Вы находитесь на странице: 1из 49

Kabanata 19

Dapat ba Akong Huminto sa Pag-aaral?


Sa palagay mo, ilang taon ang dapat mong gamitin sa pag-aaral?
Ilang taon naman kung magulang mo ang tatanungin?
PAREHO ba ang sagot ninyo? Puwedeng pareho. Pero siguro kung minsan, parang gusto mo
nang huminto sa pag-aaral. Tingnan mo ang komento ng ilang kabataan.
Kung minsan, sa sobrang stress ko, ayoko nang bumangon. Iniisip ko, Bakit pa kasikailanga
ng pag-aralan ang mga bagay na hindi ko naman magagamit?Rachel.
Sawang-sawa na ako sa pag-aaral. Sayang lang ang oras ko. Mas mabuti pangmagtrabaho,
kikita pa ako.John.
Nag-transfer ako nung high school. Wala naman akong problema sa pag-aaral. Angproblem
a ko, wala akong kaibigan. Lagi akong nag-iisa. Kahit nga yung mga katulad kongnag-iisa rin, ay
aw makipag-usap sa akin! Gusto ko na talagang huminto.Ryan.
Mga apat na oras gabi-gabi akong gumagawa ng assignment! Hindi na akomagkandaugaga
sa dami ng assignment, project, at exam. Hindi ko na kaya.Cindy.
Sa eskuwelahan namin, kabi-kabila ang riot, may bomb threat, may isangnagpakamatay, at t
atlong nagtangkang mag-suicide. Kung minsan, parang ayoko nangpumasok!Rose.
Nakaka-relate ka ba sa kanila? Kung oo, anong sitwasyon ang nagtutulak sa iyo na huminto
sa pag-aaral?

Baka desidido ka nang huminto sa pag-aaral. Pero bakit ka ba hihinto? Dahil ba sa iniisip
mong sapat na ang nakuha mong edukasyon o dahil nagsasawa ka na?

HihintoAnong Dahilan?

Hindi pare-pareho ang edad o bilang ng mga taon ng pag-aaral. Sa ilang bansa, karaniwan
nang gumagradweyt ang mga kabataan matapos ang lima hanggang walong taon. Sa ibang
bansa naman, inaasahan silang mag-aral nang di-bababa sa sampung taon.
Bukod diyan, may ilang bansa na puwede ang homeschoolingang estudyante ay nag-aaral
sa bahay sa pahintulot at tulong ng kaniyang mga magulang. Kaya kahit hindi pumapasok sa
eskuwelahan, tuloy pa rin ang pag-aaral niya.
Pero kung iniisip mo nang huminto sa pag-aaral kahit hindi ka pa nakakagradweytsa
paaralan man o homeschoolkailangan mo munang pag-isipan ang mga sumusunod:
Ano ang kahilingan ng batas? Gaya ng nabanggit na, iba-iba ang itinuturing na saligang
edukasyon sa bawat bansa. Ilang taon ba ang kinikilala ng batas na saligang edukasyon sa
inyong lugar? Nakumpleto mo na ba iyon? Kung hindi pa at hihinto ka na sa pag-aaral,
nababale-wala mo ang payo ng Bibliya na magpasakop sa nakatataas na mga awtoridad.
Roma 13:1.
Naabot ko na ba ang mga goal ko sa pag-aaral? Ano ba ang goal mo? Hindi ka sigurado?
Dapat alam mo! Kung hindi, para kang sumakay ng tren nang hindi mo alam kung saan mo
gustong pumunta. Kaya makipag-usap sa iyong mga magulang, at sagutan ang worksheet
na Ang Goal Ko sa Pag-aaral, sa pahina 139, para makapagpokus ka sa goal mo at maiplano
ninyo ng magulang mo kung gaano ka katagal mag-aaral.Kawikaan 21:5.
Tiyak na papayuhan ka ng mga teacher mo at ng iba pa kung ilang taon ka dapat mag-aral.
Pero mga magulang mo pa rin ang magpapasiya. (Kawikaan 1:8; Colosas 3:20) Kung titigil ka
na bago mo pa maabot ang mga tunguhing itinakda mo at ng mga magulang mo, hindi ito
makatuwiran.
Ano ang motibo ko sa paghinto? Huwag mong dayain ang sarili mo. (Jeremias 17:9) May
tendensiya ang tao na ipangatuwiran ang makasariling pagkilos.Santiago 1:22.
Isulat ang makatuwirang mga dahilan kung bakit gusto mo nang huminto.

