You are on page 1of 13

Compilation

s ng mga
Aralin sa
Filipino
Nicole Xyril T. Gasmin
G8-Beige
Mrs. Lajara

Aralin 1 : Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at


Panitikang Popular
A. Panitikan: Mga Popular na Babasahin
Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan
- Pahayagan (Tabloid)
- Magasin
- Komiks

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan


Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng
modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil,
nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa
kasalukuyan na
ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks at
magasin
ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyonal na
uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo,
pamamaraan, at kaalamang teknikal ang kontemporaryong panitikan.
Tabloid
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng
mga balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa
pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong
mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan
bilang isang uri ng print
media ang kailanmay hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa
kaniyang
blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.

Tabloid: Isang Pagsusuri


William Rodriguez II
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya
lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita
sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang
lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo. May sariling hatak ang
nasa print media dahil lahat ay di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa,
hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang
mga nilalaman nito. Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa
ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports,
literatura, o di kaya'y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang
lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipasoras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pangmasa dahil sa
Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay ingles ang midyum. Hindi katulad
sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid
ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't
tinagurian itong sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng
aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa
masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong 21 na national daily tabloid at apat lang naman
sa weekly tabloid na nagsi-circulate sa bansa. Huwag ng isama ang mga
diyaryo na wala sa merkado na kaya lang nakakapagpatuloy ay dahil sa
pagpi-PR sa mga politiko. Ang ilang tabloid ay konektado rin sa broadsheet at
mayroon ding mga publishing na dalawa o tatlo pa ang hawak na diyaryo.
Mapapansing marami sa mga tabloid na ibinebenta ay pawang nagtatampok
ng mga istoryang tungkol sa sex at nagpapakita ng mga larawang hubad ng
kababaihan; pangiliti lang daw. Ngunit ang totoo ay pinupuntirya nila ang
libido ng tao para lang makabenta. Tuloy, mababa ang tingin ng iba sa mga
tabloid dahil sa ganitong kalakaran. Pumasok din sa eksena ang mga smut
tabloid na sagad sa kalaswaan!
Mahalaga pa naman ang ginagampanan ng media sa paghubog ng kaisipan
ng mamamayan. Kaya nitong bumuo at magwasak ng isang indibidwal o
kahit institusyon. Mabuti na lamang at may matitino pa ring tabloid.
Siyempre, kabilang na rito ang PINAS na nagtataguyod ng alternatibong
pamamahayag.

Magasin
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino.
Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa
man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay
talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging
dahilan
din ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang
produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang ibat ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan,
naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga
impormasyon na nagiging
ang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming
bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang
pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito
ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan
tungkol
sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan,
kultura, at
aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina.
Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila
upang
gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging
mabuting
maybahay.
4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman

nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensiyon na


larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga
pinakasikat na artista sa
bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping, at
mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
7. Mens Health Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa
mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pagehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at
mental na
kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging
paborito ng
maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang
mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito
rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pagaalaga
ng mga gadget.
9. Entrepreneur Magasin para sa mga taong may negosyo o nais
magtayo ng negosyo

Komiks
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman
ang komiks ng diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto
upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagamat palagiang paksang
katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng
sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang
mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na
babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang

kaalaman, at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay


binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.
Ang pagiging malikhain ng mga manlilikha ng komiks ang nagpagalaw
maging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng
iba. Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika.
Pinagkabit-kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad
nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay
may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang.
Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng
mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming
pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito
sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920.
Magmula rito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks
noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks
noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng
komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang
paggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at hitsura ng
komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas
para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya. Kabilang dito sina
Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Nio, at iba pa. Pagkatapos ng Batas Militar
muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito sumikat ang
manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron, at Nerissa Cabral. Ang
pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang
hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa ibat ibang
anyo ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang
industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas.
Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyonal na
komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks
caravan sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng
komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, worldclass ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang
galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat
sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong
Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio,
Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.

Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks.


Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. Hindi
mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at
teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino
hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para
makabasa -- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.

