Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Hou
v18Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung ano
ang inyong inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo, kung gaano kasagana ang
pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal, v19at kung ano ang dimasukat na kapangyarihang kaloob niya sa atin na mga nananalig sa kanya.
3. Magbasa Ng Bahagi Ng Banal Na Kasulatan
1 Juan 1:1-4
v1Sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa'y siya na, ang
Salitang nagbibigay-buhay. Siya ay aming narinig at nakita, napagmasdan at
nahawakan. v2Nahayag ang buhay na ito, nakita namin siya, at pinapatotohanan
namin at ipinapangaral sa inyo ang buhay na walang hanggan na nasa Ama at
nahayag sa amin. v3Ipinapahayag nga namin sa inyo ang aming nakita't narinig
upang makasama kayo sa aming pakikiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si JesuCristo. v4Isinusulat namin ito upang malubos ang ating kagalakan.
Mga Palaisipang Tanong:
a. Ano ang mensaheng hatid ng mga talata para sa iyo?
b. Ano ang maaring mong gawin upnag maisagawa mo ito?
c. Ano ang susing talata na maari mong isaulo?
d. Sino ang maaring nangangailangan ng mensaheng iyong nabasa?
4. Manalangin Muli
a.Magpasalamat sa nabasang talata
b. Humingi ng lakas mula sa Espiritu ng Diyos upang maisagawa at matupad ang
Kalooban ng Diyos.
c. Ipanalangin ang iba pang mga prayer request
Family
Devotions
Pampamilyang Pananambahan
Ang Lingkod Ng Diyos
v4Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod
ng kanyang mga anak. v5Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos
sa iglesya ng Diyos kung hindi niya maiayos ang sarili niyang pamilya?
1 Timoteo 3:4-5