Isulat ang makasariling mga dahilan kung bakit gusto mo nang huminto.

Anu-ano ang isinulat mong makatuwirang dahilan? Baka para sumuporta sa pamilya o
magboluntaryo para turuan ang iba tungkol sa Diyos. Ang makasariling mga dahilan ay
posibleng pag-iwas sa mga exam o assignment. Mahalagang malaman mo kung ano talaga ang
motibo momakatuwiran ba ito o makasarili?
Balikan ang isinulat mo sa itaas. Magpakatotoo ka at i-rate mula 1 hanggang 5 ang mga
dahilan kung bakit gusto mong huminto sa pag-aaral (1 ang hindi masyadong mahalaga at 5
ang pinakamahalaga). Kung titigil ka para lang takasan ang mga problema, baka magulat ka sa
maaaring mangyari.

Ano ang Masama sa Basta Paghinto?


Kung basta ka na lang hihinto, para kang tatalon mula sa tren nang hindi pa nakakarating sa
destinasyon mo. Maaaring hindi komportable sa tren at masungit ang mga pasahero. Pero kung
tatalon ka sa tren, siyempre, hindi ka makakarating sa destinasyon mo at malamang na
madisgrasya ka. Ganiyan din kung basta ka na lang hihinto sa pag-aaral. Baka hindi mo maabot
ang mga goal mo, at maranasan mo ang sumusunod:
Mga problema: Baka mahirapan kang maghanap ng trabaho, at kung makakuha ka man,
baka mababa ang suweldo. Baka mas matindi pa ang pressure sa magiging trabaho mo kaysa
sa pressure na nararanasan mo ngayon sa school at mapilitan kang kumayod nang todo para
masapatan ang pangunahing pangangailangan sa buhay.
Mas mabibigat na problema: Ipinakikita ng mga pagsasaliksik na ang mga tumitigil sa pagaaral ay mas malamang na humina ang kalusugan, makulong, o umasa na lang sa suporta ng
gobyerno.
Siyempre, hindi garantiya na kapag nakapagtapos ka, libre ka na sa mga problemang ito.
Pero kung hihinto ka sa pag-aaral, mas malaki ang tsansa na maranasan mo nga ang mga ito.

Mga Pakinabang Kung Hindi Ka Basta Hihinto


Totoo, baka gusto mo nang sumuko kapag bumagsak ka sa exam o masyado kang na-stress
sa schoolpakiramdam mo, wala nang mas bibigat pa sa problema mo ngayon. Pero bago
gawin ang inaakala mong solusyon, tingnan kung paano nakinabang ang mga estudyanteng
nabanggit sa simula ng kabanatang ito dahil hindi sila huminto.

Natuto akong magtiis at maging determinado. Saka kung gusto mo palang magingmasaya sa
ginagawa mo, nakadepende yan sa iyo. Dahil hindi ako huminto sa pag-aaral,natuto ako ng mg
a bagay na makakatulong sa akin pagkagradweyt ko.Rachel.
Alam ko na maaabot ko ang mga goal ko kapag nagsikap ako. Pinili ko ang technicaltraining
sa haiskul na makakatulong sa akin na makapagtrabaho bilang press mechanic.John.
Dahil hindi ako huminto, mahusay na akong magbasa at magsulat. Marunong na rinakong tu
manggap ng puna. Natuto akong maging mahusay sa pagpapaliwanagatmalaking tulong ito s
a akin bilang isang ministrong Kristiyano.Ryan.
Dahil sa pag-aaral, naging mas mahusay akong lumutas ng mga problema, sa loob mano la
bas ng klase. Natuto akong makitungo sa mga tao at harapin ang mga problema saschool at iba
pang problema sa buhay.Cindy.
Ang school ang naghanda sa akin kung paano haharapin ang mga hamon sa trabaho.Mara
mi ring pagkakataon na nasubok sa school ang pananampalataya ko, kaya naobligaakong suriin
ito at lalo akong nakumbinsi na tama ang relihiyon ko.Rose.
Isinulat ng matalinong haring si Solomon: Mas mabuti ang huling wakas ng isang bagay
kaysa sa pasimula nito. Mas mabuti ang matiisin kaysa sa isa na may palalong espiritu.
(Eclesiastes 7:8) Kaya imbes na basta na lang huminto sa pag-aaral, magtiis at sikaping lutasin
ang mga problema mo sa paaralan. Kung gagawin mo ito, sa bandang huli, mapapabuti ka.
SA SUSUNOD NA KABANATA
Paano kung ang teacher mo ang problema mo sa school?
TEMANG TEKSTO
Ang bawat isa na padalus-dalos ay tiyak na patungo sa kakapusan.Kawikaan 21:5.
TIP
Kung nahihirapan ka sa school, subukan mong mag-aplay sa accelerated learning program
para makagradweyt ka nang mas maaga.
ALAM MO BA . . . ?

