Вы находитесь на странице: 1из 20

NPA rebels kill 2 soldiers, female guest in party

GUMACA, Quezon -- Suspected communist guerillas killed two


Army soldiers and a female civilian while the trio were drinking in
a birthday party at Bgy. San Vicente, here on Tuesday.
Reports reaching the office of the newly installed Southern Luzon
Command (Solcom) chief Maj. Gen. Ricardo Visaya identified the
victims as Pfc. Christopher Antonio Dingle, 31, and Alpasain
Ahamil Ikan, 32, both assigned at the Armys 85th Infantry
Battalion based in a detachment in Macalelon, Quezon, and
Rosalie Brillantes, 46, a resident of said village. The trio
along with another female civilian, were drinking inside a nipa hut
when peppered with bullets by six heavily-armed New Peoples
Army rebels at 7 p.m., the reports said.
The other civilian, however, was unharmed as she managed to
run away while the trio died on the spot, it said.
Col. Rhoderick Parayno, commander of 201st Infantry Brigade
said that earlier that day, the two soldiers went to the battalion
headquarters and submitted their Statement of Assets and
Liabilities and Network (SALN).
But when they (soldiers) were about to leave late afternoon, a
friend invited them to attend a birthday party, said Parayno in a
phone interview.
He explained that the fallen soldiers were previously assigned in
the headquarters, here, where they had many civilian friends.
Parayno said that when the other visitors left the party, the
soldiers who were both unarmed were left alone with the two
civilians.
It was at that point that the rebels, armed with rifles and pistols,
took advantage of the situation, he saidThe victims were shot at
close range. They were killed instantly during the initial burst of
fire. But the NPAs were not satisfied. They closed in and fired
more rounds of AK47 rifles and cal. 45 pistols at the soldiers,
leaving them beyond recognition, Parayno said.
He said Brillantes could have saved herself because she
managed to run but she was chased by the rebels who shot him
repeatedly. The rebels quickly left the place and headed to
the mountainous part of Bgy. Villa Taada. Responding
policemen recovered 10 spent shells and two slugs for cal. 45
pistols and 25 empty shells of unknown caliber. Gemi Formaran

Bote mo, Palit- Baon Project, inilunsad ng TFYD Mayao
Kanlura

LUNGSOD NG LUCENA - Bilang pagtulong sa paglilinis ng
kapaligiran, inilunsad ng Task Force on Youth Development ng
Brgy. Mayao Kanluran sa lungsod na ito ang
ang Bote Mo, Palit- Baon Project kamakailan.
Layunin ng grupo sa pamumuno ni Graciel Alcala, na
makakolekta ng mga plastic bottles, tulad ng litro ng softdrinks,
upang mapangalagaan ang kalikasan at ang kapalit naman nito
ay ang baon na siyang ibibigay sa mga batang mag-aaral.
Isa pa ring layunin ng naturang programa ay upang gawing
taniman ng mga gulay, halaman at ornamental plants ang
nasabing plastic na bote upang mapakinabangan ito ng husto at
ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng mga tauhan ng Clean and
Green Team at Youth Movement for a Better Lucena.
Bago pa man isagawa ang proyektong ito ay nagkaroon rin ang
nasa 20 lider kabataan ng YMBL ng isang pagbisita sa Landfill sa
bahagi ng Brgy. Silangang Mayao upang makita ang aktwal na
dami ng basurang itinatapon sa araw-araw ng mga mamamayan
ng lungsod.
Ito ay upang maunawaan rin ng mga ito ang kahalagahan ng
pagsalba sa kalikasan at nang aniyay kanilang mas maisapuso
ang pagre-recycle.
Bukod sa nabanggit na programa, inilunsad rin ng samahan ang
Good Grooming program upang ipaalam naman sa mga kabataan
ang tamang paglilinis at pangangalaga sa katawan upang
makaiwas ang mga ito sa anumang uri ng sakit. Ronald Lim

Mayor Dondon Alcala dumalo sa culminating activity ng
Family Congress 2014

LUNGSOD NG LUCENA - Dumalo bilang panauhing pandangal si
Mayor Roderick Dondon Alcala sa isinagawang culminating
activity ng Family Congress 2014 sa Reception and Action Center
sa Zaballero Subd kamakailan.
Tinatayang mahigit sa 30 mga pamilya mula sa ibat-ibang
barangay ng lungsod ang dumalo sa naturang aktibidad na
naglalayong mapagsama-sama ang bawat miyembro ng kanilang
pamilya.
Sa naging pagsasalita ni Mayor Dondon Alcala, sinabi nito na
nararapat na magkaroon ng maayos na values ang lahat ng
pamilya sa lungsod upang mas madaling magkaroon ng tamang
programa at proyekto ang barangay na tiyak na
mapapakinabangan ng lahat ng mga Lucenahin.
Dagdag pa ni Mayor Alcala, na bukod sa pagiging miyembro ng
mga ito sa tinatawag na 4Ps ng lungsod, ay tiniyak naman niya,
kasama sina Vice Mayor Philip Castillo at ang lahat ng miyembro
ng Sanguniang Panglungsod, na pagtutuunan ang mga ito ng
kaukulang pansin upang maibigay ang mga pangangailangan ng
mga ito.
Sa nasabi ring aktibidad, bukod sa cash gift ay pinagkalooban rin
ang lahat ng nagsipagdalo ng grocery items na mula sa
pamahalaang panglungsod na kanilang mapagsasaluhan pag-uwi
sa kani-kanilang tahanan. Contributed by PIO Lucena/R.Lim

