Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Ang mga nayon ng San Miguel at San Gabriel ay higit nakilala ng mga taga rito sa Lunsod ng San Pablo sa
tawag na Butocan. Kung paano ito nag simula ay kasaysayan na matatawag na isang alamat. Isang
kasaysayn saling lahi at hanggang sa kasalukuyan ito pa rin ang siyang pinaniniwalaan ng mga taga rito at
mga karatig nayon.
Ito ay nagsimula noong panahon na ang ating bayan ay nasasakop ng mga Kastila. Sa lugar na ito ay
madalang pa ang mga taong naninirahan at ang mga bahay ay halos pang dampa pang lahat. Ang
pangunahing pinagkikitaan at ikinabubuhay ng mga tao ay ang niyog at paghahalaman. Noong panahon
yaon ang mga lugar ang karaniwan mong makikita sa paligid ay ang naglalakihang puno ng mga
lumbang. Ang bunga ng kahoy na ito ay isa sa mga pinagkukunan ng mga tao ng langis na ginagamit sa
kanilang ilawan.
Sapagkat noong panahon yaon ay wala pang gas o elektrisidad, ang gamit ng mga tao sa ilawan ay langis
ng niyog o di kaya ay langis ng lumbang. Sapagkat ang langis ng niyog ay pinagbibili sa bayan ng Bay,
Laguna kung kaya't karaniwang ginagamit sa ilawan ay langis ng lumbang. Palibhasa'y nagkalat lamang
saan man dako ang buto ng lumbang, kung kaya ito ang dahilan kung bakit ang langis na ito ang ganit sa
ilawan.
Kung paano ang pagkuha ng langis sa buto ng lumbang ay kasaysayang pinagmulan ng salitang
"Butocan." Naging karaniwan na sa pook na ito kung tapos na sila sa mga gawaing sa bukid ang
karaniwan nilang ginagawa ay pagbabayo o pagpipitpit ng buto ng lumbang lalo't kung wala silang
gagamiting langis sa ilawan.
Ang kasaysayn ay nagsimula isang araw sa kaunaunahang pagkakataon na may napadakong mga
sundalong Kastila sa pook na ito. Sa isang dampa na kanilang natagpuan, ay may isang matandang lalaki
na nagbabayo ng buto ng lumbang sa lusong sa harapan ng kanilang bahay. Sa pagnanais ng mga
sundalong Kastila na malaman nila kung anong lugar sila naroroon ay kaagad na lumapit sa lalaking
nagbabayo ng buto ng lumbang. Takot man ang matanda sa mga sundalong kanyang kaharap ay wala na
siyang nagawang pagiwas sa takot ay lakas loob na hinarap ng matanda ang mga sundalo. Ang pinuno
ang siyang unang nagsalita at nagtanong sa kanilang wika. Sa wikang kastila itinanong sa matanda kung
anong lugar sila naroroon. Sa pag-aakala ng matanda na ang itinatanong ng sundalo ay kung ano ang
kanyang ginagawa, lakas loob na sumagot ng ganito, "Ako ay nagbabayo ng buto ng lumbang". Inulit pa
ng matanda ang salitang "buto ng lumbang". Sa paniniwala naman ng mga sundalo na sila ay
naiintindihan ng matanda ay nagwika ang pinuno nang ganito, "Buto-can" na nawala ang pantukoy ng g.
Ito ay paulit-ulit na sinabi ng mga sundalong Kastila. At sa pagnanais ng matanda na magsialis kaagad
ang mga sundalo tango na lamang ng tango ang matanda. Nagsialis na ang sundalo at simula noon ang
lugar na ito ay tinawag na "Butocan." Hanggang sa mga panahong ito, ang pangalan Butocan ay siya
paring tawag ng mga taga San Pablo at karatig bayan.
Saan Mang pook ay naririnig tayong mga kuwento na naisalin sa madla ng ating mga ninuno. Mga
kuwentong nagpapasalin-salin sa mga tao at magiging isang alamat na lamang sa ngayon.
Ang Lungsod ng San Pablo ay isa sa mga mayamang pook na may kuwento. Ang isa na dito na kakaunti
lamang ang nakaka-alam ay ang isang pook dito sa ngayon ng San Rafael na kung tawagin ay San Rafael
na kung tawagin ay Malamig.
Noong unang panahon, dahil sa hindi pa natutuklasan ang mga gamot o bakuna tungkol sa cholera at iba
pang sakit na nakakahawa, kaya nman ang mga epedemya ay madaling kumalat sa mga tao ng isang
pook. Marami ang namatay noong sa sakit na cholera. Laganap ito saan mang pook kaya marami ang
namamatay. Hindi lamang isa, o dalawa ang nalalagas sa isang pamilya, masasabi pa na kung minsan ang
buong pamilya ang namamatay.
Dito sa isang pook sa San Rafael na malapit sa Sta. Monica ay may kabahayan noon. Dinapuan ang mga
tao ng sakit na lumalaganap. Hindi na madala-dala ng mga tao sa simbahan o sa libingan ang mga
nasawi, dahil sa oras na mahawakan ang mga bangkay ng matagaltagal ay mahahawakan na rin, kaya
napakahirap ang magdala ng patay sa libingan.