Ang mahilig mag-cutting classes ay mas malamang na huminto sa pag-aaral.


ANG PLANO KONG GAWIN!
Kung nahihirapan ako sa isang subject, imbes na huminto, ang gagawin ko ay
Kung masyado na akong nai-stress sa school at parang gusto ko nang huminto, ang gagawin ko
ay
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay
ANO SA PALAGAY MO?
Bakit mahalagang maging mahusay ka sa math, pagbasa, at pagsulat?
Bakit mahalagang may inaabot kang maliliit na goal habang nag-aaral?
Bakit importante na nag-aaral ka pa lang, may ideya ka na kung anong trabaho ang gusto mo
pagkagradweyt mo?
[Blurb sa pahina 140]
Hindi mo matatakasan ang mga problema. Pero sa school, matututo ka kung paano harapin
ang mga ito, at malaking tulong ito lalo na kapag nagtrabaho ka na.Ramona
[Kahon sa pahina 139]
Worksheet
Ang Goal Ko sa Pag-aaral
Isang pangunahing dahilan kung bakit ka nag-aaral ay para makapaghanapbuhay ka at
masuportahan ang sarili mo at ang magiging pamilya mo. (2 Tesalonica 3:10, 12) Naisip mo na
ba kung anong trabaho ang gusto mo at kung paano mo magagamit sa trabahong ito ang pinagaaralan mo ngayon? Para makita kung angkop sa goal mo ang kinukuha mong edukasyon
ngayon, sagutin ang sumusunod:
Saan ako mahusay? (Halimbawa, mahusay ka bang makisalamuha sa mga tao? Mahilig ka
bang magbutingting o magkumpuni ng mga bagay-bagay? Magaling ka bang mag-analisa at
lumutas ng problema?)

Sa anong trabaho ko magagamit ang aking kahusayan?


Ano ang karaniwang mga trabaho sa lugar namin?
Alin sa mga pinag-aaralan ko ngayon ang makakatulong sa akin na makakuha ng trabaho?

Anong kurso ang puwede kong kunin para maabot ang mga goal ko?
Tandaan, ang tunguhin mo ay makagradweyt at magamit ang natutuhan mo. Kaya hindi ka rin
naman puwedeng maging estudyante habambuhayayaw nang bumaba sa tren para
makaiwas sa mga responsibilidad ng isang adulto.*
[Talababa]
May higit pang impormasyon sa Tomo 2, Kabanata 38.
[Larawan sa pahina 138, 139]
Kung basta ka na lang hihinto sa pag-aaral, para kang tatalon mula sa tren nang hindi ka pa
nakakarating sa destinasyon mo

Problemang Panlipunan,
Mga Problema Sa
Edukasyon Sa Bansang
Pilipinas [Pananaliksik]
Ratings: (4)|Views: 68,145|Likes: 109
Published by Jovis Malasan
See more

KABA
NATA
V

LAGOM,
KONKLU
SYON
AT
REKOME

NDASYO
N
A. L
AGOM

Ang
pananaliksik
na ito ay

isang pagaaral sa mga


problemang
pangedukasyon ng
ating bansa,
kung anu-ano
ang mga

dahilan kung
bakitnagkakar
oon nito at
mga epekto
kung itoy
nakakabuti o
nakakaganda
saisang

bansa. Para
sa
pananaliksik
na ito akoy
gumamit ng
mga tanong
namagbibigay
at maglalahad

ng mga
kanyakanyang
propisisyon at
kuro-kurona
nanggaling sa
aking
nasarbey.A.K

ONKLUSYON

Maraming
problemang
pangedukasyon an
gating bansa
isa na rito
angmga mag-

aaral na di
nakakapag
tapos ng pagaaral dahil
nga sa
kahirapan,pro
blema sa
pamilya,

pagbibisyo, o
kayay
napupunta sa
masamang
landas.May
mga kabataan
na rin na
nagrerebelde

dahil sa
kakulangan
ng
atensiyonat
hindi na
naaasikaso ng
kanilang mga
magulang.