Mahigit sa 1, 000 mga senior citizens nabigyan ng birthday
cash gift

LUNGSOD NG LUCENA - Tinatayang mahigit sa 1, 000 mga
senior citizens ang muling nabigyan ng kanilang birthday cash gift
ni Mayor Roderick Dondon Alcala kamakailan.
Ang mga senior citizens na nabanggit ay nagmula pa sa ibat-
ibang barangay ng Lucena na nagdiwang ng kanilang kaarawan
noong buwan ng Agosto.
Mismong si Mayor Dondon Alcala ang personal na nag-abot nito
sa kanila na kung saan ay malugod at masaya nilang tinanggap.
Lubos rin ang pasasalamat ng mga nakakatandang sector ng
lungsod sa programang ito ng punong lungsod dahil anila malaki
ang maitutulong nito sa kanila lalo na sa pagbili ng gamot.
Sa naging pagasalita naman ni Mayor Alcala sinabi nito na nais
niyang ang kumuha ng mga pabirthday niyang ito ay ang
mismong taong nakapangalan sa imbitasyon dahilan sa ayaw na
niyang maulit pa ang nangyaring problema.
Ang tinutukoy ng punong lungsod na problema ay ang nangyaring
pamemeke sa ilang mga imbitasyon ng ilang mga Lucenahin
upang makatanggap ng nasabing financial assistance kahit na
hindi naman sila naapektuhan ng bagyong Glenda.
Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, sakali namang hindi sadyang
makakarating ang taong may kaarawan sanhi ng ilang mga
kadahilanan tulad ng pagiging mahina na, pagkakaroon ng
karamdaman o di kaya naman ay nahihirapang lumakad ay
huwag nang mag-alala aniya ang mga ito dahil papupuntahan
niya ang mga ito upang personal na ihatid sa kanila ang regalong
cash gift ni Mayor Dondon Alcala. Contributed by PIO Lucena/
R. Lim

Mga bagong opisyales ng Metro Pacific TODA at SM TODA,
nanumpa kay City Admin. Jun Alcala

LUNGSOD NG LUCENA - Pormal nang nanumpa sa kanilang
posisyon ang mga bagong opisyales ng dalawang TODA sa
Lucena kay City Administrator Anacleto Jun Alcala Jr.
kamakailan.
Ang dalawang TODA na nabanggit ay ang Metro Pacific Mall
TODA, na may mahigit sa 14 na opisyales, at ang SM TODA, na
mayroon namang mahigit sa 11 mga opisyales.
Bagamat wala ang punong lungsod na si Mayor Roderick
Dondon Alcala, dahilan sa importanteng lakad nito, nagkaroon
rin ang mga ito na maka-usap ang city administrator at iparating
dito ang kanilang mga hinaing at suhestiyon para sa sector ng
magtra-tricycle sa Lucena.
Sa naging pagsasalita naman ni City Administrator Jun Alcala,
sinabi nito na sa kanilang gagawing panunumpa ay inaasahan rin
nito ang pakikiisa ng lahat ng mga bagong opisyal at maging ang
lahat kanilang miyembro sa pagtupad sa mga batas trapikong
pinaiiral sa lungsod.
Nangako rin naman ang mga nanumpang opisyales ng mga
TODA na nabanggit na kanilang susundin ang mga ito at
magiging magandang ehemplo sa iba pang mga tricycle driers
nanamamasada sa lungsod. Contributed by PIO Lucena/ R.
Lim

