Вы находитесь на странице: 1из 6

EASTER COLLEGE

Elementary Department

TABLE PF SPECIFICATION
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Oktubre 22-24, 2008

FILIPINO 6

MGA LAYUNIN PAKSANG # NG % # NG KINALALA


ARALIN ARAW AYTE GYAN
M
I. Wika:
A. Uri ng
Pangngalan ayon sa 3 10 5 #1-5
katangian

B. Uri ng 3 10 5 #6-10
Pangngalan ayon sa
konsepto

C. Kailanan at 3 10 5 #11-15
Kasarian ng
Pangngalan
3 10 5 #16-20
D. Gamit ng
Pangngalan
3 10 5 #21-25
E. Kaukulan ng
Pangngalan
II. Pagbasa:
A. Talasalitaan
B. Salawikain, 6 20 10 #26-35
Sawikain at
Kasabihan 3 10 5 #36-40
C. Detalye ng mga
akdang binasa 6 20 10 #41-50
Total: 30 100 50

Inihanda ni:

MARILYN B. BALABAG
EASTER COLLEGE
Elementary Department

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Oktubre 22-24, 2008

FILIPINO 6

Pangalan:________________________________________________________Iskor:___
Grade 6_________________ Rating:_____

I. Wika:
A. Isulat ang nawawalang pangngalang pantangi o pambalana sa bawat bilang.
1. Mongol:______________:: ____________________: aklat
2. Burnham:_____________:: ____________________: paaralan
3. Pilipinas:______________:: ____________________: Baguio
4. _________________:pangulo:: Rey Bautista:______________________
5. _________________ gulay :: Saging:____________________
B. Suriin ang pangngalang may salungguhit. Isulat sa patlang ang T kung tahas at B
kung basal.
_____6. Isang tumpok ng kamatis ang binili ni Andy kanina.
_____7. Ang pagkainggit niya kay Sarah ay napalitan ng paghanga.
_____8. Kahit limang batalyong kawal ang humadlang ay tuloy pa rin sila sa pagrarali.
_____9. May iba’t ibang katangian ang bawat nilalang.
_____10. Bawat isa ay binigyan ng Panginoon ng kakaibang kakayahan.
C. Bilugan ang hindi kasama sa pangkat. Isulat ang kasarian nito sa nakalaang patlang.
___________________11. artista, sanggol, bisita, basketbol
___________________12. bayaw, tiyo, kaibigan, manong
___________________13. kumpare, gusali, awit, aklat
___________________14. ate, pagkain, tindera, hipag
___________________15. matanda, pulubi, pangulo, telebisyon
D. Tukuyin ang gamit ng pangngalan nakasulat nang pahilis sa pangungusap. Isulat ang
S kung simuno, KP kung kaganapang pansimuno, P kung pamuno, PT kung
pantawag, TL kung tuwirang layon, o LP kung layon ng pang-ukol ang gamit nito.
_____16. Dapat tayong gumawa ng kabutihan para sa bayan.
_____17. Lahat ay dapat magpakita ng pagkakaisa.
_____18. Nene, tumulong ka sa abot ng iyong makakaya!
_____19. Si Lolo Jose, ang kapitan ng Barangay, ang siyang namuno sa proyekto.
_____20. Ang mga iskawt ay nakiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan.
E. Isulat kung palagyo, paari, o palayon ang kaukulan ng pangngalang may
salungguhit.
______________21. Ang magkaibigan ay may mabuting kalooban.
______________22. Tinulungan nila ang mga pulubi sa lansangan.
______________23. Kumakain lamang ang mga bata ng lugaw araw-araw.
______________24. Ang baon ni Alma ay ipinamigay niya sa mga kawawang bata.
______________25. Para kay Kris ang bulaklak na dala-dala nila.
II. Pagbasa:
A. Isaayos ang ginulong mga titik upang mabuo ang kasingkahulugan ng salitang
nakalimbag ng pahilig.
TIUNKA 26. Wala ni katiting_____________ na pag-asa si Ali na buhay
dahil malala na ang kanyang kanser.
AAAADDNN 27. Lagi mong tatahakin ____________ ang tamang landas ng
buhay.
OUBUBAN 28. Ang magagandang pangarap ay nahahabi sa ating isipan mula
pa sa ating pagkabata.
AINW 29. Nais kong lisanin______________ ang masamang pangyayari
sa aking buhay.
AAAALLP 30. Hindi nagkukulang sa pangaral _________________ang mga
