Вы находитесь на странице: 1из 1

Alamat ng Gumamela

Nag-tataka ba kayo kung bakit walang halimuyak ang


gumamela? Ang Alamat ng Gumamela ay kwento tungkol
sa pangyayari kung bakit nga ba walang halimuyak ang
gumamela. Kahit makulay ang gumamela at napaka-ganda ng
itsura nito, nasasayang dahil wala siyang halimuyak.
Noong unang panahon lahat ng bulaklak ay hinihintay ang
pag-dating ng diwata ng hardin. Siya kasi ang nag-bibigay
halimuyak sa bawat bulaklak. Isa sina Rosas, Sampaguita at
Gumamela sa mga bulaklak na sabik sa pagdating ng diwata
ng hardin. Panahon na kasi para sila ay makatanggap ng
halimuyak. Nung gabi bago ang araw ng pagtanggap nila ng
halimuyak nagdidiwang ang tatlo. Unang natulog si
Sampaguita dahil gusto niyang maagang magising
kinabukasan. Ngunit, nag-paiwan sina Rosas at Gumamela
dahil gusto pa nilang magsaya. Sumunod nang natulog si
Rosas. Inaya niya si Gumamela upang matulog na ngunit
ayaw pa niyang matulog dahilgusto pa niyang magsaya.
Kinabukasan, na-unang magising si Sampaguita at marami
siyang nakuhang halimuyak na isinaboy ng diwata ng hardin.
Muntikan nang mahuli si Rosas dahil tanghali na siyang
nagising. Ang pinaka hindi pinalad ng araw na iyon ay si
Gumamela. Hindi niya naabutan ang pagsaboy ng halimuyak
ng diwata ng hardin. Kaya mula noon ang bulaklak ng
sampaguita ng pinaka mabangong bulaklak sumunod ang
rosas. Pero walang halimuyak ang gumamela.
Kung natulog lang ng maaga si gumamela sanay naamoy
natin ngayon ang kanyang halimuyak. Bilang bata may mga
pagkakataong maari ninyong ipakita ang inyong galing ngunit
dahil sa pagpapabaya ay nawawala sa inyo ang pagkakataong
iyon. Sanay magbigay aral sa inyo ang kwentong ito at
magamit hanggang sa pagtanda nyo.

Source: http://grade1-noemi.blogspot.com/2012/02/alamatng-gumamela.html

Вам также может понравиться