Вы находитесь на странице: 1из 2

A bomb threat story

Dilaan mo muna bago mo ipasok


Jan Christian Mendoza

Hapon noon. Lumabas na ako dahil napansin ko na hindi productive ang pagtitig
sa magandang kalangitan at iyong silhouette (wow umaasenso sa English) na nabuo
noong mga sanga ng puno. Bakit nagmamadali ang mga tao at kunwaring nagpapanic
habang iwinawagayway ang kanilang buhok sa saliw ng Haba ng Hair.? Ewan ko kung
iniiwasan nila ang angelus o sadyang nagmamadali lang sila.
Nakasalubong ko ang dalawa kong kaklase na tagaktak ang pawis; habang
bumubula ang bibig sinabi nilang May bomb threat daw. Kaya uwi na ang lahat. Ah
okay sabi ko. Medyo nakakagago yong nagthreat ah. Bakit hindi niya ginawang umaga
para 7:30 pa lang wala ng klase? Siguro busy siya at inaabangan niya ang paborito
niyang anime sa tv , ang Princess Sarah. Bakit hindi rin noong tanghali para sakto ang
putukan sa labasan at pasukan? At bakit hapon kung kailan medyo kaunti na ang tao?
Siyempre hindi kami nagpatalo. Nakisama kami sa trend. Hawak-kamay kaming
humakbang ng mabagal habang tumutugtog ang Isang Pangarap ni Angeline Quinto.
Dali-dali kaming naglakad, nagtumbling, gumulong, nagtumbling ulit, tumapak sa
nagbabagang uling, gumapang sa mga bubog, nagtumbling ulit at tumalon. Dapat
ganoon ang drama kasi nga mala-action film ang tema at kailangan naming magmadali
para hindi masabugan. Papalapit na kami sa main gate nang kami ay magpanic.
Waaah! Malapit ng mag-six! Mag-i-angelus na! Hala! Titigil din ba yong bomba? Baka
masabugan tayo sa loob. Hindi ko pa naman tapos ang DOT ko. Paano na ang
magandang bukas ahead? Paano ko na ipapa-crush shout out ang sarili ko? Paano na
ako magla-like sa TLF? Paano? Waaah! Magzu-zoom in ang video sa ngalangala ng
kaklase ko at dahan-dahang masisilayan ang kanyang apdo at iba pang internal organs.
Ahy bakit hindi nag-angelus? Ah basta, kailangan mo pa rin umalis para
maipagpatuloy mo pa ang inyong lahi. Hindi rin mawawala sa eksena ang mga
Peeniss(Peeta & Katniss) loveteams o yong pemepeg-ebeg na mga nilalang.
Lalake: Kahit anong mangyari, ako pa rin dapat ang makakabuntis sa iyo, oh
sinta ko.
Babae: Kahit ano ring mangyari ikaw pa rin, oh aking iniirog, ang magiging tagalaba ng brat panty ko.

Mabalik tayo sa pagpapasabog. Medyo naisipan kong bumalik at tulungan ang


ating mga guwardiya sa paglilibot ng buong campus. Bakit? Para makalibot lang. Isama
mo rin ang chance na baka pag nahanap ko ang bomba at napatigil ito sa pagsabog,
gawaran ako ni Father President ng Mr. Foundation Day 2014 award. Pero hindi eh.
Kailangan ko na bang kompyutin ang maximum horizontal at vertical
displacement na mapapadparan ng mga lamang loob ko partikular na ang aking
appendix using projectile motion?
Teka, selfie muna ah kasi maganda itong i-share sa friends online. Kailangan rin
siyempre natin ng memorabilia bago masabugan; para sa burol may mapagdidiskitahan; at para may pang-throwback ang mga kamag-anak kasabay ng caption:
In memory of Pablo Diyab. We miss you so mats. Mwah mwah tsup tsup. Pakamusta
kay San Pedro.
Nakalabas na kami ng ligtas, kumpleto, walang galos at hindi naging gula-gulanit
ang katawan. Pero bakit ang dami pa ring tao sa labas? Pati ba ang pagsabog
blockbuster at kailangang pilahan? Ano yun, pagkasabog magsisigawan sila ng
Number one! Number one! Number one! o kaya Sana may part two?
Ayun at nakauwi na nga ako. Dali-dali ko itong kinuwento sa aking mga kaibigan
at inabangan sa bintana ang pagsabog; ngunit, wala. Buti na lang at walang nasaktan.
Salamat sa Poong Maykapal, sa producer at director ng mala-pelikulang ito, sa pitong
dragonball, kay Elsa at sa rectal thermometer na ang sabi dilaan pagkatapos ipasok.

Вам также может понравиться