Вы находитесь на странице: 1из 5

Kabanata XXVI

Mga Paskil
Buod
Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais niyang pakialaman ang kanyang
linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos madalaw ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng
perang gugugulin. Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli.
Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon. Iniugnay niya
sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni Simoun. Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon
sa nagbabalita. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.
Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung nasa
piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa
kapisanan ay pinayuhan nitop ang binata na umuwi nat sirain niya ang lahat ng kasukatang
magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang
mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Ditoy may ibang mga kamay na
nakapangingilabot, anang katedratiko.
Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay raw mga estudyante.
Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga paskin (posters) na mapanghimagsik.
May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio,. Ang una: Nangangamoy na si
Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre.
Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita. Marami raw estudyante ang
papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa pag-aaral.
Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayoy itiwalag nila di kayo makatatapos sa
inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskil.
Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya.
Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa kapisanan ng
mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil wal ng klase.
Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi: Wala-wala akong kinalaman, wala
akong kinalaman ; ikaw ang saksi ko Basili, na sinabi kong isang quijoterias ang lahat
Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa kanila.
Natanaw ni Basilio si Isagani. Namumutla ang huli ngunit pinagpupuyusan ng kalooban.

Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga bagay ay nagkakagulo tayo na


parang mga mayang paking na itinaboy ng tau-tauhang panakot. Ito lang ba ang pangyayari na
ang kabataan ay mabibilanggo dahil sa kalayaan? Nasaan ang mga binitay, ang mga
pinagbabaril? Bakit tayo magsisiurong ngayon?
May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat naiyon?
Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang ( mga kura ) alamin niyon. Ngunit
di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako
dahil naroon ang karangalan. Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban, sino man
ang sumulat noon ay dapat nating pasalamatan. Kung hindi naman ay sapat nang tutulan natin at
tanggihan, ani Isagani.
Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Tutungo siya kay Makaraig upang
mangutang. Di niya alintana ang mahiwagang senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig.
Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana. Anya: Naparito ako upang
makipagkita ako sa kaibigan kong si Makaraig. Nagkatinginan ang dalawang tanod.
Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig kay Basilio. Anito:
Marangal na pagkatao! Sa panahon ng kapayapaan ay umiwas kayo sa amin ..
Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala kung sino Pati ba ako? tanong ni Basilio.
Nagatawa si Makaraig. Huwag kayong mag-alala. Mabutit ng maibalita ko sa inyo ang ukol sa
hapunan kagabi samantalang nasa sasakyan tayo.
Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay Makarai. Sinabi ni Makaraig
na ma-aasahan siya ni Basilio at sa magtatapos raw ng madodoktor ay aanyayahan pa nila ang
mga kawal na dumakip sa kanila.

Kabanata XXXIX
Katapusang Kabanata
Buod
Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de
Espadana na nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing
iyon. Inakalang siyay natunton na ni Donya Victorina.
Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa
ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama: Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera
remitara vivo muerte.
Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si Simoun
may dalawang araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi pa
nakabalita ang pari ng nangyari sa Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan
Heneral ay may nagtangkang maghiganti kay Simoun. Ang sugat niyay buhat daw sa kawalangingat, ayon sa mag-aalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At nakatulong ang hinala ng pari
na si Simoun ay tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang telegrama.
Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr.
de Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun.
Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni
Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga
darakip. Naisip ni Padre Florentino na isang taong palalo si Simoun. Datiy makapangyarihan,
ngayoy kahabag-habag. Ngunit bakit sa kanya pinili ni Simoun na makituloy? At darakpin na
lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Inisip ni Padre Florentino
kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong noong kapanahunan nito ay
humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo.
Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang nakalilipas
upang tulungang makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan
upang mapadali ang pagaasawa ni Paulita kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at
ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip
kundi ang pagliligtas kay Simoun. Ngunit parang walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang
sarili.
Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang anyo sa mukha ni
Simoun. Waring isang lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng mag-aalahas.
Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang pari.

Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw na sinabi ng mag-aalahas na


huwag na silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang dala niya ang kanyang lihim.
Ang pari ay lumuhod sa kanyang reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at nanalangin sa paanan ng
imahen ni Hesukristo at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon sa
maysakit, at tumalagang makinig.
Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na
ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig.
Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik siyang
puno ng pangarap at pag-asa.Pinatawad ang mga nagkasala sa kanyang ama pabayaan lamang
siyang mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang
kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.: pangalan, yaman, pag-ibig,
kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang kaibigan. Tinika
niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan ng kanyang magulang
at siyay nangangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang kapitan
heneral na noon ay kumandante pa lamang. Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa
kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang
maging kapitan heneral ang kaibigan at naging sunud-sunuran sa kanya dahil sa katakawan sa
salapi.Inupatan
niya
ang
kapitan
sa
paggawa
ng
maraming
kabuktutan.
Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari ang katahimikan.
Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay Simoun na
igalang ang kalooban ng Diyos Mahinahong nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya
tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay dahil masama ang kanyang
pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at
kasamaan.Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay mga salarin ang
nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay
kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig.
Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali. ngunit
naitanong niya ng dahil ba sa magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng
isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat at
mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap.Ang
nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang tugon ng pari.
Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga hindi pa nakaranas ng
pagtitiis at paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit.
Sinabi ng pari ay ito raw ang isang Diyos na makatarungan.Diyos na nagpaparusa sa kakulangan
natin ng pananalig at sa mga gawa nating masama.Pinabayaan natin ang kasamaan kayat
katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa tulong ng patalim.
Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at karangalan ng tao.. Gumawa
tayo ng mabuti , tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan.
Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa.
Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan.

Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si Padre Florentino;
Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at
kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan ? Saan naroon ang handang
magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang
pagpapakasakit itoy kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan
na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay
na sa aming puso? O kabataan, kayoy aming hinihintay!
Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa
durungawan. May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa tulong ng
isang lampara ay tinanglawan si Simoun. Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na.Lumuhod at
nanalangin si Padre Florentino.
Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino Kinuha
ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin
ng tingin ang kalaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas
ni Simoun. Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.

Вам также может понравиться