Вы находитесь на странице: 1из 1

MAHAL KONG KAIBIGAN

BY: ABBY MAE MOSO


Oh, mahal Kong kaibigan
Panalangin koy wag iwan
Lungkot man ay nadaanan
Sa tabi niyoy naiibsan

Nang kayo ay nakilala


Ang mundo ko ay sumigla
Sakit man ay dinaranas
Kalingay di na aagnas

Kaibigang nasa tabi


Sa saya man o paghikibi
Katulad ng mga dahon
Kahit saan man naroon

Oh mahal kong kaibigan


Palagi mong tatandaan
Na simple man sa paningin
Maasahan Mo pa rin.

Вам также может понравиться