Вы находитесь на странице: 1из 14

PANULARAN: ANG KABATAAN NOON AT NGAYON

Pagbabago sa gawi at pag-uugali

Isang Akademikong Papel na Iniharap


sa mga Dalubguro ng
New Era University

Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan


sa Pagtatamo ng Pampinal na Marka
Sa Asignaturang Filipino II
Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa Kay:

Gng. Perla Cruz

Ipinasa ni:

Princes E. Quizon

Oktubre 2014

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2: Pagbasa at Pasulat, ang


Pamanahong Papel na ito na pinamagatang PANULARAN: ANG KABATAAN NOON AT
NGAYON, Pagbabago sa gawi at pag-uugali ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik na
sina:

Princes E. Quizon

General Sixto

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Sining at Agham, New


Era University, bilang isang pangangailangan sa Asignaturang Filipino 2: Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Akademikong Pananaliksik.

Prof. Perla Cruz


Guro sa Filipino 2

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito at taos sa pusong nag-aalay ng


pagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal at pangkat na nagbigay ng kanilang
kontribusiyon upang maging ganap at matagumpay ang pag-aaral ng ito:

Una at higit sa lahat, ang Panginoong Diyos na nagkaloob sa aking na talino at lakas,
gayon din ang paggabay na kaniyang pag-ibig at awa sa akin na matapos ito at
magtagumpay.

Sa aking mga magulang na hindi nagsawang magbigay ng suporta at tulong na gugol


pinansiyal sa akin upang matapos ko ang pananaliksik na ito.

Gayon din sa aking mga kaibigan na nagbigay ng mga ideya at kaalaman na may
kinalaman sa aking pananaliksik, at pagsama at pagtulong sa akin sa pagsasaayos ng
pananaliksik na ito.

Ang mga respondente na nakiisa at hindi nagkait sa akin ng kanilang oras, pati narin
ang mga impormasiyon na inyong ibinahagi sa akin at sa mga mambabasa.

Kay Gng. Perla Cruz, aking guro sa asignaturang Filipino II na nagturo sa amin kung
paano namin gagawin ng tama ang aming Papel Pananaliksik, sa kaniyang ibinahaging
kaalaman upang maayos na maipahayag ang nilalaman ng pananaliksik na ito.

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Pamagating Pahina

Dahon ng Pagpapatibay

ii

Pasasalamat

iii

Talaan ng Nilalaman

iv

I. KABANATA I: Ang Suliranin at ang Saklaw Nito

A. Panimula

B. Layunin ng Pag-aaral

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

E. Katuturan ng mga Terminolohiya

II. KABANATA II: Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura

III. KABANATA III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

A. Disenyo ng Pananaliksik

B. Mga Respondente

C. Instrumento ng Pananaliksik

D. Tritment ng mga Datos

IV. KABANATA IV: Presentasiyon at Interpretasiyon ng mga Datos

V. KABANATA V: Lagom, Konklusiyon, at Rekomendasiyon

A. Lagom

B. Konklusiyon

C. Rekomendasiyon

VI. Listahan ng mga Sanggunian

Appendiks

A. Liham ng Paghingi ng Pahintulot sa Interbyu

B.Transaksiyon ng Interbyu

C. Liham ng paghingi ng pahintulot sa sarbey

D. Sarbey kwestyoneyr A

E. Sarbey kwestyoneyr B

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula:

Sa mabilis na pagtakbo ng panahon, mabilis din nagbabago ang pagtakbo ng


panahon- gaya ng isang atleta na sinisikap na bilisan ang kanyang takbo upang agad niyang
maabot ang katapusan ng linya. Ngunit sa mabilis na paglago ng ekonomiya at ang pagunlad ng kaalaman ng tao, mabilis ding nabago nito ang ikot ng mundo. Tila baga napihit ang
ikutan at biglang napalitan ang mabubuti ng masasama. Ang dati ay nagbago at nawala na.
Dahil marahil sa pagbabago ng estilo ng pagpapalaki ng mga magulang sa makabagong
heneresiyon, hindi naging matatag ang paninindigan ng mga magulang ukol sa pagpapalaki
ng mga anak. Ngunit, hindi naman sa lahat ng pagkakataon, sa magulang dapat ang maging
sisi, kundi sa mga kabataan din mismo.

Kakaiba na ang mga tao sa paligid ngayon. Hindi na alam ng mga magulang kung ano
at sino ang iyong mga sinasamahan o kung anong klase ng mga tao ang nagiging kasama
ng kanilang mga anak. Kaya lingid man sa kanilang kaalaman ang unti-unting pagbabago sa
iyong pag-uugali, wala naman silang direktang paraan upang masolusyunan ito.

Sa pananaliksik na ito, matutunghayan natin ang malaking kaibahan ng mga kabataan


sa panahon noon at sa panahon ngayon. Ipapaunawa sa atin kung bakit dapat nating

malaman ang mga ito, para narin sa kinabukasan natin at kinabukasan ng mga susunod pang
heneresiyon.

