Вы находитесь на странице: 1из 1

Deklamasyon: Anakpawis

By: Fernando Monleon

Isang tao, munting taong kahariay nasa bukid,


May maliit na bakurang abot-tanaw ng silahis;
Nagtatanod isang kubong kabahayay tila langit;
Ang libangan, halamanang sa loobay nagtatalik;
Sa maghapon, ang kawaksiy ang sariling mga bisig
Munting tao, hamak lamang iyan ako, anakpawis.
Sa kalapit na kaingin, diyan ako nagsusuyod,
Isang kawal ng paggawang nakangiti kung mapagod;
Ang ararong aking ugit, paduhapang kung humagod,
Habang yaong kalabaw koy hinahabol sa pag-isod;
Diyan unang nadama kong akoy anak sa pag-irog
Sa pag-ibig akoy pusong nalalaang pabusabos!
Sa may hulo ng bukirin, naroon ang isang sapa,
Pakiwal pang gumigilid sa pilapil na mahaba;
Doon ako nagsasakag ng pang-ulam na sagana,
Biya, hipon, hitot dalag na sa putik ay naggala;
Bawat isdang mahuli ko ay parakip ng Bathala,
Kung tuhugin sa pagsuyoy pumapalag na biyaya!
Sa duluhan, naron naman ang tumanang nakalatagl;
Ang pakwan, nakagapang, at ang milon, nakausad;
Kalabasay nanulay pa sa talusok na nagkalat
Sa alalay ng masamyo at mahinhing hanging-gubat;
Diyan ako pinagpalat nagging ganap na mapalad,
Diyan kami nagsumpaan sa lilim ng isang balag!
At sa tabon hayan lamang hindi lubhang kalayuan,
Kung tanawin sa dampa ko: taas pantay-noo lamang;
Diyan unang iniyupyop ang mukha ng Inang Bayan,
Nang yurakan sa pahirap ng malupit na dayuhan;
Diyan manding tinanggap ko ang halik ng aking hirang
Nang itindig ko ang punit na bandilang aking tangan!
Isang tao, munting taong kahariay nasa bukid,
Ang maliit na bakuray abot-tanaw ng silahis;
Kayamanan, isang kubong napupuspos ng pag-ibig;
Ang sagisag, isang tabak ni Solimang nagngangalit;
Maghapunan, sa katawan, dugong buhay ang natigis
Munting tao, kung hamak man yan ako, anakpawis!

Вам также может понравиться