Вы находитесь на странице: 1из 2

Alamat ng Kasoy

Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng
mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahanan at nagsasayawan. Sa di naman
kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y
walang iba kungdi si KASOY.
"Sana`y makalabas ako sa aking kinalalagyan" ang pahimutok niyang nasambit. Patuloy
ang kasayahan sa labas at patuloy din ang pagbabasakaling sana`y may makarinig sa hinaing ni
Kasoy. Sa oras din yaon ay may isang engkantadang naakit sa kaingayan. Sumali siya sa
kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan ay narunig niya ang paghingi ng tulong ng Kasoy.
"Sino kaya iyon?", ang tanong ng engkantada. Narinig ng kasoy ang tinig ng engkantada. "Para
na ninyong awa mahal na engkantada, " pakiusap ng kasoy. "Gusto ko pong lumabas". Naawa
ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy.
Tuwang-tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. "Ayaw ko ng bumalik sa aking
pinanggalingan," pakiusap niya sa engkantada Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng
kasoy at kasoy naman ay tuwang-tuwa.
Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsi-uwian na. Ang kapaligiran ay naging
tahimik. Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas ang hangin, kumidlat at
kumulog. Pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang buto ng kasoy ay takot na takot at
basang-basa. Tinawag niya ang engkantada at humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa
loob. Ngunit hindi siya narinig ng engkantada.
Tumigil ang ulan at ang engkantada ay muling nagpakita. Nakita niya ang buto na
nakabaluktot at halos di na makapagsalita. "Ito`y isang aral sa iyo," ang sabi ng engkantada.
"Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang lugar, dapat nating tanggapin dahil ito`y kaloob ng
Diyos sa atin." Pagkawika nito`y naglaho ang engkantada.
Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas ng prutas.

Handiong
Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni Handiong, ang pinuno ng
kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang kalagayan sa lupain
ng Samar. Napakarami nilang kaaway na laging dumarating upang sirain ang kanilang pananim at patayin
ang kanilang mga alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain. Ang
natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na pag-aani.

Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng payapang buhay na walang
gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng kumokonti araw-araw. Kapag
nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay tayong lahat sa gutom.
Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang mata ang
kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.

Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa.

Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan. Nakita niya
ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha ng ama't-ina. Siya
din ay nalungkot.
Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas at
matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan.

Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng isang maliit na
bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na Kabikulan. Marami na siya ring narinig
tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung makakahanap siya ng lugar kung saan sila maninirahan
habang-buhay. Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog ang malakas na hangin at malalaking alon na
sumira sa kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at muntikan na siyang malunod bago niya ligtas
na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng Kabikulan.

Nagsimula niyang galugarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at Inalon na
sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog, Masaragam, Isarog at Lignion. Natagpuan niya
ang Ibalon, isang magandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang lupa ay mataba at
magandang pagtamnan ng mga halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang
mga hayop. Para itong lupain ng gatas at pulot.

Nais ko ang lupaing ito para sa akin at sa aking mga mamamayan, sabi ni Baltog sa sarili.

Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang buwaya na may pakpak
na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng isang babae.
Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon para matirhan kaya nilabanan niya ang mga buwaya at
mga baboy ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa mano-manong pakikipaglaban natalo
niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpira-piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo
ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan.
Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na sila
nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga mamamayan ay nilisan ang Samar
papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang mga
mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang
kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang
gutom ay naging alaala na lamang ng nakaraan.

Вам также может понравиться