. ILANG PAGSIKAT NA NG BUWAN MULA NANG UMALIS ITO NGUNIT NI BALITA AY WALA SIYANG NATANGGAP. ISANG DATING MANLILIGAW ANG NAKAISIP SIRAAN SI TANGGOL. IKINALAT NITO ANG BALITA NA HINDI NA BABALIK SI TANGGOL DAHIL MAY ASAWA NA ITO. TINALO NG LUNGKOT, PANGUNGULILA, SAMA NG LOOB AT PANIBUGHO ANG PUSO NI LIWAYWAY. NAGKASAKIT SIYA. PALIBHASA AY SARILI LANG ANG MAKAGAGAMOT SA KARAMDAMAN KUNG KAYA ILANG LINGGO LANG AY NAGLUBHA ANG DALAGA AT NAMATAY. BAGO NAMATAY AY WALA SIYANG NAUSAL KUNGDI ANG MGA SALITANG, "ISINUMPA KITA!... SUMPA KITA!" ANG MGA SALITANG "ISINUSUMPA KITA!... SUMPA KITA!" ANG TANGING NAIWAN NI ANIWAY KAY TANGGOL. ILANG ARAW MAKARAANG MAILIBING SI LIWAYWAY AY DUMATING SI TANGGOL KASAMA ANG MGA MAGULANG. ANITO AY HINDI AGAD NAKABALIK DAHIL NAGKASAKIT ANG INA. HINDI MATANGGAP NG BINATA NA WALA NA ANG BABAING PINAKAMAMAHAL. SA SOBRANG PAGHIHINAGPIS, ARAW-ARAW AY HALOS MADILIG NG LUHA NI TANGGOL ANG PUNTOD NI LIWAYWAY. HINDI NA RIN SIYA BUMALIK SA SARILING BAYAN UPANG MABANTAYAN ANG PUNTOD NG KASINTAHAN. ISANG ARAW AY MAY NAPANSIN SI TANGGOL SA IBABAW NG PUNTOD NI LIWAYWAY. MAY TUMUBONG HALAMAN DOON, HALAMAN NA PATULOY NA DINILIG NG KANYANG MGA LUHA. NANG MAMULAKLAK ANG HALAMAN AY MAY SAMYO IYON NA UBOD NG BANGO. TINAWAG IYONG SUMPA KITA, ANG MGA HULING SALITANG BINIGKAS NI LIWAYWAY BAGO NAMANTAY. ANG SUMPA KITA AY ANG PINAGMULAN NG SALITANG SAMPAGUITA.
ANG ALAMAT NG SAGING
Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.
Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.
Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao. Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.
"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.
ALAMAT NG RELO Noong unang panahon ang mga tao ay wala pang muang sa mga paligid nila. Hindi sila nagaalala sa lahat ng bagay. Wala silang oras na tinatawag. Kung kelan nagugutom dun sila kumakain dahil ang alam lang ng tao ay araw at gabi. Gabi ibig sabihin ay kailangan nang matulog at araw naman kung kailangan nang bumangon. Wala ding oras sa pamamahinga at pagbubungkal ng lupa. Sa isang malayong lugar may isang pamilya na si Juan, Maria at ang kanilang mga anak. Ang pagsasaka at paghuhuli ng isda ang kanilang ikinabubuhay. Nagtataka ang ama kung bakit may oras na ang mga anak ay nagugutom at kailangan nang kumain. Dahil may ang king katalinuhan ang ama ay inobserbahan niya sa pamamagitan ng kanyang anino sa kadahilanang kung di niya ito gagawin wala na silang matitirang pagkain. Pag wala na siyang anino doon niya kailangan pakainin ang mga anak niya, pag tuwid ang anino dun naman ang hapunan at sumasapit na ang dilim kaya ang anino niya ang kanyang naging basihan ng oras ng araw. Ang mga kalapit bahay niya ay nagtataka kung bakit sila ay maginhawa sa buhay nila, hindi naman nagmaramot si juan. ibinihagi niya ang kanyang kaalaman. Mula noon ito ay kumalat sa kanilang lugar at sinusunod ng mga tao na ikinaginhawa nila. May oras na sila sa agahan, pagsasaka, tanghalian, sa pamamahinga at hapunan. Na sa kalaunan ay dahil sa siyensiya at kaalaman ng tao ang anino ay nilagyan nila ng numero mula isa hanggang labindalawa. Napalawak na ang kaalaman at nagkaroon na ng mga makinariya kaya ang orasan ay naisusuot na sa kamay at naisasabit sa dingding, na ito ay tanda kung ano ang mga gawain sa araw araw. ALAMAT NG ROSAS NOONG UNANG PANAH0N AY MAY ISANG MAGANDANG DALAGA MULA SA MALAYONG BAYAN NG TARLAC NA ROSA ANG PANGALAN.BUKOD SA IWING GANDA