Вы находитесь на странице: 1из 5

Juliene Rose A.

Noble

8-25 St. Romuald

FILIPINO 8
Buod ng Florante at Laura:
Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat
sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay
makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang
kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw
na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan
niyang mahal.
Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang
Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang
leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang
mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa
muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang
pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang
diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng
gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na
kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang
minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si
Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si
Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon
siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang
iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siyay
nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at
iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni
Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siyay si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong
Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay
Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang
kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na naguusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-

uusap. Si Fleriday tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi


siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni
Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama
upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at
pagdadala sa gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga
katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na
naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at
pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.
(http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Classic-Works/florante-at-laura-buodsummary.html)
Mga tauhan at deskripsiyon ng bawat isa:
Florante - Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos
lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo,
siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang
namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan
ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong
Persyano. Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay,
siya ang nagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong
nagligtas sa kanya mula sa mga leon nang siya ay nakagapos pa dahil sa
Konde Adolfo.

Laura - Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring


Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari
ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang
umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang. Sa simula ng awit, siya
ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo Laura sa
pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo.

Aladin - Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at


nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya
ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin at Florante ay
nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay
isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang
pinakamagaling na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam

ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo. Sa katapusan


ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging
sultan.

Flerida - Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni


Sultan Ali-Adab. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan,
napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa
katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.

Konde Adolfo - Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga


pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang
nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa Atenas
kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang
dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa
lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na mag-aaral doon.
Ito ay buhat ng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit habang
tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni
Adolfo. At dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa
isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang
pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng
utos ng kanyang gurong si Antenor.

Menandro - Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na


lumigtas din ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni
Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa
isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa
pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at
noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa
pakikibaka.

Duke Briseo- Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at


naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay
pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo
nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.

Prinsesa Floresca - Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula


sa bayan ng Krotona, at maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni
Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.

Miramolin - Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula


sa Turkiya.

Osmalik - Si Osmalic ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa


Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin.

Abu Bakr- Si Abu Bakr ang heneral ng Persya na nagbantay kay Flerida.

Sultan Ali-Adab - Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa


kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan
niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya
sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida
mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang
nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na
hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; ang
naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang
kailanman ay hindi niya mababalikan.

Konde Sileno - Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay
Florante ay marangal.

Haring Linseo - Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni


Laura. Ang kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na
usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng
trigo upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong
pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao
sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang
ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.

Menalipo - Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante


mula sa isang buwitreng dadagitin siya sana nang siyang isang sanggol pa
lamang gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay
higit na mas matanda kaysa kay Florante.

Antenor - Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at


Menandro.

Prinsesa Floresca - Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula


sa bayan ng Krotona, at maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni
Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.
(http://tl.answers.com/Q/Mga_tauhan_sa_florante_at_laura_at_ang_kanilang_g
inagampanan)

Вам также может понравиться