malayong lugar. Ang inay ay si Aling rosa, samantalang ang kanyang anak ay si Pinang. Gustong gusto ni Aling Rosa na turuan si Pinang gumawa ng gawaing bahay ngunit parating sinasabi ni Pinang na siyay marunong na. Isang araw, Si aling rosa ay nagkasakit at napilitan si Pinang to magluto para sa kanyang ina. Matagal si Aling Rosa na nagkasakit at si Pinang ay matagal ring nagluto at naglinis ng bahay. Pagkadaan ng ilang araw pumunta si Pinang kay Aling rosa at sinabing hindi niya mahanap ang pospora at ang panandok. Sagot naman ni Aling Rosa Naku! Pinang, sanay magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong ng tanong sa akin. Pagkalipas ng ilang araw nagtaka si Aling Rosa bakit hindi na si Pinang nagdadala ng pagkain para sa kanya. Pagkagaling ni Aling Rosa, hinanap niya si Pinang, siyay naagtanong sa mga kapit bahay ngunit walang nakakita sa kanya. Pag tingin niya sa kanyang bakuran may nakita siyang bagong halaman na tumubo ang bunga nito ay parang mukha na maraming mata. Naala niya ang kanyang sinabi kay Pinang at siyay nagmukmok. Ang pangalan ay naging Pinang, ngunit pagkaraan ng panahon ito ay naging Pinya.