Palarong panglungsod 2014, pormal nang binuksan
LUNGSOD NG LUCENA - Natapos na ang matagal nang
paghinihintay ng mga atleta ng bawat paaralan sa lungsod
matapos na pormal nang buksan ang Palarong Panglungsod
kamakailan na ginanap sa P-Walk ng Pacific mall.
Tinatayang mahigit sa 500 mga manlalaro mula sa pampubliko at
pribadong paaralan ng elementarya at sekundarya ang lumahok
sa naturang aktibidad.
Dinaluhan rin ito ni Mayor Roderick Dondon Alcala na siya ring
naging panauhing pandangal dito.
Sa pagsasalita ni Mayor Dondon Alcala, ay ipinahayag nito ang
kaniyang buong pagsuporta sa mga manlalaro at maging sa
pamunuaan ng DepEd-Lucena na sioyang namamahala sa mga
ganitong uri ng palaro.
Binubuo ng ibat-ibang pampubliko at pribadong paaralan mula sa
apat na distrito ang Palarong Panglungsod na layuning linangin
pa ang kanilang husay at talento sa larangan ng palakasan.
Sa nasabi ring torneo ay dito rin kukuha ng mga manlalarong
magrerepresenta sa lungsod ng Lucena sa mga darating na
malalaking palaro tulad ng Provincial Meet at Palarong
Pambansa. Contributed by PIO Lucena/ R. Lim
Number 3 most wanted sa Quezon, nadakip sa Lucena
LUNGSOD NG LUCENA - Bumagsak na sa kamay ng mga
awtoridad ang tinaguriang number 3 most wnted person sa
lalawigan ng Quezon matapos na maaresto ito sa lungsod ng
Lucena.
Nakilala ang suspek na si Norman Largo alyas Oman, 27 anyos,
obrero, at residente ng Brgy. Ibabang Duapy sa naturang bayan.
Batay sa ulat, naaresto si alyas Oman nina SPO2 Tobias
Carreon, SPO1 Norman Ayala, PO3 Areil Cartago, PO3 Anthony
Cruz, PO3 Jessica Coloma, PO2 Joe Dennis Maligalig at SPO2
Ricardo Lagata pasado alas otso ng umaga malapit sa tahanan
nito.
Nadakip ang wanted person dahil na rin sa ipinalabas na warrant
of arrest ni Judge Eloida De Leon-Diaz dahil sa kaso nitong
Robbery with rape.
Base sa background ng kaso, naganap ang pagnanakaw na may
kasamang panggagahasa ni alyas Oman noong Mayo ng taong
2007 sa Brgy. Malupak, Lucban, Quezon kung saan ang naging
biktima ay itinago sa pangalang Chynthia.
Natangay ng suspek sa biktima dalawang cellphone, apat na relo,
1 singsing, dalawang kwintas, perang nagkakahalaga ng mahigit
sa P3, 000 piso at ilan pang mga kagamitan.
Matapos na pagnakawan ay walang awa pa itong ginahasa ng
wanted person sa madamong lugar ng nabanggit na barangay.
Kasalukuyan na naman ngayong nakaditine ang suspek sa
Lucena City lock-up jail. Ronald Lim
Dating Kapitana, sugatan sa pananaga

