Вы находитесь на странице: 1из 1

Mahal Kita Pero Spot

Mahal kita pero...


...wala pa ko sa tamang edad...
Mahal kita pero...
...hindi pa ko ready...
Mahal kita pero...
...dapat studies muna ang unahin...
Mahal kita pero...
...di pa ito ang tamang panahon.
Namuti na ba ang mga mata mo kakaantay sa iyong ka-forever?
Nabiktima ka na ba ng bad timing?
Totoo ba yung lyrics ng kanta na, We had the right love at the wrong time?
Kaibigan, may aral ang bibliya tungkol sa bagay na iyan!
Ang sabi sa Mangangaral 3:1 "Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang
panahon, may kanya-kanyang oras."
Kaya mga tropa, wag ka malungkot kung di ka sinagot ng crush mo dahil baka hindi pa
ito ang tamang panahon upang magtagpo ang inyong mga puso. At ikaw girl, kung
talagang mahal ka niya, aantayin ka niya nang kahit gaano katagal pa!
Dahil ang pag-ibig, hindi nasusukat sa dami ng sine at popcorn na pinagsaluhan, sa
sandamakmak na text at tawag, o sa tagal ng monthsary na sinelebreyt niyo... Ito ay
nasusukat sa iyong matiyagang paghihintay para sa pagdating ng love of your life.
Kayat habang di pa tama ang panahon ay tatagan natin ang ating mga puso. Magtiwala
tayo sa Diyos. I-enjoy natin ang ating kabataan kasama ang Panginoon, magpakalago
tayo sa ating relasyon sa Kanya. At pag nakilala na natin ang ating, The One,
handang-handa na tayo sa byaheng forever.

Вам также может понравиться