Вы находитесь на странице: 1из 4

CHARACTER EDUCATION VI

Petsa: __Disyembre 10, 2014__


I.

LAYUNIN:
Naisasagawa ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng materyales at kasangkapan.

II. PAKSANG-ARALIN:
Kakayahan sa Pagpapalano at Pangangasiwa ng Materyales at Kasangkapan
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang-Yaman
E.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 26
Kagamitan : Larawan
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano mo mapangangalagaan ang mga pinagkukunang yaman ng ating bansa?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Tumututong ka ba sa mga gawaing-bahay tutad ng pagliligpit ng mga kasangkapan?
2. Paglalahad:
Pagbasa ng sitwasyon.
Si Mang Juan ay isang magsasaka. Upang magamit nang matagal ang mga gamit na
kanyang pinagsumikapang ipundar ay tinitiyak niya na malinis at maayos niyang itinatabi
ang mga ito sa tuwing matapos iyang gamitin sa bukid.
C. Pagsusuri:
a. Tama ba ang ginawa ni Mang Juan?
b. Anu-ano pa ang ibang paraan upang mapangalagaan ang mga kasangkapan?
D. Paglalapat:
Paano mo maitatago nang maayos ang mga kasangkapan sa inyong tahanan?
IV. PAGTATAYA:
Magdula-dulaan tungkol sa wastong pangangasiwa sa materyales at kasangkapan.
V. KASUNDUAN:
Alamin ang wastong pangangasiwa sa pagkain at enerhiya.

MUSIKA VI
6:00 6:30
7:00 7:30
7:40 8:10
10:50 11:20

VI Polite (16)
VI Noble (14)
VI Trustworthy (17)
VI Understanding ( 20)

Petsa: _Disyembre 10, 2014__


I.

Mga Layunin:
Nakasusunod sa mga senyas na pp (pianissimo - very soft), ff (fortissimo - very loud), mp
(mezzo piano - half soft) at mf (mezzo forte - half loud).

II. Paksang-Aralin:
Simbolo sa Antas ng Daynamiks
Mga Kagamitan:
Iskor ng awit na Parang Gulong
Lapelle, usb, larawan, batayang aklat
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Magbigay ng pagsasanay sa tinig
B. Pagbabalik-aral:
1. Balik-aralan ang mga simbolong m, f, mf, ff.
C. Panlinang na Gawain:
1. Ipakita ang iskor ng awiting Parang Gulong. Ipasuri sa mga bata ang awit at ituro ang mga
sagisag ng antas ng daynamiks na hindi pa kilala.
2. Ipasunod ang mga simbolong ff, pp, mf at mp habang umaawit.
C. Pangwakas na Gawain:
Pangkatin ang klase sa apat. Ipaawit sa bawat pangkat ang bahagi ng daynamiks
na nakaassign sa bawat pangkat.
IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang paglakas at paghina sap ag-awit ay tinatawag na __________.
a. modulasyon
c. melodiya
b. tempo
d. daynamiks
V. Takdang Aralin:
Paano napahahalagahan ang kaugnayan ng daynamiks sa damdaming ibinibigay ng musika.

HEKASI VI
8:40 9:20
11:20 12:00

VI Understanding (20)
VI Trustworthy (19

Petsa: __Disyembre 10, 2014_


I. LAYUNIN:
Nasusuri ang mga paraang ginawa ng mga makabagong Pilipino sa pagkamit ng kalayaan.
Pagpapahalaga:

Pagkamakabayan

II. PAKSANG-ARALIN
Katipunan
Sanggunian: BEC A.4, p.23
Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 202-204
Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bagong Bansa 6 , pp.220-224
Kagamitan: Tsart ng awit, mga larawan, graphic organizer
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Iparinig at ipaawit ang awiting Bayan Ko.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Paglalahad ng larawan ng mga sumusunod:
a. Andres Bonifacio
c. Apolinario Mabini
b. Emilio Aguinaldo
d. Gregorio del Pilar
2. Pagbibigay-Hinuha:
Paano sila nakipaglaban para makamit ang kalayaan?
3. Pagpapangkat:
Hatiin ang mga bata sa 5 para sa mga taong inilahad, pumili ng lider at maghanda sa paguulat.
4. Pag-uulat/Pagtalakay:
Paano nakipaglaban ang mga Katipunero?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Buudin ang aralin sa pamamagitan ng paggamit ng graphic organizer.
2. Pagpapahalaga:
Kung nabubuhay ka noon, ano ang gagawin mong pakikipaglaban para sa kasarinlan ng
Pilipinas?
Sinong Pilipino ang iyong tutularan?

IV. PAGTATAYA:
Punan ang patlang ng tamang sagot.
_______ 1. Ama ng Katipunan.
_______ 2. Bayani ng Pasong Tirad
_______ 3. Utak ng Himagsikan
_______ 4. Hudyat ng simula ng himagsikan
_______ 5.
V. KASUNDUAN:
Gumupit ng larawan ng mga bayaning nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa.

Вам также может понравиться