Naisipan ng mga tao ang humukay na lamang ng isang malalim at malawak na balon upang ang kanilang
mahal na kanayon at kaanak ay malibing maayos.
Sa kalaunan na hinto na rin ang pagbubuwis ng buhay ng mga tao sa nakakahawang sakit, kaya ang
balaon ay tuluyan nang tinabunan. Dahil sa mahal ng mga kanayon ang kanilang patay kaya nilagyan
ngmga tanim na San Fransisco ang pook na iyon. Iyon ay ang tanda nasa pook na iyon nakalinbing ang
mahal sa buhay.
Sa pook na iyon ay sinasabi ng kanilang mga kanayon na kung sila ay napapadaan doon, nakakaramdam
sila ng malamig na bagayna sumasanib sa kanilang katawan. Malamig, napakalamig, ayon sa mga taong
napapadaan doon. Marami ang nakakatakot kaya pinakakaiwasan ng mga tao ang mapadaan doon. Sa
kalaunan, hindi na rin natakot ang mga tao kaya lang ang nasabing pook ay pinangalanang Malamig ng
mga tao doon.
Sta. Ana
Maraming taon na ang nakalilipas bago dumating ang mga Kastila, ang Sta. Ana ay tinatawag na
"Tangob." Ang Tangob ay kagubatan pa noong panahong iyon. Iilan ang naninirahan sa lugar na ito. Ang
ikinabubuhay ng mga naninirahan doon ay ang pagtatanim ng mga gulay, lumang ugat at mga punong
namumunga ng prutas. At dahilang sa mga bagay na ito maraming nagsilipat sa tangob upang manirahan
at makiisang magtanim ng kanilang ikinabubuhay.
Lumipas pa nag maraming taon dumating ang mga kastila sa Pilipinas. Ang Tangob ay isa ng kinikila ng
nayon. Marami na silang napapagkunan ng ikabubuhay at natuto na rin silang mag-alaga ng hayop.
Isang araw umagang-umaga pa lamang, may dumating na pulutong na mga sundalong Kastila sa ppok ng
Tangob. Ang mga naninirahan ay nangabigla dahil sa di inaasahang pagdating ng mga sundalong Kastila.
Ang isa sa mga sundalo ay dali-daling bumaba sa kabayo at lumapit sa isang matandang babae na
nagpakain ng baboy. Sa paglapit sa matandang babae ng sundalong ito ay nagtanong sa wikang Kastila
na kung anong lugar iyon. Ngunit hindi malaman ng matatandang babae ang isasagot sapagkat hindi siya
nakakaunawa ng wikang dayuhan, kung kaya't sa pagtatanong muli ng sundalo sa pag-aakalang ang
pangalan niya ang itinatanong, sinabi niyang "Ana". Tumango-tango na lamang ang sundalo at sinabi sa
kanyang mga kasama kung ano ang sagot sa kanya. Mula noon tinawag na Sta. Ana ang pook na iyon.
Noong Unang Panahon napakaraming mga intsik na mangangalakal at negosyante sa barangay na ito,
ang Calihan kasi ay isang lugar na maraming tao at pangunahing daanan papunta sa Tiaong o sa
Lalawigan ng Quezon, kaya ang mga intsik ay pawang nagnenegosyo sa tabing daan. Kasama sa kanilang
negosyo ay ang tinatawag na Kare-han o kainan na ang pangunahing lutuin ay ang kare-kare.
Sa kadahilanang ang mga intsik ay pawang utal sa pagbigkas ng letter R, and parating nabibigkas nila pag
sasabihin nila kung ano ang pangalan ng kanilang lugar kung may nagtatanong na biyahero ay KALIHAN o
Karihan ( di San Fransisco dahil di sila naniniwala sa Santo noon). Kayat naging tanyag ang lugar na ito sa
pangalang CALIHAN. Naging tanyag ang mga Intsik dito, kabilang sa mga naunang intsik dito ay ang ama
ni Emilio Popan ( na ang apilyido ay PO ) na nagmula sa Guandong Province sa Tsina. Hanggang ngayon
ay tinatawag ito na Calihan.
Noong unang panahon sa isang maalamat na Bundok ng Susong Dalaga na pumagitan sa tatlong
lalagigan ng Batangas, Quezon at Laguna ay nakabalatay sa gawing silangan nito ang isang pook na kung
tawagin ay San Isidro o Balagbag, kasama na dito ang Atisan.
Sa gawing hilaga ay ang Barangay Santisimo Rosario sa ibaba ay ang Barangay San Antonio at sa
kanluran ay ang Lungsod ng Lipa, Lalawigan ng Batangas. May sinakop itong apat na ilog gaya ng
Talutuanan, Gugulmin, Malaunod at ang ilog Paragusan na humahati sa Barangay na ito kaya tinawag na
balagbag.
May mga naninirahan ditong dumigit kumulang na dalawang libo at tatlong daang (2,300) at may bilang
na bahay na humigit kumulang sa apat na daang bahay (400). Ang ikinabubuhay ng mga taga rito ay sa
niyog, palay, saging ay iba pang uri ng halaman.