ATIMONAN, QUEZON - Sugatan ang isang dating chairwoman
mataps na pagtatagain ito ng dalwang katao sa Atimonan,
Quezon nitong nakaraang linggo.
Nakilala ang biktimang si Erlinda Verdan, 63 anyos, at residente
ng Brgy. Manggalayang Bundok sa naturang bayan.
Batay sa report, pasado alas dos ng hapon ng matagpuan ng
manugang ng biktima ang dating chairwoman sa isang pathway
na nakahandusay at duguan ang katawan sanhi ng mga taga dito.
Agad namang isinugod nito ang biyenan sa pagamutan upang
malapatan ng kaukulang lunas.
Ayon naman sa nakakita sa biktima, bago pa niya makita ito ay
una nitong nakita ang magpinsang suspek na nakilalang sina
Reymark at Jolan Sabalboro sa nasabing pathway na may dalang
bolo ngunit walang kaluban.
Isa pa ring saksi ang nakakita sa magpinsan na naglalakad sa
nabanggit na lugar at may bahid ng dugo sa braso si Reymark at
duguan ang hawak nitong bolo.
Agad rin namang naaresto ng mga awtoridad ang mga suspek sa
isinagawang follow-up operation at kasalukuyan na ngayong
nakaditine sa piitan. Ronald Lim
Lalaki sugatan, sa pamamaril sa Lopez, Quezon
LOPEZ, QUEZON - Nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang
isang lalaki makaraang pagbabarilin ito ng di pa nakikilalang
suspek sa Lopez, Quezon nitong nakaraang linggo.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril sa
kinilalang biktima na si Armando Bacares, 26 anyos, tubong
Camarines Sur, bandang alas syete ng umaga sa bahagi ng Brgy.
Concepcion sa naturang bayan.
Ayon sa nakasaksi na si Efren Molde, papauwi na siya ng
kaniyang tahanan nang mapansin ang dalawang kalalakihan na
nakatayo malapit sa isang concrete canal na kung saan ang isa
dito ay ang biktima.
Matapos ang ilang minuto ay nakita nitong nakahandusay na sa
kalye si Bacares na may mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang
parte ng katawan.
Kadyat namang isinugod ang biktima sa pagamutan upang
malapatan ng kaukulan lunas.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga
awtoridad para sa pagkakakilanlan ng suspek at sa pagkadarakip
nito. Ronald Lim
Mahigit sa 1, 000 mga senior citizens nabigyan ng birthday
cash gift
LUNGSOD NG LUCENA - Tinatayang mahigit sa 1, 000 mga
senior citizens ang muling nabigyan ng kanilang birthday cash gift
ni Mayor Roderick Dondon Alcala kamakailan.
Ang mga senior citizens na nabanggit ay nagmula pa sa ibat-
ibang barangay ng Lucena na nagdiwang ng kanilang kaarawan
noong buwan ng Agosto.
Mismong si Mayor Dondon Alcala ang personal na nag-abot nito
sa kanila na kung saan ay malugod at masaya nilang tinanggap.
Lubos rin ang pasasalamat ng mga nakakatandang sector ng
lungsod sa programang ito ng punong lungsod dahil anila malaki
ang maitutulong nito sa kanila lalo na sa pagbili ng gamot.
Sa naging pagasalita naman ni Mayor Alcala sinabi nito na nais
niyang ang kumuha ng mga pabirthday niyang ito ay ang
mismong taong nakapangalan sa imbitasyon dahilan sa ayaw na
niyang maulit pa ang nangyaring problema.
Ang tinutukoy ng punong lungsod na problema ay ang nangyaring
pamemeke sa ilang mga imbitasyon ng ilang mga Lucenahin
upang makatanggap ng nasabing financial assistance kahit na
hindi naman sila naapektuhan ng bagyong Glenda.
Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, sakali namang hindi sadyang
makakarating ang taong may kaarawan sanhi ng ilang mga
kadahilanan tulad ng pagiging mahina na, pagkakaroon ng
karamdaman o di kaya naman ay nahihirapang lumakad ay
huwag nang mag-alala aniya ang mga ito dahil papupuntahan
niya ang mga ito upang personal na ihatid sa kanila ang regalong
cash gift ni Mayor Dondon Alcala. Contributed by PIO Lucena/
R. Lim
Quezon Collegiate Basketball League muling nagbukas sa
lungsod ng Lucena
LUNGSOD NG LUCENA - Muli na namang nagbukas ang
Quezon Collegiate Basketball League na naglalayong linangin
ang lakas ng mga manlalaro sa buong lungsod ng Lucena.
Lumahok sa naturang palaro ang anim na koponan na
kinabibilangan ng Calayan Educational Foundation Inc., CSTC
Sariaya, St. Anne College of the Pacific, Sacred Heart College,
Southern Luzon State University, at Dalubhasaang Lungsod ng
Lucena.
Sa unang laban ng QCBL ay nagkaharap ang team ng Sacred
Heart Collage laban sa SLSU na kung saan ang nanalo ay ang
Sacred Heart College, sa sumunod namang laro ay nagwagi ang
delegado ng Dalubhasaang Lungsod ng Lucena laban sa St.
Anne College of the Pacific habang wagi naman ang CSTC
Sariaya laban sa DLL.
Inorganisa ang nabanggit na palaro nina MelVillanueva, ang
presidente ng QCBL at Darius Virey ang representative ng PCCL.
Ang Quezon Collegiate Basketball League ay nasa ikapitong taon
na ngayon at inaasahang magiging maganda ang nasabing
kompetisyon dahilan sa matagal na itong pinaghandaan ng bawat
koponan. Ronald Lim
Magsasaka , patay matapos tagain at pagnakawan
General Luna, Quezon - Patay na nang matagpuan ng sariling
anak ang kaniyang ama matapos na pagtatagain ito sa General
Luna, Quezon nitong nakaraang linggo
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Roperto Helera, 58 anyos, at
residente ng Brgy. Malaya sa naturang bayan.
Ayon sa anak ni Helera, umalis ang kaniyang ama bandang alas
sais ng umaga upang ipastol ang kanilang kalabaw at bago ito
umalis binilang pa nito ang kaniyang pera na nagkakahalaga ng
mahigit sa P40, 000 piso.
At makalipas ang ilang oras ay natagpuan na lamang nito ang
ama sa madamong bahagi ng kanilang lugar na duguan sanhi ng
pagkakataga rito at nakahandusay.
Dagdag pa nito, nawawala na rin ang pera dala ng kaniyang ama
bago umalis ito sa kanilang bahay.
Pinaghahanap na naman ngayon ng mga awtoridad ang di pa
nakikilalang suspek na mabilis ring tumakas matapos ang
pagnanakaw at pagpaslang sa biktima. Ronald Lim