Ang
kakulangan
ngkagamitan
at pasilidad
sa bawat
paaralan,
Dahil nga sa
malaking

populasyonng
ating bansa
nagkukulang
ang mga
kagamitang
ito tulad ng
mga libro,

kwaderno,
bolpen
maging silidaralan o
kayay
paaralan.
Kung
nagkukulanga

ng kagamitan
ng ating
bansa
puwede rin
dahil sa
kakulangan
ng
pondo.Mabab

ang kalidad
ng pagtuturo
sa mga magaaral na
nagiging
dahilan
ngmaling
pagkatuto

nito. Ang
Edukasyon ay
sumasaklaw
rin sa
pagtuturo
ngmga guro
na nagbibigay
ng kaalaman

sa kanilang
mga
Estudyante
ngunit
sapanahon
ngayon tayoy
nahihirapan
kung

maganda ba
ang natuturo
ng mgaito sa
kanilang magaaral. Hindi
rin napaguukulan ng
pansin ang

edukasyonsa
mga liblib na
lugar dahil sa
kalayuan na
rin ng pook at
kakulangan
ngmga titser
na nais

magboluntary
o dahil nga
kaunti lng ang
mga
suweldonito.B
.R
EKOMENDASYON

Nirerekumend
a ng
mananaliksik
ng pag-aaral
na ito na
magkaroon
ngisang mas
epektibong

pag-aaral pa
sa mga
problemang
pangedukasyon
ngating bansa
upang mas
mapalawak

pa ang mga
kaalaman at
isipan ng
mgatao
tungkol na rin
sa
Problemang
Pang-

edukasyon na
nararanasan
ng
atingbansang
Pilipinas.

BIBLIOG
RAPIYAB

IBLIOGR
APIYA
http://www.ab
ante.com.ph/i
ssue/sep1909
/op_ev.htmhtt
p://cyndi18.m

ultiply.com/jo
urnal/item/10/
Edukasyong_P
ilipino_Binabal
iwala_Miseduk
asyon.http://w
ww.ellentorde

sillas.com/?
p=279
http://www.ab
ante.com.ph/i
ssue/june271
0/news04.htm
http://www.ab
ante.com.ph/i

ssue/jan2410/
op_jb.htm

PATUNG
KOL SA
AWTOR

PATUNG
KOL SA
AWTOR
I.Co
ntact Information

Pangalan :
John Kevin S.
BaldovinoTira
han : 2146
Don Fabian St.
Commonwealt
h Avenue
Q.C.Telepono/

Cellphone
Number :
430-6054/09997158
010E-mail
Address
:nivek_6727@
yahoo.comII.P

ersonal na
DatosEdad:
15Kapangana
kan : Hunyo
27,
1995Lugar ng
Kapanganaka
n : Quezon

City, Metro
ManilaLahi :
FilipinoKasaria
n:
LalakiPangala
n ng Ama :
Joel C.
BaldovinoPan

galan ng Ina :
Vivian S.
BaldovinoIII.E
ducational
BackgroundPa
aralan :

Preparatorya :
Immaculate
Mother School

Elementarya :
Flos Carmeli
Institution
of Quezon
City

Sekondarya :
Flos Carmeli
Institution of
Quezon
CityI.Mga
interes at
pangarapAng
aking tanging

pangarap
simula ako ay
ipinanganak
aymakapangg
amot
ng kapwa. Nai
s ko rin
makapunta sa

ibat ibanglug
ar sa ating
bansa o kung
papalarin ay
sa buong
mundo
upanglumawa
k ang aking

kaalaman.
Nais kung
magkaroon ng
masayangbuh
ay, gusto
kong
magkaroon ng
marangal at

maayos na
trabaho
atmakabuo
ng isang
pamilya. Sa
aking paglala
kbay
sa hinaharap,

naiskung
makasalamuh
a ng ibat
ibang uri ng
tao na
makakatulong
sapagkamit
ng mga

pangarap na
aking
inaasam.

Вам также может понравиться