Вы находитесь на странице: 1из 4

Somewhere, Somehow

Paunang Salita
Ang nobelang ito ay pawang katotohan lamang at hindi produkto ng imahinasyon
ng manunulat.
Ang mga pangalang ng mga nabanggit na karakter sa kwento ay marahil iba sa
totoong buhay, ngunit nagtataglay ng kanilang mga personalidad.
Atin po sanang subaybayan ang pag lalakbay ng isang binata sa paghahanap ng
kanyang tunay na
pag-ibig.

UNANG KABANATA: WALANG FOREVER

Lihim akong nagtiim bagang ng mabasa ko sa facebook ang isang napakalungkot


na balita. Malalim akong nag-isip sa aking pag-iisa:
Totoo ba talaga to?
Sana panaginip lang ang lahat
At binabangungot lang ako,
Ngunit hindi, malinaw pa sa sikat ng araw
Ang katotohanang
Kahit na konti, hindi nya ako minahal.
Kahit na katiting pagmamahal ay wala,
Napakasakit pala
Magmahal ng totoo tapos mabibigo lang
Ayoko na.
Mahigit anim na taon kong lihim na minahal si Carla. Noong una palang na nakilala
ko siya ay inibig ko na siya. Alam kong hindi ako nag karoon ng lakas ng loob para
ipagtapat sa kanya ang pag-ibig ko, ngunit sobrang manhid ata siya, at hindi niya
naramdaman yun. Hindi ko napansing ilang oras na pala akong tulala.
Na post ko tuloy sa facebook yung nararamdaman ko.
Feeling broken
Feeling shit
Feeling walang forever
Bahala na sa bahay kung asarin man nila ako.
Tanging facebook lang ang nakakaalam ng totoong nararamdaman ko.
Ok, so ngayon ikakasal kana. Congrats nalang. Sana masaya ka na.

Natapos na rin sa wakas ang shift ko, makakauwi na ako at makakapag pahinga na
din.
Saktong pag dating ko sa bahay, nag seset-up pala sila ng videoke.
Narinig ko ang pagtawag sa akin ng pinsan kong si Anne
Kuya Ton! Para sayo tong kanta na to.
Ikakasal ka na, iiwan na akong nag-iisa, dati ang pag-ibig mo ay akin lamang
Ang tanging nasabi ko lamang ay
Sakto talaga ah.
Nagpatuloy nalang ako sa pag susurf sa espn, yun lang naman ang libangan ko.
Facebook, Espn, Music at ano ba pa? pagkain.
Patuloy pang kumanta si Anne, para lang asarin ako.
Pero ok lang, ganito talaga dito sa bahay.
Hindi ko nalang sila papatulan.
Siguro, di talaga kami ni Carla
Kasi sa loob ng anim na taon,
Pinilit ko namang ipakita sa kanya yun
Alam naman nya yun
Pero talagang wala lang siyang pakialam,
Ok, so bigo na naman tayo.
Eh, ano ngayon?
Wala naman talagang forever,
Darating din siya.
Kung sino man siya,
Sino nga kaya?

Mensahe para sa mga magbabasa: Sana po ay nagustuhan ninyo ang unang


kabanata at patuloy pang subaybayan ang kwento ng pag-ibig ni Tony. Isa isa niyo
pong makikilala ang mga karakter na magpapa ibig at magpapasakit sa ating bida.
IKALAWANG KABANATA: SIYA NA KAYA?

Disyembre, taong 2014, lulan ako sa kotse ng aking tiyuhin, at ang pinsan kong si
Ronald, kasama ang kanyang kbiyak para sunduin ang pinsan kong si Anne

Вам также может понравиться