Tinatayang mahigit sa 30 motorsiklo sa loob ng isang buwan,
nanakaw sa lalawigan ng Quezon
LUCENA CITY - Tinatayang mahigit sa 30 mga motorsiklo ang
naitalang ninanakaw sa ibat-ibang lugar sa lalawigan ng Quezon.
Batay sa mga ipinadalang report ng Quezon Police Provincial
Office, simula noong Setyembre 1 hanggang sa Setyembre 30 ay
nakapagtatala sila ng halos 1 kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo
sa ibat-ibang lugar sa lalawigan.
Sa kabila naman nito ay naglunsad kamakailan ang QPPO ng
isang programang tinawag na Oplan:Blue Hawk na anila ay
itinatag upang kahit papaano ay kundi man tuluyang masawata
ang naturang problema ay mabasawan ito.
At kung mayroong naitatalang pagnanakaw ay mayroon rin
namang naitaltala silang mga nadadakip na magnanakaw ng
motorsiklo tulad na lamang sa lungsod ng Lucena.
Kamakailan ay nadakip ng mga tauhan ng Lucena City Police ang
isang carnapper na nakilalang si Michael De Chavez, residente
ng Brgy. Bignay 1, Sariaya, Quezon.
Nadakip ang nasabing suspek matapos na makita sa aktong
sinisira ang susian ng isang motorsiklo sa bahagi ng Quezon
Avenue.
Ngunit sa patuloy na pagdami ng nakawan ng motorsiklo sa
lalawigan, patuloy rin ang pagtatanong ng mga Quezonian na ano
pang mga hakbang ang maaring isagawa ng pamunuan ng
QPPO upang matugunan ang suliraning ito. Ronald Lim
Quezon solon distributes 1,035 VHF radios in support to
crime prevention


LUCENA CITY--- Aimed at preventing occurrence of crime, a
Quezon solon is now distributing communication equipment in
every barangay in the second district of Quezon.
Quezon Rep. Vicente "Kulit" Alcala has started since last week
the distribution of five handheld VHF radios and a unit of mother
base radio in every village in the six towns and this city.
The district, composed of Sariaya, Candelaria, Tiaong, Dolores
and San Antonio towns and this city has 168 villages.
The first wave of distribution has already been done in Tiaong,
Dolores and San Antonio, while Sariaya and Candelaria and this
city will get their share next week.
In an interview, Alcala said the five VHF radios will be used by the
barangay police while the mother base will be installed at the
barangay hall in support to its crime prevention drive.
Alcala said every unit has a direct contact with the town's
respective police and fire stations.
Aside from the villages, Alcala said every police station and fire
station in the district and the Quezon Provincial Public Safety
Company (QPPSC) based in Candelaria will also be provided with
a unit of base radio complete with necessary accessories.
The Quezon Congressman said he came up with the decision of
giving radios following the idea of QPPSC commander, Supt.
Ranser Evasco.
"It was actually a brainchild of Col. Evasco as one effective way of
crime prevention. It can also be helpful to arrest those who just
perpetrated a crime like criminals riding in tandem", said Alcala.
He said a VHF radio is obviously a faster means of
communication than a cellular phone when it comes to
immediacy.


"I was once a barangay captain. The Icom radios we used that
time helped us a lot. That's why when Col. Evasco raised to me
the idea of providing the communication equipment, I didn't think
twice", Alcala said.
A nephew of the late Quezon governor Anacleto Alcala and elder
brother of Agriculture Sec. Proceso Alcala, the neophyte solon
was first elected village chief in this city before he became a
Provincial Board Member and vice- governor.
A total of 853 units of hand held radios and 182 base radios have
been purchased and now being distributed by the Congressman.
Contributed by Gemi Formaran

CAPTION: Supt. Evasco / Cong. Alcala

Mayor Dondon Alcala, personal na nagpasalamat sa mga
tauhan ng LCPO sa pagkakahuli ng dalawang notorious na
kriminal sa lungsod

LUCENA CITY- Dahil sa sariling pagnanais na mabawasan kung
hindi man matuldukan na ang kriminalidad sa lungsod, ay
personal na bumisita si Mayor Roderick Dondon Alcala sa
himpilan ng Lucena City Police upang maiparating ang kaniyang
pagpuri at pasasalamat sa hanay ng kapulisan ng lungsod na
pinamumunuan ni PSupt. Allen Rae Co.
Ito ay naganap kamakailan ng dumating sa tanggapan ng punong
lungsod ang balita tungkol sa halos magkasabay na pagkakahuli
ng mga operatiba ng LCPO sa isang bigtime na drug pusher at
isang pusakal na magnanakaw ng motorsiklo.
Napansin ang tuwa ng alkalde sa kaniyang pakikipagkamay sa
mga pulis na may kinalaman sa mga nabanggit na insidente ng
pagkakahuli, at dahil sa isinusulong ni Mayor Dondon Alcala ang
kampanya laban sa kriminalidad sa lungsod, partikular sa droga,
ay lubos nitong pinasalamatan ang mga operatibang binanggit.
Ang drug pusher na nabanggit ay isang 47-anyos na babaeng
vendor na nahulihan ng tinatayang may P1.4M halaga ng
hinihinalang shabu, at marked money. Ito ay nasabat sa bahagi
ng university site.
Ang carnapper naman ay natiyempuhan ng mga elemento ng
LCPO sa bisinidad ng Antigua Restaurant habang pinipilit na
maitakbo ang isang Suzuki Raider na motorsiklo na pag-aari ng
isang estudyante; nahulian rin ito ng isang cal. 38 revolver at ilang
sachet ng hinihinalang shabu, at mga gamit na pangalikot sa mga
susian ng sasakyan. Contributed by Francis Gilbuena/PIO
Lucena

