Nagtipon-tipon sa Pansiteria Macanista de Buen Gusto ang labing-apat
na binata upang idaos ang piging upang ipagdiwang ang kabiguan ng balak na pagtuturo ng wikang Kastila sa kamay ni Don Custudio.Masayang nagtatawanan at nagbibiruan ang mga binata ngunit halatang pilit na pilit lamang ang kanilang pagsasaya.May panginginig ang kanilang mga tinig at nangingilid ang luha sa kanilang mga mata dahil sa labis na sama ng loob sa naging pasya ni Don Custudio.Sa bawat mesa ay may apat na pinggan ,apat na uri ng kakanin at may apat na tasa ng tsa.Nakita ni Sandoval ang isang tulang nakasulat sa malalaking titik na nakadikit sa dakong itaas ng pansiteria.Inihambing niya ito kay Don Tiburcio. Larawan ng kasiyahan si Isagani nang dumating sa piging.Ang tanging wala roon ay si Juanito na kahit kailan ay hindi nakararating sa takdang oras. Sanay si Basilio na lamang ang inaanyayahan natin sa halip na si Juanito, nalaman sana natin ang tungkol sa batang nawawala . . .sa mongha!wika ni Isagani.Samantala,iminungkahi ni Macaraig na ihandog kay Don Custudio ang pansit lanlang na tinawag nila itong panukulang sopas tatlong ulam ang lumpiang intsik na may lamang baboy ay ipinatungkol kay Padre Irene ang tortang alimango naman ay inihandog sa mga prayle.Labis itong tinutulan ni Isagani sa pagkat sa ngalan ng mga prayle,may itinatangi siya. Isang buto ng manok ang itinaas ni Pecson at nagwika, Igalang ang mga bata at ang mga namatay! Ialay natin ang pansit kay Quiroga na isa sa apat na makapangyarihansa pilipinas,wika ni Isagani.Napagkasunduan ng na bumigkas ng talumpati si Tadeo na hindi malaman ang gagawin.Hindi siya nakahanda kayat iniisip niya niyang bigkasin ang isang talumpating natutuhan sa paaralan. Tinawag siyang isang manghuhuwad nang ulitin niya ang talumpati ng pangulo ng Liceo.
May isang ulam, na ngayon ay tampulan ng paghamak at pagkutya ng
lahat, ulam na pinag-aagawang sandukin ng dayong dayukdok na matatakaw samga lupaing nasa kanluran,. Habang hinihintay pa nila ang ibang ulam, hiniling nilang magtalumpati si Pecson. Magalang na tumango si Pecson at pinatamaan niya sa kanyang talumpati ang mga prayle. Mawawala ang kabayanihan kapag wala nang prayle,alisin ninyo ang mga prayle at mawawala ang mga Indyo. Lahat n gating iniisip at ginagawa ay utang natin sa mga prayle.Ang Pilipnas, kapag walang prayle ay walang Indyo. Ano ang mangyayari sa kahabag habag na pamahalaan sa kamay ng mga Int sik? Kakain ng tortang alimango,ang wika ni Isagani na nayayamot na sa sinasabi ni Pecson Dahil sa hindi pa dumarating ang ulam, isang mag aaral ang tumayo at nagtungo sa balkonahe. yDali dali iyong nagbalik at hinudyatan ang mga kasama. May nagmamanman sa atin, Tumayo si Isagani at tinawag ang kanyang mga kasama. Nakita nilang lumabas sa pinto ng pansiteria ang isang binatang palinga-linga at sumakay sa sasakyan ni Simoun na nakahimpli sa bangketa. A! Iyan ang alipin ng Vice-Rector na pinaglilikuran ng Panginoon ng Heneral, ang wika ni Macaraig.