Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
May isang taong may dalawang anak na lalaki, Ang wika ng bunso , “Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang
mamanahin ko.” At ibinahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain ,taglay
ang buo niyang kayamanan,at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay.Nang malustay na niya ang
kanyang kayamanan,nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at nagdalita siya.Kaya’t namasukan
siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy.Ibig
sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na ipinapakain sa mga babaoy ngunit
walang magbigay sa kanya.Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa kanyang sarili,
“Ang mga alila ng kanyang ama ay may sapat na pagkain at lumalabis pa,samantalang ako’y namamatay sa
gutom ditto. Babalik ako sa kanya at sasabihin ko “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi nap o ako
karapat-dapat na tawagin ,ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.” At tumindig
siya at pumaroon sa kanyang ama.
Malayo pa’y matanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya,kaya’t patakbo niyang
sinalubong ,niyakap,at hinagkan.Sinabi ng anak ,”Ama,nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo.Hindi na po ako
karapat dapat na tawagin ninyong anak.””Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila. “Madali !Dalhin
ninyo rito ang pinaka mahusay na damit at isuot sa kanya.Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang
pinatabang guya at patayin;kumain tayo at magsaya !Sapagkat namatay na ang anak kong ito ngunit muling
nabuhay;nawala ngunit nasumpungan “-at sila’y nagsaya.
Nasa bukid noon ang nakay na panganay. Umuwi at nang malapit na sa bahay ay maaring niya sa bahay ay
narinig niya ang tugtugan at sayawan.Tinawag siya ang mga alila at tinanong.”Bakit?”May ano sa
atinDumating po ang inyong kapatid”tugon ng alila.
“Pinapatay ng iyong ama ang pinatabang guyaa, sapagka’t nagbalik siyang buhay at walang sakit.” Nagalit
ang panganay at ayaw nitong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit
sinabi nito,”Pinaglingkuran kop o kayo sa lob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit
ni minsan ay hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga
kaibigan. Subali nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae,
ipinapatay pa ninyo pa ninyo ang pinatabang guya!”Sumagot ang ama,”Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng
ari-ari-arian ko ay sa iyo.Ngunit dapat tayong magsaya at magalak sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit
muling nabuhay; nawala ngunit muling nasumpungan.”
A.Sagutin Natin:
1. Ilarawan ang ama sa akdang binasa. Tama ba ang ginawa ng ama na pagbibigay ng pamana sa kanyang
mga anak kahit siya’y buhay at malakas pa?
2. Ilarawan ang bunsong anak.Paano niya nilustay ang kayamanang minana niya sa kanyang ama?
3. Ano ang ibinunga ang kanyang ginwang pagtataksil sa magulang?
4. Makatarungan ba ang ginawa ng amang pagtanggap sa kanyang anak na bumalik muli?
5. Masisisi mo ba ang panganay kung maghinanakit sa kanyang ama? Bakit oo o hindi?
6. Ano ang ibig sabihin ng ama sa mga katagang “Sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling
nabuhay, nawala ngunit muling nasumpungan?”
7. Paano mo pinahahalagahan ang pag aaruga ng iyong magulang?
PAGSULAT NG BUOD O LAGOM NG AKDANG BINASA
Ang buod ay ang lagom o synopsis ng isang akda, tulad ng talumpati, kuwento ,parabola ,sanaysay
,dula o nobela. Ito ay maikli, malaman at nagpapahayag lamang ng pinakadiwa ng akda. Ang buod ay
maaring sulatin sa isang talata o kahit sa isang pangungusap lamang. Sapat na maipahayag lamang ang
pinakamahalagang detalye ng akda. Ang paglalagom ay may layuning makatulong sa madaling pag-
unawa ng isang diwa ng seleksyon, kung kaya’t nararapat na maging payak lamang ang mga salitang
gagamitin.