Mayor Dondon Alcala, dumalo sa Grand Opening ng bagong
Tapa King restaurant at Phoenix petroleum sa lungsod

LUCENA CITY Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor
Roderick Dondon Alcala sa isinagawang grand opening ng
dalawa nanamang bagong business establishment sa lungsod ng
Lucena.
Ang binanggit na mga establismyento ay ang Tapa King
restraurant at Phoenix Petroleum gas station sa bahagi ng
diversion road sa Brgy. Domoit, na pag-aari nina Dr. Xenon at
Jonathan Yu.
Sa kaniyang naging pagsalita sa oaksyong binanggit, ay
pinasalamatan ni Mayor Dondon Alcala ang pamilya Yu sa
kanilang pagtitiwala sa pamahalaang panglungsod ng Lucena at
dito sila nagtayo ng kanilang negosyo.
Ayon sa punong lungsod, ginagawa ng kaniyang administrasyon
ang lahat upang maging investor friendly ang bawat tanggapan
sa city government at pinaiiral ang no red tape policy kayat
walang dapat ikaalala ang mga negosyante sa lungsod.
Ayon pa sa alkalde, lahat ng nag-aaplay ng bagong business
permit ay nagdadaan sa kaniyang tanggapan; at ito, aniya ay sa
kadahilanang upang personal niyang marinig ang
pangangailangan ng mga ito, at upang malaman na rin kung
nagkakaroon ng problema sa alin mang tanggapan sa
pamahalaang panglungsod.
Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, sa pagdating ng mga
bagong negosyo tulad nito, magkakaroon rin ng pagkakataong
magkatrabaho ang ilang mga lucenahin.
Nagpasalamat rin ang pamilya Yu at ang lahat ng staff ng
restaurant at gasolinahan sa naging pagpapaunlak ng punong
lungsod sa kanilang imbitasyon, na sa kabila ng pagiging
napakaabala sa dami ng mga appointment.
Ang pagbendisyon sa mga gusali ng Tapa King at Phoenix gas
station ay isinagawa ni Fr. Gilbert GT Talabong ng parokya ng
Nuestra Seora de Peafrancia sa Brgy. Gulang-Gulang.
Contributed by Francis Gilbuena/PIO Lucena

BANNER NEWS
D.A. SEC. PROCY ALCALA: SAPAT ANG SUPLAY NG
MANOK AT BABOY NGAYONG PASKO

LUCENA CITY - Ipinatawag kamakailan ng Department of
Agriculture sa kanilang central office, ang mga pork at chicken
suppliers para sa isang pagpupulong na naglalayong masiguro
ang sapat na suplay ng mga commodities na binanggit at upang
mapanatiling matatag ang mga presyo ng mga ito sa merkado; at
kinonsulta ng DA, sa inisyatiba ni Sec. Proceso Procy Alcala
ang mga kinauukulang mga stakeholders sa karne ngayong
papalapit na ang kapaskuhan.
Sa kasalukuyan, minomonitor ng ahensiya ang mga presyo at
suplay upang maiwasan ang biglaang pagtaas at kakulangan
habang ang demand sa mga ito ay tumataas sa kapanahunan ng
holidays.
Kasalukuyang naglalaro sa P200-P220 kada kilo ang presyo ng
karneng baboy, samantalang sa manok naman ay nasa P140;
subalit sa ilang pamilihan sa Metro Manila, ibinebenta ang mga ito
sa P125-P135 per kilo.
Napagkasunduan ng mga dumalo at ng ahensiya na ilagay ang
suggested retail price ng baboy sa P175 para sa pigue at P185 sa
liempo kada kilo, samantalang ang SRP para sa manok ay P135
per kilo.
Kasabay ng preparasyon para sa pagtaas ng demand para sa
manok at baboy sa darating na mga buwan, sinabi ni USEC for
Livestock Jose Reao na layunin ng DA na magtatag ng mga
sistema at estratehiya para sa sektor bilang paghahanda para sa
Asian Ecinomic Community (EAC) sa susunod na taon.
Ayon pa kay Reao, layunin rin ng DA na magbigay ng
oportunidad para sa mga stakeholders ng livestock at poultry pati
na rin sa mga consumers, at sa ngayon ay bumubuo ng mga
safety standards sa pagmemerkado ng karne.
Dagdag pa nito, nais nilang tulungan ang retail market upang
masiguro ang kita ng mga local producers o magsasaka; at
mapanatiling matatag ang local poultry and livestock industries;
pakay ng DA na matulungan ang mga magsasaka na lalong
maging mapagkumpetensiya hindi lamang sa lokal na merkado,
kundi maging sa international market man.
Ayon naman kay Assistant Secretary for Agribusiness and
Marketing Leandro Gazmin, isusumite ng kanilang ahensiya ang
mga SRP para sa dalawang commodity (manok at baboy) sa DTI
na siyang nag-iisue ng SRP. Francis Gilbuena