B. Wika
Mga Antas ng Wika
Ang mga nabanggit na anyo ng kontemporaryong panitikan ay gumagamit
ng ibat ibang antas ng wika. Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal
at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal,
nariyan ang pambansa, pampanitikan, at Teknikal. Samantala ang mga Dipormal naman ay lalawiganin, kolokyal, at balbal.
Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang pormal, di-pormal, at ang
balbal
1.
Pormal Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng
mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga
paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng
bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-arawaraw na
usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga
panuntunang gramatikal.
2.
Di-Pormal Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple
lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang.
Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga
panghalip na ako at mo. Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng dinrin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo
na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit

ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa
mga kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o
pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga
mababa ang katayuan sa buhay. Kung itoy hiram, binabago ang anyo nito
upang maiakma sa paggamit.
3.
Balbal - o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa
isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong
salitang kanto o salitang kalye. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa
impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o
pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang.

Kontemporaryong Dagli
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling
kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas,
sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang
akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa
haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng
dagli
sina Iigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de
Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco
Laksamana, at Lope K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot
ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling
Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang
Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung
hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga
Espaol dahil

hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa
ngunit patula ang himig.
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento
at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang
pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni
Tolentino para sa antolohiyang Ang Dagling Tagalog: 1903-1936 ang
tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang
kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng
napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang
mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na
Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa
harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong
kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum,
pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, natransform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng
ibang lehitimong pangalan at katawagananekdota, slice-of-life, day-in-thelife, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa
media).

Aralin 2 : Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang


Pilipino
A. Panitikan
Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito.
Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa
larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga
Mapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng radyo sa
pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Matututuhan mo
rin kung paano makasusulat ng isang komentaryong panradyo gamit ang
ibat ibang konsepto ng pananaw. Sa ibaba ay mababasa mo ang ilang mga
gabay na tanong na maaaring makatulong sa iyo upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa araling ito.

naghahatid ng
musika

nagpapahatid ng
mga panawagan
nagpapalabas
ng pelikula

nagpapalabas
ng variety

nagpapalabas
ng teledrama

nagpapakilala ng
isang produkto

nakikinig ng
mga awit

nagbibigay ng
opinyon kaugnay
ng isang paksa

naghahatid ng mga
talakayan / pulso ng
bay
naghahatid ng
napapanahong
balita

Komentaryong Panradyo
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin Levy, Koordineytor,
ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag
ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu,
o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang
pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang
kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa
kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o
pananaw.

Dokumentaryong Panradyo
Ito ay isang paglalahad ng mga impormasyon patungkol sa isang bagay na
pinaguusapan na isinalalarawan sa pamamagitan ng telibisyon,ang mga

dokumentaryo ay may iba't ibang uri ng tema na naayon at napapanahon na


maaaring makapagbigay sagot sa katanungan ng nakararami.
Ang Dokumentaryong Pantelebisyon ay Ipinapalabas Sa TV Upang Malinawan
Ang Pag Iisip Ng Mga Tao.
MGA HALIMBAWA :
Frontrow
IWitness
Real Time

Aralin 3 : Dokumentaryong Pampelikula


Midyum sa Pagbabago
Mga Elemento ng Pelikula
a.Sequence Iskrip Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng
kuwento.
b.Sinematograpiya Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong
timpla ng ilaw at lente ng kamera.
c.Tunog at Musika Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi
ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang
interes at amdamin ng manonood.

Iba pang mga Elemento


a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at
paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay
naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng
palabas.
b. Disenyong Pamproduksyon Pagpapanatili sa kaangkupan ng
lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na
paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano
patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.
d.Pag-eedit Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng
mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling
sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na
nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng
pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera
1. Establishing / Long Shot Sa ibang termino ay tinatawag na
scene- setting. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong
senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging
takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
2. Medium Shot Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula
baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong
may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.
Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.
3. Close-Up Shot Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay
lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay
ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang
papel.
4. Extreme-Close Up Ang pinakamataas na lebel ng close-up
shot. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up
. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip
na sa buong mukha.
5. High Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa
ilalim.

6. Low Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
7. Birds Eye-View Maaari ring maging isang aerial shot na
anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay
nasa ibabang bahagi.

Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag


a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin
1. Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo. (pagtanggap)
2. Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala? (pag-aalinlangan)
3. Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga
pananalitang yaon. (pagtanggi)
4. Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.
(pagsang-ayon)
5. Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.
(pagsalungat)
b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at
ipinadarama
1. Pagbibigay-babala
Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad. (pagbibigay-babala)
Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.
2. Panghihinayang
Sayang, tama sana ang aking kasagutan.
Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari
yaon.
3. Hindi Pagpayag
Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.
Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais nyong isagawa.