AY NAKILALA RIN SI ROSA NA GAGAWIN ANG LAHAT PARA MAPATUNAYAN ANG TUNAY NA PAGIBIG. AYON SA KWENTO NAKATAKDA NANG IKASAL SI ROSA KAY MARIO NANG MATUKLSANG MAY MALUBHANG SAKIT ANG LALAKI. SA KABILA NG LAHAT AY PINILI NG DALAGA NA PAKASAL SILA PARA MAPAGLINGKURAN ANG LALAKI HANGGANG SA MGA HULING SANDALI NG BUHAY NITO.GAYUNMAN AY HINDI PUMAYAG SI MARIO. ANANG BINATA AY SAPAT NA SA KANYA NA BAUNIN ANG PAG-IBIG NG DALA SA KABILANG BUHAY. PINAGLINGKURAN NI ROSA SI MARIO. HINDI SIYA UMALIS SA TABI NITO. ANG NGITI NIYA ANG NASISILAYAN NI MARIO SA PAGMULAT NG MATA AT ANG KANYA RING MGA NGITI ANG BAON NITO SA PAGTULOG.ANG MGA NGITI RIN NI ROSA ANG HULING BAGAY NA NASILAYAN NI MARIO BAGO PANAWAN NG HININGA.ANG MGA GNITI NI ROSA AY HINDI NAPAWI KAHIT NANG ILIBING SI MARIO AT KAHIT NANG DINADALAW ANG PUNTOD NITO AT PINAGYAYAMAN. NANG TANUNGIN KUNG BAKIT HINDI NAWALA ANG NGITI SA MGA LABI AY ITO ANG SABI NIYA. "ALAM KONG NASAAN MAN SI MARIO AY AKO LANG ANG BABAING KANYANG MINAHAL. AT ALAM KO RIN NA MAGHIHINTAY SIYA SA AKIN PARA MAGKASAMA KAMI NA HINDI NA MAGHIHIWALAY PA." NAGING INSPIRASYON NG IBA ANG IPINAKITANG LALIM NG KATAPATAN AT PAGMAMAHAL NI ROSA SA KATIPAN. BAGO NAMATAY AY HINILING NI ROSA NA SA TABI NG PUNTOD NI MARIO SIYA ILIBING. KAKATWANG MAY TUMUBONG HALAMAN SA KANYANG PUNTOD AT KAYGANDA NG NAGING MGA BULAKLAK. TINAWAG NILANG ROSAS ANG MGA IYON BILANG ALAALA NG ISANG DALAGANG SIMBOLO NG TUNAY NG PAG-IBIG.
Alamat ng Pinagmulan ng Tao
Batay sa Relihiyon (Katolisismo)
Ang daigdig ay nilikha ng dakilang maykapal, na noo'y "Ama" ang kanilang tawag dito. Nilikha ang daigdig sa loob ng anim na araw.
Noong bago ang lahat, ang daigdig ay isa lamang na bolang madilim. Nakita ito ng Ama, at sinimulan niya ang pag-ayos nito. Sa unang araw, pinaghiwalay niya ang liwanag sa dilim. Tinawag niya ang maliwanag na bahagi na "araw", at ang madilim naman na bahagi ang gabi. Nilagyan niya din ng araw upang magbigay ng mas higit na liwanag kapag umaga, at ang buwan at mga bituin para kumuti- kutitap kapag gabi.
Sa pangalawang araw, pinaghiwalay niya ang nagngangalit na tubig at ang tuyong bahagi ng mundo. Pinaurong niya ang tubig sa ibang nasasakupan nito upang lumitaw ang tuyong bahagi. Tinawag niya ang basang bahagi na "karagatan", at ang tuyon bahagi na "lupa". At iyon ang pangalawang araw. Sa ikatlong araw, nilikha niya ang mga hayop sa lupa upang manirahan dito at maalagaan ito. Lahat ng uri ng hayop ay kanyang nilikha, mula sa pinakamaliit hanggang sa mga pinakamalalaki, at mula sa pinakamababagal hanggang sa mga pinakamabibilis. Nilikha niya din ang mga pang-himpapawid. At sa ikaapat na araw, nilikha niya ang mga hayop na lalangoy at maninirahan sa tubig.
Sa ikalimang araw, nilikha niya ang unang tao.. Si Adan. Nilikha niya ito gamit ang putik, at kawangis niya. Hiningahan niya ito upang magkaroon ng buhay, at upang si Adan ang mangalaga sa kanyang iba pang mga nilikha. At nabuhay na si Adan.
Sa ikaanim na araw, nakita niya ang kalungkutan ni Adan. Napansin niya na naghahanap ito ng mga kauri upang makasama niya sa mundo. Nag-isip ang Ama.
Pinatulog niya si Adan, at mula sa tadyang ng lalaking ito, nilikha niya si Eba.. Upang makasama ni Adan at makatulong sa pangangalaga ng kanyang nilikha. At siya ang kauna-unahang babae. At sila ang unang-unang mag-asawa.
Sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos. At nakita niya ang kagandahan ng kanyang mga nilikha, at siya'y lubos na nasiyahan.