Pagpupulong ng PISTOL Federation dinaluhan ni Mayor
Dondon Alcala

LUCENA CITY Nagkaroon muli ng pagpupulong ang mga
opisyales at miyembro ng Pederasyon ng Pinag-isang Samahan
ng Tsuper at Operator sa Lucena o PISTOL kamakailan.
Sa pagkakataong ito ay dumalo si Mayor Roderick Dondon
Alcala sa ipinatayong tanggapan ng naturang samahan sa bahagi
ng Brgy. Marketview, upang dinggin ang mga kasalukuyang
problema ng mga ito.
Magiliw na tinanggap ng punong lungsod ang mga ipinresentang
mga suliranin, kuro-kuro at suhestiyon ng mga miyembro ng
PISTOL sa pagpupulong na ito hinggil sa kanilang pangaraw-
araw na hanapbuhay o operasyon.
Isa sa magandang ibinahagi ni Mayor Dondon Alcala sa
samahang binanggit na maaaring makatulong sa kanilang hanay,
ay ang pagkakaroon ng panibagong mga rota ng mga jeepney
kapag aniya naitayo na ang bagong city hall na pinakahihintay ng
lahat ng lucenahin.
Ayon sa alkalde, kapag may bago nang city hall, siyempre aniya
ay kinakailangan na magkaroon ng sasakyang mga jeepney na
maghahatid sa mga empleyado ng pamahalaang panglungsod
patungo at pauwi mula rito; dahilan upang kinakailangang
magkaroon ng mga panibagong ruta o linya na susundin ng mga
namamasada.
Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, huwag aniya mag-alala ang
mga kinauukulang mga asosasyon ng jeep o JODA na nag-iisip
na maaapektuhan sila ng bagong linyang binanggit, dahil sa aniya
ay pag-aaralang mabuti ito ng kaniyang inatasang si Executive
Assistant II Arnel Avila, na siyang mamamahala sa pagbilang at
pagtalaga ng mga maaaring pumasaloob sa linyang binanggit.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng samahan ng PISTOL
sa pamumuno ng kanilang presidente na si G. Freddie Bravo
dahil sa naglaan ng oras ang punong lungsod upang bumisita sa
kanilang isinagawang pagpupulong at sa suportang ibinibigay nito
sa kanilang samahan.(Francis Gilbuena PIO Lucena)

Pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng KMNAI Homeowners
Association, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

LUCENA CITY Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor
Roderick Dondon Alcala sa pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo
ng KMNAI Home Owners Association, sa bahagi ng Brgy.
Kanlurang Mayao kamakailan.
Sa pagkakataong ito ay narinig ng punong lungsod ang pag-uulat
hinggil sa katatayuan ng asosasyong ito at ang kanilang mga
problema at pangangailangan.
Ilan sa mga problemang kinahaharap ng asosasyong ito na
pinamumunuan ni Gng. Adela Nave bilang pangulo, ay ang
matagal nang isyu hinggil sa lupang kinatitirikan ng kani-kanilang
mga bahay, na hanggang sa ngayon ay hindi pa naisasalin sa
kanila dahil anila sa ilang mga teknikalidad.
Sa ginawang pagsalita dito ng punong lungsod ay binati nito ang
matibay na pagkakaisa at disiplina ng bawat miyembro ng KMNAI
at sa ipinaglalaban ng mga ito.
Ayon sa alkalde, umasa ang bawat miyembro ng asosasyong
binanggit na nasa likod nila aniya si Mayor Dondon Alcala sa
kanilang pinagdaraanan.
Ayon pa sa punong lungsod, gagawin ng pamahalaang
panglungsod ang makakaya upang masolusyunan ang iba pang
pangangailangan ng naturang asosasyon tulad ng sa livelihood at
imprastraktura; ngunit ayon sa alkalde ay kinakailangan itong
dumaan sa mga pagpupulong.
Dumalo rin sa nabanggit na kaganapan sina Kon. Anacleto Alcala
III at BM Beth Sio na kasama ni Mayor Alcala ay malugod na
nakiisa sa kasayahang handog ng pagdiriwang ng anibersaryo ng
naturang asosasyon.
Lubos naman ang naging tuwa at pasasalamat ng pamunuan at
bawat miyembro ng KMNAI sa suporta na ipinakikita sa kanilang
hanay ng punong lungsod at mga kasamahan nito. Contributed
by Francis Gilbuena/PIO Lucena