nanay sa kanilang mga anak.
B. Suriin ang pangungusap kung tama o mali. Isulat ang Oo kung wasto at Hindi kung
mali. Gawing gabay ang mga nasasalungguhitang sawikain.
_________31. Ang magkaibang-pagkit ay matalik na magkaibigan.
_________32. Ang nagtataingang-kawali ay nagbibingi-bingihan.
_________33. Magkadikit ang tiyan ng magkaibigang magkabuhol ang pusod.
_________34. Kapag nasa pusod ka ng gubat ay nasa bungad ka nito.
_________35. Nasa kasibulan ng buhay ang taong nasa kanyang kalakasan ng buhay.
C. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga matalinhagang salita.
36. Kapag may isinuksok, may madudukot.
______________________________________________________________________
37. Ang mabuting gawa, kinalulugdan ng madla.
______________________________________________________________________
38. Anak na di paluhain, ina ang patatangisin.
______________________________________________________________________
39. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
______________________________________________________________________
40. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
______________________________________________________________________
D. Basahin ang maikling kwento. Buuin ang plot diagram sa pamamagitan ng
pagtukoy sa hinihingi.
Bagong Bayani
(Halaw mula sa Student’s Digest)
Maraming bayaning Pilipino ang nagbuwis ng buhay para sa bayan. Ngunit sa
ngayon, hindi na kailangang magbuwis ng buhay upang maging bayani.
Si Emelita Morrok ay naninirahan sa Mabalacat, Pampanga. Kaiba sa ordinaryong
mamamayan, si Emelita ay paika-ika kung maglakad dahil sa sakit na polio.
Gayunman, hindi ito nagging hadlang upang matupad ang kanyang pangarap na
makatulong sa kanyang mga kababayan. Siya’y naming guro at halos tatlumpu’t anim
na taon na siyang guro sa unang baiting sa Teodoro Elementary School.
Bukod sa pag-aasikaso sa kanyang asawa at apat na anak, nagagawa pa niyang
gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang guro. Nagsasagawa rin siya ng libreng
pagtuturo para sa mga mag-aaral na hindi kaagad makasunod sa mga aralin.
Kadalasan, siya pa mismo ang personal na pumupunta sa mga bahay-bahay upang
magbigay ng librenmg pagtuturo para sa mahihinang mag-aaral kahit na bakasyon.
Maraming mga magulang ang humahanga at nagpapasalamat sa pagtulong niya at
pagsasakripisyo para sa kanilang mga anak. Matulungin din si Emelita sa kanyang
kapwa guro. Hindi siya nag-aatubiling magbahagi ng kanyang nalalamang paraan sa
pagtuturo.
Dahil ditto, siya ang napili at itinnaghal na ia sa mga Bayaning Gurong Pilipino sa
taon ng Bagong Milenyo ng ABS-CBN Gawad Geny Lopez.
Marami tayong mga dakilang Pilpinong naglingkod nang matapat sa bayan sa
iba’t ibang larangan tulad ni Gng. Emelita Morrok, ang natatanging guro.
I. Pamagat:______________________________
II. Tauhan:____________________________
III. Tagpo:A. Lugar:_________________
B. Panahon: ___________________
IV. Pangyayari:
A. Pangunahing Pangyayari:
_______________________________________________________________
B. Suliranin:
____________________________________________________________
C. Reaksyon:
_____________________________________________________________
D. Layunin:
_______________________________________________________________
E. Binalak/Ginawa:
________________________________________________________________
F. Bunga:
V. Wakas:
__________________________________________________________________
VI. Aral:
___________________________________________________________________

Inihanda ni:

Bb. Marilyn B. Balabag

Вам также может понравиться