Layunin ng Pag-aaral

Ang Pangunahing layunin ng Pananaliksik na ito, ay ang makapagbigay ng kumpletong


ideya kung ano ang malaking pinagkaiba ng mga kabataan sa panahon noon at ngayon. Ang
panularang ito ay may mga tanong na sumusunod:

2. Ano ang pag-uugali ng mga Kabataan noon at ngayon?


3. Ano-ano ang nagiging epekto ng pagbabago sa ugali ng mga kabataan sa panahon
ngayon sa ating bansa?
4. May malaking dulot ba ang mga pagbabagong ito sa darating na henerasiyon ng ating
bansa?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga kabataan na tila baga lumalayo na sa tamang landas at lumiliko na sa tuwid na daan
upang maipakita at maipahayag ang malaking pagbabagong ito sa aming kapwa kabataan at
maipaunawa sa kanila ang masasamang dulot nito sa kanilang sarili gayon din sa mga
susunod pang henerasyon ng ating bansa. At kung paano maiiwasan o maiaalis sa kanilang
sarili ang mga maling pamamaraan ng pag-uugali.

Gayon din sa mga magulang, upang maipakita ang mga bagay na direktang nakakaapekto sa
mga kabataan sa pagbabago ng kanilang pag-uugali na maaaring may kinalaman mismo sa
kanilang mga paraan ng pakikitungo at pagdidisiplina sa kanilang mga anak.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang mga pangunahing saklaw ng pananaliksik na ito ay ang paghahalintulad ng mga


kabataan noong 70s, 80s at 90s sa mga kabataang ngayon mula sa persepsiyon, hinuha at
obserbasiyon ng mga pilipinong nasa edad 30 pataas. Dalawamput- limang kababaihan at
kalalakihan ng aming inanyayahan sa aming isinagawang pagsasarbey.

Ang pananaliksik na ito ay nakakatutok lamang sa gawi at pag-uugali ng mga kabataan noon
at ngayon at kung ano ang dulot nito, gayon din ang mga solusyon ukol dito.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon kay Ronald Verzo (2009) humihina ang ating mga kabataan sa tamang paggamit ng
lengwahe at wika, partikular na dito ang cellphone na maaaring gamitin sa pagpapabot ng
ating mensahe sa pamamagitan ng SMS o Text messaging. Tintukoy rito ang unit-unting
paghina ng mga kabataan ngayon sa paggamit ng tamang paraan ng pananalita at
pagpapahayag ng isang mensahe. Mas higit na napapaunlad ang mga salitang balbal gaya
na lamang ng jejemon. Di tulad ng mga kabataan noon, kung saan sulat o liham ang isang
paraan ng pag-aabot ng mensahe.

Ang mga kabataan ngayon ay ibang-iba kaysa sa mga kabataan noong aking panahon. Iyan
ang laging sambit ng lola sa akin. Nag-iiba-iba raw sa bawat pagbabago ng henerasyon. Ika
nga ay sumasabay sa pag-ikot ng mundo. Ngunit grabe na raw talga ang ipinagbago ng mga
kabataang tulad ko. Nood daw, hindi makapagsalita ng pabalang ang mga kabataan.
Mayroon silang malaking respeto sa mga nakatatanda pati na sa mga nakababata.
Pinahahalagahan din daw nila ang kanilang edukasyon. Gagawin pa raw nila ang lahat para
makapag-aral. Hindi katulad ngayon, nandiyan na sa harap nila ang pera, ayaw pa ring
pagbutihin ang kanilang pag-aaral. (2002: Kabataan noon at kabataan ngayon)

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang Pangunahing layunin ng Pananaliksik na ito, ay ang makapagbigay ng kumpletong ideya


kung ano ang malaking pinagkaiba ng mga kabataan sa panahon noon at ngayon. Ang
disenyong gamit ay ang sarbey kung saan ang mga talatanungan ay ipinamahagi sa mga
taong saklaw ng pag-aaral upang makalap ang mga impormasiyon at opinyon na magiging
datos para sa pag-aaral.

Mga respondente

Ang mga Respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga pili[inong kababaihan at kalalakihan
na nasa edad 30- pataas. Sa aming pagsasagawa ng sarbey, tumungo kami sa Bgy.
Commonwealth at ipinamahagi ang mga talatanungan batay sa bilang na aming itinakda
upang sarbeyin, 30 30.

Instrumento ng Panaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan kung saan ang pangunahing
nakabilang rito ang mga katanungang kinakailangan ng personal na impormasiyon mula sa
respondente. Ang iba pang mga tanong ay ukol sa reaksiyon ng mga respondente ukol sa
mga pagbabagong nagaganap sa mga kabataan ngayon.

Ang iba pang karagdagang mahahalagang datos ay nagmula rin sa mga sagot ng mga
respondente na lubos na nakatulong sa isinagawang pananaliksik.

Вам также может понравиться