Mayor Dondon Alcala, dumalo sa induction ceremony ng
mga bagong GPTA officers ng North District
Lucena City Upang magpakita ng pagsuporta sa sektor ng
edukasyon sa lungsod, ay dumalo bilang panauhing pandangal si
Mayor Roderick Dondon Alcala sa isinagawang Induction and
oathtaking ceremony ng mga bagong opisyales ng GPTA North
District, sa Antigua Restaurant kamakailan.
Ang DepEd North District ay kinabibilangan ng 14 na paaralan sa
lungsod, at ang mga ito ay North 1, North 2, North 3, Camp Nakar
Elementary School, Elvira Razon Aranilla Elementary School,
Ilayang Dupay Elementary School, Kanlurang Mayao elementary
School, Gulang-Gulang Elementary School, Zaballero Elementary
School, San Lorenzo Elementary School, Domoit Elementary
School, San Lorenzo Elementary School at Hermana Fausta
Elementary School.
Sa ginawang pagsalita ng punong lungsod sa harap ng mga
GPTA officers ng nabanggit na distrito, ay ipinaalala nito na
handang sumuporta ang pamahalaang panglungsod sa mga
pangangailangan ng mga asosasyong binanggit, at padaanin
lamang ng mga ito ang kanilang mga kahilingan sa mga principal
ng paaralan ,na sila namang maghahain ng mga ito sa Schools
Division Superintendent na si Dr. Aniano Ogayon.
Ayon kay Mayor Dondon Alcala, nag-aallocate aniya ng
makakayang pondo ang pamahalaang panglungsod para sa
bawat paaralan sa lungsod kayat huwag mag-alala ang mga
principal at PTA officers ng mga ito sapagkat pinaghahandaan ng
kaniyang administrasyon ang mga pangangailangan ng mga ito.
Nakarating rin sa naturang okasyon sina BM Beth Sio, Kon. Felix
Avillo, Executive Assistant III Rogelio Totoy Traquea, OIC
DepEd North District Supervisor Guillermo Flores at PTA
Federation President Gaspar Jun Sadia.
Lubos naman ang naging tuwa at pasasalamat ng mga bagong
North District PTA officers, sa pamumuno ni President Cristine
Jaca, at kanilang mga miyembro sa pagsuporta at pagpapaunlak
na ibinigay sa kanila ng alkalde ng lungsod. Contributed by
Francis Gilbuena/PIO Lucena


Pagdagsa ng mga estudyante ng senior high school,
pinaghahandaan ng local School Board

LUCENA CITY Upang masigurado na makapagtatapos sa pag-
aaral, ay pinaghahandaan na ng local School Board na
pinamumunuan ni Mayor Roderick Dondon Alcala bilang
Chairman,ang pagdagsa ng mga estudyante ng senior high
school.
Sa isang dinaluhang induction ng mga District PTA Officers sa
lungsod, ay ipinahayag ni Mayor Dondon Alcala na advanced ang
pag-iisip ng school board ng lungsod sa mga maaaring maging
pangangailangan ng mga estudyante ng senior high school na
bunsod ng K to 12 program ng DepEd.
Ayon sa Punong Lungsod, kasama ni City Schools Division
Superintendent Dr. Aniano Ogayon, ay ngayon pa lamang ay
pinaghahandaan na ang problema hinggil sa mga estudyanteng
nag-aaral sa Quezon National High School at iba pang mataas na
paaralan sa lungsod na mapapasailalim ng programang
binanggit.
Ayon pa sa alkalde, ang magiging kontribusyon ng pamahalaang
panglungsod ay ang lupang pagtatayuan ng kinakailangang 70
mga silid-aralan para sa mga naturang estudyante, na ipagagawa
naman mula sa pondo ng national government; at tinatantiya na
sa ngayon ang mga kinakailangan para sa proyektong ito.
Pinuri rin ni Mayor Dondon Alcala si Dr. Ogayon dahil sa aniya ay
mabilis na pagkilos nito dahil sa nakagawa na ito ng budget para
sa proyektong ito; at sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ang
punong lungsod ng isang hektaryang lupa para sa pagtatayuan
ng mga silid-aralan.
Ayon pa rin sa alkalde, sa isa o dalawang taong darating, ito ang
problemang kahaharapin ng pamahalaang panglungsod kayat
ngayon pa lamang ay pinagtutulungan na ng mga miyembro ng
board ang maaaring gawin ukol dito.
Dagdag pa ng Punong Lungsod, kaniyang prayoridad na
makinabang ang mga mag-aaral ng high school sa lungsod at
makapagtapos ang mga ito sa kanilang pag-aaral. Contributed
by Francis Gilbuena/PIO Lucena

Вам также может понравиться